Sa langit... 18 years ago...
SAN PEDRO
"MAY bagong salta, San Pedro." bungad na salita ng Divine Master sa kanya. Tumango lang ako at tahimik na nakinig dito. "Please be gentle with her Pedro, medyo aloof pa rin sya dahil sa nangyari sa kanya. Well, here's her record." abot nito ng tab, consisting the newbie's record.
Inabot naman nya ito at binasa ko ang info ng bagong salta. "Teresita Galang, 12 years old, mabait at ulirang anak, mahirap, panganay, cause of death..." natigil muna ako sa pagbabasa para buntong hiningang pinalabas ko mula sa nabibigatang dibdib. Malala na kasi ang mga ginagawa ng ibang tao sa kapwa nila. Sumisikip ang dibdib ko tuwing may mga ganitong kaso na naaassign sa akin. "cause of death: murdered through kitchen knife, with numerous cuts, stab and been gang raped." ang sakit ng puso nya. Nahahabag sya sa dalagita dahil sa naranasan nito sa lupa. Napabuntong hininga sya ng malalim.
"I know mahirap talagang tanggapin yan, Pedro. Hayaan mo't mabibigyan rin yan ng hustisya pagdating ng tamang panahon." narinig kong sabi ng Divine Master.
Tumango lang ako as I continued to scan Teresita's pictures during her autopsy. Halos 'di ito makilala doon dahil nakita ko na rin naman ang image nya when she was not yet dead. Sa autopsy photo's, puno ng pasa at galos ang buong katawan nito. Bakas na bakas ang karumal-dumal na krimen na ginawa rito. Maya-maya'y 'di ko na nakayanan ang nakikita at tinigil na ang pagtingin sa profile ng dalagita.
"So, sa saan po syang department, Divine Master?" tanong ko dito.
"Sa cherubs." sagot naman nitong tinignan ako at minamasdan kung anong magiging reaction ko.
Napanganga na lang ako sa sinabi nya. Sa hirap na pinagdaanan ng dalagita'y ewan ko lang kung gugustuhin nyang maging kerubin.
"Isn't that too hard for her, Divine Master?" magalang na tanong ko dito. "I don't mean to question your decision but parang mahirap po yata sa batang makakamove-on agad kung ilalagay nyo sya sa mga anghel ng pag-ibig."
"That's exactly the point, Pedro." sabad naman nito at prenteng sinandal ang likod sa upuang trono nito. "Mas mabilis syang makakamove-on kung napapaligiran sya ng mga naniniwala sa pag-ibig. I know she's full of hatred right now and bakas ang pagkamuhi nya sa mga gumawa nito sa kanya but we wouldn't let her consumed by her thoughts and feelings. I accept her here because she belongs here at hindi sa Sheoul. Even Lucifer say she deserves here dahil napakabait na bata naman nito. Our main goal is to make her forgive those people who did this to her Pedro, kaya natin sya isasama sa mga cherubin."
Yeah, tama nga naman ito. He has always been right. Bakit ko pa nga ba kwekwestyunin ang pasya nito, eh wala naman ako sa posisyon para gawin yun. Tumango na lang ako kay Divine Master at sumang-ayon na aalagaang mabuti si Teresita at hindi maabutan ng buwan na matututo itong magtiwala ulit at makapagpatawad.
Nagpaalam na ako sa Divine Master pero tinwag nya ako ulit ng nasa pintuan na ako ng malaking opisina nya.
"Ano po yun, Divine Master?"
"Nga pala, magmula ngayon, ang magiging pangalan na nya sa cherubs world ay Tres." saad nito.
"Yes po." sagot ko naman at nagpaalam dito.
Sa paglabas ko'y nakita ko na nakaupo sa waiting area ang dalagitang nasa picture kanina. Si Teresita. Malayong-malayo na ang mukha nito at ayos mula sa karumaldumal na ginawa nila sa kanya.
She was now decently wearing a white dress. May halo na rin itong color yellowish, at maliit na mapuputing pakpak. Wala na rin itong cuts at flawless na ang brown na balat. Her wavy black hair was down na parang nasalon na rin sa ayos. Though lumabas na ang ganda ng dalagita'y, ang dating maamong mukha nito at masayang aura sa lupa'y napalitan na ng matinding poot, na nakikita ko ngayon sa mukha ng bata.
Lumapit ako dito. Salubong ang kilay at galit na nakatingin ito sa tapat na dingding kaya hindi nya ako namalayang lumapit.
"Tres." panimulang tawag ko dito. Bumaling naman ito sa akin at mas lalo ko lang nakita ang nangangalit na mga mata nito.
"Hindi Tres ang pangalan ko." asik nito sa akin. Hindi naman ako natinag dito bagkus naawa pa ako lalo sa bata dahil sa sinapit nito at kalagayan nya ngayon. She surely, lose her old self. Tsk.
"Alam ko." mahinahong sabi ko. Tinaasan naman ako nito ng kilay. "Pero iyan na ang magiging pangalan mo ngayon dahil narito ka na sa langit. Anghel ka na at hindi ka na pangkaraniwan." nakita kong nagliwanag ang mukha nito ng mabanggit ko ang salitang anghel pero saglit lang at binalik na naman ang death glare nito.
"Okay." matigas na sabi nito pero atleast pumayag naman sya. As if naman may choice ito dahil kung hindi nya susundin ang patakaran dito'y sa Sheoul talaga ito babagsak. At sino namang may gusto sa Sheoul, aber? Wala! Ahh meron nga pala. Si Lucifer, na isa rin sa matinding suwail kaya nandun na sya ngayon at kasalukuyang kumakabig rin ng makakasama. Medyo marami na rin sila doon.
Care to join? Never! Uh-huh, battle of the brain na naman to. At excuse me, ang saya kaya dito sa langit kaya never kong ipagpapalit to sa Sheoul.
"Okay, Tres. Ako nga pala si San Pedro at ako ang nakatokang magbantay sayo. Wag kang mag-alala, mababait kaming lahat ng narito and I assure you, wala ng pwedeng manakit sayo dito." nakangiting sabi ko dito. Kahit pa man din walang kabago-bago ang reaction sa mukha nito'y nagpasalamat na rin akong tahimik lang itong nakikinig sa instructions ko.
Mabait naman talaga kasi itong bata at ang aloof attitude nito ngayon ay dahil sa naexperience nya sa lupa bago sya napunta rito. Sabagay, hindi na rin naman ako nahirapan sa kaso nya dahil mas marami pang malala ang kalagayan o reaction na napunta rito. So, sigurado akong mahahandle ko lang ito.
I explained to her about her new situation at kung saan syang department mapupunta. Tumalima naman ang bata at sumunod lang sa pinagagawa ko.
Naging kampante naman ako at hinayaan ko na ito sa departamyento ng mga cherub pero katagalan ay naging sakit sa ulo ito doon. Dahil nga lahat ng lalake doon ay pinag-away nya sa pamamagitan ng pag-involve sa mga ito. Sinasabay-sabay nyang syotain ang mga lalake at dahil sa maganda naman ang dalagita'y naaakit naman ang mga ito.
Tahimik kung gumanti si Tres pero she was spared pa rin dahil binigyan pa sya ng chance ni Divine Master. Till, mga babae na naman sa cherubs ang pinagdiskitahan nito. Nahirapan talaga akong paamuhin si Tres pero buti na lang at natakot ito sa Sheoul ng bantaan ko itong last chance na nya kung hindi pa sya aayos.
So, naging mabait na ito pero super tahimik pa rin. Wala syang naging kaibigan. Pero ng dumating si Dos, isang buwan ang nakalipas mula ng pumunta si Tres sa langit, ay nagkaroon na ito ng kaibigan. At yun nga ay si Dos. Tapos nagkaroon pa sila ng isang kaibigan ng dumating si Uno.
Doon nagsimulang maging open si Tres at katagalan nga ay nagkaroon ng puwang ang pagpapatawad sa puso nito. Dahil din sa mababait at makukulit na kaibigan nya'y naging masaya ulit si Tres.
Naging maayos at magaling na tandem ang tatlo. The best na mga kerubin sila, actually. Pero may mga taglay na kapilyahan kaya lagi ring napapasama sa gulo pero nonetheless, hindi naman sila talaga ganun kasakit sa ulo.
Tsaka meron ding hindi alam ang tatlo sa totoong estado nila sa isa't isa. Ano yun? Malalaman rin nila sa takdang panahon.
+++
Present Time... Sa langit... Office ni San Pedro...
Napangiti si San Pedro habang naalala ang tatlo. They were the best cherubs in heaven at kahit pa nga anong assignments ang ipagawa sa tatlo'y alam nyang kayang-kaya nila ito.
Kaya ng ibigay sa akin ni Divine Master ang Project: Calendar Girls ay hindi na ako nag-alangang iassign yun sa tatlo. Yung mga grounds naman na binanggit ko sa kanila ay puro katotohanan naman yun pero panakot ko lang talaga yun sa kanila para hindi na sila magreklamo.
So far, maganda naman ang takbo ng mission nila. Yun nga lang, ginagawa na nilang lesbian ang lahat ng babae na namimissionan nila. Well, okay lang naman yun kay Divine Master as long as ma-spread pa rin yung love at mabigyan ng hopes at true love ang lahat ng tao sa sanlibutan.
Nakangiti akong napasandal sa swivel chair ko at hinimas himas ang aking alagang manok. Akma akong iidlip ng biglang may pumasok sa opisina ko.
"Sorry, San Pedro, bigla na lang silang pumasok eh." nakayukong sabi ng sekretarya kong si Ruth.
"Okay lang. Hayaan mo na sila." nakangiting sabi ko dito at bumaling sa pumasok. "Anong maipaglilingkod ko sa inyo, girls?"
"Nakita ko na ang mastermind ng mga p-pumatay sa akin." matiim na sabi ng isa. Nag-aalala namang nakatingin sa kaibigan ang dalawang kasama nito. Bakas kasi sa mukha ng morena ang pagkamuhi. Bumalik na naman ang galit na mukha nito na huling nakita ko dito 18 years ago.
"Maupo kayo." sabi ko sa kanila. Tumalima naman ang tatlo at naupo sa mga bakanteng upuan na naroon. "Iwan mo na kami, Ruth." sabi ko sa sekretarya ko. Tumango naman ito at umalis.
"So, what do you want to do with him, Tres?" diretsong tanong ko dito.
Namumutla at nanggagalaiti itong nakakuyom ang kamao at nakatingin sa kawalan. "It’s payback time." sagot naman nito.
Hindi na ako nagulat sa sinabi nya. Alam ko namang mangyayari rin ang araw na to. "Okay. Approved." sagot ko.
Maang na napatingin ang dalawang kasama nito sa akin. Kibit-balikat na tumingin rin ako sa kanila. Matagal ng approved ni Divine Master ang pagpaparusa sa mga lalaking pumatay at gumahasa kay Tres. Lahat ng mga kumag na yun ay buhay pa at hinihintay ko na lang nga na ang babaeng kerubin na mismo ang lumapit sa akin to ask for her revenge. And for 18 years, I thought she forgot about it but as you can read, she didn't forget it.
I saw her flash a smile. No, it was a smirk... With an evil grin. Now, that was Tres.
"Thank you, San Pedro." she said at biglang nawala sa harapan ko. Wala ng nagawa ang dalawang kaibigan nito kundi sumunod dito.
"Bye, San Pedro." paalam ng mga ito. I just salute to them at nawala na rin ito sa harapan ko.
I smiled. Ahh, justice...