Awaken

1465 Words
Samantala sa kwarto ni Aizen Aizen POV ( dreaming or unconcious) "Aizen!" "Aizen!" tawag ng isang lalaking may napaka gandang tinig. "Sino ka? bakit mo ko tinatawag?" Tanong ko. "Aizen!" "Aizen!" "Hindi ko makilala kung sino ang boses na tumatawag sakin, Bakit lagi niya kong tinatawag? Tanong ko sa aking sarili habang wala akong nakikita sa kadiliman kinaupuan ko. "Aizen!" "Tumayo ka umalis ka na sa kadiliman kinasasadlakan mo!" Dinig kong sabi ng tinig mula sa kawalan. Pinipilit kong tumayo pero di ko kaya "Aizen, Aizen nandito ko hinihintay kita." End of Aizen Pov "Good morning pogi kong alaga, time to wake up!" masiglang bati ng caregiver nang mailapag nito ang gamot at breakfast sa night stand na nakalaan para kay Aizen. "Buksan ko nga tong kurtina para magising ka na." Pagpihit ng button ng caregiver ni Aizen ay automatic na nahawi ang kurtina ng mataas na bintana. "Wow bago na naman tong mga roses na nakalagay dito sa vase ah." Wika ng may katabaang babae, na kung palaging makipag usap ay masayahin. "Ilang araw ng palagi may bagong fresh roses dito ah, Three red roses pa, ano kaya to?" "i love you ang sweet ah" aniya habang inaayos ang lahat ng gagamitin ni aizen sa umagang yun. "Sino kaya parating nagdadala ng roses sayo dito?" Tanong niya kay Aizen kahit nahihimbing ito sa tulog. Matapos ayusin ng bahagya ang kakainin na breakfast ni Aizen ay lumapit na siya kay sa Vice President ng SC Corporation. "Maya-maya pagdating dito ni Lime paliliguan ka na namin." "Pero bago yun magbi-breakfast ka na at siyempre gigisingin ko muna ang sleeping Handsome Prince" (dahil usually napakatagal gumising ni aizen) Pagkalingon ng caregiver ni Aizen para gisingin ito nagulat ito.... "Por Dios Por Santo, gising ka na pala!" Nakaupo si Aizen sa higaan nito, sa gulat ng caregiver dali-dali chineck nito si Aizen kinunan ng temperature at kung ano-ano pang pagsusuring ginawa sa katawan ni Aizen. Maya-maya ay hinagilap nito ang record upang magtala ng fatos ukol kay Aizen. "Ang record, ang record kailangan masulat ko to , tumingin ito sa wristwatch 7:59 at sumulat, Pagkatapos sumulat nito ay napansin niya na nakatingin ito sa mga roses pero kinuha na nito ang tray na nakalagay ang pagkain ni aizen at sinimulan na itong pakainin. AIZEN POV (dreaming or unconscious) "Aizen!" "Sino ka ba talaga bakit andito ka na naman, tinatawag mo na naman ako?" "Aizen!" "Halika dito! lumapit ka sakin" "Sino ka ba talaga? bakit lagi mo ko tinatawag?" "Kilala mo ba ko" "Aizen!" Pinilit kong tumayo kahit nahihirapan ako makaalis sa madilim na paligid na kinasasadlalakan ko ng makatayo na akoy nakahakbang na ko ng ilang hakbang ng biglang natigil ako dahil nakatali ang paa ko ng isang kadena. "Aizen, Nandito ako lumapit ka pa sakin" "Hindi ko na kaya! nakatali ang isa pang paa ko ng kadena" "Aizen tumingin ka sakin!" Nang akoy tumingala, sa gitna ng dilim may butil na liwanag ang gumihit sa kadiliman, unti-unti itong nagliwanag hanggang dumampi ito sa aking pisngi, mainit , masarap sa pakiramdam. Maya-maya ay naging palad ito na humahaplos sa aking pisngi at mga labi. Ano itong nararamdaman kong sobrang saya, tila masayang panaginip itong nangyayari sakin , pero panaginip nga ba? Pinilit kong buksan ang aking mata at nakakita ko ng mga imahe pero malabo. "Uiy pre!!! Anong ginagawa mo dyan!" pilit na sumisilip sa pinto ni Ced upang tingnan sa loob si Brent. "Sandali lang ilalagay ko lang tong Bulaklak." pigil ang boses dahil baka magising si Aizen, maya-maya ay hinaplos ni Brent ang pisngi ni Aizen ng matiyak nitong tulog pa rin ito. "Bilisan mong gumaling Vice President." Bulong ni Brent. "Pre labas ka na diyan dadarating na yun mga kapalitan natin na magbabantay!" Paalala ni Cedrick, halata sa tono niya na problemado nang maabutan ng mga bantay. "May 2 mins. pa naman pre" nang iluwa ng pinto si Brent at maingat na isinara ang pinto. "Kahit na paano kung mapaaga ng dating e di madadatnan ka na diyan sa loob, At saka nasa section 3.1 bawal pumasok sa mga kuwarto ng VIP.#," Paalala ni Cedrick. "Oh yan na sila wag kang maingay!" babala ni Brent. "Nandito na kami, pwde na kayo mag out" striktong sabi ng isang katulad din nila na security aid. Sumenyas lang ang magtropa at tumungo na sa malaking hagdanan ng mansyon pagkatapat ng pinto sabay pirma sa log book at tutungo pa sa Headquarters ng security team. "Umamin ka nga Pre trip mo na ba si Aizen." "P-paano mo nasabi yan?" tanong ni Brent. "Yun pagpasok sa kwarto ni Vice Pres. at ikaw pa mismo naglalagay ng bulaklak sa kwarto niya , gawain yan ng hardinero o maid yan eh o gawain yan ng mga taong in love." Masayang biro ni Cedrick. "Wala kasing nakakaisip na gumawa, ganun naman talaga kapag may sakit ang tao, binibigyan ng bulaklak para gumanda pakiramdam." paliwang ni Brent. Habang patuloy na lumalakad patungo sa HQ. "Baka kung ano na yan ah" tukso ni Cedrick "Loko, wala nuh kung anu-ano iniisip mo." palusot ni Brent "Pre huwag ako ganyan na ganyan ka din ng mabaling sayo si Margaux, lagi ka may pa flowers." patuloy ni Cedrick. "Paalala mo pa sakin yun timer na yun, mangloloko, malandi , puta!!!" Nakasimangot ng galit si Brent. "Ikaw kasi nabaling sayo, alam mo balak ko lang naman pagkaperahan yun transgender na yun sineryoso mo naman," si Cedrick na nagminor na ng kunti dahil sa pagkainis ni Brent. "Kala ko kasi naiiba siya yun pala sa una lang, di totoo, fake," na tiim bagang tahimik ni Brent, ganito ang ikinikilos noya pag ayaw na niya mga pinag uusapan. ******* Sumunod pa ang mga ilang araw at ganoon parati ang routine ng pagbabantay ni Brent at Cedrick sa mga VIP at tuwing gabi naglalagay si Brent ng mga fresh roses sa kwarto ni Aizen, magdamag niya itong binabantayan. Kaya kinabukasan gigising si Aizen na may mga roses sa vase, tila nakatulong ito ng malaki sa kanyang kalagayan. Pa- improve ng pa improve ang kalagayan ni Aizen, himalang naibuka na nito ang bibig at nabanggit ang mga roses kaya inabutan ng caregiver ng isang roses. tila magic na may sumilay na ngiti at nagliwanag ang mukha ni Aizen, sa lahat ng pagbabago ni Aizen ay nirerecord ito ng kanyang caregiver...... naging masaya na ang mansyon sa pinakikitang pagbabago ng Vice President. madalas na rin nakikipag usap si Lime at Kisky kay Aizen. Isang hapon nang maisipan hiramin ni Brent ang record ni Aizen malapad naman ang ngiti ng caregiver pinabasa sa kanya. "Okay na siya." ani ng caregiver. Habang nagbabasa si Brent nakita nitong pinapasok si Cedrick sa kwarto ng caregiver. Kampante naman siya kasi wala ang mga superior nila at nasa loob naman sila Kisky at Lime halos mga ilang segundo ay nakarinig si Brent ng mga tilian sa luob ng kwarto. "Loko loko talaga, simpleng fuckboy, umayos ka Ced kung may binabalak ka sayang ang trabaho na 'to balik tambay ka naman kung sakali." bulong ni Brent sa sarili nang tawagin din siya ni Lime para pumasok. Pagpasok niya ay kinuha ni Lime ang shades niya at isinuot ganoon din ang caregiver suot ang shades ni Cedrick. Nang ilibot niya ang paningin nakita niya si Cedrick na nakapiring ang mga mata at nangangapa sa hangin at pilit na hinuhuli sila Aizen at Kisky, naglalaro pala ang mga ito na parang mga bata. "Kami muna magbabantay sa labas." sabi ni Lime sabay labas ng kwarto. Wala na din magawa si Brent at nakijoin na rin sa laro nila , takbuhan dito lundag dyan para lang di mahuli ng naka piring na si Cedrick. Sa hindi inaasahan mapapatumba si Aizen sa sahig nang abutin siya bigla ni Ced ang paa ni Aizen sa kama, mabilis na sinalo ni Brent si Aizen para di to malalag sa sahig. "May nahuli na ko!" sigaw ni Cedrick. Pero tila naging bato ang dalawa na magkayap, si Aizen na mahigpit na nakayakap kay Brent at si Brent na titig na titig kay Aizen, ganoon din si Kisky at Cedrick na walang imik na pinagmamasdan ang dalawa. Natauhan na lamang silang dalawa nang madinig ang katok sa pinto at pagpasok ni Lime sabay sabing... "Parating si Mama" natulala din siya ng makitang magkayakap ang dalawa "Ahemm.." tikhim ni Lime nang magkitang magkayakap ang dalawa. "I'm sorry." sabay maingat na ibinaba ni Brent si Aizen. Mabilis na inayos nila Lime, Kiskey at Aizen ang kanilang mga sarili pati ang silid na nagulo. Dali-dali namang lumabas sila Brent at Cedrick saktong parating na si Mommy Ives. "Good Afternoon po Ma'am." Sabay na bati ng dalawa. Pagkatango ng dating Presidente ng Shau Chen Corporation ay napatitig siya kay Brent, saglit niyang pinagmasdan si Brent bago tuluyang pumasok sa loob ng Kuwarto
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD