CHAPTER 18

1781 Words
“Why did you do that?” Si Harry habang nakasunod ito sa akin papasok sa kwarto. Hindi ako makapaniwalang nilingon ito habang nakaawang ang mga labi. He is frustrated. Matapos malaman ni Dominic ang nangyari ay pinalipat nito si Cassandra sa headquarters ng Vallejo. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pinapakitang asal ni Harry. Dahil ba sa sinampal ko ang babaeng iyon? “She triggered me, in the first place we both know na hindi kami pwedeng magsama ng babaeng iyon.” Sambit ko rito, he runs his finger through his hair out of frustration. He glanced at me with an irritable expression. Nirolyo ko ang mga mata rito saka muling nagsalita. “Why are you so mad? Bakit apektadong-apektado ka sa nangyari? Sabihin mo nga sa akin, Harry. May nararamdaman ka parin ba sa babaeng iyon?!” Singhal ko rito, dahil ba kamukhang-kamukha siya ni Cassandra kaya nasasaktan din siya kapag nasasaktan ang impostor na iyon? lumambot ang ekspresyon ng mukha nito saka bahagyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa dalawa kong kamay. “Beatrix, it’s not what you think. Inaalala ko lang ang kalagayan mo. Hindi magugustuhan ni Chairman kapag nalaman niyang hindi kayo magkasundo ni Cassandra.” Malumanay nitong sambit, hindi ko alam pero hindi ko maramdaman ang sinseridad sa mga sinasabi nito. “Are you hiding something from me?” Muli kong tanong dito, nagdarasal ako na sana ay sabihin sa akin ni Harry ang totoo. Pinakatitigan ko ito sa mga mata, he didn’t answer me, I saw the terror in his eyes. “W-wala, I didn’t hide anything from you, Beatrix. Nag-aalala lang ako sa’yo.” Aniya, sabay na bumagsak ang mga balikat ko. He lied. I felt a pang of pain in my chest, kung talagang mahal niya ako hindi siya magsisinungaling sa akin at sasabihin niya ang totoo. Kumawala ako sa pagkakahawak nito saka ito tinalikuran. “I want to be alone.” Mahina kong sambit. Muli akong nitong hinawakan sa braso. “Beatrix –.” “Please…” Naramdaman ko ang pagbitaw nito sa akin, I don’t know what to feel anymore. Umalis ako sa manor at nagtungo sa bar, hindi ko akalaing muli akong babalik sa lugar na ito. Akala ko magiging maayos na kami ni Harry, nagkakamali pala ako. Nginitian ako ng waiter nang maupo ako sa stool, kilala na ako nito at alam na nito ang madalas kong iniinom. Hindi ko na mabilang kung nakailang baso na ako ng alak na iniinom, basta ang alam ko ito ang kailangan ko sa ngayon. “You’re not supposed to be here, Beatrix.” Narinig kong sambit ng isang pamilyar na boses, nanliliit pa ang mga mata ko nang lingunin ko ito. Si Kendrick, seryoso ang mukha nito at para bang hindi natutuwang makita ako. Kinuha nito ang hawak kong baso saka iyon nilayo sa akin. “What do you think you’re doing? Leave me alone.” Naiirita kong sambit dito, saka tangkang abutin ang baso ko pero humarang ito sa harap ko. “Kailangan bang sa ganitong sitwasyon kita laging makita? Ano nanaman bang ginawa ni Harry sayo at nagkakaganito ka nanaman?” Baritonong sambit nito. Nirolyo ko ang mga mata rito saka tumayo, pero agad na umikot ang paningin ko at muntikan na akong matumba, Mabuti nalang ay mabilis ako nitong nahawakan sa braso at naalalayan. “Ihahatid na kita, hindi mo na kayang mag-drive.” Aniya, kumawala ako sa pagkakahawak nito saka pinilit na tumayo ng tuwid pero hindi ko magawa kaya agad a.ko nitong inalalayang muli. “I said leave me alone!” Sambit ko rito sa mas mataas na boses, muli kong naramdaman ang pagsakit ng dibdib ko at nagumpisang mamuo ang tubig sa mga mata ko. “Beatrix, please. Hindi mo na kaya, hayaan mong ihatid nalang kita.” Narinig kong sambit nito, hindi na ako nakapagprotesta pa nang alalayan ako nito palabas ng bar at papunta sa sasakyan nito. “What did I do to suffer like this? Naging masamang tao ba ako sa past life ko, kaya ngayon e, pinarurusahan ako ng ganito?” Mapait kong sambit, saka nilingon si Kendrick. “What do you think? Karma ba itong nangyayari sa akin? Pero anong ginawa kong masama? Bakit ako pinarurusahan ng ganito?” Dugtong ko, bahagya akong nilingon ni Kendrick saka muling tinuon ang atensyon sa pagmamaneho. “I don’t know what you’re going through but, I believe that you deserve so much better than this, Beatrix. You deserve to be happy.” Narinig kong sambit ni Kendrick. Happiness? It’s been a while since I felt that, do I really deserve to be happy? Mapait akong napangiti. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.   Author’s Narrate. “How many secrets that you kept from me, Harry?” Sambit ni Beatrix habang natutulog. Nasa tapat na sila ng Manor at balak na sana itong gisingin ni Kendrick pero natigilan siya sa sinabi nito. What does she mean? Anong sekreto ang tinatago ni Harry dito? Napalingon ito sa bintana nang may kumatok doon. Si Harry, madilim ang mukha nito at nag-iigting ang panga habang matatalim ang mga tingin sa binata. Lumabas ng sasakyan si Kendrick saka ito hinarap. “Didn’t I warn you, Mr. Ramirez? I said stay away from my wife.” Mariing sambit nito habang nag-iigting ang panga. “Then you should take care of your wife, Mr Vallejo. Ilang beses ko pa bang makikitang umiiyak si Beatrix ng dahil sa’yo?” Tugon ni Kendrick habang seryoso ang mga tingin rito. Ngumisi si Harry saka muling binaling ang tingin dito. Para silang mga bomba na anumang oras ay posibleng sumabog. “It’s none of your f*****g business Ramirez, this is my last warning.” Aniya, matatalim ang mga tingin nito sa binata bago tinungo ang passenger seat at binuksan ito para buhatin ang natutulog na si Beatrix. Kinarga niya ito saka muling binalingan ng matatalim na tignin si Kendrick. “It seems that Beatrix know your darkest secret, Mr. Vallejo.” Natigilan ito saka muling binaling ang tingin sa kanya, ang madilim nitong mukha ay napalitan ng pagkalito at pangungunot ng noo, ngumisi si Kendrick saka binaba ang tingin sa mukha ni Beatrix. “I’m also warning you, Mr. Vallejo, sa susunod na makita ko siyang umiyak at maglasing ulit nang dahil sa’yo. Gagawin ko ang lahat maagaw lang siya sa’yo.” Pagbabanta nito, sandali pa silang nagpalitan ng mga matatalim na tingin bago tinungo ni Kendrick ang kotse nito at umalis. Pagpasok sa kwarto ay marahang binaba ni Harry si Beatrix sa kama saka ito kinumutan. Umupo ito sa gilid ng kama saka tinitigan ang asawa. “Are you that mad at me? You really know how to make me jealous, Beatrix.” Bulong nito saka hinalikan sa noo ang asawa. Kinabukasan ay nagising nalang si Beatrix nang maramdaman nitong may mainit na labing humahalik sa pisngi niya. Marahan niyang minulat ang mga mata at nabungaran ang gwapong mukha ni Harry. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya, maaliwalas ang mukha nito at napakapayapa. Bahagya siyang ngumiti at saka hinaplos ang mukha nito, pero agad na nawala ang ngiti sa labi nito nang biglang nawala sa harapan nito si Harry.   Beatrix. Nagising ako sa panaginip kong iyon. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid pero wala ni anino ni Harry. Tumayo na ako para pumunta sa shower room nang maramdaman ko ang pananakit ng ulo ko. Bahagya akong napapikit saka sinapo ang ulo ko, pagmulat ko ng mata ay natanaw ko mula sa glass wall ang sasakyan ni Harry sa labas. Lumapit pa ako rito ng bahagya para makita ko ito ng mas malapit at nagtago sa malaking kurtina para hindi ako nito mapansin. Nakita kong sumakay sa sasakyan nito si Harry, nakapang-opisina na ito, marahil ay papasok na sa trabaho. Aalis na sana ako sa pwestong iyon nang mahagip ng mga mata ko ang isang babae na lumapit sa sasakyan ni Harry, tumingin muna ito sa paligid bago tuluyang pumasok sa sasakyan ng asawa ko. Napaawang ang labi ko at nakatitig sa sasakyan habang papaalis ito ng manor. Bakit sila magkasama? May kung anong hapdi akong naramdaman sa dibdib ng mga oras na iyon. Muli kong tinitigan ang mga litrato ng nanay at kapatid ni Yasmine, saka ko napagdesisyunang puntahan ito sa hospital kung saan ito naka-confine. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit? Oo dahil hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganitong klase ng tao? Bakit kailangang masangkot ni Harry sa mga taong ito, at kung bakit kailangan kong magdusa nang dahil sa kanila? Dahan-dahan akong lumapit sa kwarto ng nanay ni Yasmine. Sinilip ko ang loob no’n at nakita ang isang babae na nakahiga sa kama, may tubo ang bibig nito na siyang sumusoporta sa paghinga nito. Nakita kong walang tao sa loob kaya hinawakan ko ang door knob saka iyon pinihit, pero hindi ko pa man naitutulak ang pinto ay napahinto ako nang may boses ng lalaki akong narinig mula sa likod. “Sino po kayo?” Napasinghap ako nang marinig iyon saka bahagyang lumayo sa pinto at humarap sa lalaki. Nakasuot ito ng itim na t-shirt at lumang maong, bakas pagod sa mukha nito. Hindi ko akalaing mas bata itong tingnan sa picture. Sa hinuha ko ay nasa eighteen years old ang binata. Bahagya akong ngumiti rito saka nagsalita. “I’m sorry, nagkamali yata ako ng kwarto.” Sambit ko rito, saka naglakad na para umalis pero napahinto ako nang muli itong magsalita. “Kayo po ba yung amo ng ate ko?” Tanong ng binata, napahinto ako sa paghakbang at bahagyang napaawang ang labi, muli ko itong nilingon. Namumuo ang tubig sa mga mata nito, nakaramdam ako ng awa sa ‘di malamang dahilan. Dinala ko ito sa pinakamalapit na coffee shop at binilhan ng shake, ngumiti ito ng bahagya nang ilapag ko ang shake na binili at nagpasalamat sa akin. Tinitigan ko lang ito habang abala siya sa iniinom na shake. Hindi ko makita ang resemblance nito kay Yasmine, possible nga kayang may kambal si Cassandra? “Thank you po pala sa pagbisita. Matagal ko na kayong gustong makita, gusto ko kayong pasalamatan sa tulong na binigay niyo sa amin ng ate ko at sa mama ko.” Nakangiti nitong sambit, pero may bahid parin ng lungkot ang mga mata. Hindi ko alam kung saan at paano ako mag-uumpisa. Ito na ang oportunidad ko para makakuha ng impormasyon tungkol sa babaeng iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD