Third Person's POV Marahas siyang nagpumiglas sa mga bisig nito, ngunit mas lalo lamang naging malalim ang halik nito sa labi niya, halos hindi nadin niya magawang huminga ng maayos dahil sa madiin nitong paghalik sa kanya. Pakiramdam niya ay nilulunod siya nito sa pamamagitan ng marubdob at makasalanan nitong halik. At dahil mas malamang ang lakas nito sa kanya ay sa isang iglap lang ay naihiga na agad siya nito sa upuan ng kotse. Nagpatuloy ito sa pagpaparusa sa kanya, siya naman ay panay tulak sa binata. Pilit niyang tinutulak ito papalayo sa kanya. “Kuya Arzhel! Tama na..hmmp!” Hinawakan nito ang panga niya kaya pwersahan na napaharap ang mukha niya dito, wala pang isang segundo ay lumapat muli ang labi nito. Nalalasahan niya na ang dugo mula sa bibig nito, nasisiguro niyang nag

