Elora's POV Pigil ang aking paghinga ng tuluyan na itong nakalapit sa akin, ilang pulgada lamang ang layo nito sa akin. Mas lalo akong nahihirapan na huminga dahil sa mabigat niyang presensiya. “What is your real reason, why do you want to leave my house so badly??” Nahihirapan na akong lumunok dahil pakiramdam ko may nakaharang na bola sa aking lalamunan. Hindi ko magawang sumagot, dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoong rason ko. “Ayaw mo bang sagutin? You can leave now.” Pagtaboy nito sa akin. Para naman akong nanghina sa sinabi nito. “Kuya, i-i’m sorry–” “I don't want to hear those f*****g words, Elora.” May diin at gigil niyang turan. Tumalikod na ito sa akin kaya nabahala na ako, hindi ako pwedeng umalis dito na hindi ko nalalaman ang sitwasyon ni ate Almira. “K

