Episode Twenty-one

1809 Words
Xander’s Point of View               DUMERETSO kami sa Culinary Club room ng School of Home Economics. Nadatnan namin sila Nico at Samantha doon.             “Tinawag ko sila para tikman ang mga gawa natin,” ang paliwanag ni Xavier. Naalala ko naman si Trisha.             “Xavier,” ang pagtawag ko sa kanya. “Can I invite Trisha over? I also want her to taste.”             “Oo naman,” ang pagpayag naman niya.             “How about Mikael?” ang tanong ko. “Are you not going to invite him?”             “Hindi na,” ang pagtanggi naman niya. “Pagod na rin yun sa soccer practice, at isa pa, nakauwi na siya.”             Napatango naman ako. Inilabas ko naman ang aking smartphone upang i-chat si Trisha.             “Kung may kailangan kayong ipagawa,” si Nico. “Pwede niyo kaming utusan.”             Umiling naman si Xavier.             “Mas makakabuti kung si Xander lahat ang gagawa,” ang komento naman niya sabay lapag ng bitbit niyang ecobag. Inilapag ko naman din ang hawak ko sa mesa. Naupo naman ako upuan at pinanood si Xavier. Nagtungo siya sa tapat ng iba’t-ibang aparador at naglabas ng kung anu-ano. “Nico, nasaan nakalagay ang mga silicone molds?”             “Nasa pangalawang aparador sa kanan, sa likod ng hand mixer,” ang tugon naman ni Nico.             “Nakita ko nga,” ang saad ni Xavier sabay labas ng molds mula sa aparador. Nang mahugasan ay inilapag niya ang mga gagamitin naming sa mesa.             “Anong una nating gagawin?” ang tanong ko.             “Yung Sakura Mochi,” ang tugon naman ni Xavier. Sinimulan naming ilabas mula sa ecobag ang mga pinamili namin. “Hugasan mom una itong bigas.”             Inabot naman niya sa akin yun kasama ng isang kaldero.             “Ibabad mo rin sa tubig ang dahon at bulaklak ng sakura,” ang sabi niya pa. “Gawin mo muna yun bago mo hugasan ang bigas.”             Kaagad ko namang sinunod ang mga sinasabi niya.             “Uhm, why should we soak these in water?” ang tanong ko.             “Para matanggal ang sobrang asin,” ang paliwanag naman niya. “Kailangan mo ring ibabad ang bigas ng isang oras. Habang naghihintay, gawin na muna natin ang ang anko.”             “Anko?” ang pag-uulit ko.             “Yung red bean paste,” ang pagklaklaro niya. Tumango naman ako. “Kailangan nating gumawa ng maliliit na bola na magiging filling ng mochi.”             Naging abala kami ni Xavier sa paggawa ng sinasabi niya samantalang si Samantha at Nico ay may sariling gawain. Naghahanda na rin si Nico para sa paligsahan na kasali siya. Dumating naman si Trisha.             “Ang bango naman,” ang komento niya nang maisara ang pinto. Tinignan niya ang ginagawa naming. “Hindi ako makapaniwala na si Xander, gagawa ng ganito.”             “I know, right?” ang pagsang-ayon ko naman.             “Ano?” ang singit naman ni Samantha. Oo nga pala. Hindi niya pa alam ang tungkol sa pagpapalit naming ng katawan ni Xavier. Napatahimik kaming lahat at natuon ang aming tingin sa kanya. “Sandali lang, may napapansin ako kanina pa. Bakit magkabaligtad ang pagtawag niyo sa magkapatid? Kambal nga sila pero hindi sila magkamukha.”             “Uhm, Samantha,” ang pagtawag ni Xavier sa kanya. “Sa totoo niya…”             IPINALIWANAG nga naming kay Samantha ang puno’t dulo ng aming problem ani Xavier.             “Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niyo,” ang komento naman niya.             “Hindi rin kami makapaniwala,” ang pagsang-ayon naman ni Xavier. “Pero Samantha, wala nang ibang nakakalam nito. Ikaw lang, si Nico, si Trisha at si Mikael.”             “Alam na rin pala ni Mikael,” ang saad niya. “Sandali lang, kayo na ba ni Mikael?”             Napangiti lang naman si Xavier samantalang napa-ikot ako ng mga mata.             “Oh, my gosh!” ang tili naman ni Samantha. “Congrats, besh!”             Yumakap naman siya kay Xavier.             “Tama na yan,” ang suway naman ni Nico sabay hila papalayo kay Samantha. “Halatang-halata ka na. Katawan yan ni Xander. Ang harot mo talaga!             “Hoy! Napaka-judgemental mo talaga!” ang reaksyon naman ni Samantha.             “At isa pa, narito ang girlfriend ni Xander,” ang dagdag pa ni Nico sabay tingin kay Trisha.             “Girlfriend ni Xander?!” ang gulat na reaksyon ni Samantha sabay tingin kay Trisha. “Hi, Trisha! Ako ng apala si Samantha.”             “Kilala mo ako?” ang tanong naman ni Trisha.             “Lahat naman ng estudyante kilala ka,” ang tugon ni Samatha. “Ikaw ang female version ni Xander. Bagay kayo pero… bakit hindi alam ng iba?”             “It was my choice,” ang singit ko naman. “Naalala mo naman siguro yung nangyari kay Xavier nang ma-link siya akin. Ayokong maranasan yun ni Trisha dahil lang sa akin.”             “Ah, sa bagay. Naiintindihan ko,” ang tugon naman ni Samantha. “Anong balak niyo?”             “Hindi ko pa alam, wala naman akong ibang pagppipilian kundi ang muling kausapin si Blue,” ang tugon ko.             “Sasama ako,” ang pagpresenta ni Xavier. “Mas makakabuti siguro kung dalawa na tayo ang kuma-usap sa kanya.              “Sige,” ang pagpayag ko naman. Natigilan naman kami nang biglang tumunog ang timer. Labing-limang minute na pala ang lumipas. Kailangan ko nang alisin sa tubig ang mga binabad na cherry blossoms. Pinagpatuloy nga naming ang pagbola ng anko. Sinundan ko ang ilan pang pinapagawa sa akin ni Xavier. Matapos ng isang oras ay tinanggal ko ang tubig mula sa nababad na bigas. Pinalagay naman niya yun sa isang bowl at pinalagyan ng muli ng unting tubig at food coloring.             “Unti lang ang ilagay mo,” ang bilin niya. “Ilang patak lang, kundi masosobrahan sa tingkad ang kulay.”             “Ang ganda!” ang sabay na reaksyon naman ni Trisha at Samantha nang makita ang bigas na nagkukulay pink. Sa totoo lang, sa tingin ko mas maaattract ang mga babae sa ganitong klaseng dessert. Tinakpan naman ni Xavier ang bowl ng plastic wrap bago linagay sa microwave oven.             “Five minutes,” ang bilin ni Xavier kaya napatango ako. “ilabas mo at haluin ng minsan bago mo ulitin.”             “Hindi na ako makapaghintay sa resulta!” ang ekslamasyon ni Trisha. “Xavier, paano ka pala nahilig sa ganito?”             “Si Mommy ang naging dahilan,” ang tugon naman ni Xavier. “Mahilig siyang magluto pero… mas naging interisado ako sa paggawa ng mga dessert.”             Nang matapos ma-microwave ang bigas ay hinaluan na naming ito ng asukal at hinalo hanggang sa mas naging malagkit ito.             “Para mas maging intact at bilugan ang korte, gumamit ka ng plastic wrap,” ang sabi niya sabay lagay ng pink na kanin sa plastic wrap. Kinorte naman niya itong hugis tatsulok. Inilagay niya ang sweet bean paste sa gitna. He rolled the sweet rice over to cover the ball. He then tightened the wrap and twisted the ends to make an oval shape. Inilagay naman niya ang bola ng matamis na kanin sa dahon.             “Ikaw naman ang gumawa.”             Sinubukan ko namang gawin at isaulo ang mga ginawa niya. Mabuti na lang ay hindi na naging masama ang aking ginawa.             “Pagkagawa mo, kailangan mong iwan ng isang oras para ma-absorb ng kanin ang lasa ng sakura leaf,” ang huling bilin ni Xavier. “Sunod naman nating gagawin yung Sakuya Yokan.”             “Ano yun?” ang tanong ko naman.             “Basically, jelly dessert siya,” ang simple namang paliwanag ni Xavier. “It’s a very basic dessert. Pero makukuha mo ang mga judges sa presentation.”             Itinuro naman ni Xavier sa akin ang gagawin. Sakura Raindrop Cake daw. Para itong snowglobe ngunit sa loob ay sakura flower. Sa totoo lang ay nagandahan din ako sa ginawa ni Xavier.  Ngayon ko naintindihan kung bakit Sakura garden ang itinawag niya sa dessert na ito. Lalo na nung inayos niya sa isang plato ang lahat ng ginawa naming. Tinuruan niya rin akong gumawa ng mga tayutot ng cherry blossoms gamit ang tsokolate at molds. The color pallete consists of different hues of pinks, greens and brown. Naalala ko ang mga litrato na nakikita ko. Mga litrato ng cherry blossoms sa Japan tuwing tagsibol.             “I present to you, Sakura Garden,” ang anunsyo ko naman nang matapos. Napanganga naman sila Trisha, Samantha at Nico sa kanilang nakita.             “Ibang level ka talaga Xavier!” ang manghang komento ni Nico.             “Sigurado ka bang pwede naming kainin ‘to?” ang tanong naman ni Trisha. “It’s like a work of art. Nakakapanghinayang kainin.”             “Kaya nga kayo narito; para tikman ang ginawa naming ni Xander,” ang komento naman ni Xavier. “Unang beses ko rin itong ginawa kaya hindi ko pa sigurado kung nagma-match ang yan.”             “Ang swerte ko talagang may magaling na gumagawa ng ganito,” ang komento naman ni Samantha.             “Swerte sa pagkain kamo,” ang paglilinaw naman ni Nico. “Wala ka namang ibang ginawa kundi lumamon.”             Natawa naman kami sa pag-aaway nilang dalawa. Pinagsaluhan nga naming ang ang dessert na aming ginawa. Hindi ako mahilig sa matamis pero masasabi ko na masarap ang ginawa naming ni Xavier.             “Anong masasabi niyo?” ang tanong naman ni Xander. Napa-thumbs up naman ang tatlo sapagkat abala pa rin sila sa pagtikim ng dessert.             “It’s a winning piece,” ang tugon ko naman. “Hindi mo ba ipagtatabi si Mikael mo?”             “Mikael ko?” ang nahihiya niyang tanong sabay kamot ng ulo niya. Ang cute din pala nitong kambal ko. Napa-iling naman ako sa aking narinig.             “Yup, your boyfriend,” ang pagkumpirma ko. Napatango naman siya bago kumuha ng ilang plasticware sa aparador. Napangiti na lang.                         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD