Third Person's POV Ang gusto na lamang niya na mangyari ngayon sa mga oras na ito ay maglahong bigla, at tuluyan ng maglaho sa lalaking gusto niyang takasan. Ngunit sadyang madaya ang tadhana para sa kanya. Halos magiba na ang ribcage niya dahil sa abnormal na pagwawala ng kanyang puso, habang papalapit ang binata ay parang unti unti nading na uupos ang pag asa na kaninang bumuhay sa kanya. Ang pag asa na sana sa wakas ay makakalayo na siya ng tuluyan dito. Nang dumako naman ang tingin niya sa kamay nito ay parang huminto ang kanyang paghinga ng mapagtanto kung ano ang bagay na hawak nito. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang buong katawan. Agad siyang napatingin kay Zack na umiigting ang panga nang makita din ang baril na hawak ng binata. “You stay here, love. Lalabas a—” “No! Zac

