Episode Seventeen

1729 Words
Xander's Point of View          NAGING mabait na nga ang mga tao sa aking paligid. Madalas pa nga ay hinihiling ng iba na ipakilala ni Xavier si Xander sa kanila. Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa Club room. Bitbit ko ang mga regalo na kailangan kong ibigay kay Xavier. Mabuti na lang ay may napaheram si Samantha sa akin na paper bag. Pumasok ako sa club room at naupo sa tabi ni Nico. Inikot ko ang aking mga mata at kaagad natagpuan si Mikael sa kabilang dulo ng Club Room Nginitian niya ako nang magtama ang aming mga tingin. May lungkot sa kanyang mga mata. Iniwas ko ang aking tingin at napabuntong-hininga. Napatingin ako kay Nico.            “Hindi ko talaga maintindihan kung paano mahuhulog ang isang lalake sa kapwa niya lalake,” ang saad ko.           “Hindi naman lahat ng bagay, nabibigyan ng rason,” ang tugon naman ni Nico. “Pero kung hahanapan mo pa rin ng kasagutan ang katanungan mong yan, isa lang ang masasabi ko. Tao rin sila, nasasaktan at nagmamahal.”            Pagkatapos ng paliwanag niya ay natahimik ako. Iniisip ang sinabi niya sa akin.           “Listen up, everyone” ang malakas na sabi ni Ate Sheena sa harapan. “Tama na muna yang tsismis. I have an announcement to make.”           Nagkatinginan naman kami ni Nico. Kapwa kami naging interisado sa kung ano mang sasabihin ng Presidente ng Culinary Club.          “Alam nating lahat na malapit na nag University Meet,” ang pagsisimula niya. “Sa mga huling taon ng University meet ay karaniwan nang mga sports at arts ang labanan pero ngayon ay mas magiging mahigpit ang labanan sa pagitan ng mga sasaling Universities. Katatanggap ko ng memo mula sa University Administration ng listahan ng activities at participants. Mauna tayo sa mga participants. Siyempre kasali pa rin ang Richmond University. Kasali rin ang Saint Anthony University.”          Hindi na ako nagulat sa aking narinig. Kilala ang university na yun sa pagiging competitive ng mga estudyanteng nag-aaral dun.          “Ngayong taon, sasali rin ang…” natigilan siya sa pagsasalita nang may mabasa sa papel.       “Montecillo University.”          Nagsimulang magbulungan ang lahat. Mahigpit kong nahawakan ang ballpen sa aking kamay.          Montecillo University. Ang number one University sa siyudad. Hindi lang dahil matatalino ang mga nag-aaral doon kundi mga anak din ng mga maimpluwensiya. Hindi sila nakikisali sa mga ganitong event pero bakit ngayon ay sumali sila? Sa bagay, ano bang laban ng mga spoiled sa amin. Wala dapat kaming ipag-alala.           Matapos mabanggit ang mga sasali sa University Meet ay sunod naman niyang inanunsyo ang mga dumagdag na activities.           “Bukod sa mga nakagawian nating mga activities ay may mga dinagdag pa sila sa listahan ng pwede nating salihan,” ang sunod na paliwanag ni Ate Sheena. “E-games competition, Model Search Competition, Archery at Culinary Cook-off.”            “Wow,” ang narinig kong komento ni Nico.            “Maliban sa Culinary Cook-off, kailangan niyong magpasa ng form sa Dean’s office kung gusto niyong sumali,” ang saad ni Ate Sheena. “As for the Culinary Cook-off, napag-desisyunan ng School of Home Economics na hayaan ang Culinary Club members na sumali sa event. Namili kami ng mga taong sasali sa bawat category ng event kaya makinig kayong Mabuti.”           Tumahimik ang lahat at pilit na pinakalma ang sarili sa nararamdamang pagkasabik.          “Fruit Carving Competition, Mikael San Lorenzo,” ang paunang anunsyo. Napatingin ako kay Mikael. He really does some awesome fruit carving.  I’ll give that to him. “…pastry category, Nico Reyes and Xavier Ventura for the dessert category.”          “Oh, no,” ang bulong ko sa aking sarili.         “Kaya mo yan!” ang pagpapalakas naman ni Nico sa loob ko. It seems like wala naman akong choice. Napabuntong-hininga na lang ako. Hanggang kalian ba balak ni Blue pahirapan kami?”          “For our club meeting today, yun lang naman ang agenda natin ngayon,” ang sabi ni Ate Sheena. “Pero may hinanda kaming activity para sa inyo. Nasanay tayong lahat sa salitang “No”. Sa hapong ito, subukan naman natin ang salitang “Yes”. Kaya naman sa hapong ito, maari niyong tanungin ang isa’t-isa ng mga tanong o pabor. Ang pwede niyo lang gawin ay sumagot ng “yes” o pumayag.”            Such an odd activity but meh, whatever. Napangalumbaba ako sa aking desk. Wala naman akong gustong tanungin o ipagawa sa iba kaya naman nanatili lang ako sa aking mesa. Napalingon naman ako nang may tumapik sa aking braso. Si Mikael.          “Pwede ba tayong mag-usap?” ang tanong niya. Napakunot naman ako ng noo pero kaagad ko rin namang naalala ang kailangan naming gawin.            “Yes,” ang walang gana kong tugon. Hnarap ko naman siya at tumingin sa kanyang mukha.            “Miss me?” ang tanong niya. Aaaargh, here we go with his cringiness.           “Yes,” ang tugon ko naman.          “Aww, say it like you mean it,” ang komento niya. Kung hindi lang dahil kay Xavier, kanina ko pa ito sinapak.            “I miss you,” ang tugon ko sabay ngiti. Ano naman bang drama ito? I suddenly heared the rest hollored. Napatingin ako sa paligid. Nakatuon na pala ang atensyon ng lahat sa aming dalawa.             “If you really miss me,” ang pagpapatuloy ni Mikael. “Then Xavier, be my boyfriend.”             Patuloy nan gang naghiyawan ang mga ibang club member. Napanganga naman ako sa aking narinig.            “S**t,” ang bulong ko sa aking sarili. Anong gagawin ko? I don’t want to say yes. I can’t say yes. Kung merong taong dapat magsabi nun; si Xavier mismo. Hindi dahil tutol ako na magkaroon sila ng isang relasyon. Pero… It’s just that I feel like Xavier deserves to be the one to say yes.             “Say yes,” ang tukso ng iba ngunit hindi ko sila pinagtuunan ng pansin. Nanahimik ako ng ilang minute. Ang kaninang malakas na panunukso nila ay napalitan ng mahinang bulungan. Napatingin ako sa mukha ni Mikael. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. I know he’s already feeling disappointed but what can I do? Ayokong kunin kay Xavier ang pagkakataong ito.            “Bakit ganyan ang itsura mo? Hindi pa naman ako sumasagot,” ang sabi ko kay Mikael. “Siguro, oras ko naman para magtanong at humingin ng pabor.”              Tumango naman siya bilang pagsang-ayon.            “Pwede bang hintayin mong matapos ang club meeting bago ko sabihin ang sagot ko sa katanungan mo?” ang paki-usap ko sa kanya. Ramdam ko ang pagtataka sa kanya ngunit tulad nga ng gustong mangyari ni Xavier; kailangan na rin niyang malaman ang totoo.             Sa wakas naman ay tumango si Mikael. Bumalik ako sa aking upuan at tahimik na inilabas ang recipe book ni Xavier. Kung hindi mangyayaring bumalik kami ni Xavier sa katawan ng isa’t-sa, seseryosohin ko ang paligsahan na kabilang siya. Kaagad akong nagpunta sa dessert section. Tinignan ko isa-isa ang mga recipe na nakalista sa librong yun. Napakamot naman ako, nothing’s interesting. Alam kong hindi pa ako ganun kagaling at iilang pagkain pa lang ang nagawa ko, pero… it’s not rocket science that the recipes I checked are meant for a contest.              Tumingin ako kung nasaan si Mikael. May malaking pakwan sa harap niya. Pinanood ko naman siya nang kunin niya ang sari’t-saring kutsilyo mula sa isang aparador at muling bumalik sa kanyang upuan.  Sinimulan niyang ukitan ang naturang prutas. Tulad sa Soccer practices namin, kitang-kita sa kanyang mukha ang determinasyon. Binawi ko ang aking tingin at tumayo upang tignan ang mga libro sa isang bookshelf. Wala akong ideya kung anong dapat kong gawin para sa contest. Kumuha ako ng ilang libro at bumalik sa aking upuan. Inilapag ko ang mga libro sa mesa. Muli akong napatingin kay Mikael at sa ginagawa niya. May tatlong hugis rosas na ang isang parte ng pakwan. Ang galing niya. Bigla naman siyang huminto at napatingin sa akin. Nginitian naman niya ako. Sa totoo lang, wala naman sa akin ang pagngiti nita ngunit naramdaman ko na lamang nan ang-iinit ang aking mga pisngi. This is not me. It’s Xavier’s body reacting to this guy. Binawi ko naman agad ang aking tingin at binuksan ang isa sa mga libro sa mesa. Natawa naman si Nico sa naging reaksyon ko kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin. Hindi naman siya nagpatinag at pinagpatuloy lang ang pagtawa.             “Alam mo, ganyan na ganyan din si Xavier,” ang komento niya. Napa-iling naman ako bilang reaksyon sa sinabi niya. Itinuon ko na lang ang tingin ko sa pahina ng aklat. In less than two weeks time, magsisimula na ng University meet. Ang makakatulong na lang sa akin ay si Xavier.            Natapos ang Club meeting. Umalis na lahat ng ibang club members. Ilang saglit pa ang lumipas ay natira na lamang sa kuwarto ay si Mikael at ako. Hiniling ko kay Nico na gusto kong maka-usap si Mikael ng dalawa lang kami.           Katahimikan ang bumalot sa amin nang lumabas si Nico. Napatikhim naman si Mikael.          “So,” sa wakas ang pagbasag niya ng katahimikan. Naka-upo pa rin ako sa aking upuan habang abala pa rin ang kanyang kamay sa pag-ukit ng pakwan. Isinara ko ang librong hawak ko at tumingin sa kanya Napanganga ako nang makita ang ginagawa niya. Ang ganda ng ginagawa niya. Pinanood ko naman ang paglapag niya ng kutsilyo at pagharap sa akin. “Tayong dalawa na lang ang narito. At hinihintay ko pa rin ang sagot mo.”         “Sa totoo lang, hindi dapat ako ang sumagot niyan,” ang komento ko.         “Hindi ko maintindihan,” ang tugon naman niya. “Xavier, ano ba talaga ako sa’yo? Ano ba talagang nararamdaman mo para sa akin? Napapagod na ako, with all of these mind games. Xavier, I love you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD