Brent POV
Mabilis kong pinatakbo ang kotse. Kahit na nasa pag mamaneho ang attention ko. Nag alala pa maski papaano kay Vice President Aizen. Nawala na sa dibdib ko ang galit ko para sa kanya dahil sa nagawa ng pamilya niya sa amin. Kaligtasan pa rin niya ang inaalala ko. Nadinig ko mula sa likod na may kausap sa phone si Secretary Kiskey.
"Sa Asian Metropolitan Hospital natin dalhin si Vice President" Utos niya ni Secretary kiskey.
"Copy Sir." sagot ko naman.
Nang marating namin ang tapat ng hospital sinabi sakin ni Secretary Kiskey na idaan ang kotse sa Vip lane, pag aari din daw ng mga Shau-chen ang hospital na ito. Highly secured ng mga guard ang hospital. Hindi lamang dalawa o tatlo ang nakita kong guard bawat daanan namin ay may guard na nagbabantay. Sobrang higpit ng pagbabantay.
Narating namin ang likod ng hospital nakaabang na ang mga nurses sa amin. m
Maingat at mabilis nilang inilabas sa kotse si Vice President Aizen at inilapat sa stretcher. Ipinasok agad siya sa emergency room. Nabahala sila ng makita ni si Vice President Aizen. Sinalubong kami ng isang Doctor na tinawag naman na uncle ni Sec. Kiskey.
"Uncle Iligtas ninyo si Aizen " bungad ni Sir Lime mula sa likuran namin. Humahagulgol siya nang aming pagmasdan.
Nakababa na rin pala sila ni Ced sa sasakyan.
"Lime gagawin namin ang lahat magtiwala ka lang sa Diyos, Ano ang nangyari kay Vice President?" Tanong ng Doctor.
"Uncle nasa isang event po kami nagkahiwalay ng halos isang oras siya. Natagpuan na lamang namin siyang walang malay sa isang kuwarto." sagot ni Sir o Ma'am Lime.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang itatawag sa kapatid ni Vice President. Ngayon lang kami nagkita alangan ako tawaging siyang Sir baka magalit dahil nakapangdamit babae siya. long sleeve na off white tapos maluwag na slocks ang suot niya tapos may sukbit na mamamhaling bag sa kanyang braso. Mukhang sosyalin at mapaghahalataan may pera.
"Maupo muna kayo at kalmahin ninyo ang inyong mga sarili Kiskey, Lime. Papasok na ko sa loob ng E.R." saad ng duktor.
Naupo si Sec. Kiskey at Sir Lime sa couch lumapit ako para alukan sila ng coffee ngunit tumanggi naman si Sir Lime dahil bawal daw siya nito. Nagtungo ako sa coffee vendo machine para sa aming tatlo nila Cedrick.
"Tol tumawag ako kay Chief nagpasabi na ko kung puwede isa sa ating ang uuwi para kumuha ng uniform natin, Okay naman daw basta hintayin natin back up security aid dito sa hospital" Ani ni Cedrick
Nakatingin lang ako kay Ced sabay abot ng coffee sa kanya.
"Ok ba yun, ginawa ko?" Tanong ni Cedrick.
"Magpapaiwan ako tol,magpahinga ka na muna itatawag ko na lang kay Mama yun mga ipapakuha ko sa iyo mga gamit ko." Wika ko.
"Hindi ka ba muna magpapahinga?" Tanong niya.
"Dito na lang ako magpapahinga ng kunti sasamahan ko muna mga VIP at gusto ko agad malaman kung ano nangyari kay Vice President." Sagot ko
"Okay, ikaw ang bahala tol, ano pa lang gagawin ko dito sa cctv footage na naka save dito sa usb?"
"Itago mo muna tol, saka na lang natin tingnan at ingatan mo yan mabuti ebidensya lahat ng tanong natin sa nangyaring ito masasagot ng cctv footage na yan." Mariing bilin ko.
Muli kong binalikan si Sec. Kiskey at inabot ang kape nakayuko ito samantalang si Sir Lime ay nakatulog na.
"Magpahinga na muna kayo Secretary ako na muna maghihintay sa resulta ng advise ng duktor."
Nakinig naman sa akin si Sec. Kiskey maya-maya ay nakatulog ito sa couch gaya ng inaasahan dumating ang ilang pang mga katulad kong security personnel kaya nagpaalam muna si Cedrick n uuwi muna.
Makalipas ang isang oras habang dinadalaw na ko ng antok, lumabas mula sa E.R ang tiyuhin na duktor kaagad akong ginising si Sir Lime at Sec. Kiskey.
"Aizen is okay now pero hindi pa sya nagkakamalay, we have test also his blood aside from alcohol drinks may nakita sa result na may nakahalo chemical o drug sa drink which hindi pa namin matukoy at kailangan pa namin i-further examine."
"Drugs? Hindi magagawa ni Aizen ang magdrugs Uncle Tony never niyang gagawin yan!" bulalas ni Lime.
"I know and may napansin ako sa katawan ni Aizen, come with me Lime may paguusapan tayo in private".
"Sige po Uncle," ani ni Lime.
Kaagad siyang sumunod habang kami ni Sec. Kiskey ay napalapit ng ilabas si Vice President ng E.R,
"Doc, kamusta po siya?" tanong ni Sec. Kiskey
"Okay na siya, huwag na kayo mag alala ililipat namin siya sa suite." Sagot ng duktor.
Maraming salamat sa inyo Doc, Maraming salamat sa Diyos nakaligtas na siya sa isip isip ko.
Tumulong na din ako sa pag alalay sa paglipat kay Aizen sa isang kuwarto, pag bukas ng pinto nakita ko sa loob na parang hotel room ang paglilipatan namin. Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala suite ang tawag sa room ng hospital na ito dahil halos walang pinag-iba ang Vip room na ito sa mga kuwarto ng mga first class hotel. Ganoon pala karangya o kayaman ang pamilya Shau-chen.
Mula sa sofa, at kamang hihigaan ng Vice President, may maliit na kusina refrigerator , telebisyon ,kumpleto lahat. Nakakamangha para talaga sa mga VIP itong kwarto na ito. Umupo si Sec. Kiskey sa upuan na malapit kay Vice President.
Door knocking..
Binuksan ko ang pinto dali-dali pumasok si Sir Lime na umiiyak na lumapit kay Vice President.
"Sino kaya ang hayop na sumalbahe sayo? May nang rape sa kanya?" saad niya habang humahagulgol.
Nagulat kami sa sinabing iyon ni lime kaagad namin siyang pinaupo at pilit na pinapakalma.
"Kumalma ka muna baka mapano ka Lime." saad ni Sec.Kiskey nakaakbay ang kanang kamay nito sa likod ni Lime at ang kaliwang kamay ay nakahawak sa mga nanginginig na kamay ni Lime.
"Pakiusap Sir Lime pakalmahin ninyo ang inyong sarili, kapag nagkamalay na ang Vice President malalaman din natin lahat ang nangyari." saad ko habang pinaiinom ko siya ng tubig sa baso."