Xander's Point of View
“Hindi rin ba ganun ang nararamdaman mo para sa akin?” ang tanong niya.
Hindi ko alam kung anong itutugon. Napatingin naman ako sa aking wrist watch. Ang tagal ni Xavier. Nasaan na ba siya?
“Kung hindi mo lang ako kakausapin, aalis na lang ako,” ang naiinis na komento ni Mikael. Muli lang naman akong napatingin sa aking orasan. Napabuntong-hininga lang naman siya sabay lakad. Nanlaki naman ang aking mga mata.
“Mika-,” ang pagtawag ko sa kanya ngunit kaagad din naman akong natigilan nang magbukas ang pinto. Huminto rin naman bigla si Mikael. Pumasok naman si Xavier. Napabulong naman ako sa aking sarili. “Sa wakas.”
Nagkatinginan naman ang dalawa.
“A-anong ginagawa mo rito, Xander?” ang tanong naman ni Mikael.
“Kailangan nating mag-usap,” ang tugon naman ni Xavier.
“Tungkol saan?” ang tanong ulit ni Mikael.
Xavier's Point of View
HUMINGA naman ako ng malalim.
“Mikael, hindi ko alam kung paano sasabihin ito sa’yo,” ang pagsisimula ko. “Alam kong hindi kapani-paniwala ang mga sasabihin ko… pero–.”
“Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa at sabihin mo na ang dapat mong sabihin, Xander,” ang malamig namang komento ni Mikael.
“A-ako si Xavier,” ang sabi ko sa kanya nang matipon ko ang lahat ng aking lakas ng loob. Napatingin naman siya kay Xander.
“Ikaw si Xavier?” ang pag-uulit ni Mikael na parang natatawa. “Eh, ayun si Xavier.”
Itinuro naman niya kung nasaan si Xander bago muling ibinaling ang tingin sa akin.
“Mikael, maniwala ka sa akin,” ang paki-usap ko. “Kaya kong ipaliwanag sa’yo ang nangyayari.”
“Hindi na kailangan, naiintindihan ko ang nangyayari,” ang pagtanggi naman ni Mikael. “Pinaglalaruan niyo akong dalawa.”
Lumapit siya kay Xander.
“I thought your different,” ang sabi niya sa kanya. “Pero pareho lang kayo ng mga taong nagugustuhan ko. You always take me for granted.”
Tinapunan naman siya ng masamang tingin ni Xavier.
“I’m not Xavier,” ang pagtatama naman ni Xander. “Are you stupid or what?”
“Bakit niyo ba ginagawa sa akin ‘to?” ang tanong ni Mikael, halata sa kanyang boses ang pagkasiphayo. “Stop this already.”
“Mikael,” ang pagtawag ko sa kanya. “Naaalala mo ba nung party ng School of Architecture? Lumapit ka sa akin para makipag-usap. Nasa dance floor si Nica at Samantha nun. Ang sabi mo nga hindi ka pa nagkaka-girlfriend kasi wala kang makitang taong nagkakaroon ka ng koneksyon. At naaalala mo pa ba kung anong kanta ang sabay nating pinakinggan sa gabing yun Mikael, ikaw at si Xavier lang ang nakakaalam ng kantang yun. Lonely eyes ni Lauv.”
Natigilan naman siya at napanganga dahil sa mga sinabi ko.
“Kaya ko hiniling sa’yo na lumayo muna tayo sa isa’t-isa. Yun ay dahil dito,” ang sunod kong paliwanag. “Dahil sa sitwasyong ito.”
“Kung totoo ngang ikaw si Xavier, paano naman nangyari ‘to?” ang tanong niya. “I can’t find a logical explanation for this.”
“Si Blue ang may gawa nito,” ang sabi ni Xander. “This is all my fault.”
“Kung hindi ka pa naniniwala, pwede mong tanungin kay Nico,” ang sabi ko.
“Hindi na kailangan,” ang pagtanggi ni Mikael. Naglakad naman siya patungo sa direksyon ko. Napabuntong-hininga naman ako. Alam kong mahirap talagang paniwalaan ang mga bagay na katulad ng ganito. Napatingin naman ako sa sahig. Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Nakaramdam ako ng mga kamay na pumulupot sa akin. “I believe you.”
“H-hoy!” ang reaksyon naman ni Xander sabay hila palayo kay Xander. “The hell!”
“Ano bang problema mo?” ang tanong naman ni Mikael.
“That is my body!” ang argyumento naman ni Xander.
“So, I can hug Xavier, right?” ang tanong naman ni Mikael sabay ngiti habang papalapit sa kanya
“D-don’t come near me,” ang nauutal na reaksyon ni Xander. Natatawa ako sa naging reaksyon niya pero ngayong alam ko na kung bakit ganun na lang ang reaksyon niya ay lubos ko siyang naiintindihan.
“Mikael,” ang pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin, umiling naman ako.
“Paano yan? I have needs too,” ang komento naman ni Mikael. Lumapit naman si Xander sa kanya at kaagad siyang kwinelyuhan.
“My brother is not a cheap w***e,” ang singhal ni Xavier. “Watch your effin’ mouth.”
“Xander!” ang pagpigil ko sa kanya. Nagkatinginan naman silang dalawa. Napangiti naman si Mikael at marahang hinawi ang mga kamay ni Xander.
“I’m just kidding,” ang tugon naman ni Mikael. Humarap naman siya sa akin.
“Let’s make this clear,” si Xander sabay tupi ng kanyang mga kamay. “No touching. Bawal mong hawakan ang katawan ko at ni Xavier habang ganito pa ang sitwasyon naming dalawa.”
“How about kissing?” ang tanong naman ni Mikael.
“That’s out of the question, you idiot!” ang reaksyon naman ni Xander. “And the hell, you can’t kiss my brother.”
“And why not?”
“Well..” si Xander. “Wala pa naman kayong relasyon… so I forbid it.”
“Xavier, may gusto akong itanong sa’yo.” ang sabi naman ni Mikael sabay ikot upang humarap sa aking direksyon.
Hinintay ko naman kung ano mang itatanong niya.
“Sa bawat araw na lumipas na hindi tayo nagkaka-usap, ikaw lang ang laman ng isipan ko,” ang pagsisimula niya. Nanatili akong tahimik upang pakinggan pa ang iba niyang gustong sabihin. Mabagal naman siyang naglakad patungo sa kinalalagyan ko. “Xavier, I connect with you. I yearn for you. Please, accept me in your life as your boyfriend.”
Napanganga ako sa aking narining.
“Hinihiling mo na maging boyfriend kita?” ang pag-uulit ko. Ngumiti naman siya at tumango. “Pero bakit ngayon?”
“Kailan ba dapat?” ang tanong niya pabalik.
“Mikael, tignan mo ako,” ang sabi ko. “Wala ako sa katawan ko.”
“Hindi naman kita minahal dahil sa katawan mo,” ang paglilinaw niya.
“Oh, really?” ang singit naman ni Xander.
“Well, fine,” ang pag-amin naman ni Mikael. “I like looking at your behind.”
“Perv,” si Xander.
Hindi naman siya pinansin ni Mikael, bagkus ay ipinagpatuloy nito ang pagsasalita.
“Hindi ang pisikal mong anyo ang nagustuhan ko at minamahal ko na,” ang sabi niya. “But your beautiful soul. Nagustuhan kita regardless of your gender, regardless of how you look and regardless of our differences. Now, would you take me as your partner?”
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Napangiti naman siya at muli akong yinakap ng mahigpit. Hindi naman siya pinigilan ni Xander ngunit nagsalita lang naman siya. “I’ll give you a minute or two to finish your business.”
Nang sabihin niya yun ay tumalikod naman siya.
“I love you,” ang sabi sa akin ni Mikael.
“I love you too,” ang pabulong kong sinabi dahil nahihiya ako. Pagkalipas ng ilang minuto ay humarap sa amin si Xander.
“Times up,” ang anunsyo ni Xander sabay lapit sa aming dalawa. Napatingin naman siya sa akin pagkatapos ay kay Mikael. “You, try to hurt my twin brother and you’re dead meat.”
“Aalagaan ko si Xavier, I promise,” ang pangako naman ni Mikael.
“Anyway, you should go,” ang bilin ni Xander. “May soccer practice pa kayong dalawa, right?”
“Oh, yeah. Right,” ang pagkumpirma naman ni Mikael sabay tingin sa akin. Napatango naman ako. Sabay naman kaming lumabas ni Mikael.
“Masaya ka ba?” ang tanong niya.
“Para saan?” ang tanong ko naman pabalik.
“Na boyfriend mo na ako?” ang tanong naman niya.
“Tinatanong pa ba yan?” ang nahihiya kong reaksyon.
“Kumbinsido na talaga ako na ikaw si Xavier,” ang komento naman niya.
“Paano mo naman nasabi?” ang tanong ko.
“May distinct demeanor ka na nakikita ko ngayon mula sa galaw mo sa tunay mong katawan,” ang tugon niya.
“Tulad ng?”
“Hindi ko maipaliwanag,” ang tugo niya. “But let’s put it this way, siguro dahil I’m deeply connected to you. Anyway, gusto ko sanang mag-celebrate tayo. Bring you somewhere special… pero hindi pwede.”
Napabuntong-hininga naman siya.
“Mikael, pwede naman nating gawin yun kapag naging maayos na ang lahat.” ang tugon ko. “Marami pa tayong oras.”
“Stop that,” ang suway niya.
“Ang alin?” ang tanong ko naman.
“Stop being cute,” ang muli niyang pagsuway. “or else, I’ll break Xander’s rule.”
“Mikael!” ang suway ko sabay iling. Naglakad naman ako palayo. Kaagad naman siyang sumunod.