Elora's POV It's been seven months.. At sa loob ng pitong buwan ay maraming nangyari. Nakalipat ako ng apartment, at sa ibaba ng apartment ko ay na rentahan ko roon ang isang commercial space, tamang tama sa aking maliit na flower shop. Maganda ang naging takbo ng maliit kong negosyo, masaya ako dahil natutunan ko ng maging independent. Ang perang hiniram ko kay ate ang ginamit ko para makapag patayo ng maliit na flower shop. At anim na buwan ko na din hindi nakikita si ate Almira at kuya Arzhel. Umalis ako sa poder niya na hindi man lang nag paalam sa kanya, tanging si ate Almira lang ang sinabihan ko. Ginawa ko iyon dahil alam kong pipigilan niya din akong bumukod. Hindi ko napanindigan ang binitawan kong pangako sa kanya kaya alam ko na may galit na siya sa akin ngayon. Pero palag

