CHAPTER 17: UNFORGIVABLE SIN

1951 Words
Pag-alis ni Harry ay naupo na ako sa swivel chair ko, marami pa akong dapat tapusin. Sinulyapan ko ang binigay ni Kendrick na folder saka binuksan ang drawer ko para itago iyon, mamaya ko nalang iyon babasahin pag-uwi ko sa bahay. Pagbukas ko ng drawer ay napansin ko ang puting envelop, ngayon ko lang iyon nakita, baka ito yung galing sa private investigator ko. May kakaiba akong nararamdaman sa envelop na iyon, sandali ko pa iyong tinitigan bago ko kinuha. Pinag-iisipan kung dapat ko pa bang tingnan ang laman non. Hanggang sa nagdesisyon akong tingnan ang laman non, hindi ko alam na pagsisisihan ko palang binuksan ko pa ang envelop na iyon. Iba’t- ibang pictures at documents ang nilalaman non, mayroon pang birth certificate na nakapangalan sa isang Yasmine Santiago. I gasp, and cover my mouth with my hands from shocked. Dalawang tao, pero magkamukhang magkamukha. Si Cassandra at Yasmine, it creeps me out. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, lalo na nang makita ko ang koneksyon nito kay Harry, sa asawa ko. Hindi lang pala relasyon ni Cassandra at Harry ang malalaman ko. Pati narin ang ginawa nito. Nabitawan ko ang hawak na dokumento, gulong-gulo ako sa nalaman ko. Hindi ko akalaing magagawa ni Harry ito. Muli kong sinilid sa envelop ang mga litrato at dokumento saka pinasok muli sa drawer ko, nanginginig ang mga kamay ko, paano nagawa ni Harry na linalangin kaming lahat? Nasaan ang totoong Cassandra? nagsimula ba ang pagpapanggap na ito noong aksidente? Patay na ba si Cassandra? lalo akong nangilabot nang mapagtanto ko ang lahat, kung iisipin mong maigi, nakakapagtaka ngang nakaligtas pa si Cassandra sa kabila ng pinsalang tinamo ng sasakyan nito, kaya ba nila pinalabas na may amnesia ang babaeng iyon? P-Pinatay ba ni Harry si Cassandra? Halos mitumba ako nang tumayo ako, nanghihina ang buo kong katawan, hindi magagawa ni Harry ang pumatay. Lumabas ako ng opisina para puntahan ang pekeng Cassandra. Sinalubong ako ni Yuri na noon ay nagtataka. “Where is Cassandra?” Tanong ko rito. “Um, Ms. Beatrix…” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang biglang dumating si Cassandra habang may hawak na mga papel. Ngumiti ito nang makita ako, nakakunot ang noo ko dito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, ang taong nasa harap ko ngayon ay hindi si Cassandra Montemar. Pinagpapanggap lamang ito ni Harry, para makuha ang gusto niya. Ang kumpanya. The nerve of this woman! “Beatrix? Hinahanap mo ba ako?” Sambit nito, nagiigting ang panga ko sa galit, gusto ko siyang komprontahin, pero sa oras na ginawa ko iyon ay malalagay sa alanganin si Harry. Tiningnan ko nalang ito ng masama saka umalis sa lugar. Sinundan lang ako nito ng tingin nagtataka sa ginawa ko. Pumunta ako sa rooftop ng mall saka humingang malalim. Kailangan kong mag-isip ng maigi, walang dapat na makaalam ng tungkol dito. Tinipa ko ang numero ng investigator, kailangan kong malaman kung nasaan ang totoong Cassandra at kung bakit ang babaeng iyon ang nandito. Tinipa ko ang numero ng private investigator, gusto kong malaman kung nasaan ngayon si Cassandra. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nakokompirma ang lahat-lahat. Pinuntahan ko ito sa isang restaurant malayo sa Vallejo Mall. “I want you to find a person for me.” Sambit ko dito, ngumisi naman ito saka tumugon. “Just give me two weeks Ms. Beatrix, aalamin ko ang lahat ng gusto mong malaman.” Aniya. “Two weeks? Okay, call be by then.” Sambit ko dito saka kinuha ang pouch ko at iniabot dito ang cheque. “May nakalimutan nga pala akong ibigay.” Dugtong nito muli kong inangat ang tingin rito, kunot ang noo habang naghihintay. Hanggang sa ilapag nito ang dalawang litrato, isang matandang babae na sa tingin ko ay nasa edad singkwenta na at isang binata. Lalong nangunot ang noo ko saka kinuha ang mga litrato. “S-sino sila?” “Nanay at kapatid iyan ni Yasmine Santiago, nasa Vallejo Hospital sila. Naoperahan ang nanay ni Yasmine at ang kapatid naman niya ay nagaaral sa university. Pwede mo silang puntahan, malay mo makakuha ka ng sagot sa mga tanong mo.” Sambit nito. Muli kong tinitigan ang hawak na litrato, hanggang sa pag-uwi ay hindi mawala-wala sa isip ko ang mga taong iyon. Dumeretso na ako ng manor at hindi na bumalik sa opisina. Papasok n asana ako sa loob ng manor nang may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko mula sa likod. Si Harry. “H-Harry…” Mahina kong sambit. “You’re here, dinaanan kita sa office mo sabe ng sekretarya mo maaga ka daw umalis, hindi ka rin nasagot sa mga tawag ko.” Baritonong sambit nito, sandali akong natigalgal bago nakaisip ng isasagot dito. “Um, I just… meet my friend from New Zealand, remember Mika? Yung college friend ko, kakauwi niya lang kasi dito sa Pilipinas.” Tugon ko dito, tumango naman ito saka ngumiti sa akin. “Did you eat dinner?” He asked. “Um, h-hindi pa naman ako nagugutom, m-magpapahinga nalang muna ako. Ikaw, kumain kana ba?” Sambit ko dito. “Later, I just need to finish some works in my office.” Aniya, naiilang akong ngumiti rito. Pareho kaming napalingon sa pinto nang pumasok si Dominic habang hawak ang kamay ni Cassandra. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nila saka muling binaling ang tingin kay Cassandra. Tumango ito sa amin nang makita niya kami, ngumiti ng bahagya si Dominic bago huminto para batiin kami. “Goodevening.” Sambit nito. Saka muling naglakad papasok ng manor. Inobserbahan ko ang mga tingin ni Harry kay Cassandra, ibang- iba sa kung paano nito tingnan si Cassandra noon. Alam ko iyon, dahil ako mismo ang naghahangad na gawaran ako nito ng ganoong klaseng mga titig. Napasinghap ako nang hawakan ni Harry ang baywang ko, hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin. Ngumiti ako rito saka ako nito inalalayan papunta sa kwarto namin. “Magpahinga kana, may mga tatapusin lang ako sa office ko.” Narinig kong sambit nito, ngumiti ako bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto. Pagkasara ko ng pinto ay kinuha ko ang mga litratong binigay ng private investigator saka iyon muling tinitigan. Nakatulala ako habang nakababad sa bathtub, nagtatalo ang isip at puso ko. Paano kung patay na nga si Cassandra at may kinalaman si Harry? Anong gagawin ko? mariin akong napapikit, bakit ngayon pa nangyayari ito? Bakit ngayon pa kung kailan unti-unti na naming naaayos ang lahat? Ilang oras pa akong nagtagal sa banyo bago magdesisyong magbihis na at lumabas. Dumungaw ako sa balkonahe para sana magpahangin nang mahagip ng mga mata ko si Dominic, mag-isa itong naglalakad sa garden. Bumaba ako para puntahan ito. Bahagya itong nagulat nang makita akong papalapit sa kanya, nakatapat ang phone nito sa tainga tila ba may tinatawagan at seryoso ang mukha, ngumiti rin kinalaunan. Pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib saka nagsalita. “Why you’re here alone? Where’s Cassandra?” Tanong ko rito. “I was looking for her, hindi naman niya sinasagot ang tawag ko.” Aniya, tumingin ako sa ibang direksyon saka naisip ang sinabi ni Harry kanina na may tatapusin lang ito sa office niya, hindi kaya magkasama sila? “Harry is also not here. Maybe I know where she is.” Sambit ko dito. Bahagyang nangunot ang noo nito. “Beatrix…” Aniya, muling sumeryoso ang mukha nito. Ngumisi ako saka lumapit ng bahagya rito. “I want to warned you, because you are like a family to me, Dominic. Mag-iingat ka sa babaeng iyon, hindi mo siya kilala.” Sambit ko dito, lalong nangunot ang noo nito, magsasalita pa sana ito nang may marinig kaming boses ng babae na tumawag sa pangalan niya galing sa may pasilyo. Nakatayo doon si Cassandra, muli kong nilingon si Dominic saka nginitian. “Oh, there she is.” Sambit ko saka pumihit na paalis, tinitigan ko si Cassandra saka ito nginisian nang makasalubong ko ito habang papasok sa loob ng manor. Gustong-gusto kong sabihin kay Dominic na ang babaeng iyon ay hindi si Cassandra, impostor ang babaeng pinakasalan niya. Pero hindi ko kayang ipahamak si Harry. Pinili kong tumahimik muna, hangga’t wala pa akong naririnig mula sa private investigator ko, naging casual ang pakikitungo ko kay Harry. Pero hindi parin maalis sa isip ko ang mga  posibilidad. Pagdating ko sa opisina ay nadatnan kong kausap ni Cassandra ang secretary ko. “Good morning Ms. Beatrix.” Bati ni Yuri nang makita ako nitong papalapit sa kanina, humarap din sa akin si Cassandra saka bumati at ngumiti. Tinaasan ko ito ng kilay saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “I guess you have a lot of time Cassandra.” Sambit ko dito, nawala ang ngiti sa labi nito saka inangat ang tingin sa akin. “Um, may tinatanong lang ako kay Yuri tungkol sa trabaho.” Mahinang sambit nito, nirolyo ko ang mga mata rito saka pumasok sa loob ng opisina ko. Sumunod naman ito sa akin, tiningnan ko ang records nito na nakapatong sa ibabaw ng table ko. Natapos na nito ang mga training na pinagawa ko. “Why don’t you start in the stock room area.” Sarkastiko kong sambit saka ito hinarap. Bahagyang nangunot ang noo nito. “Stockroom? P-pero, sinabi sa akin ni Dominic sa marketing department niya ako nilagay as director.” Tugon nito. Muli kong pinagkrus ang mga braso sa dibdib saka ito tinaasan ng kilay. The nerve of this woman, ngayon ko unti-unting napapagtanto kung bakit ito pumayag sa gusto ni Harry. Dahil sa pera at posisyon sa kumpanya, how dare she use Harry para umangat! “It’s just temporary hangga’t hindi pa bumabalik ang alalala mo, mahirap na kapag nagkamali ka, kailangan mo munang magsimula sa umpisa para matutunan ang lahat, am I right, Cassandra?” I said, emphasizing her name. “Beatrix, I know you don’t like me, pero pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit?” She almost cracked her voice, ngayon ko lang nakita ang ganitong ekspresyon sa mukha ni Cassandra. She’s really an impostor, dahil kung ang totoong Cassandra ang kaharap ko ngayon ay siguradong hindi ganito ang reaksyon nito. “It’s not that I don’t like you, I hated you. Kapag bumalik na ang ala-ala mo, malalaman mo rin kung bakit.” Tugon ko rito, iyon ay kung may ala-ala mang bumalik sa’yo. Cut the act Yasmine Santiago. Kung si Dominic nagawa mong maloko, pwes ako, hindi. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong nitong muli, sarkastiko akong tumawa saka muling nagsalita.  “You really want me to tell you? I hated you because you’re a slut! Alam kong may relasyon kayo ni Harry.” Mariing sambit nito, kahit man lang sa babaeng ito ay mailabas ko ang kinikimkim kong galit, tama, ginusto niyang maging si Cassandra Montemar kaya dapat niyang malaman kung ano siyang klase ng tao. “I-I’m sorry…” Narinig kong sambit nito. Lalong kumulo ang dugo ko at hindi ko napigilang sampalin ito, nadala ako ng galit at nakalimutan kong hindi siya ang totoong Cassandra. “That’s not enough for making my life miserable! I won’t forgive you!” Singhal ko rito, habang sunod-sunod na tumataas baba ang dibdib ko sa galit, ramdam ko ang pamumuo ng luha ko sa mga mata. Hanggang sa umalis nalang ito ng opisina ko nang umiiyak habang hawak ang kaliwang pisngi. Mariin akong napapikit nang maiwan akong mag-isa at napasandal sa lamesa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD