Episode Fourteen

1735 Words
    Xavier's Point of View        Napabuntong-hininga naman ako.             “Xavier,” ang pabulong na tawag sa akin ni Trisha. Binaling ko ulit ang tingin ko sa kanya. Pinakita naman niya ang screen ng phone niya.             “Huh?” ang reaksyon ko naman, nalilito sa aking nabasa. May poll na nakapost sa page. XanderXavier at MikaelXavier ang nakalagay.             “It seems like mas maraming nagshi-ship sa inyo ni Xander,” ang mahina niyang komento. Hindi ko maintindihan kung bakit may ganito.             “Xavier, hindi lahat ng tao katulad ni Xander,” ang sabi ni Trisha na parang nababasa ang nasa isipan ko. “May mga tao pa ring sumusuporta at nagmamahal sa mga taong kagaya mo. Isa na ako. Huwag kang mag-alala, aawayin ko yang si Xander kapag hindi ka pa niya trinato ng maayos.”             Napangiti naman ako at tumango. Pero alam kong magagalit na naman si Xander kapag nalaman niya ito. Xander's Point of View             DALAWANG araw ko na ring tinitiis ang matang-lawin na nakamasid sa akin sa tuwing dadaan ako sa pasilyo. Pati na rin ang paglagay nila ng basura sa locker ni Xavier at ilan pang pranks na ginagawa nila sa akin. Kasulukuyan akong nakaupo sa pwesto ni Xavier sa klase, sa pagitan ni Samantha at Nico. Tahimik akong nakikinig sa Professor nang mapansin ko ang ibang estyudanteng pasulyap-sulyap sa akin. Tulad nga ng sinabi ko, hindi na ito bago ngunit pagkatapos nila akong tignan ay titingin sila sa screen ng phone nila. Napasimangot naman ako at napatingin kay Samantha na abala rin sa pagkalikot ng phone niya. Ganun din ang sitwasyon nang tignan ko si Nico.             “Xavier!” ang malakas na pagtawag ni Samantha sa akin kaya napalingon hindi lang ako, kundi ang buong klase sa kanya.             “Yes, Samantha?” ang tanong naman ng prof namin.             “Sorry po, na-excite lang,” ang paghingi ng paumanhin ni Samantha.             “Mind sharing with us?” ang tugon pa ng professor.             “Lovelife ni Xavier, Ma’am,” ang tugon naman ng isa ko pang kaklase. Napakunot naman ako ng noo.             “What seems to be interesting with Mr. Ventura’s lovelife?” ang tanong naman niya. Geez, she’s a low-key chismosa. Habang nag-uusap sila ay pasimple namang pinakita sa akin ni Samantha ang phone niya. Isang poll. XanderXavier at MikaelXavier.             “What the hell,” ang reaksyon ko naman. “What is this?”             “May mga taong shini-ship kayo,” ang paliwanag niya.             “Shini-ship?” ang hindi ko siguradong pag-uulit. Ship? Barko? “Ano yun?”             “Katulad ng mga artista, parang love team,” ang muli niyang paliwanag. “Lalo na kung malakas ang chemistry. Ganun.”             “What the hell,” ang komento ko sa aking isipan. I guess it’s time. Kinuha ko naman ang phone ko at minessage ang isang taong malapit sa amin ni Xavier; si Mommy. Xavier's Point of View             SUMAPIT ang pananghalian, kasama ko pa rin si Trisha, as usual. Kasalukuyan siyang nanonood ng Music Video ng isang Korean idol. Miyembro nga pala si Trisha ng Dance Troupe kaya hilig niyang manood ng mga ganito. Nakipanood naman ako. Kapwa kami natigilan nang may nabasa akong notification niya. Isang intagram notification.             Xander_is_the_man posted a picture. Kahit sa username niya ay napaghahalata ang toxic mascunility niya. Kaagad namang tinignan ni Trisha kung ano mang pinost ni Xander. Umiwas naman ako ng tingin at pinagpatuloy ang aking kinakain. Napabuntong-hininga ako nang makita si Blue sa dulo ng cafeteria. Mag-isa na naman siya. Hanggang kailan niya ba balak magalit sa amin ni Xander?             “Xavier,” ang pagtawag sa akin ni Trisha. “You need to see this.”             Liningon ko naman siya. Inabot niya naman ang kanyang phone na siya ko namang kinuha. Tinignan ko naman ang screen. Tumambad sa akin ang profile ni Xander. Natigilan ako nang makita ang post niya. Apat na litrato. Una ay litrato ng dalawang bata. Ang pangalawa naman ay litrato ng dalawang high school student, at pangatlo ay ang litrato ng isang pamilya sa harap ng isang christmas tree. Sa pang-apat na litrato naman ay dalawang magkatabing diploma. Kita ang mga pangalang nakalagay dun: Xavier Ventura at Xander Ventura. Binasa ko naman ang caption na ilinagay niya.             “Guess who has a twin brother. You can stop harassing my ‘lil bro now,” ang nakalagay na caption.             “Now, that’s a surprise,” ang bulong ko. Hindi ko inaasahan na ipapakilala niya na akong kakambal sa iba.             Mabili natapos ang araw, kasalukuyan akong nakaupo sa study chair at nagbabasa. Natigilan naman ako nang may kumatok. Tumayo naman ako at binuksan yun. Si Xander. Nagkatinginan naman kaming dalawa.             “Magbihis ka,” ang utos niya. Napakunot naman ako ng noo. Pumasok naman siya sa kuwarto. Kaagad niyang napansin ang ilang pagkaing binili ko sa mesa. Pinulot niya ang isa sabay sabing, “What the hell, Xavier. Bakit ka kumakain ng ganito? Salty food makes you fat.”             “Minsan lang naman,” ang argyumento ko.             “I hope so,” ang tugon naman niya sabay bukas ng pakete ng chips. “Geez, what’s this smell?”             “Uhm, salted egg flavor,” ang tugon ko naman.             “Eew,” ang komento niya. Napa-ikot naman ako ng mga mata. “But I’m hungry.”             Hindi ko na lang siya pinansin at kumuha ng damit. Natigilan naman ako at humarap sa kanya.             “Saan nga pala tayo pupunta?” ang tanong ko.             “Mom and Dad want to meet us,” ang tugon naman niya sabay kuha ng isang piraso ng chip mula sa bag sabay subo.             “Bakit raw?” ang sunod ko namang tanong.             “Stop asking questions, Xavier.”             “Stop eating my snacks, Xander,” ang bawi ko naman bago nagtungo ng banyo upang magpalit. Nang makapagbihis naman ako ay kaagad akong lumabas. Naubos naman agad ni Xandera ng kinain niya. Nakita kong kumuha siya ng wet wipes at pinunasan ang kanyang hinlalake at hintuturong nabalutan ng dilaw na pulbura mula sa kinain niya.             “Let’s go,” ang yaya niya. Napatango naman ako. “Oh, wait a minute.”             Kinuha naman niya ang suklay at hairstyling wax sa mesa at inayos ang buhok ko.             “Si Mom at Dad lang ang pupuntahan natin,” ang komento ko.             “Well, I know but it pays to look your best,” ang argyumento naman niya bago lumabas ng kuwarto. Sumunod naman ako sa kanya. Pagkalabas ko ng pinto ay sinara ko naman yuh. “Anyway, why is jace not around?”             “May group study daw siya sa library,” ang tugon ko naman. Tumango naman siya. Nagsimula naman siyang maglakad. Sumunod naman ako. Pinagmasdan ko lang naman ang kanyang likuran. Binalot kami ng katahimikan hanggang sa sasakyan. May ideya ako kung saan kami pupunta; sa paboritong Korean restaurant ni Mommy.             “Xander,” ang pagtawag ko sa kanya ngunit hindi naman siya umimik. “Galit ka pa rin ba sa akin?”             Mabilisan naman siyang napasulyap bago muling tinuon ang kanyang atensyon sa daan.             “Kung ang tinatanong mo ay ang tungkol sa s****l orientation mo; mukhang wala naman akong magagawa,” ang tugon niya. “I can’t accept you.”             Nasaktan ako sa kanyang huling sinabi, sa totoo lang.             “But it doesn’t mean I can’t tolerate you,” ang sunod niyang sinabi. “Xavier, pagbaliktarin man natin ang mundo, kapatid pa rin kita. Kakambal kita. Pamilya pa rin kita. We’re bound by blood. Now I know, you think I don’t care but I do.”             Napatango naman ako at ngumiti. Hindi man niya ako lubusang matanggap; maganda pa rin itong magandang senyales. Isang simula upang magbago si Xander.             “Pero galit ka pa rin ba kay Blue?” ang tanong ko.             “Blue is different, ibang usapan na kapag ibang tao,” ang tugon naman niya. Napasimangot naman ako at napa-iling. Pero baka may pag-asang makapag-ayos silang dalawa.             “Xander, pwede ba akong humingi ng pabor?” ang tanong ko.             “Anong pabor?” ang tanong naman niya pabalik.             “Pwede ba tayong matulog ngayon sa bahay?” ang paalam ko.             “Yeah, I mean, of course. Bahay naman ng mga magulang natin yun,” ang tugon niya. “Pero bakit kasama ako?”             “I want to come out as a gay person,” ang tugon ko. “Kay Mom muna.”             “Are you serious?!” ang gulat niyang tanong. Tumango naman ako.             “Alam ko rin namang balang-araw ay malalaman nila ang tunay kong pagkatao,” ang sabi ko habang nakatingin sa daan. May cake shop sa malapit na sinundan ko naman ng tingin bago tumingin kay Xander. “Mas makakabuti na siguro kung sisimulan kong sabihin.”             “Okay, pero bakit pa rin ako kasama?” ang muli niyang tanong. Nakak-iinis minsan ‘tong si Xavier. Madalas nawawalan ng common sense.             “Uhm, news flash; nagkapalit tayo ng katawan,” ang paalala ko. “So, ikaw nag magsasabi kay Mommy.             “Oh,” ang reaksyon naman niya nang makuha ang gusto kong ipunto. “I don’t think I can do it.”             “Kaya mo,” ang sabi ko naman. “Kung ano mang sabihin ni Mommy, hindi para sa’yo yun kundi para sa akin.”             “Okay, fine,” sa wakas ay ang pagpayag niya sa aking plano. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa Korean restaurantkung saan naghihintay sila Mommy at Daddy. Naupo ako sa tabi ni Dad na palaging ginagawa ni Xander.             “Kuya!” ang pagtawag naman ni Xandra, ang bunso naming kapatid, kay Xander. Mas naging malapit kami ni Xandra. Pinanood kong yumakap si Xandra kay Xander.             “How about me?” ang tanong ko naman. Lumapit naman siya sa akin at yumakap. Hindi nagtagal ay sinimulan naming magluto ng Korean Barbecue. Ugali kong ako ang nagluluto para sa kanila kaya naman tumayo ako at linagay ang mga mga karne at kung anu-ano pa sa grill.             “O, bakit ikaw ang gumagawa niyan?” ang tanong naman ni Dad. Natigilan naman ako. Oo nga pala, hindi ako sa Xavier ngayon.             “Uhm, tinuruan ako ni Xavier,” ang palusot ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Xander sa sinabi ko pero hindi ako tumigil at pinagpatuloy ang aking sinasabi, “Nagvoluntter ako sa cooking club.”             “Maganda yan, para makapagbonding kayo ni Xavier,” ang komento naman ni Mommy.             “Eh, paano yung soccer team? Nag-quit ka na ba?” ang tanong naman ni Daddy.             “They won’t stand a minute without me,” ang mahangin ko namang tugon. Napakunot-noo naman si Xander sa kanyang narinig. Let Xander have a taste of his own recipe.             “That’s the spirit, Xander!” ang pagsusulsol naman ni Dad sa kayabangan ni Xander. Ipinagpatuloy ko naman ang ginagawa ko. Nakapagpaalam na rin kami sa aming mga magulang na sa bahay kami matutulog ngayong gabi. Pumayag naman sila dahil masyado na ring gabi kapag bumalik pa kami sa dorm ng Richmond. Habang kumakain ay pinag-iisipan ko pa kung paano namin sasabihin kay Mommy ang lahat. Pinaghahandaan ako na rin ang mag maririnig ko mula sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD