Brent Pov...
Kinabukasan, alas siyete na ko nang akoy magising. Maliligo na sana ko ngunit pinakramdaman ko kung gising na sila sa kuwarto. Tumayo ako sa tapat ng pinto pinakinggan si Vice President sa loob ng kuwarto.
Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto saat lumabas si Secretary Kisky na bagong ligo. Mabilis akong nagtungo sa kusina at naghanap ng gagawin mabuti na lamang nakita ko yun coffee maker at gumawa ako ng kape. Habang hininhintay ko ma brewed ang kape ay napatanong ako kay Kiskey.
"Si Vice President gising na?" sabay higop ng kapeng tinimpla ko.
"Tulog pa eh amoy alak, Nag inuman ba kayo kagabi?" sagot sakin ni Kisky.
"Kunti lang naman." Wika ko habang iniligpit ko ang mga bottle of wine at nilagay sa lababo mga wine glass.
"Maaga kasi ko nakatulog kagabi, pag ganyan nalasing si Boss kadalasan di na siya pumapasok o kaya naghahalfday na lang." Sabi ni Secretary Kiskey.
Napaka haba ng hikab ni Ced nang siya'y magising.
"Sorry po, Good morning ." saad niya ng mapatingin siya kay Kisky.
Nahiya ang loko kong kaibigan.
"Good Morning din." sagot ni Kiskey
"Kape Pre." alok ko kay Ced.
"Sige lang tol." sabay umupo ng maayos sa sofa at nag phone.
"Double rice guys? Baling samin ni Kisky na umoorder pala ng pang breakfast namin.
"Opo Sir tyaka tig-isa pang extra rice." sagot naman ni Ced.
"Ah okay, eh drinks ninyo?" Muling tanong ni Secretary.
"Pineapple sakin, Sir." sagot ko.
"Kahit ano sakin, Sir" sabi ni Ced.
"1 bucket of chicken , 8 na rice, 3 pineapple juice, isang ice tea, isang mango pie, thank you." sabi ni Kisky
"Ced pwede mo ba ko samahan kukuha kasi ko ng mga gamit sa kotse mejo madami kasi yun at saka yun uniforms at damit namin na suot kahapon isabay na natin sa laundry. Para kung sakaling maghalf day si boss may maisusuot kayo mamaya and then isama niyo na yan mga suot niyo , don't worry merun pa extra clothes sa kwarto pang guest."
"Pang guest? lagi ba kayo may bisita Sir?" tanong ko.
"Kisky na lang masyado naman pormal tayu- tayo lang naman nandito eh, And empleyado lang din naman ako ni boss." ani ni Kiskey.
"Eh Sir kailangan ka pa rin namin igalang nasa protocol ng ..." naputol ang sinasabi ko ng dugtungan ni Ced ang sinasabi ko.
"Ng handbook namin na sec. 6 We should respect the VIP's at all times." dugtong ni Ced.
"Kaya kailangan pa rin namin kayo tawaging Sir at igalang," pagpapatuloy ko.
"Grabe naman mga guidelines at protocol ninyo buti nakakabisado ninyo yan lahat, Pero Kiskey na lang itawag ninyo sa akin pag tayo lang at naiilang talaga ko sa sir di ako sanay." Wika niya.
"Wait ah." pumasok ng kwarto si Kiskey pagkabalik niya dala niya mga ipapahiram ulit na damit.
"Magpalit na kayo ng damit para maipalaundry na mga suot ninyo, Hintayin na lang kita sa labas Ced." saad ni Kiskey nang di makatingin ng derecho sa hubad na katawan ng tropa ko.
Nagpalit agad kami ng damit at si Ced naman ay sumunod agad kay Kisky.
Ayos to kami na lang ngayon ni Aizen narito sa unit.masosolo ko siya.
Dali kong kinatok ang pinto ng kwarto pero walang nagbukas nang pinto, pinihit ko ang doorknob sabay bukas ng daha-dahan ng pinto. Nakita kong nakahiga pa si Aizen marahil ay tulog pa.
"Good Morning." sabay pasok ko.
Tulog pa nga talaga si Aizen kaya lumapit ako at naupo sa tabi niya. Hinawi ng daliri ko ang bangs na tumatakip sa noo niya. Kasunod nun ay marahan kong sinayaran ng daliri ko ang makinis niyang pisngi. Napakakinis ng mukha niya ni wala man lang gaspang at bahid ng tinubuan ng taghiyawat sadyang napakakinis talaga. Hindi na ko nagkasya sa panakaw na pagmasid sa mukha niya, inilapit ko ang mukha ko para siya'y halikan na dati ko naman gingawa noon hindi pa siya maayos at dumanas ng trauma.
Naramdaman niya marahil ang tangka kong paghalik sa kanya kaya siya'y nagising. Nagulat siya nang imulat ang kanyang ang mga mata niya.
"What are you doing here? Brent... bakit ka pumasok sa kwarto ko?" naramdaman kong natataranta siya
kaya dumistansya ko ng kunti ng bumangon siya at naupo.
"Heto binabantayan kita, Ang cute mo matulog." sabay ngiti ko kay Aizen.
"Binabantayan pero kung di pa ko nagising may gagawin ka sa akin." saad ni Aizen.
"Hahalikan lang naman kita saka babatiin ng Good morning. May masama ba dum, Mag on naman na tayo ah." Wika ko.
"Ha," Napatitig sakin si Aizen at tumingin sa malayo.
"Ou nga pala kagabi."
Kaya lumapit pa ko sa kanya, nang masiguro kong naaalala na niya kagabi. Tumabi ako sa kanya sabay lapag ang phone ko sa kama.
"Uy wag kang lalapit, baka makita tayo ni Kiskey at kung ano isipin niya." aniya
"Masakit ang ulo ko." Daing niya sabay hawak sa ulo niya.
"Gusto mo ba uminom ng gamot?" alok ko.
"thanks mamaya na lang."
Ramdam kong naiilang siya sakin kaya akma akong lalabas ng kwarto nang..
"Yun kagabi nga pala...."
Naupo akong muli sa kama habang naghihintay ng sasabihin niya.
"Totoo ba yun sinabi mo sakin?" tanong niya.
"Oo Aizen totoo yun, pasensya na kung wrong timing di ko na kasi mapigilan sarili ko."
Muli na naman ako lumapit ng husto kay Aizen, ewan ko ba pakiramdam ko'y ang kulit-kulit ko. Para kong bata na umaasa ng lalambingin din ng kasintahan ko.
Pero sa totoo lang medyo nabubuhay ang Brent junior ko sa suot kong brief at boxer shorts. Gusto kong maramdaman kung pano maglambing si Aizen sakin. Kaya nahiga na lang ako sa tabi niya sabay sampay ng kaliwang kamay ko sa tyan niya.
"Teka teka baka makita nila tayo."
"Wala lumabas sila, tayo lang dalawa narito ngayon." habang humigpit pa kapit ng braso ko sa tyan ni Aizen.
Sa liit niya at laki ko wala na siyang nagawa nang gamitan ko na siya ng lakas. Naipahiga ko na siya at naikulong na ng matitipuno kong mga braso.
Idinikit ko ang mukha ko sa pisngi niya sabay bulong ng...
"Mahal na mahal kita Aizen, kahit anong mangyari di kita iiwan."