Mapait na Kahapon ni Brent

1021 Words
Madaling araw pa lang ng bumiyahe sila Brent at Aizen patungong Tagaytay upang dumalo sa Hongkong-Philippiness Business Club Conference na gaganapin sa Tagaytay. Isa itong pagtitipon ng lahat ng mga entrepreneur na may base sa Hongkong at dito din sa ating bansa, pang-pito sa nangungunang kumpanya ang Shau-chen Corporation. Inaasahan ang pagdalo ng miyembro ng pamilya ng Shau-chen. Inatasan ni Chairman Mao si Aizen na dumalo bilang representative ng kanilang kumpanya. Ayon sa utos ng Chief ng Security Team ng pamilya Shau-chen, upang mailayo si Aizen sa mga magtatangka sa buhay nito 2 days pa lang bago ang event ay nauna ng nagtungo sila Brent at Aizen. Susunod na lamang ang ibang matataas ang katungkulan sa kumpanya sa mismong araw ng event. Buong biyahe ay natutulog si Aizen at kahit naka seat belt ang Vice President, todo sa pagbabantay sa Brent na maya't maya ay tinitingnan niya si Aizen. Bullet proof ang sinasakyan nilang kotse at pati ang ayos ng pananamit nila ay casual lang para magmukhang mga ordinaryong tao lamang, malayo sa kasanayan na suot na suit o kaya polo barong na off white. Maski ang phone at kotse na sinasakyan nila ay naka track gamit ng gps. Bukod dito may isa pang kotse na may sakay pang mga security personnel na nakasunod sa kanila 500 meters ang layo sa kanila kaya well secured at namomonitored ng headquarters sila Brent at Aizen. Maya't maya ay pinagmamasdan ng nakabibighaning mga mata ni Brent si Aizen sa pagtulog, nandyan yun aayusin ang ulo nito sa pagkakasandal sa upuan o kaya'y pasimpleng dadampian ng daliri ang mukha nitong natutulog. Umaga na nang makarating ng bandang Silang sa cavite ang bagong couple. Nagising mula sa sikat ng araw si Aizen. "Good morning Zen-Zen." saglit na tumingin si Brent kay Aizen at ngumiti, nakasuot ito ng shades na lalong nagpagwapo sa maskuladong bodyguard. Umunat ng katawan si Aizen tumingin sa wind shield ng sasakyan at bahagyang nasisilaw. "Morning too, Nasaan na tayo?" tanong ni Aizen kay Brent nang napansin niyang umiinom ng buko sa plastic cup. "Gutom ka na ba sana nagdrop by muna tayo sa convenient store." sabi ni Aizen. "Bumili ako kanina nito sa naglalako, ayaw ko muna kasing magising ka." sagot ni Brent. "Bakit naman?" "Para hindi ka antukin sa mga pupuntahan natinm." sabay ngiti ng matamis nito kay Aizen. "At saka di pa naman ako gutom, gusto mo na ba magbreakfast na tayo?" sabi ni Brent sabay kamot nito sa garter ng shorts Nanglaki mga mata ni Aizen ng mapansin niya kinamot ni Brent ang shorts nito nawala siya sa sarili ng sandali. "Gusto mo ba yun sikat dito, yun pancit buko at saka yun bulalo na di nagsesebo kahit lumamig na?" suhestiyon ni Brent. "Brunch?" tanong ni Aizen. "Puwede para makagala na agad tayo dito." patuloy ni Aizen. Pagkarating nila sa isang restaurant na kilala sa pansit buko at bulaluhan lahat ng tao ay nakatingin sa kanila. Si Brent na naka sleeveless na grey na may hood at shorts, kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito at pumuputok na muscles ng mga braso nito. Samantalang si Aizen naka sweatshirt long sleeves, shorts at slippers na naka medyas. Natawa si Brent nang tingnan niya mula ulo hanggan paa si Aizen para silang model ng summer at winter fashion sa ayos nila. "Uso to sa korea ah." wika ni Aizen ng mapansin niya na masuring pinagmamasdan siya ni Brent. "May sinabi ba kong panget?" nangingiting sagot ni Brent. "Wala pero yun tingin mo kasi." sabay simangot ng bahagya ni Aizen. "Ang cute mo lang kasi tingnan, naninibago ako." Wika ni Brent sabay tutok sa kanyang pagmamaneho. "Ganoon ba kumpara naman sa uniform ninyong para kayong Men in Black. Naka shades pa kayo bakit ganoon ang pormahan ninyo?" "Di ko alam kesa naman polo barong di ba. At saka bagay naman sakin di ba ang guwapo ko?" sabay Mister Pogi Pose ni Brent. "Wow self proclaim ang taas ng self confidence. Ang hangin naman dito sa Tagaytay." natatawang sabi ni Aizen. "Halika na nga maupo na tayo para makakain." ani ni Brent. Sabay na naupo ang dalawa sa mesa kung saan nakatapat sila sa magandang tanawin ng bulkang taal, kilig na kilig ang mga babaeng customer ganoon din ang babaeng serbidora di nila mapigilan mapahanga sa kapogian ng mag couple, halos kiligin ang kumuha ng order nila. Nang mag umpisa na silang kumain di maiwasan tingnan ng matalim ni Brent ang ilang mga lalaking nakatutok ng tingin kay Aizen, panay pa ang bulungan ng mga palibhasa nga naman di pinoy look si Aizen halatang may lahi ito dahil sa sobrang kaputian at features ng mukha ni Aizen na mukhang japaneese o korean. "Pakilala ka na" sambit nun isa Agad namn lumipat para tabihan ni Brent si Aizen at inakbayan ito dahil doon natigil ang mga lalaki. Pagkatapos nilang kumain tumungo sila picnic grove nag horse back riding at masayang pinagmasdan ang taal volcano. "Alam mo ngayon ko na lang nagawa ulit mamasyal ng ganito, na walang masyadong nagbabantay, malaya, sobrang saya ko." wika ni Aizen sa gitna ng katahimikan at pinagmamasdan ang bulkang taal. Nakatitig naman si Brent kay Aizen. Pasado ala una ng hapon ng umuwi sa resthouse ang mag couple, maingat na ipinasok ni Brent ang kotse nang buksan ang gate ni Mang Julio. Agad na sinenyasan ito ni Brent na wag maingay dahil natutulog pa ang amo nila. Kaagad naman pumasok ang matanda upang ihanda ang rest house "Hayys tulog na naman siya dali namam mapagod ng Zen-zen ko." Nang matiyak ni Brent pumasok sa luob ng rest house ang matanda tahimik na bumaba ng kotse si Brent upang buhatin si Aizeb na tulog na tulog. Bago buksan ang pinto ng kotse tinitigan muna niya ito at bumulong sa sarili. "Paano kami makakabuo nito ang bilis mapagod laging tulog." Nang bubuhatin na niya ito ay bigla itong nagising, "Teka, teka." nang biglang maalimpungatan si Aizen at tiningnan ang paligid, nang mabatid na nasa rest house na sila saka ito nagpababa kay Brent. "Hindi naman ako babae, para tratuhin mo ko ng ganyan at saka baka makita tayo ng mga caretaker."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD