GARNET VI: Ang Sinagot

2534 Words
Sa LGH, Day fourteen... (Epal ni San Pedro: Ang papangit ng cover ng tatlong yun pero infer, nakakanosebleed ang englishan. Hayy, makatulog nga muna.) +++ GARNET "NAKAKAINIS kang Faena ka! Bakit ka pa bumalik sa buhay ko! Argh!" gigil akong nagpapadyak sa loob ng CR. Buti na lang walang ibang taong naroon kundi iisipin talagang nababaliw na ako. Oo na, ako na ang OA sa lahat. Eh maano ba't mag-inOA ako? Nakakainis lang kasi yung babaeng yun eh. Pagkatapos manligaw ulit pero ipagtabuyan ko'y hindi na nagpakita ng mahigit isang linggo na ngayon. Pero hindi naman sya tumigil sa panliligaw dahil may mga flowers, chocolates and gifts na dumarating pa rin sa locker ko. Hindi ko nga alam kung panu nya nagagawa yun dahil hindi ko naman sya nakikitang nagbibigay. Sigurado rin akong sa kanya galing yun dahil may tatak ng gaya tattoo nya ang lahat ng notes na nakaattach sa pinapadala nya. Oo, alam kong may tattoo sya. Ilang beses ko na ring nakita yun nung lagi ko syang ginagamot during high school days. Gandang-ganda nga ako sa tattoong yun na nakaukit sa likod ng hips nya, malapit sa sexy nyang puwet. Namimiss mo sya? Uyyy!!! Hoy brain, wala kang basehan. Shut up! Kaloka ‘to si brain. Umeeksena. Nakup! "Hindi ko sya namimiss!" away ko sa sarili ko sa salamin. Ugh! Para na talaga akong baliw. "Hindi ko mamimiss ang taong nananakit sa akin at nang-iwan sa akin ng walang paalam! Hindi ko mamimiss ang taong walang pakialam sa akin! Hindi ko mamimiss ang mga nakakalusaw ng tuhod na ngiti nya! Hindi ko mamimiss ang pagiging makulit nya! Hindi ko mamimiss ang kagandahan at kasexyhan nya! Hinding-hindi ko sya mamimiss! Hinding-hindi!" Oh sige, ako na ang baliw na inaaway ang sarili. Bakit ba? Walang basagan ng trip. "At ikaw naman," duro ko sa sarili ko sa salamin. "Pinadalhan ka lang ng maraming chocolates, flowers at iba't iba pa'y para kang dinuduyan sa hangin! Anong nangyari sa, move on, wag mo syang papansinin strategy mo, Gare?! Wag ka na ulit magpakabaliw sa kanya. Masasaktan ka lang. Iiwan ka nya ulit! Tapos ano?! Titigil na naman buhay mo? Come on!" Ayan, gusto ko kasing ilabas ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko sa oras na to. Paano ba naman kasi yang Faena na yan, kahit na hindi nga sya nagpapakita pero yung mga pinapadala nyang cards at gifts ay tagos sa puso. Pinapaalala nya kasi yung nakaraan namin, yung pagmamahalan namin, yung time na patay na patay daw sya sa akin. Patay na patay ba yung bigla na lang nang-iiwan? Wushu, sinungaling talaga. Gumagawa lang ng excuses eh. "Wag kang magpapadala, Gare. Inhale, exhale, breathe in, breathe out." kailangan ko talagang magrelax, nakakabawas ganda tong stress na to eh. "Nandyan naman si Kiko. Focus yourself to him. Mas bagay sya sayo. Hindi ka ijajudge ng tao at hindi madi-disappoint ang parents mo sayo. Oo, tama. Ganun nga gawin mo. Chill girl, chill." Bilis makamood swing ano? Ganun talaga. Nahugas ako ng kamay at lumabas na ng CR. Paglabas ko'y nagulat pa ako ng nasa 'di kalayuan ang tatlong hunks. Yun ang gusto nilang itawag ko sa kanila. Napangiti na lang akong napailing na lumapit sa mga ito. Mukhang nag-aaway na naman kasi sila Poy at Tong, base sa sikuhan na nangyayari na naman sa dalawa. +++ FAENA'S GANG "Yani, did you see her?" tanong ni Poy na hindi mapakali. "Sino?" takang-tanong ni Yani habang prenteng nakaupo at kumakalikot sa cell phone. "Gare, of course. Duh." tsaka nagroll pa ng eyes si Poy. "She's in the bathroom, hoe. Use your senses." biglang appear ni Tong sa likuran ni Poy. "Dammit!" maarteng gulat na bulalas ni Poy. Tinaasan lang ito ng kilay ni Tong. "You scared me to death, dude!" exaggerated na sabi ni Poy. May pahawak-hawak pa ito sa dibdib na parang aatakihin sa puso. "OA lang, dude!" counter ni Tong. "In case you forgot, your innocent rotten body is already buried six feet below the ground and your soul just got lucky to enter the blissful life in the Elysian fields. But if you will continue to be an exaggerated s***h overreacting ghost, expect to be thrown down in the eternal Pandemonium. Ihatod pa taka didto pre, kung gusto ka." Nakayuko lang si Poy habang sinasabi yun ni Tong. "Seriously Tong, saan ka galing? Tsaka anong language na naman yang natutunan mo?" si Yani. "Kay bossing." kibit balikat na sagot nito. "You ask me to look for her once in a while, right? So, I check up on her and don't worry she's still alive. She's somewhere in Cebu and you know my obsession in languages and dialects, kaya I adopted their dialect right away. Chuy kaayo didto, pre! We should visit there one of these days." "Binantayan mo ba talaga si bossing o nakipaglandian ka na naman dun?" naniningkit ang mga mata ni Yani na tinignan si Bentong. "Gosh, brother. What are you implying? That I'm not doing my job? To tell you the truth my dear friend, I saved her from that small thin deadly weapon without her notice. If I haven't been there, we will be having our first mission failed for our first subject. You should have thank me instead of giving me that skeptical look." napasimangot na saad ni Tong. Kibit balikat namang binalik ni Yani ang atensyon sa phone. "At ikaw," siko nito kay Empoy. "Ano ba!" nakayukong nakahawak sa ilong na reklmo ni Poy. "Anyare dito, Yani? Bakit nakayuko ‘to?" kibit balikat lang si Yani. "Hoy! What is happening to ya, braw?" siko ulit nito kay Poy. "Wag ka ngang naniniko!" asik nito kay Tong pero nakayuko pa rin. "Is there something wrong? Come on, ya can tell me. I'm ya friend and ya know ya can trust me. I promise I won't tell it to anybody, ya know I will not do that to ya. Ya ma brother and ya can trust me. Come on, tell me." siko ulit nito sa nakayukong Empoy. "Sabing wag mo akong sisikuhin eh!" galit na nagtaas ng tingin si Empoy. Napabunghalit naman ng tawa si Tong ng makita ang mukha ni Poy at napailing na lang na napasulyap si Yani at bumalik sa kung anong ginagawa sa phone. Nakasimangot namang parang maiiyak si Poy. Hawak-hawak ang ilong. "Oh my god, Poy! Bakit dumudugo ang ilong mo? Halika sa clinic para magamot natin yan." biglang sulpot ni Gare na hinila na si Poy papuntang clinic. Nag-nosebleed si Poy dahil sa kakaenglish ni Tong. Tatawa-tawang parang baliw pa rin si Bentong. Pinagtitinginan na rin sya ng mga tao pero wala syang pakialam. Tumabi sya kay Yani na nanonood pala ng TRMD sa phone. "Homaygad. Patingin ako Yani." at sumiksik si Tong sa tabi nito. "Wow, ganda ni Jade, bagay na bagay sila ni Althea. Nyahaaa! Nakakakilig nemen to oh." 'di napigilang magreact ni Tong. (A/N: Oh GMA, bayaran nyo advertisement ko dito. Pasalamat kayo, nakakarelate ako. Lol. Nood pa more. XD) Kakatapos lang nilang manood ng TRMD, nang bumalik si Empoy at Nurse Gare. Nakasimangot pa rin si Poy na tumabi kay Tong, si Tong nama'y 'di mapuknat-puknat ang ngiti sa labi. "Ang saya natin Tong ah." puna ng nurse at umupo sa tabi ni Poy. "Syempre. Kakarerun ko lang ng serye kahapon ng TRMD." parang nagdedaydream na sabi ni Tong. "Hala! Nanood kayo ng 'di ako kasama? Ang sama nyong kaibigan." tampong sabi ni Poy. "Oh come on, braw. Ya can watch it on ya phone. Lemme do that for ya---" "Ako na!" inilabas ang phone na sabi ni Poy. "At wag lang mag-english, nasa Pilipinas tayo!" simangot na dagdag nito. Nakangising aso naman si Tong na inakbayan si Poy pero winaksi sya nito. "Ya know I love ya braw. Don't be so harsh on me." "Sabing don't speak english eh!" "Haha! Ya speaking braw." "Nahawa lang ako. Takte!" "Ano ba yan?" curious na epal ng nurse. Nag-intervene na lang sya dahil nagsisimula na namang mag-away ang dalawa. Takang napatingin ang dalawa dito. Hindi makapaniwalang hindi alam ni Gare ang panonoorin nila. Eh trending na kaya ang TRMD sa lahat ng social media. Samantalang si Yani, nakapikit ng nakasandal sa pader ang ulo. Bakas naman ang pagka-no earth ni Gare sa tinutukoy ng dalawa. "Seriously, Gare? Hindi mo alam ang TRMD?" tanong ni Poy. Umiling lang ang Nurse. "Wow, dapat updated ka nito dahil kauri mo to." bulong ni Poy. "Agree." ganting bulong ni Tong. "Anong sabi nyo, guys?" takang tanong ni Gare. "Wala." sabay na sagot ng dalawa. May binulong na naman si Poy kay Tong at tatango-tango namang nakangisi ang huli. Kunot-noo namang nakatingin lang ang nurse sa mga ito samantalang si Yani ay nakaearbud na at nahihimbing na atang natutulog. "Heto, watch." nakangiting abot tenga ni Poy sa phone at earphone sa nurse. Hindi na umimik ang nurse at pinanood ang video sa phone ni Poy. Tahimik lang na nagmamasid ang dalawang damuho sa nurse. Hindi maalis ang ngiti ng mga ito. Hinihintay nila ang reaction ni Gare. "You're watching this?" nanlalaki ang mga matang bulalas ng nurse. "Yeah." "Naman." poker face na sagot ng dalawa. "But this is--- this is---" hindi matapos tapos na sabi ni Gare. Nakatuon pa rin ang tingin sa screen ng phone ni Poy. "That's what, nurse?" nagpipigil ng tawa sina Tong at Poy. Namumula na kasi ang nurse pero hindi naman iniiwas ang tingin sa screen. Bumukas sara ang bunganga ng nurse at napasinghap sa last part when Althea tried to kiss Jade. Pigil na pigil ang pagtawa ng dalawang ungas. Bakas naman na affected masyado ang nurse. Bago pa ito nakapagsalita ay tinawag na ito ni Josie. "Gare, pinapatawag ka ni Doc Kiko." para namang napaso na biglang binalik ni Gare ang phone kay Poy. All this time kasi, ang alam ng workmates nito'y straight ang nurse at pinagdedeny nya talaga ng sobra si Faena when the woman courted the nurse into public. Ayaw kasi majudge ng nurse. Natatakot sya sa sasabihin ng madla. Noon nakaya nyang ipaglaban si Faena, ngayon ay hindi na. "O-okay. Tara." at nagmamadaling hinila ng nurse ang kaibigan. Naghigh-five naman si Poy at Tong. "So, team Faena?" nakangiting baling ni Poy kay Tong. "Of course." nakangiti ring sagot nito. "Bantayan ko muna si Gare." paalam ni Yani at tumayong sinundan ang nurse. Bigla namang naalarma sina Poy at Tong. "Yani, ako na lang." boluntaryo ni Poy. "No, ako na lang Yani. Upo ka na lang dito." epal ni Tong. Kunot noong tinignan ni Yani ang dalawa. "Wag kayong mag-alala. Wala akong gagawing masama." "Pero Yani... Baka mapatay mo si Kiko." pabulong ang pagkakasabi ni Poy sa huling limang kataga. "Don't worry. Just trust me." sabi ni Yani at biglang nawala. "Susundan ba natin, Tong?" nag-aalalang tanong ni Poy sa kaibigan. "Bobo. Oo naman. Baka makulong pa dito sa lupa yung mokong na yun." sabi ni Tong na binatukan si Poy. "Ba't ka nambabatok?" angal ni Poy na dinama ang ulong binatukan ni Tong. "Eh ba't ang bobo mo? Alam mo namang may temper yung kaibigan mong yun tapos hahayaan mo lang na makita si Kiko. Mag-isip ka naman kung minsan, Poy!" napapalo pa sa noong sabi ni Tong. "Eh ba't ka nananakit? Nakakarami ka na't blah blah blah..." salita ng salita pa si Poy ng biglang nawala si Tong sa tabi nya. No choice si Poy kundi ang sumunod na ring magteleport kung saan naroon ang mga kaibigan. +++ THE ANGELS "Bakit kayo narito? Hindi nyo ba narinig ang sinabi ko?" matiim na sabi ni Tres sa dalawang kaibigan. "Sumagot kayo." straight face na dagdag pa nito. Hindi naman mapakali ang dalawa dahil sa nakikitang coldness kay Tres. Nakakatakot rin talaga kasi ang anghel pagnagagalit. They prove it many times. Nagtutulakan pa ang dalawa kung sino ang sasagot dito. "I'm waiting, girls." dagdag ni Tres pero hindi nakatingin sa mga ito kundi kay Kiko na kausap ni Nurse Gare. Parang pinapatay ni Tres si Doc Kiko sa klase ng binibigay nyang tingin dito. "Ah eh ano. Kuwan... Team naman tayo kaya ano uhm, dapat nagtutulungan tayo, 'di ba Uno?" si Dos. "Uhm uhm. Tama. Tama." sang-ayon ni Dos. "Is that all or you didn't trust me at all?" biglang tingin ni Tres sa mga ito. Napaigtad naman ang dalawa sa sama ng tinging pinupukol ni Tres sa kanila. "W-we do trust you Tres k-kaso we can't bear to see you making mistakes you will surely regret." nabubulol na sabi ni Dos. Takot talaga sila kay Tres. Promise. "Right. Right. Correct. Correct." si Uno. Bigla namang lumambot ang expression sa mukha ni Tres. Alam nya namang nag-aalala lang ang mga kaibigan sa kanya pero hindi nya rin mapigilan ang sariling mangati sa gagawing paghihiganti sa adik na Doctor. Hindi na lang nagsalita si Tres at tahimik na silang nagmamasid kay Gare. Nakaangel mode sila kaya hindi sila nakikita ng mga ito. Kasalukuyan silang sumusunod kina Kiko at Gare na nagrarounds sa mga pasyente. Halatang masayang nakikipag-usap ang Doktor na panay ang pacute kay Gare samantalang ang babae'y medyo naiilang pa rin. "Uhm Gare," narinig nilang sabi ni Kiko. "Yes, Doc?" "Masyado ka namang pormal, Kiko na lang." pacute na sabi nito. "Okay po. Do---Kiko." si Gare. Pumasok sila sa isang private room kung saan nakahiga ang isang matandang babaeng bantay-bantay ng apo nito. "Whoa. Spell HOT, Dos." nagniningning ang matang sabi ni Uno. "Gorgeous pal, she's gorg." sabi naman ni Dos. "Kakadiri kayo. Pati ba naman matanda? Ang hahalay nyo!" binatukan ni Tres ang dalawa. Hindi nya kasi nakita ang apo ng matanda agad dahil masyado syang nakaconcentrate kay Kiko at Gare. "Tres naman!" angal ng dalawa. "Hindi naman si Lola eh. Yung apo naman eh." si Uno. With that, biglang napatingin sa katabi ng matanda si Tres. Nanlaki ang mata nito at maya-maya lang ay parang naiiyak na lumapit sa apo ni Lola. Pagtataka naman ang lumalarawan sa mukha ng dalawang naiwang anghel. Magtatanong pa sana sila ng nagring ang phone ni Tres. Takang-taka na talaga ang dalawa sa nangyayari kay Tres. "H-hello." garalgal ang boses ni Tres sa pagsagot. Hindi inaalis ang tingin sa apo ni Lola. "B-boss uhh ikaw pala." ginaya ni Tres ang boses ni Yani. "Bakit boss? Ha? Bakit boss? Ano? Sige po. Wait, ahh okay boss. Okay po. Maasahan mo boss. Okay boss. Bye." at binaba na ni Tres ang phone. Nagpahid pa ito ng luhang nakatakas sa kaliwang mata. Takang-taka naman si Dos at Uno. "Anyare? Anong kailangan ni Faena?" takang tanong ni Dos ng makalapit na si Tres sa kanila. "Kailangang mailayo natin si Gare. Nanganganib ang buhay nya." sabi ni Tres na bumalik ang bangis ng tingin sa doktor. Kasalukuyan nitong chinecheck si Lola habang patingin-tingin sa tahimik lang na apo ni Lola. Si Gare naman ay parang lumilipad ang utak na nakatutok lang sa kawalan. "Bakit daw, Tres? Please explain." si Uno. "Mamaya ko na i-eexplain. Kailangan na nating itago si Gare, ASAP." "Okay. Okay. We trust you. Plans?" bagamat naguguluhan si Uno, tinanong nya pa rin si Tres. "Kukunin lang natin si Gare at itatago sa kahit na anong paraan o saang lugar na safe. In short, wether she like it or not, sasama sya sa atin." si Tres. "Parang kidnap?" sabay na sabi ng dalawa. "Uh-huh." sagot naman ni Tres. Magtatanong pa sana ang dalawa nang marinig ang masayang sigaw ng doktor. "Thank you, Gare. You will never regret this." nakangiting sabi ng doktor at nakahawak sa magkabilang kamay ng nurse. Gare was smiling pero hindi naman nakaabot sa mga mata nito. Nakangiti naman si Lolang nakatingin sa mga ito pero ang apo ay nakakunot lang ang noo. Taka namang napabaling ang tatlo sa doktor at nurse. What did they missed? Nasagot lang ang katanungan nila when the doktor kissed the nurse. "The F*CK!" sabay-sabay na sabi ng tatlo at tinakpan ang mga mata na parang nakakita ng 'di kanais-nais na tanawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD