Chapter Sixteen

1811 Words
Xavier's Point of View           MINULAT ko ang aking mga mata nang may umalog sa aking katawan. Nakita ko ang aking mukha. Mabagal naman akong naupo.          “Let’g go out for a run,” ang sabi niya.          “Ha?” ang reaksyon ko naman.          “Bumaba ka na diyan, maganda ang panahon ngayon para mag-jogging,” ang komento naman niya.           “Bakit kasama ako?” ang tanong ko naman.          “Pambayad utang,” ang simple naman niyang tugon. “I helped you last night, right?”          “Fine,” ang tugon ko naman bago bumaba ng kama. Lumabas ako at nagtungo sa kuwarto niya para maghanda at magpalit ng damit. Nagsusuot na ako ng sapatos nang magbukas ang pinto kasabay ng pagpasok ni Xander.          “Kailangan kong kumuha ng damit,” ang paliwanag naman niya. Tumango naman ako. Naiintindihan ko dahil wala ako masyadong damit na pang-exercise maliban na lamang sa isang jogging pants at P.E. T-shirt na ginagamit ko sa klase. Nang makakuha naman siya ng damit ay lumabas siya. Nang makapagbihis ay nagtungo ako sa sala para hintayin siya. Sa totoo lang ay inaantok pa rin ako. Muntikan na akong makatulog nang makita ko si Xander na bumaba ng hagdanan. Napatayo naman at sinalubong siya. Sabay naman kaming nagtungoo ng kusina para kumuha ng water bottle. Sinundan ko naman siya at nag-jogging nga kami sa palibot ng village. Nakarating naman kami sa playground at naupo muna sa bench para magpahinga.           “Xander,” ang pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. “Naaalala mo pa ba nung mga bata pa tayo? Hilig mong akyatin yung punong ‘yun.”           Itinuro ko naman ang isang puno na kaagad naman niyang sinundan ng tingin.           “Oo,” ang nakangiti naman niyang tugon. “Pinipilit pa nga kitang umakyat pero takot ka.”          “Pero umakyat din naman ako nang sabihin mo na ibibigay mo sa akin ang scooter mo,” ang pagpapatuloy ko. “Yun nga lang bago pa lang ako maka-akyat ng tuluyan nang mahulog ako. Nakuha ko nga ang scooter mo pero hindi ko naman din nagamit kasi nabalian ako.”            Kapwa naman kaming natawa nang maalala ang pagkakataong yun.           “Close tayo nung mga bata pa tayo, ‘no?” ang retorikal kong tanong na nagpabalik sa katahimikan naming.           “Oo,” ang pagsang-ayon naman niya. “Kung saan ako magpunta, naroon ka rin.”           “Pero nagbabago ang panahon,” ang pagpapatuloy ko. “Nagsimula tayong lumayo sa isa’t-isa.”           “Xavier, sorry,” ang biglaan niyang paghingi ng paumanhin. Napakunot naman ako ng noo.          “Para saan?” ang tanong ko. Hindi ko kasi alam kung bakit siya humihingi ng pasensya.          “For being a jerk,” ang tugon ko naman. “I just realized that… hindi ako naging mabuting kapatid sa’yo.”          “Well, you were,” ang pagsang-ayon ko naman. “Sorry din.”          “Para saan?”         “For being a loser,” ang tugon ko naman.         “Hmm, you are,” ang pagsang-ayon ko naman. “At least that’s what my friends think.        “So, anong tingin mo sa akin?” ang tanong ko naman.        “My baby brother,” ang tugon niya sabay gulo ng buhok ko.        “Xander, ano ba?!” ang reaksyon ko sabay tawa.        “Tara na,” ang yaya naman niya sabay tayo. “May klase pa tayo mamaya.”         Tumayo naman din ako at sumunod.          “Xander,” ang pagtawag ko sa kanya. “Bakit mo ng apala pinost ang picture natin sa i********: account mo?”          “Well, wala naman akong ibang choice,” ang tugon niya.          “Dahil ba sa mga schoolmates natin?” ang sunod kong tanong. “Para matigil na sila sa pambubully sa’yo?”           “Para matigil na sila sa pambubuly sa’yo,” ang pagtatama naman niya. “At tsaka, naisip ko rin naman na it will benefit the both of us.”          Sa totoo lang, hindi ko makita kung paano kami kapwa makikinabang sa desisyon niyang ilagay ang mga larawan namin sa i********: account niya.          “Xander,” ang muli kong pagtawag. Hindi naman siya sumagot ngunit alam kong nakikinig siya. “Pwede rin ba nating ipaalam ito kay Mikael?”          “Para saan?” ang tanong naman niya. “Do you really like him?”          “Uhm, oo,” ang tugon ko naman.          “Bakit?” ang sunod naman niyang tanong.          “Anong bakit?” ang tanong ko naman pabalik.          “Well, hindi naman siya ganun kagaling at kagwapo,” ang komento naman niya. “So, bakit?”         “Ewan,” ang tugon ko naman. “Basta gusto ko siya.”         “Since when?”          “Tatlong taon na. Simula nung nakita ko siya sa Freshman Orientation natin,” ang tugon ko. “Ang tagal na pala.”          “Isa pa, alam na ni Trisha ang tungkol sa sitwasyon natin,” ang pag-amin ko. Natigilan naman siya.          “Anong sinabi mo?”         “Ang sabi ko alam n ani Trisha na nagkapalit tayo ng katawan,” ang paliwanag ko.         “Pero paano?”         “Kina-usap ko si Blue. Narinig niya ang naging usapan namin,” ang tugon ko. Tumango naman siya.            “Fine,” ang pagpayag naman ni Xander. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa bahay. Nang makarating ay kaagad naman akong nagtungo sa kuwarto upang maghanda. Kailangan naming bumalik ng dormitory sa Richmond University dahil may mga klase pa kaming dapat pasukan. Naalala ko nga pala, ngayon din ang simula ng practice ng soccer team para sa University Meet. Malapit-lapit na rin pala ang event na yun. “Sa tingin ko mas makakabuti ngang sabihin natin sa kanya para matigil na siya sa kasusunod sa akin na parang aso. Hell, he’s consistent and as the same time, annoying.” Xander's Point of View          Naiba nga ang awra sa School of Home Economics pagpasok ko sa gusaling ito. Nawala na ang mga matang nakatuon sa akin. Kung nakakamatay lang ang pagtitig, noon pa lang ay namatay na ako. I do hope na matigil na rin ang mga practical jokes na ginagawa nila sa akin. Pumasok ako sa lecture room. Patungo na ako ng aking upuan ngunit nahinto ako nang mat masilayang nakapatong doon. Mabagal akong naglakad at napatingin sa mga bagay na naroon. Mga tsokolate, stuffed toys at kung ano-ano pa. Unang pumasok sa isipan ko ay si Mikael. Patay na patay talaga siya sa kapatid ko, ‘no? Hindi mo aakalain na ang cool looking na si Mikael ay magkakagusto sa kapatid kong uhm, paano ko nga siya ilalarawan? May pagka-dork. I guess that fits him best.          “Iba talaga ang sikat,” ang komento naman ni Nico.           “Xavier, ang daya mo!” ang pagmamaktol naman ni Samantha sabay lapit sa akin. Kaagad naman siyang umangkla sa aking braso. Napatingin ako sa kanya. Nasanay naman na ako sa gawain niyang ito. “Hindi mo man lang sinabi sa akin na kapatid mo pala si Xander. Kakambal mo siya!”           “Sa tingin ko, isa ito sa mga bagay na hindi na kailangang sabihin,” ang paliwanag ko naman. “Hindi kami naging close.”           “Pero sinabihan mo si Nico?” ang argyumento naman niya. Nagkatinginan naman kami ni Nico.           “Huy!” ang singit naman ni Nico. Hindi ko rin alam. Nalaman ko na lang nang pumutok ang balita.” Napabuntong-hininga naman si Samantha.           “Sorry na,” ang paghingi ko naman ng paumanhin sabay tawa. I really do find Xavier’s friends interesting. They are like a breath of fresh air. May mga note na nakalagay sa mga regalo. Kinuha ko naman ang isa.           “Sorry, bunso ng Richmond,” ang nakalagay na mensahe.            “Bunso ng Richmond?” ang pag-uulit ko. I can hear the surprise and disgust in my voice. Who in the hell would call Xavier like that? Tinignan ko naman ang likod ng card. Napakunot ako ng noo sa aking nabasa. Mula ang ilan ng mga ito sa aking fans’ club. Hindi pa rin ako makapaniwala na may ganun. It’s a bit awkward though.             “Simula nung nalaman ng Xander’s Waifus na magkapatid kayo, rumagasa sila rito para ibigay yan,” ang paliwanag naman ni Samantha.              “Mukhang masama ang kutob ko rito,” ang komento ko naman. Kapwa naman sila naapatingin sa akin. Hindi ko tinago na girlfriend ko si Trisha nang walang rason. Kinakatakot ko na mangyari sa kanya ang nangyari kay Xavier. “Heto.”               Binigyan ko naman sila ng ilan sa mga regalo. Balak kong ibigay lahat ng mga ito kay Xavier. Afterall, these are for him. Inayos ko naman ang mga yun para maka-upo na ako. Sakto namang pagdating ng Professor namin. Xavier's Point of View               KINAKABAHAN ako. Paano namang sasabihin kay Mikael na nagkapalit kami ng katawan ni Xander? Hindi ako mapalagay.              “Hey,” ang pagtawag ni Trisha sa akinh atensyon. Napatingin naman ako sa kanya. “You look so tensed. Anong meron?”              “Trisha, may kailangan akong sabihin sa’yo,” ang tugon ko.               “Ano?” ang tanong naman niya.               “Alam na ni Xander na alam mo ang sitwasyon naming,” ang pagsisimula ko. Napangiti lang naman siya.          “Yan ba ang ikinakakaba mo?” ang tanong niya. “Hindi naman ako galit.”          “Salamat, Trisha, pero hindi yan ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito,” ang paglilinaw ko.         “So, ano nga ba ang dahilan?” ang muli niyang pagtanong.             “Gusto ko na ring ipaalam kay Mikael ang totoo,” ang tugon ko.          “Mikael? Siya yung taong gusto mo, hindi ba?”          Tumango naman ako.          “Natatakot ako,” ang pag-amin ko. “Paano kung hindi niya kami paniwalaan. What if yung mga sasabihin ko sa kanya, sa kanya, mga biro lang?”          “Sa totoo lang, mahirap naman talagang paniwalaan ang mga nangyayari,” ang komento ni Trisha. Mas lalo akong nakaramdam ng takot at pagkasiphayo nang marinig yun mula sa kanya. “Sa tingin ko, hindi sapat na sabihin mo lang sa kanya. Kailangan mo ring ipakita sa kanya na ikaw talaga si Xavier.”          It all makes sense. Napatango ako. Yun nga lang paano ko maipapakita sa kanya na ako nga si Xavier?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD