FAENA
Flashback na naman eh...
"Aray!" impit na hiyaw ng isang nerd na natamaan ng bola ng basketball. Nerd sya sa paningin ko dahil sa thick big glasses, braces at nakasubsob kasi sa libro nya ang mukha kaya 'di napansin ang bolang tumama na dito.
Galit ang mga matang hinagilap nito ang mga salarin pero natigilan ng humarap ako sa kanya. She has the most beautiful brown eyes I have ever seen. Tsaka kahit pa nga nakaglasses ito at braces ay gandang-ganda pa rin ako sa babae. Natulaleng ako. Tangna!
Then I felt an unfamiliar feeling inside of me. Yun bang rumarambol ang tiyan mo hindi dahil sa gutom pero dahil sa excitement, tsaka lakas ng pintig ng puso mo na para kang mahaheart attack. Nang dahil lang sa mga magagandang mata nyang yun, ay agad akong nakaramdam ng 'di ko gustong pakiramdam sa wari ko.
Kaya naman before I could let my guard down, binalik ko ang kinakatakutang image ng mga Victorians sa mukha ko. "Tumingin ka sa dinadaanan mo. Tatanga-tanga ka kasi." Paasik na sabi ko pero sa totoo lang, ang bilis ng t***k ng puso ko. Lalo na nung nakita kong parang naiiyak ito sa tinuran ko.
"S-sorry." Napayukong sabi nya. I felt the urge to touch her and comfort her but no, it isn't right.
Goddarn it, Faena! Hindi maari ang iniisip mo! Galit na sabi ng utak ko. Tama ito, I shouldn't be thinking like that kasi ako lang naman ang heartless gangster dito sa VBS. Fernanda Paris "Faena" Jimenez, will never have a feelings, should never have.
"Ayoko ng maglaro. Nawalan na ako ng gana." Pagalit na sabi ko sabay tapon ng bola sa mga kasamahan kong naglalaro. Tumigil na rin ang mga ito dahil ang leader nila, ako, ay 'di na maglalaro. My gang was composed of six persons. Tatlong lalake at tatlong babae.
Si Dexter, ang pinakahigh tempered at pinakamalaki ang katawan, he is a 6 footer big hulk, sa physical appearance pa lang nito ay nakakatakot na, lalo pa't kitang-kita ang mga tattoo nito sa leeg papuntang braso. Lahat kami may tattoo pero iba-iba lang. Yung tattoo namin ang code names namin. His tattoo was a dragon.
Si Bruno, 6 footer rin, muscular din pero mas mahilig sa piercing. Hindi na nakaimik ang head master sa kanya dahil maimpluwensya rin ang pamilya nito. Besides, kahit mga basagulero kami, hindi namin pinaabot yun sa school and our grades, hindi rin namin pinapabayaan. His tattoo was a Lion.
Si Odin, mas maliit ito sa dalawang lalake ng 4 inches at medyo skinny pero looks can be deceiving dahil ang isang ito ay isa sa mga mabibilis at mautak na kakosa ko. Weak man sya sa panlabas but he is dangerous kung gugustuhin nya. His tattoo was an hawk.
Si Ursula, 5'7", bitchy at mapanglait pero front nya lang yun dahil ang totoo talaga'y napakaoverprotective lang nito sa aming magkakaibigan. She's using her bitchiness lalo na pag may naa-agrabyado sa amin. Her tattoo was a Barbie doll pero wag ka, kasi yung creepy Barbie doll na may pangil at tumutulo pa ang dugo sa bunganga na Barbie doll. Kala mo kung simple ano?
Si Silvia, 5'5", bestfriend ko. Badass rin at pumapangalawa sa akin. Magaling sa technology at sya ang taga escape sa amin thru her gadgets, lalo na kung nakocorner kami sa eskinita. Ang tattoo nya ay butterfly. Ganun lang kasimple.
Ako naman, si Fernanda or Faena for short, 5'7", leader ng gang at complicated ang life. Lesbian eversince pinanganak ako ng mama ko sa mundong ibabaw. Nakaranas ng mahihirap na karanasan ng buhay sa murang edad. Nagnakaw, nanghamak, nag-akyat bahay, naging pusher, namalimos, nagtrabaho o kumayod sa maduming paraan para lang mabuhay dahil sa ulila na ako.
Paano ako nakarating sa VBS? Binabawi ko na yung sinabi kong ulila na ako. May pamilya pala ako pero ang masaklap dahil anak ako sa labas tinago pa rin nila ako sa madla pero mabuti na lang at pinag-aral sa magandang school na to at pinakain. Dito ko na rin nakilala ang tropa ko. Hindi ko inimpluwensyahan ang mga ito pero kusang lumabas ang mga masasamang ugali ng mga tropa ko at dun nga kami nagkasundo. Mayayaman din ang mga ito pero dahil hindi rin nagabayan ng pamilya, kami ang naging pamilya sa isa't isa.
Enough of that, balik tayo sa nangyayari ngayon.
Naupo ako sa bakanteng bench, malapit sa court. Sinensyahan ko si Dexter na ibigay sa akin ang hawak na bottled water at tinapon naman nito ang botelya na agad kong nasalo.
"Bitchy much?" nang-aasar na sabi ng bestfriend ko at tumabi ito sa upuan. Sa kabila naman si Ursula at nakatayo sa harapan namin si Dexter at Bruno. Si Odin ay nasa mesa nakaupo.
Hindi ako sumagot at sa halip, ininom ko ng isahang tungga ang tubig ko.
"Kitang-kita ang pagkatulala mo dun sa nerd ahh. Someone has a crush." Asar rin ni Ursula.
"Ha ha!" I mockingly said. "Hindi ako nagkakacrush, alam nyo yan." I defended.
Sumali na rin sa asaran ang tatlong lalake. Tinawanan lang nila ako.
"Hindi ka magtatagal dun ng isang minuto kung 'di ka interesado sa babae Faena. Kilala ka na namin at wag ka ng magdeny." Sabad naman ni Odin na nakaharap naman sa cellphone ang mukha.
"Oo nga. Tsaka para kang natulala dun sa mata nung chick. Sabagay, cute naman sya." Si Bruno.
"Magsitigil nga kayo. Wala akong crush dun sa pangit na yun at kailanman hindi ako magkakacrush dun." Mariin kong sabi which earned me more teasing from them. Cool naman ako sa mga kakosa ko kahit na ako ang gang leader nila pero pag nasa command tone ako, agad naman silang tumatalima.
They were still teasing me nang isa sa mga gang rin sa school ay 'di namin namalayang lumapit.
"Oh I heard, may crush na ang matinik nyong gang leader." Lapit nila sa amin. 6 rin sila sa grupo. Tatlong lalake at tatlong babae. Sila ang mga trying hard na gustong umagaw sa trono namin but they never succeeded.
"Bitch."
"Slut."
"Witch."
"Whore." Paubong sabi naman ng mga kakosa ko ng lumapit ang gang leader nila sa amin.
"Aba't mga bastos -" react ng kanang kamay nito at akmang susugurin ang mga kaibigan ko pero mabilis na napigilan ng gang leader ang kanang kamay nito at maangas pa rin na ngumiti sa amin. Specifically, sa akin.
"Anong kailangan nyo Cornelia?" walang interes na litanya ko sa leader at nakatingin sa cellphone ko.
"Gusto ko lang ipaalam na tuloy na tuloy ang rambulan natin after school Faena. Tsaka I'm here to warn you at itong walang mga binatbat na alipores mo, na pwede pa kayong magback out." Nakakalokong sabi nito.
Tumaas naman ang kilay ko sa tinuran nito. Napatayo ako sa kinatatayuan, kitang-kita ko ang pagkaalarma ni Cornelia sa paglapit ko dito, even her minions na umatras pa ng kaunti sa kinatatayuan nila.
Nasaan na ngayon ang tapang nyo? Narinig kong sabi ni brain.
I smirk at the thought. Relax naman ang mga kakosa ko dahil may mga tiwala ang mga ito sa akin na hindi ako gagawa ng gulo dito sa loob ng school. Number one rule namin yun eh, mangbabasag ulo na kami't lahat lahat, wag lang dito sa school. We still respect our beloved VBS. Pero alam kong they were just readying their selves dahil sa mga hunghang na gang ni Cornelia, kami walang tiwala. Sinasadya kasi kami nilang i-provoke para magmukha kaming masama sa madla at para maexpel na rin. How many times they attempted to do that but they didn't succeeded dahil alam nilang unbeatable kami.
Ilang beses na rin kaming nagkarambulan sa labas pero gaya ngayon, putak lang sila ng putak at wala namang binatbat.
"You know we never quit Cornelia and I'm gonna make sure na hindi kami ang uuwi ng bugbog sarado mamayang uwian." With piercing look, I straightly said that to her. I saw her cringed. Mahina lang pagkakasabi ko nun pero madiin. Alam na alam nito kung ano ang kaya kong gawin sa kanila. Hindi talaga ako nagsasalita everytime na kinukutya nya ang mga tropa ko at panay lang si Silvia ang tumataboy dito but today I was pissed, and lucky her, natimingan nyang masama ang mood ko.
"Kaya shoo! Alis na kayo dahil baka 'di kayo abutin hangang mamaya." Sabi kong pinatigas ang mukha ko at pinaikot ang leeg ko na parang gusto na talagang makipagsuntukan.
"Atras mga ungas." Pabulong na sabi ni Cornelia sa mga kasama, namumula ito at klarong naphiya sa tinuran ko. Ngising aso lang akong nakatingin sa kanila with a bored look. "Pagsisihan mo to Faena. I'm gonna make sure, kayo ang uuwing luhaan mamaya." Banta uli nito. Ngumiti lang ako ng nakakaloko dito as I spit on the concrete ground. Tumalikod na ang mga ito para umalis.
Ngiting tagumpay naman ang mga kakosa ko pero may pahabol pang tawag si Silvia dito.
"Cornelia! May tanong ako." agad namang napalingon ito. Nakanguso na at halatang inis sa engkwentro namin.
"Ano?!" galit na sagot nito.
"Bukod sa kili-kili, singit at budhi, ano pang maitim sayo?" namula ulit si Cornelia. Tawa naman ng tawa ang mga kasama namin. Yung ibang estudyante rin na nakarinig, nakitawa na rin. Ang nakakatawa pa ng todo, eh pati mga kasama nya'y pigil ang tawa sa likod nya. Oy, mga balingbing. Haha! Tong si Silvia talaga.
"Isa pang tanong." Sigaw ulit nito. Break time pa kasi nun at medyo marami ang tao sa open court. "Bukod sa beauty and brain, ano pang wala sayo?" they crack on laughing again when Silvia started to sing, "Bagay na kanta to sayo Cornelia, Pinagkait sayo ang lahat, Pangit ka ngang tapat, Maitim sayo ang lahat, Budhi at puso mo ohhh!"
Cornelia stomp her feet fleeing away from us pagkatapos nyang bigyan ng middle finger sign si Silvia. Tawang tagumpay naman ang mga kakosa ko habang kawawa ang kosa ni Corneliang ito ang napagbalingan nya ng galit. Actually, 'di naman talaga pangit si Cornelia, ugali nya lang yung pangit.
At yun nga, nagkaroon ng rambol sa labas ng school pagkatapos ng klase namin. As usual, 'di sana ako sasali at manonood lang dahil ayaw na akong pasalihin ng mga kakosa ko. I've done enough for them daw kaya pinagpahinga muna nila ako but the usual na madayang Cornelia'y nagkipag-alliance pala sa ibang gang members kaya dumami sila. Dun na ako tumulong. Anim lang kami versus less than 50 gang members, kaya ayun bugbog sarado man pero nakeri pa rin dahil hilata naman silang lahat. Hindi ko na rin nakita si Cornelia when we were about to finish her colleagues, nakita raw ni Silvia na tumakas na. Duwag naman pala.
So the usual, galos at pasa na naman kami at pumasok pa rin sa school. Walang sumita sa amin kasi ayaw rin nilang madamay. Takot lang nila sa mga kakosa ko at sa akin.
Patuloy ang pag-aaral namin, kasabay ng patuloy pa rin na pakikisali namin sa rambulan. Everyday rin, lagi kong ninanakawan ng tingin si Gare. Hindi ko alam pero sa inaraw-araw na ginagawa ng Diyos, magmula ng matamaan sya ng bola ng basketball namin eh 'di na sya nawala sa isipan ko.
"Lapitan mo na kaya. Ang tagal mo ng tinititigan eh." Biglang sulpot ni Silvia sa tabi ko. Nasa railing ako ng second floor ng school kung saan kitang-kita ko si Gare mula sa baba ng isang bench na nagbabasa na naman kasama ng kaibigan nyang si Elijah.
"Anong pinagsasabi mo?" defend ko naman as I look at the other side.
"Asoos namumula oh. Haha. Wag ka nga dyan Faena. Bestfriend kaya tayo kaya matagal ko ng alam yang mga tingin na yan." Sabi nya sa akin. I sigh in defeat. Its useless na magtago dito because like she said, wala nga akong kayang itago dito. She know me too well. "Gusto mo ba sya?" tanong pa nya ng hindi ako umimik at nakatingin na ulit sa nerd. Ang ganda talaga kasi nya eh and she's like a precious gem na dapat sobrang ingatan. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan nyang Garnet.
Tumango lang ako bilang sagot.
"I see. ‘Di lapitan mo na." utos nya sa akin.
"Eh Sil, alam mo namang 'di ganun kadali yun. Ayokong madamay sya sa gulo." Rason ko. Ang complicated ng buhay ko. Hindi ako ang taong pwedeng magkaroon ng serious relationship or attachment.
"It’s time for you to be happy, Fae." Sabi naman nya at hinawakan ang isang kamay pero hindi nya ako napilit. Since that day, patingin-tingin pa rin ako kay Gare na nahuhuli ko namang madalas ding tumingin sa akin. Ayokong mag-assume kaya I shrug the thought na may gusto rin ito sa akin.
Then one day, may nagkalat na boyfriend na nito si Elijah. Yung puso ko naman, sobrang nadurog sa balitang yun. Mas naging marahas pa ako sa rambulan at muntik na talaga akong makapatay. Naging mainitin ang ulo ko at lahat yata ng nasa paligid ko, paasik kong pinapalayo.
Nasa library na naman ako. Takang-taka nga yung librarian kung bakit napapadalas ako nung mga nakaraang buwan doon pero 'di nya alam, I'm stalking Gare na ngayon nga ay nakasubsob na naman sa isang medicine book nya. Andami ko ng nalaman sa kanya. She loves books and love to read, na obvious naman, she wants to be a Doctor para makatulong lalo na sa mga malalayong lugar na 'di naabot ng gamutan, she was all sweet and kind hearted person.
Yun yung nagustuhan ko sa kanya eh. Yun bang tinatago nya lang yung presence nya from the others pero stand out na stand out pa rin sya. Si Gare ang isa sa top students ng VBS, hangang-hanga talaga ako sa kanya. Compared to Cornelia, masasabi kong nasa kanya na ang lahat. Beauty, brains at sure akong 'di maitim ang budhi, kilikili at singit nya. She's an angel nga eh.
Kaya naman inis na inis ako minsan when I learned na binubully nila si Gare at Elijah. Nalaman na kasi lahat ng tropa na may gusto ako kay Gare. 'di naman nila sinasaktan si Gare pero si Elijah ang nireresbakan nila para makaganti daw ako kahit papano. I tried to stop them but they wouldn't kaya hinayaan ko na lang. Sa isip ko, nakaganti rin ako kay Elijah. *evil grin*
At heto, stalk pa rin. Watching Gare sa taas ng bleachers ng gym while she watch a game of her boyfriend. Awts. 'di ko pa rin matanggap. Ang dami kong naging babae pero nung dumating si Gare sa buhay ko, nawalan ako bigla ng interes sa mga ito. Ansama ng effect, 'di ba?
"Hindi nya daw boyfriend yung nerd. Bff nya lang." parang kabuteng sulpot ni Silvia sa tabi ko.
Nagulat naman ako ng kaunti at napatingin dito then hope began to fill me. "T-talaga?"
"Ayee nabubulol. Lakas tama ahh." Tukso ni Silvia sa akin. I know namumula na ako dahil sa panunukso nya. "At nagbablush pa." Oh see, sabi ko naman.
Lumunok muna ako bago tumikhim. "Are you serious when you said that? Bff lang ba talaga?" paninigurado ko dito.
"Dead serious." Sabi naman nya. Hindi ko napansing lumapad na pala ang ngiti ko. Silvia nudge me and keep teasing me na lapitan na si Gare and when I saw her smiling dahil sa kung anong pinag-uusapan ng mga katabi nya sa bleacher ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob para lapitan ito.
End of flashback...
"Then I ask her on a date, tapos 'di ko na sya pinakawalan hanggang 'di sya pumayag maging girlfriend ko, which shock me, dahil sinagot nya naman ako. She even confessed na matagal na rin syang may gusto sa akin. Ang saya ko noong mga panahon na yun. Finally, I was hers and she was mine. Ang cliché ano pero yun ang totoo. And mas nainlove pa ako sa kanya when she willingly accept me for who I am. Alam nyang gangster ako pero okay lang sa kanya. Tigagamot ko sya pagkatapos kung makipag-away sa labas. Routine na namin yun, na lagi akong nag-i-sneak sa dorm room nya para magpagamot dito. Nasabi pa nga nya na nursing na lang daw kukunin nya para sya na maging personal nurse ko. Sweet ano?" hayy, but she pursue the course or maybe gusto nya lang talaga maging nurse?
"Well, as for me, binigay ko naman lahat ng uri ng pagmamahal sa kanya, to show her how much I love and treasure her. I was so blessed having such a girlfriend whose so understanding and so kind. Hanggang sa may nangyari na nga sa amin and I can say, that was the greatest night of my life. The best s*x I had ever experience, no, I consider it making love, dahil na rin sa nalaman kong ako ang first nya..." mahabang salaysay ko pa rin habang nakikinig ng mabuti ang tatlo sa akin.
But Bayani was on his phone the entire time pero 'di ko na lang pinansin.
"After nun, pumunta kami sa Marion City dahil may malaking event dun na gaganapin, exclusive for gang members. Naroon ang mga malalaki at maimpluwensyang Gang leaders at Mafia. My friends and I need to go dahil kakantyawan kami ni Cornelia kung hindi kami makakapunta. Everybody was there, ang mga halong sa kaluluwang mga most wanted, criminal, addict, drug dealers at mga royal gangsters. Besides, we need to go, we really must." Lumunok muna ako dahil parang nabulunan ako sa susunod na pag-alala ko sa nakaraan kung bakit 'di na ako nakabalik kay Gare after our first love making.
"Hindi na ako nakabalik kay Gare after naming pumunta sa Marion." Malungkot na sabi ko.
"Bakit, boss?" narinig kong tanong ni Bentong.
"Nahuli kasi nila, ako, kami."
"Nahuli?" tanong ni Empoy. Tahimik lang si Yani, still on his phone pero nakatingin na sa akin.
"We were there para mangraid at siguraduhin lahat ng masasamang loob ay 'di na makakatakas."
"Raid? Ang gulo, boss. Bakit?" sumabad na si Yani, sa wakas.
"Because we are not ordinary teenager gangsters." Am I really gonna tell them? Hindi ako basta nagtitiwala sa mga tao but these guys, I just felt I can trust them. And besides, mukha naman silang harmless.
Tutok na tutok sila sa akin habang hinihintay akong magsalita ulit. Tumingin muna ako sa tatlo and after debating with myself, I decided to tell them the truth. "We were agents... special agents." I finally said it.
They're reactions? ⊙_⊙
"Huwaaaattt???" sabay-sabay na sabi nila.