Episode Twelve

2128 Words
Xavier's Point of View     Napanganga ako sa aking narinig. Tama bang tinawag niya ako sa aking totoong pagkatao. Naguguluhan ako.     “Paano ko alam?” ang tanong naman niya sabay ngiti. “Naalala mo yung kina-usap mo si Blue sa rooftop?”     Tumango naman ako bilang pagtugon. Naalala ko nga. Yun yung araw na naki-usap ako kay Blue na alisin ang sumpa sa amin ni Xander.     “Pinaniniwalaan mo ba ang mga narinig mo?” ang tanong ko. Nakatitig lang naman siya sa akin. Hinihintay ko na lamang na sabihin niya ang katagang, “Joke!” o kaya “It’s a prank!”     Ngunit walang kahit anong salita ang lumabas sa kanyang bibig. Bagkus ay tumango siya.     “Maraming mali sa pagkatao mo ngayon,” ang sa wakas ay komento niya. “Ibang tao ka.”     “Pero hindi naman ibig sabihin nun na totoo ang mga narinig o iniisip mo,” ang tugon ko.     “Kung mali talaga ang kutob ko at ang akala ko,” ang pagsisimula niya. “Sagutin mo ang tanong ko. Isang tanong lang.”     “Sige,” ang hindi ko siguradong pagpayag.     “Sagutin mo ng tama at maniniwala ako,” ang sabi niya. Sa totoo lang, mas gusto kong sabihin na lang sa kanya ang totoo, na ako si Xavier at si Xander ay sa katawan ko. Hindi ko alam, naguguluhan ako. She’s Xander’s girlfriend pero mapagkakatiwalaan ko kaya siya? “Ano ang brand ng pabangong rinegalo mo sa akin nung birthday ko?”       Naalala ko ang pabangong binili namin nung nagtungo kami sa mall para manood ng pelikula. Sinambit ko anamn ang pangalan ng pabangong binili namin. Isang ngiti naman ang gumuhit sa kanyang mga labi.       “I’m convinced,” ang komento niya. “You’re not Xander.”     Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya.     “Una sa lahat, hindi yung binili natin sa mall ang binigay sa akin ni Xander,” ang paliwanag niya. Pinanood ko siya habang linalaro niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang hintuturo. “Miss Dior ang binigay sa akin ni Xander. At isa pa, hindi niya yun binigay sa akin nung birthday ko; kundi sa anniversary namin. Baka gusto mong itanong ko ulit sa’yo kung kailan yun?”     Napakamot naman ako ng ulo sa aking mga narinig.     “Nahuli ka sa patibong ko,” ang sabi niya. Napatango naman ako.     “Ako nga si Xavier,” ang pagpapakilala ko sa aking sarili.     “Totoo bang kapatid mo si Xander?” ang tanong niya.     “Kakambal,” ang tugon ko.     “Hindi ko alam na may kambal si Xander,” ang komento naman niya. Sa totoo lang ay hindi na ako nagulat.     “Hindi kasi naman makwento si Xander,” ang komento ko.     “Dito ka rin ba sa Richmond nag-aaral?” ang tanong niya. Tumango naman ako.     “Sa School of Home Economics ako nag-aaral,” ang sabi ko. “Home Economics ang major ko.”     “Sa tingin ko, magka-iba kayo ni Xander ng ugali”     “90 percent,” ang pagsang-ayon ko.     “Na-curious tuloy ako kung anong itsura mo,” ang sabi niya. Kapwa naman kami natigilan nang pumasok si Jace at madaliang lumapit sa amin.     “Xander!” ang pagtawag niya sa akin. “Bad news!”     Napakunot naman ako ng noo dahil hindi ko alam kung anong balita ang dala niya.       “Anong bad news?” ang tanong ko naman.     “Tignan mo ang Richmond Confessions page,” ang utos niya. Unofficial f*******: page nga pala yun ng University kung saan kung ano-anong balita, tsismis at rants ang makikita mo. Hinugot ko naman ang phone ko at kaagad binuksan ang Faceboo application. Halos mabitawan ko ang hawak ko nang tumambad sa akin ang mukha ko bilang Xavier sa pagitan ng litrato ni Mikael at ni Xander. Kaagad ko namang binasa ang linalaman. “Soccer Team Love Triangle Affair” ang headline in bold letters. Nagkatinginan kami ni Jace. Ano ‘to??? Xander's Point of View    NAGISING ako sa ingay ng alarm clock. Kaagad naman akong gumising at pinatay yun bago bumalik sa pagkakahiga. Pinilit kong matulog ulit ngunit kaagad nawala ang antok ko. Palaging ganito simula nang napunta ako sa katawan ni Xavier. Siguro ganito lang talaga ang body clock niya. Napatingin ako sa kabilang kama. Mukhang pumunta na sa klase. Bumaba naman ako ng kama at naghanda. Nang makapag-ayos ay lumabas ako ng dormitoryo, Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Xavier. Hindi makakabuti sa aming dalawa kapag nagtagal ang ganitong sitwasyon namin. Kung bakit naman kasi pinili niyang maging ganito. He has a choice. I guess he just needs therapy or a boot camp to make him a man. Isa pa ‘tong si Mikael na dinadagdagan ang pagkabakla ng kambal ko. I want to strangle him. Pero… nakapagtataka; simula nung araw na hinalikan niya ako, este ang katawan ni Xavier ay hindi niya na ako ginambala. Sa tuwing magkakasalubong kami ay hindi niya na ako pinapansin at iniiwas niya ang kanyang tingin. Sa meeting naman ng cooking club ay nauupo siya malayo sa akin. Sa totoo lang, mas makakabuti na yun sa akin at kay Xavier. Xavier’s body is reacting differently whenever Mikael’s around. He really likes him, doesn’t he? Nakapasok na ako sa School of Home Economics para sa unang klase ni Xavier. Medyo nasanay naman na ako sa schedule kaya hindi ko na kailangang hanapin ang klase. Natigilan naman ako nang may mapansin. Kaagad napakunot ang noo ko.     “What the hell,” ang sabi ko sa aking sarili. Lahat ng estudyante ay napapatingin sa akin. Ang iba pa ay nagbubulungan habang nakamasid sa akin. I get this all the time when I’m still in my owm body but it’s different this time. Hindi paghanga ang nasa mukha nila, kundi galit at inggit. Maraming beses ko na ring nakita ang mga ekspresyon na yun para hindi ko kaagad mabasa. Napatupi ako ng mga kamay at tinignan sila ng masama. Umiwas naman kaagad sila ng tingin. Isa pang napansin ko ay puro babae ang tumitingin sa akin ng masama. Ano bang nagawa ko o ni Xavier sa kanila. Pumasok naman ako sa klase. Ganun pa rin ang sitwasyon, pinagbubulungan ako ng mga tao roon.     “Xavier!” ang pagtawag ng isang boses. Si Samantha, ang ubod ng daldal na kaibigan ni Xavier. Nakakapagod siyang kasama dahil wala na siyang ginawa kundi ang magkwento ng mga sari-saring bagay na hindi ko naman naiintindihan o mga taong hindi ko kakilala. Katabi niya si Nico. Lumapit naman ako at tumabi sa pagitan nila.     “Anong nangyayari?” ang tanong ko sa kanila.     “Heto,” ang tugon ni Samantha sabay abot ng phone niya. Kaagad ko namang tinignan ang screen. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang litrato namin nila Xavier at Mikael. Naningkit naman ang mga mata ko sa nabasa ko. Heto ba ang dahilan kung bakit ganun na lang makatitig ang ibang estudyante sa akin? This is what you get from being gay; effin’ problems. This is ridiculous. Binalik ko naman ang phone ni Samantha sa kanya. “Maraming imbyerna sa’yo, besh.”     “Eh, ano naman ngayon?” ang tanong ko naman. “As if naman totoo ang nakalagay diyan.”     “Hindi mo naiintindihan, Xavier,” ang komento naman niya. “Lalo na ang fans’ club ni Xander.”     “Fans’ club?” ang tanong ko pabalik. I don’t know that THAT even exists.     “Oo, Xander’s waifus,” ang tugon niya. XANDER’S WAIFUS? Hindi ko alam kung matatawa ako o matutuwa sa aking narinig. “Heto nga, eh. May group sila sa facebook.”     “Kayo,” ang singit naman ni Nico. Napa-ikot naman ng mga mata si Samantha.     “Oo na,” ang komento naman ni Samantha. “Pero hindi ko na ganun kagusto si Xander. Simula nung ginawa niya kay Blue. Anyway, ayun nga. Mag-iingat ka. Mga bully ang miyembro ng fans’ club niya.”     Napakibit-balikat naman ako. I mean what can they do?     Nasagot naman ang tanong kong yun pagsapit ng hapon. Papunta ako ng club meeting pero napagdesisyunan kong magtungo muna ng locker area para kumuha ng ilang gamit. Natigilan ako malayo pa lang. Na-vandalized ang locker ko. May mga nakalagay na salita. Bakla, Salot, Malandi, Layuan mo si Xander, atbp. Ito ang mga nakasulat gamit ang marker. Napa-isip ako. I felt uncomfortable. Linapitan ko naman ang locker at napansing sira ang padlock ni Xavier. Binuksan ko naman yun. Kaaagad na nagkasihulugan ang laman. Napatapak ako palayo. Mga basurang isiniksik sa loob. Napamura ako sa aking nakita. Muli akong tumapak papalapit at inalis ang iba pang basurang naiwan sa loob ng locker. Napaikot naman ang tingin ko sa paligid upang maghanap ng basurahan. Nang makita nga ang basurahan sa gilid ay kinuha ko yun. Isa-isa ko pinulot ang basura at inilagay nga sa basurahan.     Natigilan ako saglit nang may pumasok sa locker room. Ang janitor ng School of Home Economics.     “Ako na diyan,” ang sabi niya.     “Okay lang po,” ang tugon ko. Lumapit naman siya at tinulungan ako.     “Alam mo, wag mo na lang pansinin ang mga sinasabi nila,” ang komento niya. Natigilan ako at napatingin. “Narinig ko ang ibang estudyante na pinag-uusapan ka. Walang masama sa pagkatao mo, sa pagiging bakla.”     “Yeah, right,” ang sabi ko sa aking isipan. Yun nga ang dahilan kung bakit ako nagpupulot ng basura ngayon.  Hindi ako umimik.     “Hindi nila naiintindihan dahil wala sila sa lugar mo,” ang pagpapatuloy niya. “Na hindi mo piniling magkaganyan. Sino ba namang tao ang pipiliing kamuhian ng iba, hindi ba? Bagamat maraming may ayaw, tandaan mong may mga kaibigan ka pa ring nagmamahal sa’yo. O, ako na ang tatapos dito.”     “Salamat po,” ang pasasalamat ko. Tumayo naman ako at sinara ang locker bago naglakad palayo. Tama siya; hindi ko nga maintindihan ang lahat. Isa langa alam ko. This is taking a toll on both of me and Xavier. Hindi ko rin ma-isip kung anong magiging reaksyon ng mga magulang namin kapag nalaman nila ang tungkol kay Xavier.     “Xavier,” ang pagtawag naman ng isang boses sa akin. Hindi pa man din ako nakakalayo ay heto, may tumatawag na naman sa akin.     “What now?” ang iritado kong tanong sa aking sarili. Huminto naman ako at lumingon. Isang babae.  Mukhang pamilyar. Oo, siya nga pala yung nanalong Miss SHE last year at Second Runner-up sa Mr. and Ms. Richmond. Hindi ko maalala ang pangalan niya. “Sino ka? And what do you need from me?”     Hindi naman siya sumagot bagkus ay lumapit sa akin.     “Layuan mo si Mikael,” ang sabi niya. Napakunot naman ako noo sa sinabi niya.     “Anong pinagsasabi mo?” ang tanong ko naman.     “Alam kong may namamagitan sa inyo ni Mikael,” ang komento naman niya. “Ako ang nauna.”     “Uhm, seriously?” ang tanong ko sa aking sarili. May pila ba? I don’t get it kaya malakas kong naitanong sa aking sarili, “Sino namang pipila para sa lalakeng yun?”     “Anong sinabi mo?” ang tanong naman niya. Napakibit-balikat naman ako. I find this confrontation meaningless. Kaagad kong naalala nag club meeting.     “Wala akong oras para rito,” ang komento ko sa kanya bago siya tinalikuran. Naka-ilang tapak pa lang ako nang muling marinig ang boses niya na sumigaw, “Hindi pa tayo tapos!”     Naramdaman ko ang isang kamay na humablot sa aking buhok kaya napahinto ako.     “Wag kang bastos, kinaka-usap pa kita,” ang galit niyang komento habang hawak-hawak pa rin ang buhok ko.     “Let go of me,” ang seryoso kong sinabi. I’m slowly losing my patience. “I’ll count to three-“     “Or what?” ang kaagad niyang tanong. “Sa tingin mo matatakot mo ako?”     Hindi ko naman siya pinakinggan bagkus ay nagsimula akong magbilang, “Isa…”     Tinawanan niya lang namana ko.      “Dalawa…”     Hindi niya pa ring binibitawan ang buhok ko.     “Tatlo… Ayaw mo talaga akong bitawan?”     Hinawakan ko naman ang kamay niya at pilit na inalis mula sa buhok ko. Kaagad ko naman siyang hinarap. Hindi na ako natutuwa.     “Nakakatawa ka at nakakaawa,” ang komento ko. “I never knew girls like you exist. You know, the cheap ones.”     “Ang lakas ng loob mong insultuhin ako, binabae ka!” ang sigaw niya. Kung hindi lang siya babae, kanina ko pa siya sinugod at sinuntok.     “Babae ka nga, hindi naman ikaw ang gusto,” ang sa wakas ay ang pagpatol ko sa kanya. I swear I saw some sort of mist came out of her nostrils. I must have hit the bull’s eye.     “Layuan mo si Mikael or else I’ll make your life a living hell,” ang pagbabanta niya. I just smirked when I heard that.     “Really now? I have been through its pits already,” ang reaksyon ko naman. “Hindi ako takot sa’yo. And please, stop being so desperate.”     Humakbang naman ako papalapit sa kanya.     “Leave me alone or else…” ang pagpapanta ko naman sabay lapit ng mukha ko sa tenga niya. “I’ll break your man’s heart.”     Lumayo ako sa kanya at tinignan ang ekspresyon sa kanyang mukha. Galit, pagkagulat at takot. Heto ang nakita ko sa kanyang mga mata.     “So hard that he won’t be able to love you, too,” ang pagpapatuloy ko. Nakita ko naman ang pag-angat ng kanyang kamay. I know what’s coming. Nahuli ko naman ang kamay niya bago pa dumapo sa pisngi ko. “Oh, no. You won’t!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD