Nang matapos ay pumasok ako sa kwarto at hinanap ang phone ko, nakita ko itong nakapatong sa ibabaw ng bed side table. I still need to update my secretary, nakapatay iyon kaya binuksan ko. Isa-isang pumasok sa inbox ko ang mga messages. Tinawagan ko ang sekretarya ko para kumustahin sa opisina.
“Good Morning Ms. Beatrix.” Bati nito.
“Good Morning, kumusta dyan sa office?” Tanong ko rito.
“Wala naman pong problema, nandito na po pala si Ms. Cassandra. May mga ipagbibilin po ba kayo sa kanya?” Aniya. Sandal akong natahimik, nawaglit sa isip ko ang pagpasok ni Cassandra sa opisina.
“Wala naman, ituro mo nalang sa kanya yung mga dapat niyang gawin.” Tugon ko rito.
“Okay po Ms. Beatrix. Oo nga po pala, dumating na yung pinapaasikaso niyo sa private investigator.” Aniya, I paused. I don’t think na kailangan ko pang malaman ang lahat ng tungkol sa relasyon nila Harry at Cassandra. Ngayon lang kami nagkaayos ni Harry at ayokong masira pa iyon.
“Um, itabi mo muna sa office ko.” Sambit ko dito saka nagpaalam na at binaba ang phone.
Nagtagal pa kami ng tatlong araw sa Villa saka umuwi narin kami sa manor. Mas naging malapit kami ni Harry sa isa’t-isa. Para kaming bagong kasal na kagagaling lang ng honeymoon. Nadatnan ko sa sala si Cassandra habang palabas ako ng manor para pumasok sa opisina.
“Good Morning Beatrix.” Bati nito sa akin, pilit akong ngumiti rito saka dumeretso na palabas ng manor. Hindi ko alam ay sinundan pala ako nito papunta sa kotse ko.
“Papasok ka na ba sa office? Makikisabay sana ako sayo e.” Sambit nito, huminto ako sa paglalakad saka ito nilingon. Hanggang ngayon ay hindi ko parin maiwasang mainis kapag kaharap si Cassandra. Hindi na nga yata mabubura sa isip ko ang mga kasalanan nito sa akin.
“Oo papasok nako, wala ka bang kotse? I can’t believe Dominic didn’t give you a car.” I said sarcastically. Yumuko ito saka muling nagsalita.
“Sorry, naisip ko lang kasi. Since, iisang opisina lang naman tayo baka pwede na akong makisabay sayo.” Tugon nito, tinaasan ko ito ng kilay saka pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.
“I can’t believe this, get in the car.” Malamig kong sambit dito saka pumasok na sa loob ng sasakyan ko. Binalot kami ng katahimikan habang nasa byahe, mas okay iyon dahil wala namang dahilan para makipagkwentuhan ako dito. Hindi ko nga alam kung ano bang pumasok sa isip ko at sinabay ko pa ito sa pagpasok ng opisina.
Lumipas ang ilang linggo, napapansin ko ang madalas nap ag-alis ni Harry. Kung minsan pa ay madaling araw na itong nakakauwi, o kaya ay lasing. Alam ko namang marami siyang ginagawa sa office, kaya iniintindi ko nalang siya. Hindi ko lang maiwasan ang maghinala minsan lalo na kapag nakikita ko silang magkausap ni Cassandra. I know I shouldn’t think like that. Maayos na kami ni Harry at ayokong masira pa kaming muli kaya binalewala ko nalang iyon. isang araw ay pinuntahan ko sa opisina si daddy, matagal-tagal narin mula nang huli akong bumisita sa company namin.
“Hi dad.” Bungad ko nang buksan ko ang pinto ng opisina nito. Nilingon ako nito at halata ang gulat sa mga mukha, maski ako ay nagulat rin nang makita si Kendrick. Nakaupo sila sa couch at may pinag-uusapan.
“Beatrix, bakit hindi ka nagpasabi pupunta ka?” Sambit ng daddy ko, humalik ako sa pisngi nito nang makalapit.
“I want to surprise you. And Mr. Ramirez, what are you doing here?” Sambit ko saka binalingan ng tingin si Kendrick na nakangiti sa akin.
“Long time no see, Beatrix. How are you.” Nakangiting sambit nito, umupo ako sa tabi ni dad saka tumugon dito.
“What are you doing here?” Tanong kong muli rito.
“May business deal kaming pinaguusapan Beatrix kaya nandito si Kendrick. Don’t be rude to him.” Sabat ni Daddy, binalingan kong muli si Kendrick, ngumisi ito saka muling nagsalita.
“Yeah, we’re planning to build a branch in Italy.” Sambit nito. Napaawang ang labi ko at napatingin sa aking ama. I was stunned, alam kong pangarap ni daddy ang magkaroon ng business venture sa Italy. Simula nang maitayo niya ang kumpanya namin ay iyon na ang pangarap niya.
“Totoo ba dad? P-pero kailangan mo ng malaking pera para sa planong iyan. Saan ka kukuha ng funds?” Tanong ko rito, ngumiti naman ang aking ama saka ako tinapik sa balikat.
“Don’t worry, nagawan na ng paraan ni Kendrick, he invested in our company at nakakuha siya ng malaking investor para mabuo ang plano.” Nakangiting tugon nito. Muli kong binaling ang tingin kay Kendrick. Matapos naming magusap ay nagpaalam na ako na babalik na sa opisina. Ganun din si Kendrick.
“Kumusta kana? Okay na ba kayo ni Harry?” Tanong nito habang naghihintay na magbukas ang elevator.
“We decided to work things out. Besides, we’re married.” Tugon ko saka sinulyapan ang suot kong wedding ring.
“Are you happy?” Muling tanong nito. Inangat ko ang tingin rito, I saw how worried he is. I admire him for being so kind and sincere.
“Yeah, of course.” Tugon ko saka ngumiti rito nang magbukas ang elevator ay sabay na kaming pumasok sa loob.
“Ingat ka sa pagda-drive.” Aniya nang makarating na kami sa parking lot. Nilingon ko ito saka muling ngumiti.
“Ikaw din.” Sambit ko saka dumeretso na sa kotse ko. Saktong pagpasok ko sa loob ay biglang tumunog ang phone ko, kinuha ko iyon sa loob ng bag ko saka tiningnan ang screen. Agad ko iyong sinagot nang makita ang pangalan ni Harry. Seeing his name on my phone excites me.
“Beatrix? Where are you?” Baritonong sambit nito sa kabilang linya.
“Nandito ko sa office ni daddy, pabalik narin ako ng Vallejo Mall.” Tugon ko rito.
“Okay, nandito kasi ako sa office mo. Sabi ng secretary mo umalis ka daw.” Aniya.
“Hintayin mo na ako, pabalik na ako.” Tugon ko rito, napalingon ako sa bintana ng sasakyan nang may kumatok dito, si Kendrick. Nakangiti ito habang hawak ang isang folder at sumesenyas na ibaba ang salamin agad ko naman iyong ginawa.
“Here’s the proposal for the new project, in case na gusto mong ireview.” Sambit nito. Ngumiti naman ako rito saka inabot ang folder na hawak nito.
“Okay, tha…”
“Beatrix? Who’s that? Si Ramirez ba’yon?” Narinig kong sambit ni Harry sa kabilang linya, napaawang ang labi ko nang maalalang hindi ko pa ng apala binababa ang phone at nasa kabilang linya pa si Harry. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
“Um, Harry. Kasi…” halos nauutal kong sambit, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya pinili ko nalang na pagbabaan ito ng phone.
“Si Harry bai yon?” Sambit ni Kendrick, tipid akong ngumiti rito at pinaandar ang makina ng sasakyan bago sumagot.
“Oo, irereview ko nalang yung mga documents. Sige Kendrick, mauna na ako.” Sambit ko dito, ngumiti naman ito saka umatras at kumaway sa akin para magpaalam. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na muling tumawag si Harry, nagmadali nalang ako sa pagda-drive para mabilis na makarating sa Vallejo Mall.
Lakad-takbo ang ginawa ko para lang makarating ng opisina ng mas mabilis. Inayos ko muna ang sarili bago binuksan ang pinto. At tulad ng inaasahan, nadatnan ko si Harry na nakaupo sa may swivel chair ko, madilim ang mukha at nagiigting ang panga habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak. Napalunok ako nang inangat nito ang tingin sa akin.
“Um, s-sorry.” Mahina kong sambit pero sigurado akong rinig niya ito dahil sa katahimikan ng silid.
“For what?’ Sambit nito sa malamig at malalim na boses. Ramdam kong parang lalong lumamig ang buong opisina ko. Pinilit kong ngumiti saka lumapit rito.
“Kumain kana ba? May bagong restaurant na malapit dito. Tara? Kain tayo.” Sambit ko, pero tiningnan lang ako nito ng matalim saka tumayo at lumapit sa akin.
“I’m asking you Beatrix.” Muling sambit nito, mariin akong napapikit saka humugot ng malalim na buntong hininga bago muling magsalita. Alam ko kung paano magalit si Harry at ayoko siyang nagagalit sa akin.
“Okay, nagpunta ako sa office ni daddy at nadatnan ko doon si Kendrick. May business plan silang pinaguusapan. Ito nga o, binigay niya sa akin yung proposal for reviewing.” Tugon ko rito saka tinaas ang hawak na folder. Nangunot ang noo nito saka binaling ang tingin sa hawak ko. Halos manginig pa ang kamay ko kaya muli ko itong binaba.
“Bakit hindi mo kaagad sinabi na nandon si Ramirez? May tinatago ka ba sa akin? Nagkikita parin ba kayo ng lalaking iyon?” He asked.
“Biglaan lang naman iyon, I didn’t know that he was there. Nagulat nga rin ako at nadatnan ko siya don. Harry, araw-araw mo akong kasama at pinupuntahan dito sa office. Paano mo naisip na nagkikita kami?” Sambit ko rito, muli akong napabuntong-hininga ang hindi ito sumagot at nanatiling nakakunot ang noo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kikiligin sa inaasal nito.
“Ayokong nakikipag-kita ka sa lalaking iyon o kahit na sinong lalaki, Beatrix. Naiintindihan mo ba?” Seryoso nitong sambit. Napaawang nalang ang labi ko at kinagat ang ibabang labi para pigilin ang pagtawa dahil baka lalo itong magalit.
“Okay, I promise. But remember, I’m in an investment industry, hindi maiiwasan na may maka-meeting akong mga lalaki.” Tugon ko rito.
“Edi yung secretary mo nalang ang papuntahin mo sa mga meetings mo.” Naiiritang sambit nito. Napangiwi ako sa sinabi nito.
“Seriously? Okay, ganito nalang. Next time, magsasabi na ako sa’yo kapag may kameeting akong lalaki okay? Isa pa aksidente lang na nagkita kami ni Kendrick kanina. Huwag kana magselos.” Natatawa kong sambit dito saka nilapag sa table ko ang hawak kong folder at bag.
“I’m not jealous.” He firmly said. Lalong nangunot ang noo nito. I walk towards him, saka hinawakan ang nakakunot nitong noo, natigilan ito sa ginawa ko at seryoso ang mukha habang nakatitig sa akin.
“There’s nothing between me and Kendrick.” Sambit ko saka binaba ang kamay sa mga braso nito.
“I like it when you get jealous, pakiramdam ko, mahal mo na nga ako.” Dugtong ko saka ngumiti rito. Pareho kaming napatingin sa pinto nang kumatok si Vincent.
“Director.” Sambit nito, muling nangunot ang noo ni Harry, his firm geture become soft when he turns his glance at me.
“I need to go, susunduin kita mamaya.” Sambit nito, ngumiti naman ako saka tumango rito. Hinalikan ako nito sa noo bago pumihit at umalis ng opisina ko.