7 days ago...
THE ANGELS
"O ano? Nakita nyo ba si Faena?" inip na tanong ni Dos sa mga kaibigan. Kanina pa kasi sila naghahanap sa isa pang love interest s***h past lover ni Gare. Nagpumilit kasi talaga si Uno na bigyan ito ng chance at para malaman naman ang side nito.
"Nakita ko na!" masayang wika ni Uno. Nakatutok sya sa harapan ng iphone nya. Syempre, ginamit na naman ang technology to track Faena. Ano pa nga bang gamit ng makabagong teknolohiya, 'di ba?
"Saan?" tanong ni Tres na lilinga-linga sa paligid na parang may hinahanap. Parang nakita kasi nya si Immaculate Concepcion sa 'di kalayuan kanina. Patay na patay talaga ang santang yun sa kanya. Pati ba naman dito sa lupa, sinundan sya? Hindi maaring magkamali si Tres sa nakita.
"Sa isang bar malapit lang dito. Bar's name was Pleasure. Hayaaa, interesting." excited na turan ni Uno.
"Eww. Pleasure? Ang cheap at obvious na putahan lang ang lugar na yun." Dos rolled her eyes. "Wala talagang taste yang manok mo, Uno. Manang-mana sayo."
"Kung makaputa naman ‘tong isang ‘to, 'kala mo hindi sya ganun." resbak ni Uno. Nilakihan naman sya ng mata ni Dos.
"Bawiin mo sinabi mo." banta nito sa isa.
"I wouldn't! Truth really hurts!" nakataas pa ang gilid ng labi na sabi ni Uno. "Kaya ka nga napasama dito sa mission na ‘to dahil sa kalandian mo! Landi!"
"Kasalanan ko bang habulin ako? Na maganda ako at irresistible ako? Ha, Uno? Palibhasa, tigang ka lang. Ako pa ngayon pinagdidiskitahan mo. Tss." inis na sabi ni Dos. Kaunti na lang, makakatikim na talaga si Uno sa kanya ng 90 degrees pektus nya.
"Mahangin ba sa labas? Ang hangin mo, te." inis pa rin ni Uno dito pero nagtratrabaho pa rin ang mga kamay. Nagreresearch tungkol sa pupuntahan nila. They can do multitasking anyways. "Tsaka average beauty ka lang te. Wag masyadong eksaherada." at tinignan si Dos ng head to foot look.
Tres just rolled her eyes ng narinig nyang nag-aaway na naman ang dalawang kaibigan. Isang araw pa nga lang nila sa lupa'y ganito na sila magbangayan. Napapaisip tuloy sya kung panu nila masusurvive ang 365 days na palugit sa kanila, kung lagi silang ganito.
"Aba't... Ako? Tinawag mo akong average? Hello? Magpatingin ka kaya kay Saint Doc Phillip, baka may katarata ka na." Dos blurted. Cool lang naman syang tinaasan ng kilay ni Uno. Binigyan sya ng tingin ni uno na parang nagsasabing napano-ka-dyan look. "Beauty, body, brains. Jam pack ako Uno! Kung sa term pa dito sa lupa para akong 3in1, all in 1 sachet na ako. Kaya don't you ever call me average because I'm excellent!"
Mahangin na nga. May kasama pang mabantot na amoy. Ito talagang si Dos. Tsk. Tsk.
"Hoy, 'di pa ba kayo titigil? Naririndi na talaga ako sa inyo. Wag nyo akong subukan." banta ni Tres sa kanila. Natahimik naman ang dalawa. "At ikaw naman Dos," at binigyan ng cold look ang tinawag. "wag kang masyadong magmaganda sa sarili mo. Alam mo bang yan ang dahilan kung ba't nasa Sheoul si Lucifer? Kaya tigilan mo na yan habang maaga pa."
Tumaas ang nguso ni Dos sa sinabi ni Tres. Uno snickered. Uno 2 points, Dos zero. Uno giggled at the thought.
"Kampihan. Tss." bulong ni Dos. Tres just rolled her eyes. Of course, narinig nila ang binubulong-bulong ni Dos.
"Punta na tayo sa Pleasure, girls! Sigurado akong maeenjoy natin dun. Hihi!" sabi pa ni Uno na nagpatiuna ng naglakad.
"Teka..." pigil sa kanya ni Tres. "Anong plano?"
Napatigil naman si Uno na waring nag-iisip.
"Psh. Yan na nga ba sinasabi ko. Sugod lang ng sugod, wala naman palang plano." hirit ni Dos.
"Tss. May plano ako, no. 'kala mo sa akin?" pagmamalaki naman ni Uno. Nagmake face lang si Dos. 'di nagpaapektong nagpatuloy si Uno sa pagsasabi ng plano. "Ganito, kailangan nating mapalapit kay Faena para malaman natin ang mga galaw nya. Mas makakapasok tayo sa thoughts nya kung makikita nya tayo visibly."
"Ano? Magpapakita tayo? Eh hindi nga tayo nagpapakita kay Gare, sa kanya pa? Hindi naman sya ang mission natin ha!" react ni Dos.
"Hindi pa ako tapos eh. Pektusan kita dyan, gusto mo?" inis na sabi ni Uno.
"Subukan mo ng magkaalaman na tayo." hamon naman ni Dos.
"Tigil!" sigaw ni Tres. Napatigil naman sila. "Isa na lang mga bru at pagsisihan nyo talagang ako ang nakasama nyo sa mission na to." mariing banta ni Tres. Parang basang sisiw namang natahimik ang dalawa. "Tuloy mo Uno, bilis!" impatient na sabi ni Tres.
Yan, inisin ba naman kasi Tres. Makakatikim na talaga ng kalunos-lunos na parusa ang dalawa kung saka-sakali. Hahaha!
"A-ahh s-saan na nga ba ako?" nabubulol na sabi ni Uno. Effective ang banta ni Tres. Natakot talaga ang dalawa. "Ah o nga pala, so enable for us na makalapit kay Faena is, she needs to see us visibly. Syempre, hindi nya tayo dapat makita into our angel mode, that means magkakatawang tao tayo. Wala namang against sa rules yun 'di ba?" tumango naman ang dalawa. "So, payag na kayo?"
"Okay. So, ang ibig mong sabihin, sasali tayo sa gang ni Faena?" tanong ni Tres.
"Exactly." malapad ang ngiting sagot ni Uno.
"Okay. Tayo na. Nanggigil na rin ‘tong kamao kong manuntok." sabi ni Dos na parang may pinapatamaan at masamang nakatingin kay Uno.
"Luhh, Tres oh, si Dos." tago ni Uno sa likod ni Tres.
"Isabong ko kayong dalawa dyan eh. Umayos nga kayo." inis na litanya ni Tres. "Sige na, punta na tayong pleasure. Teka... Magtransform na tayo."
"Anong gagamitin nating kasarian?"
"Lalake na lang para masaya."
"Eww. Pero sige dapat macho."
"Gwapo."
"Hunks."
"Malakas ang s*x appeal." sang-ayon ni Tres.
"Sikat."
"Habulin."
"Maginoo pero medyo bastos."
"Mahaba---"
Napatingin si Uno at Tres kay Dos. Sya ang nagsabi nun.
"Mahaba ang pasensya. Green kayo no?" tukso ni Dos sa dalawa.
"Ahh." sabi naman nila.
"Edi malaki na rin." sabad ni Uno.
"Ayan, iba na yan."
"Umayos ka, Uno."
"Malaki ang puso. Ano ba kayo?" painisenteng sagot nito.
"Ooookayy..." sabi na lang ng dalawa.
"Alright!" masayang bulalas ni Uno. "Sino ba dapat? Hmm, hollywood, bollywood, local, international, model, actor, comedian, action star, romantic star, bold star... Ayun, may nakita na ako." turo nya sa isang bus na nakatigil sa kabilang kalsada, na may mukha ng One Direction Band.
"Ayos. Pili na tayo." nakisang-ayon na rin si Dos.
Nang makapili sila ay sabay na sabay na nilang pinitik ang daliri tsaka naman biglang tumakbo ang bus at ang nakopya nilang mukha ay ang mukha sa tarpauline ni Bentong, Empoy at Bayani na nakakabit sa isang tricycle.
Hindi pa nila alam na hindi successful ang transformation nila ng magpasya silang magpakita sa mga tao.
Ang saya ng tatlo, lalo na si Uno dahil pinagtitinginan sila ng mga tao. Sikat na sikat ang feeling nila kasi nga One Direction member ang mga pagmumukha nila.
Pero ng magkatinginan ang tatlo. Pinagtawanan nila ang isa't isa.
"Ang pangit mo, Uno!" hagalpak na tawa ni Dos.
Natawa rin si Uno sa tinuran ni Dos. Sya pa may ganang magsabi ng pangit, eh kamukha nga nito si Bentong. "Ulol! Ikaw ang chaka, Bentong!" asar nya dito.
Para namang natauhan si Dos. Anong Bentong ang pinagsasabi ni Uno? Tsaka nya parang nafeel, na ang bigat ng tyan nya. Buntis na ba sya? Bakit ang laki ng tyan nya? Oh no. Tsaka ang porcelana nyang kutis, ngayon ay sunog sa araw na!
"Anong nangyayari?" hysterical na dinama ni Dos ang mukha at buong katawan. "Hindi maari to! Ang pangit ko! Ang pangit nyo!" iyak nya. Pinagtitinginan na tuloy sila ng mga tao pero wala silang pakialam.
"Hahaha! Sabi kasing One Direction, sa ibang direction ka naman nangopya. Hahaha! Bagay sayo! Hahaha!" tawang baliw ni Uno dito.
"Masaya ka na? Akala mong naka-one direction look ka din? Pwes Empoy, magsaya ka na!" gumanting tawa si Dos at pinakita ang mukha ni Uno sa kanya sa pamamagitan ng salaming bigla na lang nag-aappear sa kung saan.
Gulat namang nakanganga si Uno sa nakikita. Tahimik namang nakasimangot si Tres na nagtransform din bilang si Bayani. Palpak. Palpak na naman sila.
Nanghihinang napaupo na lang sila sa malapit na bench. Walang umimik, walang gustong magsalita.
"Kasalanan mo to." hurumentado ni Dos. Si Uno ang pinatatamaan nya.
"Ako?" turo ni Uno sa sarili.
"Oo. Ikaw!" mahina ngunit mariin na sabi ni Dos dito. "Wala ka ng planong matino. Puro ka palpak." sisi nya dito.
"Ba't ako na naman? We all agreed to it, right? Kahit ireplay mo pa." sabi ni Uno. "Replay mo nga author."
(A/N: Pagod ako. Proceed. XD)
"Pero idea mo pa rin yun!" inis na sabi ni Dos. "Ang boba mo talaga!" pepektusan nya sana si Uno pero may gumambala sa kanila.
"H-hello po. ‘Di ba artista po kayo? Pwede po papicture?" sabi ng cute na bata na kasama ang nanay nya ata. Nagniningning ang mata ng batang nakatingin sa tatlo. Ngayon, napagkamalan na nga silang artista.
Napatigil ang tatlo habang nakatingin sa bata. Nagpuppy eyes pa ang bata para naman mapilit ang tatlong magpapicture sa kanya.
"Pagbigyan na natin." sabi ni Tres. Tumango na lang ang dalawa dahil nakuha na ni Tres/Yani ang bata at pinaupo sa kandungan habang kinunan sila ng picture ng mama nito.
At yun nga, halos maya-maya'y may nagpapakuha sa kanila ng picture sa pag-aakalang sila yung mga artista. Kahit papano naging sikat pa rin yung tatlo, kahit 'di natupad ang one direction look nila.
Pinagpatuloy na lang nila yung ganung appearance dahil mas magmumukha silang gangster pag ganun ang mukha nila.
Sinundan nga nila si Faena sa Pleasure and it turns out na hindi pala yun cheap na bar kundi isang social club for rich people. Eh dahil mayaman naman talaga si Faena dahil sa gangster ito'y nakakapasok sya ron.
As for the three, hinarang sila ng guards dahil napagkamalan silang yung mga artista nga lang pero ng pakitaan nila ng limpak-limpak na salapi ito'y pinapasok lang sila ng parang umamong tutang guard. At para maniwala pa silang mayaman ang tatlong ogag, they tip the guards with 5 dollars each. Generous eh? Nagiging dahon din naman yun kinabukasan. Haha!
Sa loob ng pleasure, walang kamalay-malay si Faena na sinusundan sya ng tatlo. Naghanap ng paraan si Dos/Bentong para makuha ang atensyon nito and they didn't failed nung sinasadya nilang pag-awayin ang isang lasing sa isang mukhang goon at nagpakahero silang tulungan ang lasing laban sa malalaking kasama ng goons.
Minaliit pa sila ng mga ito dahil mukha lang daw silang pipityuging artistang feeling action star. Kaya naman gulat ang mga ito ng tig-isang suntok lang sa mga six footer goons ay hilata ang mga ito sa sahig. Buhay anghel nga naman, lakas lang makatrip! XD
That was the start, nabilib si Faena sa tatlo and ask them to join in her gang. Mentally, the three dance in gladness. They abruptly grab her offer at heto nga, sa pagkakaalam ni Faena, sila lang yung mga gang member nila. Hindi nya alam, na ang tatlong ogag nyang gang members ang tutulong sa kanya para tuluyan na syang maging masaya.
Dun na rin nabunyag ang mga sekreto ni Faena. Tagumpay na tagumpay ang mission ng tatlo dahil nalaman nilang hindi naman pala totoong gangster ito, kundi kakampi naman pala ng batas.
Kaya heto ngayon silang tatlo, ginagawa ang lahat ng paraan para magkabalikan ang mga naudlot na lovers na sina Gare at Faena.
Ang tanong, gusto naman ba ni Gare? Sasabihin kaya ni Faena ang totoong pagkatao nya kay Gare? Kaya bang isakripisyo ni Faena ang kaligtasan ng nurse? Dahil pag nalaman ng mga kalaban nitong may love interest si Faena'y maari itong gamitin laban sa kanya.
Hmm, ano kayang gagawin ng tatlong anghel s***h Faena's gang para sa happy ending ng calendar girl na to?
Well, Team Faena o Team Kiko? Saan kaya mas magiging masaya si nurse Gare?
Yan... yan na ang sinasabing... Abangan sa susunod na kabanata. ˆoˆ