FAENA
PAPASOK pa lang ako sa hideout namin ng tropa ko'y rinig na rinig ko pa ang tila nagbabangayang palitan ng salita ng mga kakosa ko.
Tatlo lang naman sana silang naroon pero ang ingay-ingay nila. Nasanay na rin ako dahil ang kakalog rin naman nung tatlo.
"Ang hirap sa magaganda, pag nagagalit, pumapangit. Ang hirap sa pangit, pag nagagalit, hindi naman gumaganda." Narinig kong sabi ng isa. Hindi ko naman mapigil mapangiti sa pinag-uusapan nila. Wala talagang trip ‘tong mga paknonoy na ‘to.
"Ang hirap sa maganda, kapag friendly, ang tawag socialite. Ang hirap sa pangit, kapag friendly, ang tawag social climber!"
"Hahaha! O nga ano?" malakas na tawa ng isa. Nakitawa na rin ako pero mahina lang. Kahit nasa sala pa lang ako ng lumang bahay na yun ay rinig na rinig ko na ang mga ito. "Eto pa pare... Ang hirap sa maganda, ginagastuhan. Ang hirap sa pangit, pineperahan!" sabay tawa nila ng malakas.
"Oo nga. Parang kayo lang." sabad ko naman ng dumating na ako sa harapan nila.
"Bossing!" masayang bati nila sa akin.
"O kumusta, Bentong, Empoy, Bayani?" nakangiti na ring bati ko sa kanila. Yes, you're reading it right. Yun nga mga pangalan nila. And they even look like them. Ewan ko nga pero parang may mga hawig din sila. Five days ko pa lang nakilala ang tatlong to, na nameet ko lang sa isang rambulan one time sa isang bar pero I feel comfortable with them.
Why? Kasi may lasing na lasing kasing lalake sa bar nun tapos pinagtulungang bugbugin ng mga hoodlum sa bar. Nakatingin lang naman ako habang umiinom sa mga ito at walang balak sumali sa away pero tong tatlong to, nagpakahero at tinulungan yung lasing. Nabilib naman ako sa tatlo kaya sa hindi maipaliwanag na dahilan eh, magaan ang loob na kinuha ko sila at magtrabaho sa akin.
"Okay pa sa alright, bossing! Pero itong si Bentong eh, naperahan na naman. Ang pangit kasi! Hahaha!" buska ni Empoy dito.
"Kung makapagsalita naman ang hindi nasampal ng chick nung isang araw. Ang manyak kasi!" ganti naman ni Bentong dito. Napahiya namang natahimik si Empoy at akmang sasapakin si Bentong pero nakaiwas ito.
Natawa ako sa kanila. "Anong palang nangyari?" sabi kong naupo sa lumang sofa at tinaas ang mga paa sa lumang mesa roon.
"Eh kasi nga boss, nasa Pleasure bar pa rin kami nun. Eh itong dalawang ‘to," turo ni Bayani sa dalawa. "Lasing na lasing na. Nag-uusap lang tong dalawa tungkol sa gwapo versus pangit tapos nagbatukan. Sakto namang may dumaang hot babes, ayun nasubsob sa malulusog na pomelo ni Pamela ang mukha ng hunghang na si Empoy. Kaya ayun, sampal ang kapalit." Kwento ni Bayani.
Natawa naman ako. "Talaga? Swerte naman ng babae dahil napagbigyan mo sya, Empoy?" tukso ko dito para bumalik ang confidence nito. Natahimik na kasi dahil parang nahiya sa ginawa.
"Yun nga ang sabi ko sa chick, bossing. Magsaya sya dapat, dahil minsan lang pumatol ang isang hunk na tulad ko sa mga gaya nyang cheap na chick." Ayun, that's more like Empoy.
He earned a smack on the head from the two. I just laugh when they did that. Angal naman ng angal si Empoy dahil masakit nga marahil yung pagkakabatok sa kanya.
"Well, anyway Boss, anyare na sa lakad mo? Napasagot mo na ba si nurse Gare?" tanong ni Yani. Interesadong napabaling na sila sa akin.
Bigla namang nawala ang bright mood ko. Panu ba kasi, ang hirap namang paamuhin ng nurse na yun. Hayyy, ibang-iba na sya kumpara noon. May confidence na ito at kaya na akong iresist.
"Yun na nga kaya ako nandito." Buntong hiningang umupo ako ng maayos. Tinanggal ko ang leather jacket ko at pinatong sa kamay ng upuan. Nakita ko namang napatanga ang tatlong nakatingin sa katawan ko. "Hoyy! Wag nyo akong titignan ng ganyan kong ayaw nyong makatikim ng bala nito." Biro ko sa kanila na inilabas ang paltik ko. Agad namang silang tumingin sa mukha ko.
"Paano ba naman kasi boss, ang sexy mo pala. Sayang naman, wala nang chance ang mga Adan na katulad namin sa’yo." Si Bayani.
"Oo nga, boss. Ang swerte nung Gare sa’yo. Biruin mo, ang sexy, mabait at maganda ka pa. Nakuu, kung ako sa kanya 'di na ako magpapakachoosy." Si Empoy.
Natawa ulit ako sa mga ito. Hayyy, buti na lang nakilala ko ang mga ito. Atleast, may nagpapasaya sa akin.
"So... ano na, boss?" kulit ni Yani sa akin.
Dun ako natauhan. "Ah o nga pala. Kailangan ko ng tulong nyo."
"Anytime, boss!"
"Sure, boss!"
"Ano yun, boss?" they chorused.
"Tulungan nyo akong manligaw kay Gare. Wa epek yung chocolates, flowers at pag-aattempt kong makausap sya eh. Na-ban na rin ako sa hospital. Ayaw na akong papasukin ng guards kasi pinawanted na ako ni Gare dun. Tsaka mga tsong," ang haba ng lintanya ko pero totoo lahat ng yun. "yung kalaban kong Doctor, ang angas eh. Kung makaasta eh, parang sya na nga yung mamahalin ni Gare. Eh sa totoo lang naman eh, ako pa rin naman ang mahal ni Gare..." I sound desperate here.
Tahimik lang namang nakikinig yung tatlo. Habang panay ako ng salita.
"Hindi ko naman sinadyang iwan sya nuon eh. May mga rason ako. Marami. Kaya kinailangan kong lumayo sa kanya. Pero nagsisi na ako. I want her back pero ayaw nya akong bigyan ng pagkakataon. Mas mahal nya na ata kasi yung Doctor na yun." Buntong hininga naman ako.
"Okay lang yan, boss. Tutulungan ka namin. Wag kang mag-alala, magaling kami sa panliligaw. Dami kayang chix na naglalaway sa amin. Easy lang yang Gare mo, boss." Yung awkward moment na ang nag-aadvise sayo ay sobrang feeling gwapo, na kung tititigan mo naman sa physical na anyo ay hindi kapani-paniwala? Yun ang naramdaman ko sa tatlo as I saw them smile widely.
Hindi ko alam kung matatawa ako o batukan ko na lang kaya ang tatlong to para magising sa katotohanang hindi naman sila mga gwapo at salungat sa sinasabi nila sa physical na mukha nila ang sinasabing "habulin sila ng chix".
"Aba't 'di ka naniniwala, boss?" shock pa na parang little hurt na bulalas ni Bentong.
Hindi ko tuloy macomprehend kung nagbibiro ang mga ito o ano ba. Hindi ko talaga mawari.
"Funny, guys. It was a good joke." Sabi ko na lang as I ran a hand through my hair. This Gare's mission of coming back is making me frustrated since the day I saw her. Hayyy, mas gumanda sya ngayon at kitang-kita na sa aura nito ang confidence as a successful woman in her chosen path.
"Aba, ina-underestimate tayo ni bossing boys." Si Empoy. "You want proof, my dear bossing? You want this stinky rotten almost destroyed place, flood with mouth watering, mouth drooling, horny bitches? Just say it bossing and just a snap, we can do that. We can give what you want. A more satisfying, alluring, sexy lady if you might say so."
I was in awe. Hindi dahil sa horny bitches na tinutukoy ni Empoy pero dahil sa straight English nya with a british accent. Siguro nga na-underestimate ko ang mga ito or my hearing was just playing on me.
"O ba't natulaleng ka na dyan, boss? Kita mo, gwapong-gwapo ka na sa akin ano?" nagpose pa si Empoy ng parang pang Mr. Pogi. Dun na ako natawa.
"Baliw. Kahit pa maging anghel ka, sa lagay na lalake ka at ako naman ay lesbian, never akong magkakagusto sayo. ‘Di kaya tayo talo." Tatawa-tawang sabi ko sa kanya. Nagkatinginan naman ang tatlo ng makahulugan pero hindi ko na pinansin ang mga tinginan nila. "Sa buong buhay ko, sya lang naman ang minahal ko eh. Kahit pa nga sabihing basagulera ako at gangster, at sya'y isang napakagandang bookworm, my eyes are all on her..." nagsimula na akong magreminisce dito. "Naalala ko pa nun, nung araw na napansin ko sya sa VBS..."