Xavier’s Point of View “Papalapit na ang bagyo,” ang bulong naman ni Nico. “Xander,” ang maligalig namang pagtawag sa akin ni Josh Sandoval, ang Captain ng Soccer Team ng Montecillo University. Humarap naman ako sa kanya. “Josh,” ang pormal ko namang pagbanggit sa kanyang pangalan nang tuluyan siyang makalapit. “Fine day, isn’t it?” ang tanong naman niya. “Not a cloud in the sky.” “Narito ka ba para pag-usapan ang panahon?” ang deretchan kong tanong. Wala ako sa mood makipagplastikan at lalo nang wala ako sa mood sa kayabangan niya. “Well,” ang reaksyon naman niya. Hindi pa rin nabubura sa kanyang mukha ang isang mapang-insultong ngiti. “I just can’t help but notice. Isang magandang araw para manalo.”

