Kinuha ko at inabot ko ang lalagyan ng pizza hindi ko sinasadyang mahawakan ang mga payat at mahahabang daliri ng Vice President. Napakalambot ng mga daliri niya gusto ko pa sana magtagal ang paghawak sa kamay niya ngunit bumitaw na siya sa lalagyan ng pizza di nakatakas sa paningin ko ang lalong pamumula ng mga pisngi niya at paglayo niya ng tingin.
"Kuwento ka naman tol share,share din." sabi ni Ced na nagsasalin ng wine sa mga baso pero napansin kong mas mataas ang baso ng Vice pres si Ced tlga.
Sunod-sunod na salin sa mga baso nila mula pangalawang bottle of wine nakadalawa, tatlo
"Ano naman puwede kong ikwento eh lagi naman tayong magkasama tol." sagot ko
"Dapat si Vice President. Ang taya sa kwento" dugtong ni Brent.
"Kung kwento tungkol sakin basahin niyo na lang profile ko di ba may copy kayo nun. Kung personal sa buhay ko ahhhh wait lang..... Wala eh wala kong makukuwento" sabay tawa nito lalong lumitaw ang sobrang ka cute-an ng amo ko.
Di ko tuloy mapigilan mapahanga kay Sir Aizen. Itsura niya'y mukha siyang college students dahil batang bata pa ang mukha niya pero pagdating sa accomplishment sa buhay ay nakakalula ang napakahabang listahan ng awards at samot saring parangal sa kanya.
"Hayys nakaka in love ka na talaga Aizen." sabi ko sa sarili na habang pinapanuod ko itong nakikipagsabayan na ng kakulitan kay Cedric.
Aizen POV
Mabigat na sa ulo itong iniinom namin di ko na din maiwasan makipagkulitan sa mga bantay ko, gusto ko na sana magpaalam para matulog pero naiienjoy ko na silang kasama natatawa na ko sa mga asaran ng dalawa first time kong nagawa to ang makipag bonding sa mga ordinaryong tao pero napapalapit na sila sakin. Natutuwa ako sa mga kalokohan ni Cedrick samantalang si Brent naman parang nagkakaroon na ko ng feelings sa kanya, napaka kisig niya sa taas ng height niya at tayo niya siya agad mapapansin mo sa madaming tao , yun jawline niya parang ang sarap hawakan. Ang mga mata niyang may pagka singkit pero pag tumingin napakalalim, ang mga labi niya di ko din mapigilan minsan pagmasdan , teka ang init pero bukas naman ang aircon di ko mapigilan sulyapan ang katawan niya perfect shape maumbok ang kanyang dibdib at killer abs na hulmang hulma
Nagulat ako ng mag volunteer ito ng kwentong isshare.
"Totoo itong kwento ko at sana maniwala kayo, May nagugustuhan akong tao hindi ko alam kung bakit kailan ko lang siya nakilala, iba siya sa lahat ng nakilala ko. Sa una ang nakita ko lang yun kakulitan at katigasan niya ng ulo pero nagkamali ako sobrang bait niya , at napaka low profile hinahangaan ko siya ng sobra kahit nasa taas siya mahirap abutin ng isang tulad kong nasa ibaba niya. Pero gustong-gusto ko siya..
Hindi pa tapos magkuwento si Brent ay bigla akong nagpaalam na magpapahangin saterrace.
Naramdaman kong sinundan ako dito sa terrace ni Brent. Nakatingala ako sa langit habang pinagmamasdan ang napakaraming mga bituin na tila ikinalat sa langit.
"Ang gaganda ng mga bituin di ba parang ikaw ang hirap abutin kasi napakalayo."
Ano ba itong kinikilos ng Security Aid kong si Brent? Nakakahalata na ko sa kanya magmula pa kanina. Naiilang ako.
"Brent, Ano ba yan sinasabi mo?" Biglang sambit ko.
Ang lalim ng pinakawalang niyang buntong hininga.
"Alam kong ako ang tinutukoy mo pero bakit? pareho tayong lalaki." mga tanong ni Aizen na ang hirap sagutin.
"Sa totoo lang hindi ko rin maintindihan sarili ko, aaminin ko sayo hindi lang mga babae ang mga nagdaan sa buhay ko, inaamin ko nagmahal na rin ako ng mga bakla , transgender pero gaya ng sabi ko kanina nung makilala kita hinahangaan na kita ngayon ng sobra sobra, walang araw na di kita naiisip lalo na pag wala ako sa tabi mo."
Ayaw kong tumingin sa kanya pero napilitan ako nashock kasi ako sa pagtatapat niya.
"Pero Mali, Ano na lang sasabihin ng iba di ba, Oo tanggap na sa panahon ngayon parehas na lalaki ang magkarelasyon, pero mali pa din." Sabi ko.
"Kung huhusgahan ako ng iba, hindi ako mahihiya na ipagsigawan na Mahal kita Vice President, pero alam ko sarili ko na may nararamdaman ka din para sa akin. Nakikita ko sa mga mata mo."
Nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig ko sa kanya.
"Baliw ka ba, paano mangyayari yun last month your just my kidnaper? ngayon bodyguard ko na tapos magiging boyfriend ko, kabaliwan yan." Wika
Akma akong aalis si nang biglang himawakan ang kamay ko ni Breng sabay patitig siya sa akin.
Brent Pov....
"Alam ko naman hindi mo ko matatanggap pero gusto ko lang lagi mong tandaan...."
Inilabas ko ang bracelet na may cruxific at isinuot ko ito sa kanyang braso.
"Galing pa ito sa Papa ko, sana tanggapin mo ito para parating may magpapa alala sayo na lagi kitang proprotektahan, kahit kapalit ng buhay ko ibibigay ko pa din sayo at kung wala na ko sa tabi mo. Ito magpapa alala sayo na ingatan mo palagi sarili mo gaya ng pag iingat ko sayo."
Kumalas sa akin si Aizen mula sa pagkakahawak ko sa kanyang braso ilang hakbang at narating namin ang loob ng bahay. Kinabig ko si Aizen paharap sa akin at hinalikan ko ang kanyang mga labi. Wala siyang pagtutol nangangahulugang mahal niya din ako, ramdam na ramdam ko ang lambot ng kanyang mga labi. Halos isang segundo magkadikit ang aming mga labi. Katulad ng paghalik ko sa mga ex ko sadyang hindi ako pumipikit gaano para makita ko ang reaction nila sa pagtugon ng halik ko. Nakapikit naman si Aizen at maya maya'y kumalas at binalaan akong baka makita kami ni Cedrick. Ngunit nakita namin itoy natutulog na. Kaya muli ko na naman hinagkan ang matatamis na labi ni Aizen. Sa pagkakataong ito mas madiin at malalim na ang paghalik ko sa kanya maya-maya pa'y tumutugon na rin ito ng maramdaman kong gumagalaw na ang mga labi nito. Lalo ko pang pinainit ang halik ko nang hawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Dahil dito naramdaman kong humaplos ang ang mga palad nito sa tagiliran ko niyakap ko siya ng mahigpit at siniil ko pa ng husto ng halik. Pero kumawalang muli si Aizen sabay sabing...
"Wait lang baka kung saan na mapunta ito." bulong niya at tangka na naman aalis.
Muli ko siyang ikinulong ng malalaking muscle ng braso ko at sabay sabing...
"Bago tayo matulog sabihin mong mahal mo din ako."
"Oo mahal din kita pero pag iisipan ko muna nangyayari sa atin."
"Yes, Yes sinagot mo na ko ah" nag uumpaw sa saya ang puso ko ng marinig ko ang mga salita ni Aizen.
"Huwag kang maingay baka magising sila, sige na papasok na ko sa kuwarto ko, magpahinga na ko." pagkasabi niiya ay ginawaran ako ng mabilis na halik sa noo.
Na lalong pinagwala ng puso ko. Dahil doon ay inihatid ko na siya sa pinto ng kuwarto. nagtitigan na lang kaming dalawa hanggang sa pumasok na sa loob ng kuwarto si Aizen.
Nahiga ako sa sofa at inaalala ala mga nangyari kani kanina lang hinaayan ko lang sarili ko hanggang sa akoy makatulog.