Palabas na ng hotel ang magkaibigang Brent at Cedrick sa kanilang raket ngayong gabi. Umextra muna sila bilang waiter na nagcatering services sa event ng hotel. Nakatanggap sila ng video message mula kay chief ang higher official ng security team,
"Mr. Vice President is missing na-trace namin via gps ang phone niya. And according to our Intelligence research nakita namin na nasa iisang location kayo. You need to find the Vice President immediately heto mga litrato ng VIP at ng secretary niyang si Kisky."
"Hindi to puwedeng mangyari 'to si Aizen ang nawawala." Sambit ni Brent nang makita ang larawan ni Aizen na pinaghahanap.
Mabilis na kumilos ang dalawa upang hanapin sila Kisky at Aizen.
"Ano na naman to kidnapan na naman hindi na talaga nadala" inis na sabi ni Brent.
"Tol tama na muna yan galit mo, unahin na muna natin maghana." ani ni Cedrick.
Mabilis na tumatakbo ang dalawa papasok ng hotel. Habang binabagtas nila ang lobby ng hotel ay nag iisip ng olano si Brent.
"Pre maghiwalay tayo, ako hahanap kay Secretary Kisky at ikaw naman pumunta ka sa security office. Ipacheck mo ang cctv baka di pa nakakalayo mga yun."
"Copy Pre!" sagot ni Cedric
"Make sure na walang lalabas na info mula sa VIP. Nasa protocol section 15 yun." Muling paalala ni Brent sa kaibigan niyang si Cedrick.
Agad na naghiwalay ang dalawa para hanapin si Aizen.
Halata sa mukha ni Kisky ang takot at pag alala kay Aizen ng masalubong ito ni Brent, kaagad na nagpakilala ito na kabilang sa security team na inutusan ni Chief upang hanapin si Aizen.
"Wait di ba ikaw tun tumulong kay Aizen nitong huling kinidnap siya?" Tanong ni Kiskey nang makaharap niya si Brent.
"Saka na ko magpapaliwanag. Wala tayong dapat aksayin na panahon, saan kayo naghiwalay ng Vice President?"
"Dito sa lobby nagsabi lang siya sakin na magsi-cr pero noon natagalan na siya hinanap ko na siya ballroom hall ngunit wala siya doon. Wala naman nakapansin sa kanyang guest kaya pumunta ko sa kinuha namin kwarto pero wala sya doon" garalgal ang boses sabay sapo ni Kisky ang ulo sa kalituhan.
"Ilang minuto na syang nawawala?" tanong ni Brent.
"Mag iisang oras na mula kanina". nakayuko si Kiskey na tila inaalaala ang lahat bago mangyari ang pagkawala ni Aizen.
"Huwag kang mag-alala mahahanap natin siya." Saad ni Brent upang kumalma si Kiskey .
"Kasalanan ko ito dahil nagpabaya ako, pangalawang beses na itong pagkidnap sa kanya, Anong gagawin ko?" Naiiyak na sabi ni Kiskey.
Nag ring ang phone ni Brent nang sagutin niya ang tawag, si Cedrick ang nasa kabilang linya.
"Pre nasa room 356 ang VIP"
pagkababa ng tawag wala ng inaksayang oras si Brent kumaripas ng takbo takbo papuntang elevator kasunod si Kisky. pagsapit nila ng 3rd floor tinawagan ni Kisky si Aizen ngunit di ito sumasagot. Nakarinig sila ng pagtunog ng telepono sa di kalayuan kaya tinungo nila ang pinanggagalingan ng ring ng phone.
"Tawagan mo ulit ang Vice President."
Muling kinontak ni Kiskey ang phone ni Aizen nakumpirma nila ito na nanggagaling sa nakabukas na pinto ng room 356, pagpasok nila may taong nakasalampak sa sahig walang malay, binuksan ni Brent ang ilaw doon gumulantang sa kanila na si Aizen ito. Walang saplot at natatakpan lang ng kumot ang katawan, hindi makapaniwala si Kisky at nanginginig itong lumapit kay Aizen maya maya'y nakasunod na ang nakatatandang kapatid ni Aizen na si Lime.
"Oh My God anong nangyari sa kapatid ko?" bulalas ni Lime sa nangyari sa kapatid.
Kitang-kita ng dalawang mga mata ni Brent ang kalunos-lunos na sinapit ni Aizen, gusto niyang sumigaw sa galit ngunit nanuyot ang kanyang lalamunan niya. Kung noon ay galit ang nadarama niya kay Aizen at sa pamilya nito ngayon ay halos mayanig ang kanyang mundo sa pag aakalang namatay na si Aizen sa kamay ng mga gustong paslangin siya.
Kasalanan ko ito dapat ay hindi ko siya hinayaan makaalis , makalayo sakin kanina, sana nasabi kong gusto ko siya kahit na lalaki kami pareho pero sa dinami dami ng nakarelasyon kong mga beki , matrona sa kanya lang ako tinamaan noong nasa safe house kami sa nueva ecija bulong ni Brent sa kanyang sarili.
Nag iiyakan sila Kiskey at Lime di nila alam ang gagawin kaya napailitan na rin lapitan ni Brent si Aizen hinawakan niya ang pisngi nito ngunit natigilan siya sa kanyang natuklasan.
"Mainit pa siya, Buhay pa si Vice President!!!" bulalas ni Brent.
"W-what did you say?" pagtataka ni Lime.
Inilapit ni Brent ang ulo niya sa dibdib ni Aizen pinakinggan nito ang pagtibok ng puso nito.
"Buhay pa siya!" malakas na sabi ni Brent.
"Walang malay ang Vice Pres." patuloy ni Brent nang hipuin pa niya ang pulso at matagal na pinagmasdan ang mukha ni Aizen.
"Kailangan na natin makalayo dito baka narito pa ang mga nagtatangka sa buhay niya." dagdag pa ni Brent hinubad nito ang jacket na may hood inabot kay Kisky.
"Isuot niyo sa kanya ito" sabay labas ng hotel room upang magbigay ng privacy sa dalawang aayusan ang kahubaran ni Aizen.
Nakarating na din si Ced sa room 356 naghihintay na ang tatlo sa kanya.
"Pre nakuha ko na ang footage ng CCTV at pinadelete ko na mga nakuha ng camera , dadaan tayo sa kabilang elevator walang cctv dun pababa ng basement!" sabi ni Cedrick.
"Sir kami na po magddrive pakibigay ninyo na samin ang susi ng kotse niyo."
Inabot naman ni Lime at Kisky ang mga susi ng kotse.
Lumabas ng kuwarto si Cedrick upang siguraduhin walang tao sa corridor sabay signal ng Go sa tatlo upang lumakad na ubod lakas naman binuhat ni Brent si Aizen na wala pa rin malay maya't maya ay tinitingnan niya ito. mabilis na sinundan ng tatlo si Cedrick ,pagkababa ng basement agad na isinakay ni Brent si Aizen sa tabi ni Kisky, pagkaupo ni Brent sa driver seat ay agad na pinaandar ang kotse. Habang sa isa pang sasakyan naman sumakay si Lime at Cedrick.
"Vice President ano bang nangyari sayo" di mapagilan ang pagdaloy ng luha nito ni Kisky habang maingat na inaalalayan si Aizen habang patungo sa hospital na pag aari ng pamilya Shau-chen.
Dumating naman sa hotel ang security at ilang private investigator upang mag saliksik sa insidente at maka recover ng evidence.