Xavier’s Point of View “Naiintindihan ko naman ‘yan,” ang saad niya. “Teka lang, parang buong araw kong hindi nakikita si Xander. Nasaan nga pala ang kambal mo?” “Hindi ko rin alam, Nico,” ang tugon ko. Totoo nga, matatapos na ang soccer tournament at hindi ko pa nasisilayan kahit na isang hibla ng kanyang buhok. Nakakapagtaka dahil napaka-importante ng araw na ito para sa kanya. “Baka nasa bleachers.” Napatango naman siya. Napatingin ako sa mga tao sa bleachers. Hindi ko maaninag ang mga mukhang natira doon. Ang tanging malinaw sa aming kinalalagyan ay ang kulay ng mga suot nilang damit. Ang mga estudyante ng Montecillo University ay nakasuot ng dark blue na shirt samantalang ang mga estudyante namang galing sa aming Pamantasan ay nakasuot ng kula

