Episode Ten

2159 Words
Xavier's Point of View     Hindi nga nagtagal ay dumating ang Profesor. Pinilit kong intindihin ang mga itinuturo ngayon sa klase. Sa totoo lang ay mahirap ang mga paksa sa major subject ni Xander. Kahit na nakakabwisit ang ugali niya ay hindi ko namang hahayaang mahuli siya sa klase.     Pagkatapos ng huling subject naming ay sabay kaming lumabas ni Trisha ng kuwarto, umangkla naman siya sa kamay ko.     “Tara na,” ang yaya naman niya sabay ngiti. Ngumiti naman ako at tumango. Bumaba kami ng gusali at lumabas. Dumeretso kami sa parking area kung saan naka-park ang sasakyan ni Xander. Napag-desisyunan naman naming na magpalit ng mga gamit nang walang maka-alam sa aming napagpalit na mga katauhan. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at kapwa kami pumasok ni Trisha. Nagsimula naman akong magmaneho. Sa totoo lang ay hindi ako komportable, pero ito lang ang magagawa ko para kay Xander.     “Pwede ba akong magpatugtog?” ang paalam ko kay Trisha. Hindi ko nagugustuhan ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa ngayon. Nakatingin lang naman siya sa labas. Napatingin siya sa akin saglit, tumango at muling ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Binuksan ko naman ang playlist ko at nagsimulang magpatugtog. Napatingin naman sa akin si Trisha.     “That’s strange,” ang komento niya habang nakatingin sa akin.     “Ang alin?” ang nagtataka ko namang tanong sa kanya. Anong kakaiba sa pagpapatugtog ng mga kanta?     “First time kong narinig kang nakikinig sa ganitong mga kanta,” ang paliwanag naman niya. “Madalas upbeat ang mga pinapatugtog mo.”     “Hindi naman sigurong masamang magbago ng panlasa,” ang tugon ko.     “Hindi, but the way I know you,” ang sabi niya. “Change is something rare.”     Napakibit-balikat naman ako sa aking narinig.     “It’s nice to try new things,” ang sabi ko habang nakatingin sa daan.     “In a span of three days, ang laki ng pinagbago mo,” ang komento niya. “It seems like you’re a different person.”     “Anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko.     “Ginagawa mo ngayon ang mga bagay na ayaw na ayaw mong ginagawa rati,” ang komento naman niya. “Pero kung anong gusto mong gawin, hindi kita pipigilan. Sa totoo lang, mas gusto ko nga ngayon.”     Napangiti naman ako ngunit sa aking kaloob-looban ay nakakaramdam ako ng kaunting lungkot para sa kanya. Na Pagkaraan ng ilang araw… o linggo ay hindi na ulit ganito.     “Let’s enjoy the music, shall we?” ang sabi ko na lang. Tumango naman siya. Mga kanta ni Lauv ang tumutugtog. Dumeretso kami sa sinehan nang makarating sa mall. Nasa tapat kami ng movie schedule.     “Anong gusto mong panoorin?” ang tanong ko.     “Ikaw naman ang palaging namimili kaya bahala ka na,” ang komento naman niya. Napasimangot naman ako sa king narinig. Kahit kalian talaga itong si Xander. Kahit sa relasyon ay napaka-bossy niya.     “Kung ganun, ikaw naman ang pumili ngayon,” ang komento ko.     “Sigurado ka?” ang gulat naman niyang reaksyon.     “Oo, ikaw naman ang pumili ngayon”     “P-pero… baka hindi mo magustuhan,”     “Mamili ka,” ang pag-uulit ko. Napangiti naman siya at itinuro ang isang pelikula. Tulad nga ng inaasahan ko ay Romance Film ang pinili niya. Pumayag naman ako kaagad. Bumili kami ng mga ticket at dumaan muna sa snack corner para bumili ng makakain sa loob. Inilabas ko ang aking phone at pinadalhan ng mensahe si Xander tungkol sa date naming ng girlfriend niya.     “What the heck, Xavier!” ang textback niya. Napa-ikot naman ako ng mga mata.     “Wala akong balak kunin sa’yo ang girlfriend mo, abnormal,” ang reply ko. “Ako, ikaw.”     “Fine, take care of her then,” ang sabi niya. “What will you watch?”     “Romance,” ang tugon ko naman.     “TH. You should have at least chosen something else.”     “Hindi ako ang namili. Xander, learn to communicate with your girlfriend,” ang pagbibigay ko ng payo.     “Said by the one who doesn’t have a girlfriend,” ang sarkastiko naman niyang komento. Nakakayamot talaga siya. Ang hirap niya talagang kausapin.     “FYI. Bossy ka na nga sa lahat ng tao, pati ba naman sa girlfriend mo?” ang tugon ko sabay balik ng phone ko sa aking bulsa. Xander's Point of View             “What the hell” ang komento ko sa aking sarili nag mabasa ang sinabi ni Xavier. Who is he to give me love advice? Binalik ko naman ang phone ko sa aking bulsa. Medyo boring ang mga subject niya. Tinignan ko namana ng schedule na binigay niya. Oras na para magpunta ako sa Cooking club. Tumigil ako nang mapunta ako sa tapat ng bulletin board. Kailangan kong hanapin ang club nay un. Nakalimutan ko na kung nasaan yun.             Natigilan naman ako nang may tumapik sa balikat ko. Napatingin naman ako. Si Nico.             “Ano pang itinatayo-tayo mo diyan?” ang tanong niya. “Halika na.”             “Saan?” ang tanong ko naman.             “Saan pa ba?” ang tanong naman niya pabalik. “Eh, di sa cooking club.”             Napatango naman ako at sumunod sa kanya.             “Kamusta ang mga klase mo?” ang tanong niya sa akin.             “All is well,” ang tugon ko naman. “Except for some boring lessons. Na-enjoy ko naman yung ibang practical exercises.”             “Magkaibang-magkaiba talaga kayo, ano?” ang retorikal niyang tanong. Natigilan naman ako sa tanong niya at napa-isip. Totoo nga. Wala kaming pagkakatulad kahit na kakambal ko siya.             “May itatanong nga pala ako,” ang sabi ko bago pinagpatuloy ang paglalakad. “Bakit walang girlfriend si Xavier?”             “Hindi ba dapat ikaw ang mas nakaka-alam niyan?” ang tanong niya sa akin. Napakunot naman ang aking noo sa aking narinig. “Magkapatid kayo.”             “Hindi naman kasi kami malapit,” ang tugon ko. “And we don’t talk.”             “Bakit naman?” ang tanong niya na mas lalong nagpa-isip sa akin. Bakit nga ba?             “We just… grew apart,” ang tugon ko.             “At wala man lang naunang magreach out,” ang komento niya. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.             Wala bang pagkakataon na naging malapit kayo?” ang sunod naman niyang tanong.             “Why are you asking all of these?” ang tanong ko naman sa kanya pabalik. I already have grown impatient with all his questions about me and Xavier. Napakibit-balikat naman siya at umiling. Hindi ko na lang siya pinansin. Kapwa kami pumasok sa loob ng club. Kaagad kong nakita si Mikael sa pinakalikod ng kuwarto. Umupo naman ako sa pinakalikod din ngunit malayo sa kanya.             “Iniiwasan mo ba ako?” ang tanong ng isang boses sabay upo sa tabi ko. Hindi ko naman siya pinansin. Nakinig na lang ako sa Presidente ng club. Gagawa kami ng rice cake ngayon. “Xavier.”             “Bakit naman kita iiwasan?” ang tanong ko naman sa kanya.             “Bakit ang lamig ng pakikitungo mo sa akin?” ang pagsagot niya ng isa pang tanong sa aking katanungan. Nakakayamot na itong taong ito. Bakit ba dikit siya ng dikit kay Xavier? Bakla ba siya?             “Xavier, Mikael,” ang pagtawag ng Presidente sa amin. “I’d appreciate it if you stop talking and listen to me.”             “Sorry,” ang kapwa naming paghingi ng paumanhin ni Mikael. Binalutan naman kami ng katahimikan nang ituon naming ang aming atensyon sa tao sa harap. Naririnig ko ang madalas na malalim niyang paghinga. Pumasok sa isipan ko sila Xavier at Trisha. I wonder what they’re doing.     Natigilan naman ako nang narinig kong pumalakpak si “Ate Sheena” habang nagbibigay ng mga panghuling bilin. “Work in pairs. Kung may mga tanong; wag matakot magtanong sa akin.”     Napatikhim naman si Mikael. Napatingin naman ako sa kanya.     “Guess we’re really bound to be together,” ang komento niya. Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko naman siya pinansin at hinanap si Nico. Nadismaya ako nang may ka-partne r na siya. Aaargh. This is really pissing me off. Wala naman na akong magagawa kundi makipag-partner sa kanya.  Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong rason sa mga kinikilos niya. Hindi naman siya ganito sa mga soccer practices namin.     “Anong ginagawa mo?” ang tanong ko sa kanya.     “Hinahanda ang lulutuin natin,” ang pilosopo naman niyang tugon.     “Hindi yan ang tinutukoy ko,” ang komento ko. Napangiti naman siya at napa-iling.     “Ano bang tinutukoy mo?” ang tanong naman niya. I needed him to confess. But I know exactly how boys think. Our mind games and our dirty little tricks. I’ll play along and find out what he wants with Xavier.   Hindi na lang ako umimik, bagkus ay pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Sa totoo lang, I’m already starting to understand why Xavier is loving this hobby. Hindi naman pala ganun masama ang pagluluto. At isa pa, may ibang sensasyon ang halo-halong amoy ngayon sa kusina. Napangiti naman ako.     “Most of the Southeast Asian countries tulad ng Pilipinas, Thailand at Vietnam; may importanteng simbolo ang sticky rice,” ang sabi ni Ate Sheena nang matapos naming gawin ang pinagawa niya. “Lalo na sa isang kasal. Sumisimbolo ito ng isang masagana at matamis na pagsasama.”     Tumikhim naman si Mikael kaya napatingin ako sa kanya.     “Kaya naman, kailangan mo nang mag-ensayong gumawa ng ganito,” ang komento niya.     “Bakit naman?” ang tanong ko. Hindi na naman siya sumagot at ngumiti lang.     “Here, try this.” Kinuha niya ang tinidor at kumuha ng sticky rice. Itinapat naman niya ito sa labi ko. Napatitig lang naman ako doon. Nakangiti siyang natingin sa akin, naghihintay na subukan ang ginawa naming rice cake. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang ibang mga pares ng mga matang nakamasid sa amin. “Dali na.”     Kinuha ko naman ang tinidor sa kanya at sinubukan ang sticky rice. Napasimangot naman siya kasabay nang pagkadismaya ng mga tao sa paligid. What the hell is wrong with them? Shipping two men together? Cringe. I can’t wait to leave.     Nang matapos ang meeting s***h cooking session ay kaagad akong lumabas. Katitingin ko sa aking phone, pabalik na si Xavier. I need to know what happened. Baka kung ano pang sinabi o ginawa niya.     “Xavier,” ang pagtawag ng isang boses kaya natigilan ako sa paglalakad at napalingon. Hindi ko alam na sinundan ako ni Mikael. Siyan na naman?     “What now, Mikael?” I asked impatiently, forgetting that I’m Xavier and really not myself. “What the hell is wrong with you?”     Natigilan naman siya, nanlaki ang mga mata sa mga nasabi ko. Naalala ko agad nag bilin ni Xavier na maging mabait sa kanya. But with that effin’ face and attitude, boy, it’s getting me really pissed off.       “Okay ka lang ba?” ang tanong naman niya pabalik. “You seem not to be yourself lately.”     “Sorry, stressed lang ako,” ang paghingi ko naman ng paumanhin. Kailangan ko pa ring gawin ang parte ko. Walang kinalaman si Xavier sa sitwasyon naming dalawa and I have to take full responsibility. “Kung wala ka nang sasabihin, kailangan ko nang umalis para Makita si Xav-Xander.”     “X-Xander?” ang reaksyon niya. “Kailangan nating mag-usap.”     Kinuha naman niya ang kamay ko sabay hila patungo sa isang lecture room sa malapit. Sinara naman niya ito at linock.     “A-anong ginagawa mo?” ang tanong ko naman.     “Xavier, ano ba talaga ako sa buhay mo?” ang tanong niya sa akin.     “Ano ba yang tinatanong mo?” ang tanong ko naman, naguguluhan na naman sa pinapakita niya.     “How about Xander? Ano siya sa buhay mo?”     “Kanina pa ako nagtitimpi sa’yo,” ang sabi ko. Now, I’m really pissed off.  Napatapak naman siya palayo. “All these questions, wala sa lugar.”     “Wala sa lugar?” ang tanong naman niya pabalik. “Paanong wala sa lugar? When all this time, you’re giving me mixed signals. Hindi ko maintindihan. Do you really like me?”     Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Walang bahid ng pagbibiro ang kanyang mga mata. At that moment, I already know what’s happening. But this can’t be. Hindi bakla si Xavier. Wala akong kapatid na bakla. What the heck? No, no, no.     Hinawakan ko ang door knob. Bubuksan ko na sana ang pinto nang hawakan niya ang mga braso ko at hinarap sa kanya.     “Xavier,” ang pagtawag niya sa akin. “Kausapin mo naman ako, please. Ano bang meron sa inyo ni Xander?”     Hindi naman ako nakasagot. He pinned me against the door and kissed me. I can feel his lips against mine. His warm breath and perfume. Napapikit ako and then, the nightmares started to come back.     Hindi ako galit sa kanila nang walang dahilan. It started when I’m in high school, when they sexually assaulted me. At first, they were just asking me to sleep with them. Just two years ago, nasa shower room ako nang may biglang pumasok sa cubicle ko at pinilit akong makipagtalik sa kanya. He started to kiss me and touch my body. At the end of the day, nabugbog ko siya. I was suspended for two weeks without them knowing what truly happened. How can I? Nakakahiya. All the shame I felt, hanggang ngayon dala ko pa rin. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko.     Hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako. Kaagad namang lumayo si Mikael sa akin. Napaupo ako sa sahig. I started to sob.     “X-Xavier, hindi ko sinasadya,” ang sabi ni Mikael. “Nadala lang ako ng selos.”     “Huwag kang lalapit sa akin!” ang sigaw ko. “Go to hell!”     Pinilit kong tumayo. Binuksan ko ang pinto at tumakbo palabas ng gusali. Dumeretso ako sa dormitory. Sa kuwarto ni Xavier. Nadatnan ko si Nico dun.     “Okay ka lang Xander?” ang tanong niya nang makita ang kalagayan ko.     “Totoo ba?” ang tanong ko.     “Ang alin?” ang tanong naman niya pabalik. Natigilan naman kaming dalawa nang magbukas ang pinto. Napatingin kaming dalawa. Si Xavier. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD