Episode Fifteen

1338 Words
Xavier's Point of View             Pagkatapos ng masaganang hapunan kasama ang aking pamilya, oras na para umuwi. Kasama ko pa rin si Xander sa sasakyan niya.             “Ano n’ang plano mo?” ang pagbasag ni Xander sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.             “Papupuntahin ko si Mommy sa kuwarto. Doon mo siya kaka-usapin,” ang paliwanag ko naman.             “At ikaw?”             “Magtatago ako sa aparador para makinig,” ang tugon ko. Napatango naman siya at muli na naman kaming binalot ng katahimikan. Ginamit ko na lang ang Airpods ko at nakinig ng mga awitin ni Lauv sa playlist ko. Naalala ko si Mikael. Siguro oras na rin para umamin ako sa kanya. He deserves the truth. Batid kong nahihirapan na rin siya sa sitwasyon naming dalawa.             Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa bahay. Napatingin ako sa paligid pagkababa ng sasakyan. Bumungad sa akin ang hardin at ang mga halamang inaalagaan ni Mommy. Naroon pa rin ang garden gnomes na binili ko para sa kanya. Sabay-sabay naman kaming pumasok sa bahay. Dederetso sana ako sa aking kuwarto nang pigilan ako ni Xander.             “Hindi mo yan kuwarto, remember?” ang saad niya. Oo nga pala. Masyado lang akong na-excite nang makarating kaya kahit panandalian ay nakalimutan ko ang problemang dinadala naming dalawa. Dumeretso naman ako sa kuwarto ni Xander. It all feel very strange to me. Matagal na nung huling beses na nakapasok ako sa kuwarto ni Xander; nung nasa elementarya pa kami. Malinaw pa sa aking ala-ala ang itsura ng kuwarto niya noon. Naaalala ko ang kulay ng kuwarto noo, sky blue. Nagyon ay royal blue na. Wala na ang mga laruan niya sa estante. Mahilig siya sa action figures noon. Napalitan na ng ibang bagay. Nang matapos kong tignan ang kabuuan ng kuwarto ni Xander ay nagtungo ako sa tapat ng aparador. Kumuha ako ng damit at nagbihis. Lumabas naman ako ng silid ni Xander at kumatok sa kuwarto ko. Bumukas naman ang pinto. Pumasok naman ako.             “Are you ready?” ang tanong naman ni Xander sa akin. Tahimik naman akong tumango.             “Hintayin mo na lang si Mommy,” ang tugon ko. “Ah, heto nga pala.”             Inabot ko sa kanya ang isa sa pares ng Airpods ko.             “Ilagay mo yan, ulitin mo na lang ang mga sasabihin ko,” ang wika ko. Kinuha naman niya yun at sinuot. Nagtungo naman ako sa aparador at pumasok. Nagtext ako kay Mommy, “Mommy, hindi ako makatulog. Taasan mo ako ng gatas.”             “Sige, anak,” ang tugon naman niya.             “Paakyat na si Mommy,’ ang sabi ko naman kay Xander. Lumipas ang halos limang munuto nang marinig kong bumukas ang pinto. Sumilip ako sa butas. Sabay silang umupo sa tabi ng kama.             “Kamusta ang pag-aaral mo?” ang tanong ni Mommy.             “Okay naman po,” ang tugon ni Xander. “May problema ka ba, Xavier?” Xander's Point of View             Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong sasabihin kay Mommy. Napakunot naman ako ng noo nang marinig na na nag-off ang Airpod ni Xavier. I started to mentally panic. I can’t do it.             “Wala naman, Mommy,” sa wakas ang lumabas sa aking mga labi.             “Sige,” ang tugon naman ni Mommy. “Inumin mo na yang gatas mo, at magpahinga.”             Tumayo naman si Mommy. Bago pa lang siya makapaglakad palayo ay kaagad akong nagsalita, “Mommy!”             Natigilan naman siya at lumingon sa akin.             “Mamahalin mo pa rin ba ako kung iba ako?” ang tanong ko. Nakita ako ang pagtatanong sa kanyang mga mata.             “Ano bang klaseng tanong yan, Xavier?” ang tanong pabalik ni Mommy na muling naupo sa tabi ko. “Kahit maging aso ka pa, o lamok, o ang mga kinatatakutan mong gagamba; mamahalin pa rin kita kasi anak kita. Nanggaling ka sa akin.”             “Mommy, ayokong madisappiont ka,” ang sunod kong sinabi. I actually felt bad for Xavier. Ang hirap mareject; lalo na ng isang kapamliya. I understand now how he feels.”             “Bakit naman ako madidisappont sa’yo?” ang tanong niya. Napahinga ako ng malalim.             “Ma, I like men,” ang sa wakas ay pag-amin ko para kay Xavier. “I’m gay.”             Natahimik naman si Mommy. I feel something lumping in my throat. Kinuha naman niya ang isang kamay ko at tumingin sa akin.             “Xavier, anak kita,” ang pagsisimula ni Mommy. “Ang laman at dugo mo, nanggaling sa akin. Xavier, matagal ko nang alam.”             “Do you hate me?” ang sunod ko namang tanong.             “Of course not!” ang tugon naman ni Mommy sabay hila at yakap sa akin. “Kahit kailan, I won’t hate you. Tatanggapin pa rin kita. Huwag mong isiping mali ang pagkatao mo. Walang mali sa’yo, at sa mga nararamdaman mo. Isa lang ang huwag mong kakalimutan, the world may turn it’s back on you but I’ll never leave you; ikaw at si Xander.”              Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa akin.             “Alam na ba ni Xander ito?” ang tanong niya sa akin. Tumango naman ako. “Alam kong magkaiba kayo ng ugali at mga gusto. Madalas hindi kayo magkasundo; pero sana, hindi ito maging dahilan para mas lalo kayong hindi magka-sundo.             Tumango naman ako at ngumiti. I guess I’m the only one left with this mentality. Pero masisisi ba nila ako? Hindi naman siguro ako magkakaganito kung hindi nila ako pinagsamantalahan.             “Matulog ka na,” ang bilin ni Mommy bago tumayo. Tumango naman ako. “Siyanga pala, ang pogi nung Mikael.”             Napakunot naman ako ng noo.             “Mommy!” ang sabi ko na ikinatawa niya bago lumabas ng kuwarto. Tumayo naman ako para tignan si Xavier sa aparador. Napatingin kami sa isa’t-isa. Lumuluha siya. I can see my face crying. Aaargh. Ang sagwang tignan. “Narinig mo naman siguro lahat ng napag-usapan namin?”             Tumango naman siya.             “Bakit umiiyak ka pa rin diyan?” ang tanong ko naman.             “Hindi ko alam,” ang tugon naman niya. Napa-iling naman ako. “Halika nga rito.”             Hinila ko naman siya palabas ng aparador. Xavier's Point of View            NAGULAT ako nang hilain niya ako at yinakap.             “This hug is from Mommy,” ang sabi niya. “I feel you deserve to feel it.”             Napangiti naman ako at tumango. Tumahan naman ako at pinunasan ang mga luha ko.             “How do yo feel?” ang tanong niya.             “Masaya,” ang tugon ko. “Sobrang saya. Xander, pwede ba akong humingi pa ng isa pang pabor?”             “Abuso ka na,” ang komento naman niya. “Ano ba yun?”             “Gusto kong matulog dito,” ang tugon ko.             “Fine,” ang pagpayag niya. “Just don’t ask me to read you a bedtime story.”             “Hindi na ako bata,” ang komento ko naman.             “Drink your milk, Havi,” ang panunukso naman niya sabay abot ng baso ng gatas. Ininom ko naman yun at pumwesto sa kama. Tumabi naman sa akin si Xander.             “Xander,” ang pagtawag ko sa kanya. “Bakit ba galit ka sa mga taong katulad ko?”             Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.             “I don’t hate them for no reason,” ang pagsisimula niya. “Nagsimula ito nung junior high school tayo. Nung una, they’re catcalling me. Okay lang, nasanay naman ako. Pero nung Senior High, hinipuan ako ng isa sa mga kaklase ko sa Shower room.”             “Yun ba yung binugbog mo kaya pinatawag sila Mommy at Daddy sa school natin?” ang tanong ko.             “Oo,” ang pagkumpirma niya. “Pero hindi ko masabi sa kanila ang dahilan. Nandidiri ako sa sarili ko. Pakiramdam ko nag dumi-dumi ko.”             Nagsimula naman siyang lumuha.             “Xander, hindi ka marumi,” ang sabi ko sa kanya. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo; ang mga pinagdaanan mo. Pero hindi lahat ng tao katulad nila. I feel sorry kasi yung mga masasamang tao ang nakilala mo.”             Nagsimula naman siyang magpunas ng luha at humarap sa kabila.             “Xander, thank you,” ang pasasalamat ko. “Hindi man tayo naging malapit sa isa’t-sa. Thank you pa rin, Kuya.             “Thank you rin,” ang pasasalamat niya. “Salamat sa pakikinig, kahit paano, I felt better. And sorry for dragging you in this mess. Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ibabalik ang dati.”             “Makakahanap din tayo ng solusyon,” ang paninigurado ko bago ko isara ang aking mga mata.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD