Mistaken

1002 Words
"Ano ba nangyayari sayo ganyan ka din kanina nang dumating ako?" pagtataka ni Kiel. "Ayos lang talaga ko tol." panay punas ng pawis sa noo. "Sigurado ka ba tlga Aki?" sabay dampi ng kamay sa noo ni Spocky. "O wala ka naman sakit." sambit niya. "Teka lang tol may gagawin lang ako at saka maliligo na din ako sobrang init kasi." nakahanap nang palusot si Spocky na may gusto syang tiyakin na kailangan niya agad gawin. "Ah ganoon ba sige uwi na rin ako para mabuksan ang mga account ko baka madami ng nagmemessage sakin sa trending kong video. Balik na lng ako mamayang hapon." paalam ni Kiel na kaagad n umalis din. Dali-dali naman pumasok ng kwarto si Aki at naiwan ang kambal na pinagtatakhan ang dalawa. Pagpasok ni Spocky sa kanyang kwarto agad na hinalungkat ang kabinet para hanapin ang wallet. Nang buksan niya ito at hugutin ang isang ID nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang nasa video at ang nagmamay ari ng ID ay iisa parang binuhusan siya ng malamig na tubig nun oras na mga yun. "s**t, mali bakit nagkaganun?!" Mga salitang paulit-ulit niyang sinasabi, di niya sukat akalain na ibang tao ang nakaulayaw niya ng isang gabi at hindi yun taong nagpamukha sa kanyang bayaran siya at tinatrato siyang kawawang nilalang na nalilimos ng pera. Napahawi si Spocky sa kanyang buhok at hindi mapakali ng gagawin. "Bakit ibang tao yun bigla na lamang pumasok sa kuwartong yun? Nagkamali ako." ******** Halos magdadalawang linggo na walang pagbabago ang kalagayan ni Aizen tulala pa rin ito, di nagsasalita at walang response. Palagi na lamang itong nakaupo sa higaan at nakatanaw sa malayo, nakarecover na rin ang katawan ni Aizen na namayat dahil di siya makakain. Sa pagsusumikap ng caregiver na-araw araw syang inaalagan nito, naging mapula pula na rin ang labi at pisngi nito na dati ay namumutla. Sa malaking sala nagtipon ang pamilya ni Aizen at ang attending physician nito upang pag usapang ang medical condition ng Vice President. "Greg natatakot na ko para kay Aizen, parang wala parin improvement na nangyayari sa kanya." nangingilid ang mga luha ni Mommy Ives. "Uncle ano pa ba dapat natin gawin kailangan na ba ipatingin sa psychiatrist si Aizen?" tanong ni lime sa tito niyang duktor na gumagamot sa kapatid. Napahawak si Kisky sa bibig nang marinig kay lime ang salitang psychiatrist, naisip niya tuloy na dapat siyang sisihin nun gabing yun , ng humiwalay sa kanya si aizen sa lobby. Parang gaya sa pelikula nag flashback lahat ng memories ng araw na masaya silang magkasama, nun sabay silang nag enroll nun highschool at pano sila nagkakakilala , ng unang magkagirlfriend si Aizen, nun binisto siya ni Aizen sa crush niyang teacher nuon at nagmagdesisyon sila na mag aral sa States. Lahat yun ay nagbalik sa kanyang mga alaala. Marami na silang pinagsamahan ni Aizen higit pa sa magkaibigan ang turingan nila. Para silang magkapatid kung pagmamasdan. Lahat ng pangarap niya nakamit niya dahil kay Aizen , di niya mamakalimutan na hilingin ni Aizen sa pamilya niya na sponsoran ang pag aaral nito kaya naman tested by time ang kanilang pagkakaibigan At heto lang mauuwi ang lahat sa pagererehab ni Aizen, napailing pa sya at pilit na winawaglit sa isipan marerehab si Aizen. Hindi makakapayag si Kiskey na dadanasin ni Aizen ang maconfine sa mental institution. "Ang nangyari kay Aizen ay na trauma siya sa pangyayari although nag-undergo na siya ng medication at bumuti na ang katawan niya. Well according to my analysis compare sa mga kagaya niya na dumadaan sa ganyan sitwasyon mas malala pa ang iba , may mga violent reaction like yun iba nagwawala nagiging marahas , nagkakaroon ng halucination at mas malala suicidal tendency." "Alam kong malakas si Aizen, matalino sya feeling ko'y mismo ang utak niya ang nagheheal at binubura ng isipan niya ang nangyari sa kanya, Hindi ganoon klase si Aizen na basta na lang susuko." paliwanag ng duktor. "Ito rin ba yun, Nangayari sa kilalang scientist sa germany na subconcious mind ang gumana nang matuklasan lately na magaling na pala ito at inakala nilang recovering pa lang."Ani ni Lime. Napabuntong hininga si Lime bago muling harapin ang kanyang tiyuhin na Lolo na Duktor. "Pero kasi Uncle Greg malapit ng bumalik si Lolo hindi pwde maabutan niyang ganyan si bunso. Siguradong magagalit si Chairman Mao." sabay baling sa likod niya at tiningnan ang painting na larawan ni Aizen. "Maipapayo ko ang pagdadasal para mabilis niyang paggaling. Iparamdam natin ang pagmamahal kay Aizen dalasan natin ang pakikipag usap sa kanya, gawin natin yun usual na kasa-kasama natin siya at baka yun ang gumising sa kanya." tugon ng pinsan ni Chairman Mao na si Dr. Greg. "Hayaan niyo mag seek ako advicessa mga colleagues ko na nagpractice ng psychiatrist sa amerika kung wla pa rin mababago sa mga susunod na araw na darating.... Huwag kayo mawawalan ng pag asa. patuloy niyo lamang ang pagppainom ng gamot ka Aizen. Babalik ako sa sumunod na araw. Sige tutuloy na ko sa susunod kong lakad." paalam nito at isa isa lang yumakap sa tyuhin na doktor saka inihatid ito sa paglabas. "Mama nag-aalala ako kay Shobe.Kailangan bago pa dumating si Lolo ay maayos na si Aizen." sabi ni Lime kanila Kiskey at Mommy Ives. "Yun na nga ang dinadasal ko gabi-gabi na sana gumaling na ang kapatid mo. Ayaw kong malamab ng Lolo mo na may masamang nanagyari kay Aizen. Mabuti na lamang at hindi pa siya tumatawag para kamustahin ang kumpanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa oras na makausap ko siya." tugon ng mapagmahal na ina ni Aizen. "Ano ba talaga ang nangyari sa kapatid mo? Kiskey anong nangyari kay Aizen? Bakit siya nagkaganoon? Hindi mangyayari ito kung walang mabigat na dahilan?" Napatingin na lamang si Lime at Kiskey sa nagsusumamong si Mommy Ives. Hindi nila masabi na may lumapastangan kay Aizen. Hindi matanggap ng ina na nagdadaan sa matinding severe depression si Aizen. Wala silang masabi na kung ano ang naging dahilan ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD