Episode Twenty-three

1371 Words
Blue’s Point of View             Ilang araw na ang lumipas bago ko isinagawa ang orasyon para makaganti kay Xander. Gusto ko lang naman maranasan niya ang hirap na nararamdaman ng mga taong katulad ko. Pero… hindi ko inaasahan na iba ang mangyayari. Nagpalit sila ng katawan ni Xavier, ang kanyang kambal. Isa ito sa mga bagay na hindi ko rin alam.             Ilang beses na rin nila akong sinubukang kausapin. Ngunit sa bawat pagsubok nila ay mas lalo lang lumalaki nag galit na aking nararamdaman. Sa tuwing nakikta ko si Xander ay nakakaramdam ako ng awa ngunit kaagad itong nawawala sa tuwing maririnig ko ang mga mapanghusga niyang mga salita. Pasensya na kay Xavier pero hinding-hindi ko mapapatawad ang kanyang kambal.             Mag-aalauna na ng madaling araw. Mahimbing na natutulog ang aking roommate. Kasalukuyan akong nakatayo sa tapat ng pinto ng banyo. Isang enkantasyon ang aking binulong pagkatapos ay nakaaninag ako ng mapanglaw na ilaw mula sab utas sa ibaba ng pinto. Hinawakan ko naman ang doorknob at binuksan ang pinto. Kaagad naman akong pumasok at madaliang sinara ang pinto upang hindi magising ang taong nahihimbing.             “Mabuti at nakarating ka na,” ang komento naman ng isang tinig. Kaagad akong napalingon. Si Auntie Lucia. Katabi niya si Auntie Adele na bitbit ang aking pusa, ang aking animal familiar o spirit guide.             “Bakit niyo po ako pinatawag?” ang tanong ko.             “Blue, meron ka bang dapat ipagtapat sa amin?” ang tanong naman ni Auntie Adele habang hinihimas ang pusa.             “Wala naman po,” ang tugon ko.             “Hindi ka naming pinalaki para magsinungaling, Blue,” ang komento naman ni Auntie Lucia. Namuti ang kanyang mga mata. May kaldero ng kumukulong tubig sa kanyang harapan. Nagsimula siyang magsalita ng mga enkantasyon habang naglalagay ng kung anu-ano sa kaldero. “Lumapit ka rito.”             Dahan-dahan naman akong lumapit. Tinignan ko ang loob ng kaldero. Unti-unting nagpakita ang eksena ng gabing sinumpa ko si Xander.             “Paano mo ipapaliwanag ito?” ang tanong ni Auntie Adele. Hindi naman ako umimik.             “Nararapat lang sa kanya ito,” ang tugon ko.             “Blue,” ang pagtawag sa akin ni Auntie Lucia. Bumalik na sa dating kulay ang kanyang mga mata. “Hindi natin nakuha ang mga abilidad natin upang manghamak ng ibang tao. Labag ito sa Tipan ng Gabi, ano na lang mangyayari kung malaman ito ng Punong Ministro?”             “Wala akong pakialam, Auntie Lucia,” ang diin ko naman. “Sinaktan niya ako; mararapat lang na masaktan siya.”             “Blue!” ang galit na suway ni Auntie Adele. Tumalon mula sa kanyang bisig si Luna. Ang kanyang kayumangging mga mata ay naging pula na tila ba nagbabagang apoy. “Ito ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo!”             “A-ano?” ang gulat kong tanong nang marinig yun mula sa kanya.             “Adele, kumalma ka,” ang bilin ni Aunti Lucia sa kanya.             “Hindi, Lucia,” ang pagtanggi naman ni Auntie Adele. “Oras na para malaman ni Blue ang katotohanan. Wala nang pagtatakip.”             “A-anong katotohanan?” ang muli kong tanong. Kumalma naman si Auntie Adele. Nakita kong muling bumali ang kulay ng mata niya sa dati. Inabutan naman siya ni Auntie Lucia ng tubig. Pinanood naman naming siya uminom ng tubig.             “Mas makakabuti kung sa sala natin pag-usapan,” ang sabi ni Auntie Adele sabay lakad palabas ng kusina. Kaagad naman kaming sumunod ni Auntie Lucia. Naupo ako sa sofa habang hinintay silang matapos ang isang enkantasyon na pipigil sa ano mang tunog upang hindi ito lumabas sa bahay.  Naupo naman sila samantalang si Luna ay pumwesto sa aking kandungan. “Pinagbabawal sa tipan natin ang mag-aral at magsawa ng itim na mahika. Ang iyong ama, dahil sa kanyang galit sa pumatay sa iyong ina. Nagawa niyang ipahamak ang isang tao dahil sa sumpa. Kamatayan ang parusa sa paglabag sa mga batas ng Tipan ng Gabi. Kinuha nila ang ama mo at…”             Nagsimulang lumuha si Auntie Adele.             “Kaya, Blue, kung ano mang sumpa ang inilagay mo sa magkapatid, alisin mo na,” ang paki-usap ni Auntie Lucia. “Bago pa mahuli ang lahat. Bago pa tayo mahanap ng Punong Ministro.”             Napabuntong-hininga naman ako.             “Hindi ko alam kung paano,” ang pag-amin ko. Napasinghap naman ang dalawa kong tiya.             “Paanong hindi mo alam, Blue?” ang tanong ni Auntie Adele, halata sa kanyang tono ang             pagkasiphayo.             “Nakuha ko ang ideyang yun mula sa libro sa library ng academy,” ang sabi naman ni Blue.             “Hindi ka sigurado sa ginawa mo?” ang tanong naman ni Auntie Lucia na halos mahimatay sa kanyang mga naririnig. “Paano mo sila maibabalik sa dati?”             “H-hindi ko alam,” ang muli kong tugon. “Pero hindi na yun importante dahil wala akong balak ibalik sila sa dati.  Mas makakabuti na siguro ang kunin ako ng punong ministro kesa ibalik sila sa dati.”             “Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Blue?”             “Auntie Adele, may kapangyarihan ako,” ang saad ko. “Hindi lang ako gumagawa ng mga gayuma o nakikinig sa kung ano mang anyong-tubig.”             Natigilan naman sila sa nasabi ko.             “Ganun na ba kababa ang mga tingin mo sa mga mangkukulam ng apuyan at mga magkukula ng karagatan?” ang retorikal na tanong ni Auntie Lucia, halatang nasaktan sa aking nasabi. “Ang mga abilidad naming ay para hindi manakit, kundi ang tumulong sa kapwa.”             “H-hindi po yun ang gusto kong iparating,” ang paliwanag ko.             Napabuntong hininga naman si Auntie Lucia.             “Mas makakabuti siguro kung pag-isipan mo ang lahat ng mga sinabi mo,” ang komento niya. “Tama na ang mga narinig naming ngayong gabi. Tayo na, Adele,” ang yaya niya kay Auntie Adele bago niya hinawakan ang braso ng isa. Isang tingin ang kapwa nila binaling sa akin bago tuluyang pumanhik sa pangalawang palapag ng bahay. Tumalon naman ang pusa mula sa aking kanlungan bago ako tumayo. Pinanood ko naman ang pusang magbago ng anyo. Naging hugis babae ito na may mahabang itim na buhok at itim na damit. Makikita rin ang mahahaba nitong mga tenga. Isa siyang enkantado na nainirahan sa kakahuyan. Siya ang aking naging gabay nang naging isa akong ganap na mangkukulam.             “Sadyang hindi ko maintindahan ang likas niyong pagkatao,” ang komento niya. “Puno kayo ng mga emosyon.”             “Luna, anong gagawin ko?” ang tanong ko. Napatingin naman siya sa akin. Tinignan ko naman ang mga kulay apoy niyang mga mata.             “Isa lang naman ang magagawa mo, Blue,” ang komento niya. “kung ano ang tama.”             Muli siyang nag-anyong pusa bago lumabas ng pintuan; patungo sa kakahuyan. Napabuntong-hininga naman ako. Gamit ang aking kakayahan, pinatay ko ang mga nakasinding kandila sa sala at nagtungo sa tapat ng pintuan. Pumikit ako at nagsabi ng isang enkantasyon. Umilaw ang gilid ng pintuan. Lumabas ako nang buksan ko yun. Sa aking pagtapak palabas ng pintuan, kadiliman ang aking natagpuan. Kasabay nito ang paghilik ng isang taong nahihimbing. Nakabalik ako sa aking kuwarto sa dormitory ng Richmond. Naupo ako sa gilid ng aking kama. Napa-isip ako sa mga sinabi nila Auntie Lucia at Auntie Adele. Maari kong mahanapan ng paraan ang pagtanggal ng sumpang binigay ko kay Xander pero… ang hirap magpatawad sa taong hindi hinihingi ito ng kusang-loob. Napa-iling ako at napabuntong-hininga. Nahiga ako at pinikit ang aking mga mata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD