Episode Twenty-two

1962 Words
Xavier’s Point of View            WALANG mapaglagyan ang tuwang nararamdaman ko sa narinig mula kay Xander. Iba yung saya na kahit hindi niya pa ako tuluyang natatanggap ay kinikilala niya ang kung anong meron kami ni Mikael.             “Let me help you,” ang alok ni Xander ng tulong. Natigilan naman ako at napatingin sa kanya. “Huwag mo akong titigan ng ganyan, Xavier.”             Kinuha naman niya ang isa sa plastic na lalagyan.             “Dahan-dahan ang paglagay,” ang bilin ko. Tumango naman siya at dahan-dahang linagay ang dessert. “baka masira.”             “You look so happy,” ang biglaan niyang komento. “Nag-iba ang aura mo.”             “Ikaw din naman,” ang tugon ko. Napangiti naman siya sabay iling.             “But I have something to tell you,” ang biglaan niyang pagseseryoso. Napatingin naman ako sa kanya para making. “Kilala mo ba si Paige Alcantara?”             “Sino ba namang hindi?” ang retorikal kong tanong sabay sara sa unang plastic container. Halos lahat ng estudyante sa aming koleyo ay pinag-uusapan si Paige, lalo na ng mga kalalakihan. “Sikat siya sa SHE.”             “Anong relasyon niya kay Mikael?” ang sunod namang tanong ni Xander.             “Hindi ko alam,” ang tugon ko naman. “Bakit bigla mong tinatanong?”             “Xavier, I’m worried about you,” ang komento niya. “Alam kong hindi ka sanay sa mga pagtatalo. I can handle confrontations while I’m in your body but…. Nag-alala ako kapag bumalik na tayo sa dati.”             “Hindi ko sigurado kung bakit kailangan mong mag-alala para sa akin,” ang komento ko naman. “Hindi rin naman kami magkakilala ni Paige.”             “Uhm… well,” ang mga salitang kanyang nasambit. Hinintay ko siyang buoin ang kanyang gustong sabihin.             “Ano ba kasi ‘yun, Xander?” ang tanong ko sa kanya.             “That girl and I had a confrontation before,” ang pag-amin niya.             “A-ano?!” ang gulat kong reaksyon.             “Well, she started it,” ang sabi naman ni Xander. “She called me names, gave me threats, yada, yada. Xavier, just don’t trust her, okay? She’s crazy… and I mean dead crazy over Mikael.”             “Huwag kang mag-alala, hindi ako lampa,” ang sabi ko naman.             “Alam ko pero hindi lang naman pisikalan ang tinutukoy ko,” ang komento niya. “Emotions brings out the worst of people sometimes. I guess you just need to talk to Mikael.”             “Sige,” ang pagpayag ko. “Salamat, Xander.”             Napatupi naman siya ng mga kamay.             “Xavier!” ang pagtawag ni Samantha. Kapwa naman kami napatingin ni Xander. Lumapit naman siya sa amin. “May kilala akong pwedeng makatulong sa inyo.”             “Sino naman?” ang tanong ko.             “Yung kaibigan ng nanay ko,” ang tugon naman niya. “Isa siyang albularyo pero kailangan pa natin siyang dayuin sa probinsya.”             “I don’t think that’s a problem,” ang komento naman ni Xaavier. “Sa sitwasyon namin ngayon; we’re already desperate.”             “O, sige,” ang pagpayag naman ni Samantha. “Pwede ko kayong samahan sa Sabado.”             “And saan yun to be exact?” ang tanong ni Xander.             “Aurora province,” ang sagot naman ni Samantha.             “Magaganda ang mga beach doon,” ang singit naman ni Nico. “Gusto kong sumama!”             “Hindi kami pupunta roon para magbakasyon,” ang komento ko naman.             “Well, we can go sightseeing after,” ang singit din ni Trisha na kanina pa nakikinig sa amin.             “We?” ang nagtatakang tanong ni Xander. “Huwag mong sabihin na—”             “Yes, Xander,” ang pagkumpirma naman ni Trisha. “Sasama rin ako. At pwede ring isama ni Xavier si Mikael.”             Napabuntong-hininga naman si Xander.             “Fine,” ang pagpayag naman niya. “Since tapos na tayo rito. Bumalik na tayo sa dorm.”             “Mabuti pa nga,” ang pagsang-ayon ko naman. Sinimulan naming ayusin ang club room. Hinugsan namin, pinatuyo at ibinalik sa tamang lalagyan ang mga ginamit namin. Nang malock ang pinto ay nagsimula kaming maglakad palabas ng School of Home Economics. Iba ang pakiramdam ng kapaligiran. Lalo na at katahimikan ang bumabalot sa loob. Nakakadagdag pa sa nakakatakot na pakiramdam ang ilan sa mga silid-aralan na walang ilaw. “Nakakatakot pala ang building na ito kapag gabi. Bilisan na natin maglakad.”             Binilisan ko ang lakad. Ayoko nang magtagal doon. Pagkatapos ng ilan pang sandal ay nakalabas na kami ng gusali. Ibang tanawin naman ang aming nadatnan. Nakailaw na ang mga poste. Bawal nang tumambay ang mga estudyante sa mga minipark ng Richmond kaya wala ka nang makikitang tao sa paligid. Maliban na lamang sa mga estudyanteng naglalakad patungo o paalis ng University Library. Bukas kasi ito magdamag. Nang makapagpaalam sa isa’t-isa ay kanya-kanya kaming nagtungo sa aming mga kuwarto sa dorm. Nadatnan ko si Jace sa kuwarto naming, nanonood ng kung ano mang video sa kanyang cell phone. Natigilan siya nang makita ako. Inilapag naman niya ang kanyang hawak sa kama kung saan siya nakahiga.             “Xander,” ang pagtawag niya sa akin. “Napapansin ko, madalas na kayong magkasama nung kakambal mo.”             “Hindi ba pwede?” ang tanong ko naman sabay lakad patungo sa harap ng aparador. Binuksan ko yun para kumuha ng mga damit na pamalit, at isang tuwalya.             Nakakalimutan mo na ako,” ang komento niya. Halata ang pagtatampo sa kanyang tono ng pananalita. “Hindi na tayo nakakakapaghang out. Pagkatapos ng soccer practice, si Xavier ang palagi mong kasama.”             “Jace, he’s my twin brother,” ang paliwanag ko. “Sorry. May important family affair lang sa amin kaya kailangan kong samahan si Xavier.”             “Well,” ang sabi niya sabay kuha ulit ng phone niya. “Bumawi ka.”             “I will,” ang tugon ko bago pumasok ng banyo at naligo. Nang matapos ay naupo ako sa study table, nakasabit pa ang isang maliit na towel sa aking balikat. Kinuha ko ang aking smartphone at tinignan ang mga notification. May ilang mensahe mula kay Mikael. Tinanatanong kung bakit hindi ako nag-re-reply sa kanya.             “Sorry, nakipagkita ako kay Xander. Humingi siya ng tulong para sa Dessert Competition. Dumaan kami sa supermarket para bumili ng ingredients. Pumunta rin kami ng club room para mag-practice,” ang paliwanag ko. “Ipinagtabi kita ng mga ginawa naming, ibibigay ko bukas.”             “Akala ko may ibang lalake ka nang inasikaso,” ang tukso naman niya. “Ako lang dapat.”             “Opo. Ano nga pala kayo ni Paige?” ang tanong ko nang walang paligoy-ligoy.             “Bakit bigla siyang naisali sa usapan natin?”             “May nasabi kasi si Xander tungkol sa kanya,” ang tugon ko.             “Oh, dahil siguro sa nangyari nung isang araw. Xavier, ang totoo niyan, we used to be dating,” ang pag-amin niya.             “Anong nangyari?”             “Walang nangyari. We just didn’t click,” ang tugon naman niya. “We didn’t have the connection that we have now. Nag-aalala ka ba na maagawa ka?”             Napakunot naman ako ng noo sa aking nabasa.             “May tiwala ako sa’yo,” ang tugon ko. “Nasa sa’yo na yaan kung magpapa-agaw ka.”             “Huwag kang mag-alala, I only have my eyes on you,” ang paniniguro niya. Napangiti naman ako.             “Pupunta nga pala kami sa Aurora sa Sabado,” ang sabi ko. “May kakilala si Samantha na pwedeng makatulong sa amin. Gusto mong sumama?”             “Of course,” ang pagpayag naman niya. “Magpahinga ka na. I’ll see you in the morning. Good night. I love you.”             “I love you too,” ang huli kong sinabi bago linapag ang aking smartphone sa mesa. Napatingin ako sa pagkaing dala ko. Kaagad ko namang kinuha ang isang extrang plastic container na lulan ang mga ginawa naming ni Xander kanina. “Jace.”             Napatingin naman siya sa akin.             “Heto, para sa’yo,” ang sabi ko sabay abot ng pagkain sa kanya.             “Ano ‘to?” ang tanong niya nang abutin ang plastic container. Pinanood ko naman siyang buksan yun. Napanganga siya at napatingin sa akin. “Ikaw ang gumawa nito.”             “Ah, hindi,” ang pagtanggi ko bilang si Xander. “Si Xavier ang gumawa niyan. Kasali kasi ang Culinary Club sa University Meet kaya nagpa-taste test siya.”             “It’s all pink though,” ang komento naman niya. Kumuha naman siya ng mochi at tinikman yun.             “Kamusta?” ang tanong ko naman. Ngumiti naman siya.             “Masarap,” ang tugon niya. “Iba rin ang kapatid mo, ah! Pero teka, he’s gay, isn’t he?”             Hindi naman ako nakaimik, bagkus ay mabagal lang naman akong tumango.             “How are you keeping up?” ang sunod niyang tanong. “Di ba ayaw mo sa mga taong katulad niya.”             “He’s my brother,” ang tugon ko. Sa tingin ko ito ang sasabihin ni Xander. “I could tolerate him.”             “Pero hindi mo pa rin tanggap?” ang follow-up question niya. Muli naman akong tumango at napakibit-balikat.  “Hindi mo tanggap na Xavier and Mikael is an item?”             “I’m okay with it,” ang tugon ko sabay upo sa gilid ng aking kama.             “Gusto ko to,” ang komento niya habang kumakain. Pinanood ko siya habang tinutusok-tusok niya ng plastic fork ang jelly dessert. “Hindi ba naisip ng kapatid mong magtayo ng restaurant sa future?”             “Pangarap niya talaga yan,” ang tugon ko. Totoo. Pnagarap kong magkaroon ng ganoon. Hindi man restaurant, kahit isang maliit na coffee shop lang.             “Baka naman sa susunod, kapag nagpa-taste test ulit ang kambal mo,” ang saad niya. “isama mo naman ako.”             Natawa naman ako sa sinabi niya. Sa mga araw na kasama ko siya ay natutunan kong mahilig siyang kumain.             “Food is life,” ang komento niya pa habang inuubos ang binigay ko sa kanya. Napa-iling na lamang ako. Nakakatuwa rin ang mga kaibigan ni Xander. Natutuwa ako na may mga taong handing pagtiisan at unawain ang kagaspangan ng ugali ng kakambal ko. Sa totoo lang, hindi naman masamang tao si Xander. He’s just misunderstood. Napagtanto ko ang lahat ng ito nang malaman ko ang kanyang pinagdaanan. Napahikab naman ako dahil sa antok ko.             “Inaantok na ako,” ang sabi ko. “Lights off?”             Tumango naman siya bago binuksan ang nightlamp niya. Tumayo naman ako at pinatay ang ilaw. Dumeretso ako sa kama at nahiga. Hindi naman nagtagal ay nakatulog na ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD