Hospital

1001 Words
Patuloy siyang umiiyak. "Kasalanan ko ito, nagpabaya ako hindi ko inisip ang kalagayan ninyo bilang nakatatanda sa inyo." Wika ng nakakatandang kapatid ni Vice President. Isa ngang bakla ang kapatid ni Aizen matapos kong pagmasdan maiigi. "Hindi Lime ako ang may kasalanan, ako ang huling nakasama niya sa lobby hindi ko naisip na samahan siya kaya nangyari iyon." Ako ni Secretary Kiskey sa pangyayari. Lalo pa sila naging emosyonal sa tagpong iyon kaya naglakas loob ulit akong nagsalita sa kanila. "Ipagpaumanhin ninyo ang aking sasabihin, walang may gusto sa nangyari mas makakabuti sigurong ipagpahinga natin ang ating mga isip. Nakakalungkot itong pangyayari, kailangan natin magpakatatag para kay Vice President." Sa wakas natauhan ang dalawa at naging kalmado. Kalaunan nakatulog din ang dalawa na kanina ko pa gustong mangyari upang makalapit ako kay Vice President. Lumapit ako sa walang malay na pasyente bago ako maupo ay matamang pinagmasdan ko ang mukha niya. Sa isip koy nasabi kong; ano naman ba itong napasok mo mukhang hindi ka talaga lulubayang ng gustong pumatay sayo. Sino kaya ang mastermind na nag uutos na ipapatay siya. Pero bakit naman siya hinalay? Ngayon lang ako nakasaksi ng lalaking hinalay ng kung sino. May kaugnayan ba si Bossing sa nangyari sa kanya pero parang hindi naman. Ang labo naman. Naupo ako muli para maipahinga ko ang aking pagod na katawan sa maghapon ala tres y media na ng madaling araw heto ako at gising pa. Naawa ako sa kanya kung tutuusin biktima lang din siya katulad ko ng pagkakataon. Gusto ko na siyang protektahan sa lahat ng magtatangka sa kanyang buhay bukod doon aalamin ko pa ang dapat ko pang malaman na kasamaan ng pamilya mo, tama puwede kang maging daan para mapaghigantihan ko si Chairman Mao. Nagkaroon ng pag galaw sa daliri ni Vice President kaya tiningnan ko ang mukha niya ngunit di naman ito nagkamalay. Wala sa loob kong hinawakan ko ang mga kamay niya habang idinantay ko ang ulo ko sa kama dahil nakaramdaman na rin ako ng antok, kung sakaling magkamalay siya ay agad akong magigising. Ika-walo ng umaga "Huwag maawa ka akin!!!!" sigaw ni Vice President kaya nagulantang ako sa pagkakagising. Humahagulgol ito habang rumaragasa ang luha nito sa pisngi hawak ko pa din ang kamay niya. "Vice President kumalma po kayo" saad ko. "Aizen, Huwag kang matakot nandito kami ng kapatid mo" sabi ni Secretary kiskey na kaagad lumapit para yakapin ang kaibigan, yumakap din si Sir Lime. Nakatingin sa akin ang Vice President habang patuloy ito sa pag iyak. "Tatawag lang po ako ng duktor" saad ko at mabilis kong tinungo ang nurse station kaagad naman tumalima ang dalawang duktor upang tingnan ang Vice President. ********* Makalipas ang isang linggo malungkot ang pamilya Shau-chen sa sinapit ni Aizen , maliban lang kay chairman Mao na nasa ibang bansa at dahil walang alam ito sa pangyayari, araw at gabi ay binabantayan ito ng nurse at cargiver sa kwarto nito sa kanilang mansyon, araw-araw ang dalangin ni mommy ives na bumalik na sa dati ang anak niyang si aizen "Kamusta na siya?" tanong ni Mommy Ives kasama si Kiskey at lime. "Ganoon pa rin si Sir, Maam wala pa rin response eto kunti lang nabawas sa meal niya" Ani ng caregiver sabay alis nito sa malaking pasilyo. "Namamayat na siya, Sana bumalik na siya sa dati." saad ni Kiskey "Yun dating Aizen na masayahin, matatag, malakas ang loob, punong-puno ng enegry na workaholic," dugtong ni Lime. "Hayaan ninyo Maam, aalagaan ko po ng mabuti si Sir, Hindi ko iiwan ang trabaho ko hanggat hindi siya gumagaling," ani ng caregiver. Inasikaso na ng caregiver si Aizen para sa pagtulog nito, pagkahiga ni Aizen magkatulong naman si Lime at Kiskey sa paglagay nang napakapal n comforter ng higaan nito. "Anak, Sana gumaling ka na." si Mommy Ives na hawak ang mga kamay ni Aizen at idinampi sa mukha niya ang mga palad ng anak. Makailang saglit ay nakatulog na si Aizen, nilisan nila Mommy Ives , Kiskey at Lime ang kwarto ni Aizen. Paglabas ng pinto hinarap ni Mommy Ives sila Cedrick at Brent na nagbabantay sa pasilyo ng kwarto. "Pakibantayan maigi si Aizen, gisingin niyo ako kaagad kapag may kailangan ang anak ko," utos ni Mommy Ives na namumugto pa ang mga Mata. Tumango lang ang dalawa. Nang makaalis nang pasilyo ang Mag ina at si Kiskey. "Magbantay ka ng maigi dyan, papasok ako sa loob." sabi ni Brent. "Huh! Bakit anong gagawin mo sa loob?" pagtatakas ni Cedrick. "Ssshhh" Saway ni Brent at lumingong lingon sa paligid ng makasiguro walang tao sa paligid ay pumasok ito sa silid. "Naman tol aagawan pa ko ng jowa, hayy!" angal ni Cedrick. Brent Pov Dahan-dahan kong isinara ang pinto dahil baka magising ang Vice President. Nilapitan ko siya at pinagmasdan ang mukha niya na naiilawan lamang ng lampshade. "Sana bumuti ka na, may awa ang Diyos tyaka alam kong malalampasan mo itong dagok sa buhay mo, Iniligtas kita mula sa kamay ni Boss kaya inaasahan ko din na makakaligtas ka pinagdadaanan mo ngayon," "Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko sa katulad mo, Oo playboy ako, Boytoy ng bading at matrona pero ngayon lang ako nakadama ng ganito, lagi kang nasa isip ko araw-araw lalo na pag di tayo magkasama at nababantayan. Sana gumaling ka na dahil willing akong isigaw sa mundo at sabihin minamahal kita. Gumaling ka na pakiusap nahihirapan na din ako sa tuwing nakikita kita sa ganyan kalagayan mo, Alam mo bang sinisisi ko ang sarili ko ng gabing iyon. sana ikinulong na lang kita sa loob ng Cr na yun , sana pala ikinulong na lang kita ng mga yakap ko para walang nakalapit sayo at lumapastangan sayo. Mahal kita Aizen pinapangako ko di na ko titingin sa iba hanggat kailangan mo ko popoprotektahan kita sa lahat ng gustong manakit sa iyo." Gumalaw ang Vice Presidente humakbang na ko papalbas ngunit muli ko siyang nilingon at binalikan ginawaran ko siya ng halik sa noo at saka mabilis na lumabas ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD