CHAPTER 19

2425 Words
“Kumusta ang kalagayan ng mama mo?” Tanong ko rito, muli nitong inangat ang tingin sa akin, namumula ang mga mata at nagbabadya ang panibagong luha. “Hindi parin nagigising si mama, tapos iniwan pa kami ni Ate Yasmine. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa amin.” Sambit nito habang umiiyak, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nakaramdam ako ng awa, wala syang kalam alam na ang ate niya ay isa ng Vallejo at nakatira ngayon sa manor. Hindi ko maiwasang isipin na makasarili si Yasmine paano niyang natitiis na magsinungaling sa pamilya niya? “A-ang… ate mo, alam mo ba kung nasaan siya?” Iniangat nitong muli ang tingin sa akin, may halo nang pagtataka ang mga mata nito. “Ano po bang ibig niyong sabihin? Hindi po ba at kayo pa nga po ang tumulong sa amin para mapalibing ang ate ko nang maaksidente siya sa Cebu?” Pahayag nito, sandali akong natigilan. Nanginginig ang mga kamay ko, hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko. Kung ganun, patay na nga si Cassandra? “S-she’s dead?” Mahina kong sambit. “Maraming Salamat po sa mga naitulong niyo sa amin. Sigurado akong nagpapasalamat din si ate sa ginawa nyong tulong sa kanya.” Nakatulala ako habang nasa loob ng sasakyan, hindi ako makapaniwalang patay na si Cassandra, hindi ko inaasahan ang malalaman ko. alam ko kung gaano kagusto ni Harry na mapunta sa kanya ang Vallejo, pero hindi ko akalaing magagawa niya ang mga bagay na ito. Napasinghap ako nang biglang magring ang phone ko at rumehistro sa screen ang pangalan ni Harry. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha iyon saka ito sinagot. “Beatrix, where are you?” Baritonong sambit nito sa kabilang linya. Ilang beses akong napalunok bago sumagot. “I just met someone, pabalik na ako ng manor.” Tugon ko rito. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga nito bago muling nagsalita. “Come home now, we need to talk.” Aniya, saka binaba ang phone. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pagsakit nito, dapat ko ba siyang tanungin? Paano kung totoo nga ang hinala ko? anong gagawin ko? Gulong-gulo ang isip ko habang nagmamaneho pauwi ng manor. Kilala ko si Harry, alam kong hindi niya magagawang pumatay ng tao. Pagpasok ko ng manor ay nadaanan ko na naguusap ang ilan sa mga kasambahay, hindi nila ako nakitang pumasok dahil abala sila sa pag-uusap, hahakbang na sana ako papalapit sa kanila nang marinig ko ang pangalan ni Harry. “Hindi kaya may kinalaman si sir Harry sa nangyari?” Sambit ng isang maid. “Paano mo naman nasabi iyon? kapatid parin ni sir Harry si sir Dominic, kaya imposible yang binibintang mo.” Sabat ng kaharap nito. “Bakit naman kailangan pang magnakaw ni Sir Dominic sa kumpanya e kung tutuusin sa kanilang magkapatid din naman iyon ipapamana ni Chairman.” Ani ng isa. “Oo nga e, saka alam niyo ba. Parang narinig kong nag-aaway kagabi si Sir Dominic at Ms. Cassandra, parang may mga nabasag pa nga e, at heto pa. May narinig akong sinabi ni Sir Dominic… pangloloko? Hindi ko masyadong maintindihan pero iyon ang narinig ko.” “Kaya ba nagpalinis si Ms. Cassandra kaninang umaga sa kwarto nila? Ano ba namang nangyayari sa mga amo natin, sunod-sunod ang mga hindi magandang nangyayari.” Napaawang ang labi ko sa narinig. Anong nangyari sa kumpanya? Bakit nag-away si Dominic at Cassandra? posible kayang alam na ni Dominic ang totoo? “Goodevening, Ms. Beatrix.” Bati ng isa pang katulong na galing sa kusina, agad na nagtanguan ang mga maid na naguusap kanina at saka mabilis na umalis. Nagpatuloy muli sa paglalakad ang isang maid na galing sa kusina at tinungo ang direksyon papunta sa library ni Harry. “Wait, is that for Harry?” Tanong ko rito, muli ako nitong nilingon bago tumugon. “Opo, Ms. Beatrix.” Aniya. “Sige na, ako ng magdadala niyan sa kanya.” Sambit ko dito saka kinuha ang dala nitong tray na may lamang tsaa. Ilang segundo muna akong nakatitig sa pinto ng library ni Harry bago kumatok at buksan iyon, naabutan ko ito na nakaupo sa may table niya at seryoso ang mukha. I also saw sadness in his aura, I don’t know. Pero parang may kakaiba rito. Lumapit ako para ilapag ang hawak na tray sa table, tumayo naman ito saka humarap sa glass wall. Paglapit ko palang sa table ay napansin ko na ang isang piraso ng papel na nakapatong sa table nito. Agad na nanuyo ang lalamunan ko at nanginig ang mga kamay ko nang mabasa ko ang nakalagay sa papel na iyon. Parang pinupunit ang puso ko. Inabot ko ang papel na iyon, nagbabakasakaling nagkakamali lamang ako ng nakikita. Pero ganun nalang ang panlalambot ng mga tuhod ko at pamumuo ng tubig sa mga mata ko nang makompirma ko ang nakasaad doon. It’s an annulment paper. “Let’s file an annulment. I don’t think our marriage will work out.” I don’t find any emotions in his eyes. His voice echoed to my ears. In just one sentence, gumuho ng tuluyan ang pangarap na pilit kong binubuo. “H-Harry… w-why? Akala ko ba aayusin natin ‘to? Please, don’t do this to me. Magsimula tayong muli.” Garalgal kong sambit dito. “I’m going to New Zealand, hindi na ako babalik.” Malamig nitong tugon. Muli kong nakita ang dating Harry, muli nitong pinaramdam sa akin na wala akong halaga sa kanya. Tuluyan nang lumandas ang luha mula sa mga mata ko. “S-sasama ako sayo… please Harry.” Umiiyak kong sambit dito. He just looked away, lumapit ako ng bahagya saka hinawakan ang kamay nito. Pilit kong hinahanap ang sinseridad sa mga mata nito. Akala ko maayos na, akala ko totoong magbago na nga ang nararamdaman nito sa akin pero nagkamali pala ako. Umpisa palang ako nga lang pala ang nagmamahal sa aming dalawa. “Don’t do this to yourself Beatrix, alam naman nating pareho na wala ng patutunguhan ang relasyon nating ito.” Aniya, saka naglakad patungo sa pinto. Pinunasan ko ang luha sa mga pisngi ko saka humarap dito. Hinagilap ang natitirang lakas ng loob saka muling nagsalita. “Is it because of Cassandra?” Tanong ko. Huminto ito sa paglalakad, facing his back at me. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Pero hindi ko magawa, the agony, pain, and longing for him covers me. Humarap ito sa akin na blangko ang ekspresyon, it’s not new to me. That’s how he looked at me, the familiar awful look that I always saw from him before. Parang pinagpira piraso ang puso ko sa sakit. “It has nothing to do with Cassandra.” Aniya. Sabay na bumagsak ang dalawa kong balikat saka nanlulumong lumapit dito. “Akala mo ba wala akong alam? I knew everything! Impostor ang Cassandra’ng pinakasalan ni Dominic at ikaw ang nagplano ng lahat kasama ng babaeng iyon!” Singhal ko rito, bumakas ang gulat sa mukha nito. I saw a glimpse of terror in his beautiful face. “P-paano mong…” “I knew that Cassandra is dead, and I chose to keep it to myself. Just to protect you… just to f*****g protect you!” Muli kong sambit dito, hindi ko na napigilan pa ang panibagong bugso ng luha na umagos sa mga pisngi ko. Muli kong pinunasan ang mga luhang sunod-sunod na pumapatak sa mga pisngi ko, pinipilit na magmukhang matatag sa harapan ng lalaking paulit-ulit na dumudurog ng puso ko. “Ano ngayon kung alam mo na ang lahat? Mas pinatunayan mo lang na dapat ngang maghiwalay na tayo, I’m tired of this relationship. Pagod na akong maipit sa sitwasyon at gawin ang mga bagay na hindi ko naman ginusto! I’m f*****g tired of everything! Let’s end this marriage Beatrix, please.” Aniya, natigilan ako sa sinabi nito. Sa puntong iyon ay parang naubos na ako, I know there’s no other way that I can do to change his mind. He’s tired. I’m tired… I’m hurting from the very beginning… Our relationship was full of bitterness and lies, I come to a realization, asking myself why do I still holding on to someone who doesn’t even look at me the way I looked at him? Mariin akong napapikit. Sa huli ay ako lang naman itong patuloy na lumalaban, ako nalang. “D-Do you even loved me?” Mahina kong tanong rito, he just looked away, another batch of tears came from my eyes. Ang hindi pagsagot nito sa tanong ko ay lalong dumurog sa puso ko. Kinuyom ko ang mga kamay. “Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito Harry!” Huli kong sambit dito saka ito iniwan at umalis ng manor. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, huminot ako sa gilid ng kalsada nang muling manlabo ang mga mata ko dahil sa namumuong tubig dito. Sobrang sakit ng dibdib ko na halos kahit suntukin ko na ito ay hindi ko na maramdaman. Ilang oras ako sa ganung posisyon, kahit na pigilan ko ang pag-iyak ay hindi ko magawa. I ended up in a bar, namanhid na ako sa sakit na miski ang tama at pait ng alak ay hindi ko na malasahan at maramdaman. Hanggang may isang kamay ang humawak sa braso ko dahilan para mapahinto ako sa paglagok ng laman ng bote na hawak ko. “Beatrix, please don’t harm yourself. Hindi lang kay Harry umiikot ang mundo mo, your dad needs you.” Seryosong sambit ni Kendrick, kahit nahihilo ay pinilit kong inangat ang tingin dito. “What do you mean?” I asked. “Gustong umatras ng mga investor natin sa Italy, and because of that, nasa alanganin ang kumpanya niyo. You need to go, your company needs you Beatrix, your dad needs you.” Sambit nito saka ako tinalikuran at umalis.  Lalo kong nilasing ang sarili sa alak, umaasang mabawasan kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung anong oras na dahil sa pagkalasing, pero imbis na huminto ay umorder pa ako sa waiter ng panibagong bote ng alak nang makitang wala ng laman ang iniinom ko. “Give me one more bottle of this wine please.” Sambit ko sa waiter, sandaling nagalinlangan ang waiter saka tumingin sa akin. “Please.” Mariin kong sambit dito, walang nagawa ang waiter kundi talikuran ako at kumuha ng isang bote ng wine. Inilapag niya ang bote ng alak sa harap ko na agad ko namang tinungga pero ganun nalang ang inis ko nang may biglang umagaw ng boteng hawak ko, nanliliit pa ang mapupungay kong mga mata nang lingunin ko ito. Si Harry. “What are you doing, Beatrix!” Singhal nito sa akin, he is furious, for some reason nakaramdam ako ng katiting na saya, umaasa na dahil sa pag-aalala kaya siya nagpapakita ng ganung emosyon. “What are you doing here?” Tanong ko rito, “Cassandra is missing.” He said, ang katiting na sayang naramdaman ko kanina ay agad ring napawi, for the last time, I let myself hurt again and again. I’m so stupid to think na pumunta siya dito because he cared about me. Humarap ako rito saka ngumisi, siguro naubos na ang luha ko dahil kahit sobrang sakit ay hindi ko na magawang umiyak sa harap ng lalaking ito. “You’re too much! Hanggang sa huli yung babaeng paring iyon ang inaalala mo. Bakit? Nandito kaba dahil akala mo ay may kinalaman ako sa pagkawala ng impostor na iyon?! I’m sorry to disappoint you, hindi ko alam kung nasaan si Cassandra o Yasmine, at hindi ako magaaksaya ng panahon para lang sa babaeng iyon.” Tumayo ako saka kinuha ang purse ko at tinalikuran si Harry, hindi ko narin kasi kaya pang magpanggap na matapang sa harap nito. Palabas na ako ng bar nang habulin ako nito at hawakan sa braso, matalim ko itong binalingan ng tingin saka kumawala sa pagkakahawak nito. Sa labas ay sinalubong ako ni Vincent, pinagbuksan ako nito ng pinto ng sasakyan ko saka ako pinagmaneho. Sa mansion namin ako nagpahatid at hindi sa manor ng mga Vallejo, pagdating ay sinalubong ako ng daddy ko. Paglabas ko ng sasakyan ay sandali kong tinitigan si daddy, saka muling namuo ang tubig sa mga mata ko. Halos patakbo akong lumapit kay daddy at niyakap ito saka humagulgol ng iyak. Para akong bata na nagsusumbong habang tinatapik ni dad ang likuran ko, at that moment, nakaramdam ako ng kakampi. Pagkatapos ay hinatid ako nito sa dati kong kwarto. “Everything will be alright, magpahinga kana anak.” Sambit ni daddy habang inaayos nito ang quilt ko. “Dad, I have a favor to ask. Please help Dominic to find Cassandra.” Sandali ako nitong tinitigan bago tumango at muling nagsalita. “Don’t worry, I’ll help him find his wife.” Aniya. “Thanks dad.” Naluluha kong muling sambit. Ngumiti naman ito saka hinaplos ang ulo ko. “Anything, for my Princess. Now, take a rest. Okay?” Aniya, saka umalis ng kwarto ko. Pinikit ko ang mga mata at muling lumandas ang walang katapusang luha. It’s amazing how someone can break your heart and you can still love them with a tear in your eyes while keeping their broken vow. Kinabukasan ay pumunta ako sa hospital kung saan naka-confine si Yasmine. At inabot kay Vincent ang isang brown envelop na nakapaloob ang annulment paper namin ni Harry. Yes, I signed it, I’m giving him the freedom that he always wanted. Ito ang desisyon na matagal ko na dapat ginawa, matagal ko na dapat pinalaya ang sarili ko sa isang relasyong alam ko namang walang patutunguhan, pero nagpakatanga ako at mas piniling saktan ang sarili ko. Dahil umaasa ako na balang araw ay magbabago rin ang nararamdaman ni Harry sa akin, pinanghawakan ko ang pag-asang matututunan niya rin akong mahalin kapag nanatili ako sa tabi niya. Sa huli ay hindi iyon nangyari. I failed, I failed to protect the love that I always yearning, I lost in the battle of love and let myself destroyed for him to survive. But still, he will always be my first and one true love.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD