"Ma, ang sabi ni Doc sa sumunod na linggo na lalabas ang lab result kaya ngayon magpahinga lang kayo dito sa bahay at huwag na magtinda." malambing na sabi ni Brent sa kanyang ina habang pinapaupo ito sa silya.
"Heto na nga eh puro ako pahinga namimis ko na magtinda sa Karenderia , baka hinahanap na ko ng mga suki ko." tugon ni Aling Mira.
"Tama si Kuya Brent Ma, magpahinga na lang kayo at baka mapano pa kayo" dugtong ni Spocky kay Brent.
"O nga pala Aki, palitan ko na lang yun pera mo sa sweldo ko yun pinang lab test ni Mama, isabay ko na din tuition fee mo."
"Okay lang Kuya Brent kahit yun pang tuition na lng ibigay mo sakin, para kay Mama talaga yun kinita kong pera." Wika ni Spocky na hinahaplos ang ulo ng kanilang ina.
"Buti na lang nagkapera ka at malaking tulong yun na agad na nakapag lab test si Mama, pero nagatataka ako. Paano ka naman nagkaroon ng ganoon kalaking pera" pagtataka ni Brent sa kapatid.
Napatingin si Spocky sa nakakatandang kapatid, kinabahan siya ng tanungin siya ng kanyang Kuya Brent.
"K-kuya madami kasi naging raket yun grupo, tyaka k-kinuha ko na muna yun pera ko sa on line channel ko." mautal utal na sagot ni Spocky habang iwas tingin yumuko ito saka nagkuyakoy.
"Basta papalitan ko yan at itago mo na lang yun pera, para may ipon ka," utos ni Brent.
"Totoo yun Kuya Brent." sabat ni Kiel na kanina pa nasa pintuan at pinagmamasdan si Spocky na parang kabado.
"Nandyan ka pala Kiel, kmusta na di na tayo nakakapag laro ng chess ah." bati ni Brent sa tropa ni Spocky na si Kiel.
Nangiti lang si Kiel kay Brent sabay pasok sa loob ng bahay.
"Magandang umaga po Tita Mira. Kamusta na po kayo?" Bati ni Kiel sa kagagaling sa hospital na si Aling Mira.
"Mabuti naman po maayos na kayo, nag alala po kami sa inyo." Wika ni Kiel.
"Kuya Brent pumapasok ka na pala, Ano nga pala trabaho at mukhang bigatin ah , para kang executive o businessman sa mga koreanovela nanapanuod ko." Baling ni Kiel kay Brent na inaayos na ang sarili dahil papasok na ito sa trabaho bilang Security Aid.
"Hindi naman Kiel , bodyguard kami ni Ced ng sobrang yaman na pamilya"
"Wow sino naman yun Kuya Brent?" tanong ng isang kambal at inabot nito ang coat.
"Oops top secret hindi pwdeng ipagsabi sabay," yuko ni Brent at pinisil ang pisngi ng magkambal.
"Okay sige Kuya sabi mo eh pero ang gwapo mo talaga sa suot mo," humirit pa ang bata.
"Naku kabata bata ang lakas mo ng mambola" sita ni Aling Mira.
"Weh binobola mo lang pala ang Kuya eh." Lambing ni Brent sa mga kapatid niya.
"Nagsasabi ako ng totoo Kuya." Wika ng isa mga bata.
"Kuya Brent bigyan mo nga ng tig bente mga yan kunwari pa kayo." si Spocky na nakabawi ng kaba at sumasabay na sa kulitan ng magkapatid.
"Mag iingat ka palagi anak, hindi pala basta basta ang trabaho mo" paalala ng ina.
"Oh andito na rin pala si Ced, alis na kami Ma," paalam ni Brent nang bumungad sa pinto si Ced at naka pukol ang paningin kay Spocky na nagbbrowse ng phone, malalim ang iniisip nito.
Si Spocky nga ba yun, siya ba yun nakita ko palabas ng room hindi naman siguro bulong ni Ced sa sarili nang maalala ang pinanuod na footage ng cctv, ang lalaking lumabas sa room makalipas ng lampas ng tatlumpung limang minuto nang pumasok nun una ang Vice president. Sa isip isip ni Cedrick.
"Hoy Pre, tulala ka ah mukhang ang lalim ng iniisip mo," puna ni Brent kay Ced.
Nakatingin pa rin si Cedrick kay Spocky at isa-isa na rin tiningnan sila kiel , Aling Mira at ang magkakambal na masayang nagkukulitan. Napangiti na lamang si Ced habang malalim ang iniisip.
"Wala naman may naalala lang ako"
Sagot ni Ced.
"Ano naman naalala mo?" tanong ni Brent.
"Wala nga kalimutan mo na, Sige po Aling Mira, Tol Aki kambal alis n po kami" paalam ni Ced.
"Alis na kami Ma, Aki , Kiel. kayo na muna bahala dito sa bahay at kay Mama ah" paalam ni Brent.
"Mag iingat kayo Nak, paalala muli ni Aling Mira sabay thumbs up naman si Spocky.
"Maiwan ko muna kayo at kelangan ko na magluto ng pananghalian" at tinungo ni Aling Mira ang kusina.
"Sige lang po Tita Mira, nga pala Aki si Reyster..."
"Nga pla pumunta na ba si Reyster dito? Ano kaya balita sa taong yun?"
"Hindi pa nga eh tagal ko nang tintawagan yun kahapon pa"
"Kelangan na kasi natin mag ensayo para sa bago natin sayaw kelangan turuan na tayo ni Reyster, para kung sakaling may mall show na naman tayo edi may bago tayong dance number di ba?"
"Mamaya tawagan ko si Reyster" sabay dampot ni Spocky ng remote upang manuod ng tv nang mabuksan at balita ang palabas
Eto ang tv live news ngayon
Samantala sa balitang patok, trending ngayon sa social media ang video ng isang good samaritan na namimigay ng pagkain sa mga batang nasa lansangan , ikinatuwa ito ng netizen at umani ng napakaraming magandang komento , shares at likes kasalukuyan tinutukoy kung sino ang good samaritan at sinisikap pa ang uploader sa ngayon mayroon na itong 1 million views.
"Teka tol ako ang uploader nun ah haha!" sigaw ni Kiel na pumalakpak pa ang tenga sa tuwa.
"Trending ka na naman niyan"
"Hindi ako tol yun video lang" sabay ngiti ni Kiel.
"Tol naiwan ko phone ko panuorin nga natin yun video" pagkaplay ni spocky ng video tahimik na nanuod ang dalawa.
"Tama nga ako yun nag upload yahoo!! Sobrang siya ni Kiel pero kabaligtaran naman ng reaksyon ng mukha ni Spocky sa video namumutla ito at may tumubo mga butil ng pawis sa noo muling nagbalik ang kaba sa dibdib ni Spocky , ganoon na ganoon din ang kaba niya kanina, sobra ang pangamba sa dibdib niya nang tanungin siya ng kuya niya pano nakalikom ng malaking halaga.
"Hoy Tol okay ka lang ba, bakit ka tulala?" yugyog ni Kiel kay Spocky.
"Hoy Aki!!" sunod pang pagtawag ng pansin kay Spocky.
"Tol o-okay lang ako" sa wakas ay natauhan din si Spocky.
"Ano ba nangyayari sayo ganyan ka din kanina nang dumating ako?" pagtataka ni Kiel.
"Ayos lang talaga ko tol." panay punas ng pawis sa noo.