Xavier's Point of View
“Anong nangyayari?” ang tanong ko nang makita ang mga namamagang mat ani Xander. Kaagad naman akong pumasok at isinara ang pinto.
“Anong relasyon niyo ni Mikael?” ang galit niyang tanong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ni Mikael at ang mismong tanong niya. “Xavier, answer me!”
“Xander-“si Nico.
“Stay out of this,” ang galit na sumbat ni Xander sa kanya.
“Huwag mo siyang idamay sa problema nating dalawa!” ang bulyaw ko naman. “Nico, iwan mo muna kaming dalawa.”
Tumango naman si Nico bago lumabas ng kuwarto.
“Ano naman sa’yo kung anong relasyon ko kay Mikael?” ang tanong ko naman. “Hindi ba nasabi ko na sa’yo?”
“Bestfriends don’t kiss,” ang argyumento niya.
“A-ano?” ang gulat kong tanong. “Hinalikan mo siya?”
“THE HELL NO!” ang galit naman niyang pagkla-klaro. “He kissed me…you… your body!”
“Ano bang gusto mong marinig, Xander?” ang tanong ko.
“Are you gay?” ang tanong niya, para siyang nahulog ng isang bomba sa katanungang yun. Sumapit na nga ang kinakatakutan kong pagkakataon. Napaiwas ako ng tingin. Siguro wala na nga akong kawala; tumango naman ako bilang pagtugon.
“Tell me you’re kidding, wala akong kapatid… lalo na’t wala akong kambal na bakla!” ang sigaw niya. Kahit na hindi kami malapit sa isa’t-isa ay hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan. “Nakakadiri ka.”
“Wala kang karapatang husgahan ako, Xander!” ang galit ko ring sinabi sa kanya. “Mas gugustuhin ko pang maging bakla kesa maging isang tulad mo na makitid ang isip. Real talk, gusto ka lang ng maraming tao dahil guwapo ka; walang magkakagusto sa’yo sa ugali mong daig pa ang basura!”
“How dare you,” ang komento niya sa pagitan ng kanyang mga ngipin.
“Ang taas ng tingin mo sa sarili mo,” ang pagpapatuloy ko. “You’re just feeding your ego with all the attention you get. Hindi ko alam kung anong dahilan mo at galit ka sa mga taong katulad ko. It doesn’t bother me anyway; so, you can go f**k yourself!”
Hindi ko naman siy hinayaang makapagsalita. Naglakad ako palabas ng kuwarto. Dahil sa galit na aking nararamdaman ay binalibag ko ang pinto na siya namang umalingawngaw sa buong palapag. Dumeretso naman ako sa kuwarto niya. Mabuti na lang ay wala roon si Jace. Naupo ako sa upuan at simulang lumuha. Pinipilit kong intindihin ang sitwasyon naming dalawa ni Xander. Wala namang epekto sa akin ang opinion ni Xander, eh. Sa totoo lang, ang masakit ay ang nalaman kong hinalikan ni Mikael si Xander. Oo, ako pa rin yun pero… pero hindi ko maiwasan ang magselos. Natigilan ako nang nagsimulang mag-ingay ang aking smartphone. Kinuha ko naman yun mula sa aking bulsa at tinignan ang screen. Pinunasan ko naman ang aking mga mata. Si Mikael. Nakaramdam ako muli ng matinding emosyon sa aking dibdib. I rejected the call and then sent him a message, “Mikael, huwag muna tayong mag-usap.”
“Xavier, hindi natin kailangang humantong ng ganito, ang tugon naman niya. “Sorry, Xavier. Pasensya na kung naging marahas ako at hindi ko naisip yung personal bounderies mo. Pero masisisi mo ba ako? When finally, abot kamay na kita, bigla kang magkakaganito?”
“A-anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko.
“Matagal na kitang gusto, Xavier,” ang pag-amin niya. “Simula nung napapansin na kita. Hindi mo napapansin pero… I would stare at you when you’re not looking at me. I really like you.”
Hindi ako makapaniwala sa aking nabasa. Halos mabitawan ko ang hawak ko dahil sa naramdaman kong panghihina.
“Bakit mo biglang sinasabi ang mga ito?” ang tanong ko naman.
“Hindi pa ba halata, Xavier?” ang tanong naman niya pabalik. “I’m jealous of Xander. Ano ba siya sa’yo?”
“Walang namamagitan sa amin, Mikael,” ang sabi ko naman. “Pero may gusto akong hilingin sa’yo. Huwag muna tayong magkita.”
“Xavier, bakit mo hinihiling yan sa akin?” ang tanong naman niya.
“Mikael, gusto kita pero kailangan ko munang mapag-isa,” ang tugon ko. Hindi ko alam kung anong idadahilan sa kanya. Paano ko ipapaliwanag sa kanya na nagkapalit kami ng katawan ni Xander? Bukod pa dun, nahihirapan din ako sa sitwasyong ayaw ipaalam ni Xander na kapatid ko siya. Ayaw niya noon, ano pa kaya ngayong nalaman niya na bakla ako. Mas ikakahiya niya lang ako.
“Papayag ako sa isang kundisyon,” ang tugon niya. “Na hindi ka magbabago… na ako lang.”
“Mikael, may sasabihin ako. Siguro oras na para malaman mo,” ang tugon ko sa mensaheng pinadala ko. “Matagal na kitang gusto. Ilang taon na rin. Nagsimula nung freshmen orientation. Sa waterpark. Nagustuhan kita nung una tayong mag-usap sa slide.”
“Alam ko,” ang tugon naman niya.
“Ha? Paanong alam mo?” ang tanong ko, hindi maikubli ang gulat na aking nararmdaman sa bagay na nalaman ko mula sa kanya.
“Sinabi mo sa akin pagkatapos ng Victory party ng SoA,” ang paliwanag naman niya. Pilit kong inalala ang pagkakataong linalarawan ni Mikael. Nalasing ako sa gabing yun. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang sarili ko sa taxi.
“Sa taxi?” ang tanong ko.
“Tama,” ang tugon niya. “Xavier, hahayaan muna kita. Huwag mong kakalimutang narito lang ako, maghihintay.”
“Maraming salamat, Mikael,” ang huli kong sinabi sa kanya bago linapag ang phone ko sa mesa. Bakit ngayon pa kung kelang abot ko na siya?
Halo-halo ang ang nararamdaman ko ngayon. Saya sa pagtatapat ni Mikael, lungkot sa paghingi ko ng distansya, at galit sapagkat kahit na anong pilit kong pahabain ang aking pasensya, nauubos din dahil sa pag-uugali ni Xander. Kailan ba mapapawi ang galit niya sa mga taong katulad ko. Natigilan naman ako nang may kumatok sa pinto. Kahit na nag-aalangan ay tumayo ako at pinagbuksan kung sino man yun. Nagulat naman ako nang masilayan ang mukha ni Nico.
“Okay ka lang?” ang tanong naman niya.
“Hindi,” ang tugon ko sabay iling. Muli na namang nagsilabasan ang mga luha sa aking mag mata. Pumasok naman siya sa kuwarto at kaagad akong yinakap. “Ang hirap ng sitwasyon ko, Nico. Masakit pa rin sa akin ang mga sinabi ni Xander. Tapos ngayon, nalaman kong may gusto na rin sa akin si Mikael.”
“Huh? Seryoso?” ang tanong naman niya. Tumango naman ako.
“Pero walang kwenta dahil hindi ko siya maka-usap,” ang pagpapatuloy ko.
“Anong balak mo?” ang tanong niya. Naupo naman kami sa gilid ng kama ni Xander.
“Humingi muna ako ng space at oras,” ang tugon ko naman.
“Sa bagay, mas makakabuti nga kung ganun,” ang pagsang-ayon naman niya sa naging desisyon ko. “Mabalik tayo kay Xander; panigurado akong nabigla lang siya sa kanyang nalaman. Kapatid mo siya, kakambal mo pa; I’m sure he doesn’t feel any ill will against you.”
“Kilala ko siya, Nico,” ang tugon ko. “Hindi siya yung tipong maunawain. Makitid nag utak nun at mahirap baguhin ang mga bagay na nasa utak niya.”
“Sa tingin ko, mas makakabuti rin kung hindi muna kayo mag-usap ng kambal mo,” ang suhestyon niya. “Nang mabawasan naman ang nararamdaman mong stress. Maniwala ka man o sa hindi; darating din ang araw na maiintindihan ka ng lubos ni Xander.”
“Parang mahirap namang gawin yan eh,” ang protesta ko na ikinatawa niya. “Akala niya, ha? Pwes, masasaksihan niya kung paano magalita ng isang Xavier Ventura.”
“Xavier, don’t put the flame to the fire,” ang sabi niya. Natigilan naman ako at napakunot.
“Ano?” ang retorikal kong tanong ngunit pagkatapos pa ng ilang sandal ay nakuha ko na ang idyomang nais niyang gamitin. “Don’t add fuel to the flame kasi yun, Nico.”
Sabay naman kaming natawa ni Nico.
“Basta, alam mo na ang ibig kong sabihin,” ang komento niya. “Iwasan mo na muna sila Xander at Mikael.”
Napatango naman ako bilang pagsang-ayon.
“Teka,” ang komento ko nang makita ang hawak niyang paper bag mula sa isang convenience store na malapit sa dormitory naming. “Ano yang dala mo?”
“Your favorite,” ang maligalig naman niyang tugon sabay bigay sa akin ng paper bag. Kaagad ko namang sinilip kung anong laman nito. Nanlaki ang mga mata ko sabay napanganga nang makita ang isang tub ng paborito kong brand at flavor ng ice cream. Kaagad ko naman yung inilabas kasama ng ilang plastic na kutsara. Napabuntong-hininga naman ako.
“It’s hopeless,” ang komento ko habang kumakain. “Naka-usap ko si Blue kahapon.”
“Anong napag-usapan niyo?”
“Ayun. Matindi pa rin ang galit kay Xander. Pati nga ako, nadamay sa galit niya,” ang paliwanag ko. “Sana ganun lang sabihin kay Xander na magbago, na ibahin niya ang kanyang pananaw. Maiintindihan ko sana kung alam ko ang dahilan ng galit niya.”
“Naniniwala ako na meron din siyang mabigat na dahilan,” ang komento naman ni Nico. “May ideya ka ba kung ano?”
Umiling naman ako.
“Tulad nga ng nasabi ko sayo rati,” ang pagsisimula ko. “Hindi na kami madalas mag-usap ni Xander.”
“Bakit hindi kayo ulit mag-usap?” ang suhestyon naman niya. Napakunot naman ako ng noo.
“Hinding-hindi ko kakausapin yung hayop na yun,” ang nanggagalaiti kong tugon sabay tusok ng kutsara sa tub ng ice cream. “Dahil sa kanya, kaya kami nagkaganito.”
“At sa kanya rin manggagaling ang solusyon,” ang dagdag ni Nico. Natigilan ako. Tama siya. Kaya lang naman tumatagal at lumalala ang sitwasyon namin ay dahil sa katigasan ng ulo niya. Idagdag mo na rin ang taas ng pride niya. Kung may paraan lang sana para malaman. Napaisip ako. Maliban kila Mommy at Daddy na malapit kay Xander, sino pa ba ang lubos na nakakakilala kay Xander? Si Jace, ang roommate niya? Hindi. Sa tingin ko hindi pa sila ganun kaclose kahit na natutulog sila sa isang kuwarto. Eh kung si… Trisha, ang girlfriend niya? Tama. Tatanungin ko siya. Baka naikwento ni Xander sa kanya ang dahilan kung bakit galit na galit si Xander sa mga bakla. Pagkatapos naming kumain ng ice cream ay bumalik si Nico sa kuwarto naming. Hindi naman nagtagal ay dumating si Jace.
“Narito ka na pala,” ang komento niya nang makita ako. “Kamusta naman ang lakad niyo ni Trisha?”
“Okay lang,” ang walang gana kong tugon.
“O, bakit ganyan ang tono mo?” ang tanong niya ullit. “May nangyari ba?”
“Wala naman,” ang pagsisinungaling ko. “Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganun na lang ang galit ni Xander sa mga bakla.”
“Ha?” ang naguguluhan niyang reaksyon.
“Xander, okay ka lang?”
“I’m just stressed,” ang tugon ko naman.
“Just chill, dude,” ang payo niya. “Kailangan mong i-reserve ang enerhiya mo sa University meet.”
Oo nga pala. Malapit na rin ang University Meet. Taunang event kung saan sumasali ang mga unibersidad sa lungsod para makipagtagisan sa iba’t-ibang klase ng kumpetisyon tulad ng sports, arts, e-games atbp. Magkakasunod na taong napanalunan ng Richmond ang soccer competition. Kailangang bumalik ni Xander sa katawan niya bago dumating ang event na yun.
Dumaan ang ilan pang araw, hindi kami nag-uusap at nagpapansinan ni Xander. Kinakamusta ko na lang siya sa pamamagitan ni Nico. Tahimik lang si Xander sa kuwarto at hindi gaanong nakikipag-usap. Malala talaga ang pagka-spoiled ni Xander. Sana nga lang ay pinupuntahan niya ang club meetings. Naalala ko tuloy si Mikael. Tuwing Soccer practice ay patago ko siyang pinagmamasdan. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Gusto ko siyang lapitan at sabihing magiging maayos din ang lahat. Tanging si Nico ang nakaka-usap at kinaka-usap niya sa team. Nakakalungkot dahil sa tuwing nagkaka-usap si Nico at Mikael ay kinakamusta ni Mikael ang kalagayan ko.
Napabuntong-hininga ako.
“Ang lalim ng buntong-hininga,” ang komento ni Trisha. Kasalukuyan akong nasa klase ni Xander, naka-upo sa likod, sa tabi ng bintana. Nakamasid ako sa mga dahon na sumasayaw sa saliw ng pag-ihip ng hangin. Napatingin ako sa kanya at tumugon, “Marami lang akong iniisip.”
“Tulad ng?” ang tanong niya pabalik. Naaawa na rin ako sa kanya. Everything I do, puno na ng kasinungalingan. Siguro kailangan ko na ring sabihin sa kanya. She deserves to know.
“Trisha, do you believe in magic?” ang tanong ko.
“It’s magic when I fell in love with you,” ang tugon niya. She’s so precious; sana alagaan siya ni Xander.
“Hindi yun ang tinutukoy ko,” ang komento ko naman sabay ngiti.
“Multo pa nga takot ako, ano pa kaya kung maniwala ako riyan, di ba” ang tugon naman niya. “Alam ko..”
“Ang alin?” ang tanong ko naman.
“Na hindi ikaw si Xander,” ang tugon niya. Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Para akong kinuryente. “Tama ba, Xavier?”