Elora's POV Naalimpungatan ako sa malamyos na musika, nanatili lamang nakapikit ang aking mga mata dahil masarap pakinggan ang musikang iyon. Nakaka relax at nakakagaan ng loob, may na aamoy din akong mahalimuyak na amoy. Pamilyar sa akin iyon. Pa unti unti kong minulat ang aking mga mata, hindi naman masakit sa mata ang liwanag kaya agad naging malinaw ang nasa paligid ko. Bumangon ako, pero ramdam ko agad ang pananakit ng aking katawan. Oo, masakit ang buong katawan ko. Doon lamang nag sink in sa aking isipan ang nangyari kagabi. Napapikit ako at pigil ang inis sa aking sistema, kahit naman umiyak ako ngayon ay wala namang silbi. Ako lang ang magiging kawawa habang ang lalaking iyon ay masaya dahil nagtagumpay na naman siya sa plano niya sa akin, sa pagpaparusa niya sa akin. Nilib

