CHAPTER 8: THE MISTRESS' DEATH

2094 Words
Beatrix. Halos hindi ako nakatulog kagabi, tahimik na umiiyak. Pakiramdam ko ay wala ng katapusan ang sakit na nararamdaman ko, “Hanggang kailan ka magiging martyr?” naalala kong sambit sa akin ni Kendrick kagabi. Hindi ko masagot ang tanong niya dahil ako mismo ay hindi alam ang sagot sa tanong na iyon, hindi ko alam sa sarili ko kung hanggang kailan ako magiging martyr at magbubulag-bulagan sa mga ginagawa ni Harry o may katapusan nga ba ito? “Anong oras ka nakauwi kagabi? Pinasundo kita kay Vincent pero sabi niya umuwi ka na daw.” Sambit ni Harry habang nakaharap sa salamin at nagaayos ng neck tie niya, napaawang ang labi ko habang nakaharap sa vanity mirror. Mahigpit ang hawak sa brush, gusto kong ilabas ang galit ko rito. Gusto kong sabihin at ipamukha kay Harry na alam ko na ang lahat. Pero hindi ko magawa, pinangungunahan ako ng takot. Tumayo ako saka humarap rito at ngumiti. "Nagkita kasi kami ni Daddy, let’s eat breakfast.” Malamig kong tugon rito saka kinuha sa couch ang coat at pouch ko at tinungo na ang pinto, ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Harry ngunit mas pinili kong hindi na ito tapunan pa ng tingin. Tahimik lang ako habang kumakain ng almusal kasama si Harry at Chairman Vallejo, nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang maya’t-mayang pagtingin sa akin ni Harry ngunit nagpapatuloy lang ako sa pagkain. “Kumusta ang business deal with Mr. Laurent?” Pagbabasag ni Chairman Vallejo sa katahimikan, nilingon ito ni Harry bago nagsalita. “We’re reviewing the contract, kapag wala ng problema, we will proceed to the contract signing.” Tugon nito. Ngumiti si Chairman Vallejo saka muling nagsalita. “That’s good, malapit nang umuwi dito si Dominic, and I want you to help him in the company after he gets married.” Muling sambit ni Chairman Vallejo, napatingin ako kay Harry na noon ay halatang nagulat sa narinig. Saka ko naalala ang mga narinig ko sa library. “Married? Is he getting married?” Tanong ni Harry habang nakakunot ang noo. “Yes, he’s marrying the only daughter of Chairman Montemar. I saw her sa party ni Beatrix, I didn’t know na magkakilala pala kayo ni Cassandra.” Tugon nito, nakita ko ang pamumutla ng mukha ni Harry, he also stuttered. “W-what? W-hat do you mean?” “Ipakakasal ko si Dominic kay Cassandra, nagkausap na kami ni Chairman Montemar. And he agreed to this.” Sambit ni Chairman Vallejo, hindi kaagad nakasagot si Harry kaya sumingit ako sa usapan nilang dalawa. “That’s good news! Sigurado akong maraming matutuwa sa balitang iyan Chairman Vallejo. And besides, it will help the company, right Harry?” Sambit ko saka tiningnan si Harry nang nakangiti, tiningnan lang ako nito ng masama at hindi na sumagot pa, tinaasan ko ito ng kilay saka nakangiting muling binalingan ng tingin si Chairman Vallejo. “Sa wakas, may makakasama na ako at makakusap dito sa Manor, ito naman kasing si Harry. Masyadong busy sa company, kapag nandito na si Dominic at Cassandra, siguro naman mababawasan na ang trabaho ni Harry hindi po ba Chairman Vallejo?” Nakangiti kong sambit dito, tumawa naman ito saka tumango-tango sa akin. “You’re right, Beatrix, huwag kang mag-alala. Kapag nandito na si Dominic, may makakatulong na si Harry sa company.” Aniya, muli kong tiningnan si Harry na noon ay madilim na ang mukha at nakakuyom ang mga kamao, tumayo ito saka humarap kay Chairman Vallejo. “Excuse me, dad. Kailangan ko ng pumasok sa opisina, marami pa akong dapat gawin.” Sambit nito saka tinalikuran kami at umalis, nagpaalam narin ako kay Chairman Vallejo saka sinundan si Harry. “Akalain mo nga naman, I didn’t expect that Chairman Vallejo would do that. Pero sa tingin ko, bagay na bagay si Dominic at Cassandra, what do you think?” Nakangisi kong sambit kay Harry, humarap ito sa akin na madilim ang mukha at nagkukuyom ang kamao. “Stop saying nonsense, Beatrix.” Seryosong sambit nito. Tumawa ako rito saka ito nilapitan. “Why? Are you affected that your mistress was about to marry your brother?” His gaze becomes sharper, and darkness covers his face. “I don’t know what you’re talking about.” Aniya, muli akong natawa sa sinabi nito pero hindi parin nawawala ang pagkasarkastikong nakarehistro sa mukha ko. “Really? You don’t know what I’m talking about? Sa tingin mo ba basta nalang nagdesisyon ang daddy mo na ipakasal si Dominic kay Cassandra? you’re a wise man Harry, pero hindi ka nag-ingat.” Sambit ko rito, rumehistro ang pagkabigla sa mukha nito. Matalino si Harry pero kahit kailan ay wala itong lihim na hindi malalaman ni Chairman Vallejo. “What do you mean?” He coldly asked. “Alam ni Chairman Vallejo ang tungkol sa inyo ng kabit mo, kaya niya gustong maipakasal si Cassandra kay Dominic.” Tugon ko rito, ngumisi si Harry bago nagsalita. “Do you think I don’t know about that? At kung malaman man ni dad ang tungkol sa amin ni Cassandra, he wouldn’t exposed it to the public, dahil alam niyang maaapektuhan ang kumpanya.” Tugon nito, umangat ang gilid ng labi ko saka lumapit rito na halos magtapat ang mga mukha namin, my heartbeats keep on beating fast. Ngayon ko nalang ulit natitigan sa malapitan ang gwapong mukha ni Harry, in this kind of situation pa kung saan pareho kaming nagkakasakitan. “Exactly, but don’t forget that Chairman trusted you. And I’m sure he won’t tolerate any betrayal, especially from you.” Sambit ko rito, saka umayos ng postura at dumeretso na sa sasakyan ko. Sinundan lang ako ng tingin ni Harry habang papaalis ako. Hoping that he might get what I really want to say, I know what’s his weakness at iyon ang gagamitin ko para manatili siya sa akin. A month ago, before Cassandra’s death. Authors narrate. “Um, Harry. May nakita nga pala akong babae kanina sa may grocery, she really looks like me.” Sambit ni Cassandra kay Harry habang kumakain sila, napahinto sa pag-sasalin ng wine si Harry saka binaling ang tingin dito. “What do you mean?” Kunot-noong tanong nito. “I don’t know, pero kamukhang-kamukha ko talaga s’ya, kaso bigla s’yang nawala. Marami rin kasi’ng tao sa grocery kanina.” “Do you think it’s logical? You don’t have a twin, right? Baka stress ka lang kaya kung anu-ano na’ng nakikita mo.” Tugon nito saka pinagpatuloy ang pagsasalin ng wine sa baso, sandaling natigilan si Cassandra at di’ na sumagot pa, iniisip parin kung totoo nga ba ang nakita niya sa grocery store kanina o guni-guni lamang. “I don’t know. Maybe my long-lost sister?” Natatawang sambit ni Cassandra, ngumiti naman si Harry at pinapakinggan lang ang sinasabi nito. “Actually, I was curious, if she turns out to be my father’s daughter, I wonder how the people and shareholder will react if they found out. Siguradong maaapektuhan ang kumpanya at malamang hindi na matuloy ang kasal namin ni Dominic. It will be fun, what do you think?” Dugtong nito saka nginisian si Harry, agad namang binaling ni Harry ang tingin rito at sumeryoso ang mukha. Binaba nito ang hawak na wine saka muling nagsalita. “Don’t you know how important this wedding is?” Seryoso at malamig na tugon ni Harry, habang nakatingin sa dalaga. “Para kanino?” Seryoso ring tanong ni Cassandra saka tinaasan ng isang kilay si Harry. Binaba nito ang hawak na kobyertos at tinitigan si Harry sa mga mata. “I might not go through this wedding, hindi ko maintindihan kung bakit ngayon ay gusto mo na akong magpakasal kay Dominic. I met Dominic, but I don’t like him. I feel nothing. Shall I tell the woman who looks like me to marry him? Mukha namang nababayaran ang babaeng iyon, I can pay her.” Dugtong ni Cassandra saka mapait na ngumiti rito. “Why are you doing this?” Harry said with a low and serious tone. “Nothing, feeling ko mababaliw ako sa oras na lumipat na ako sa manor at araw-araw kong kailangang magpanggap na wala tayong relasyon at makita kang kasama si Beatrix. I don’t know if I could handle that.” Tugon ni Cassandra, bumuntong-hininga si Harry saka hinawakan ang kamay nito na nakapatong sa lamesa. “We need to this Cassandra; this is the only way for you to help me. Kapag natapos na’ng lahat ng ito, aalis tayo sa lugar na ito. Magsasama tayong dalawa at masayang mamumuhay.” He said with full of sincerity. Nginitian lang ito ni Cassandra saka hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito. “Don’t stress yourself, don’t worry. I’ll help you relax later.” Dugtong nito saka nagpatuloy sa pagkain. Present time. 2 hours after Cassandra’s death. Madilim at malakas parin ang ulan sa labas, nakatitig lang si Harry sa payapang mukha ni Cassandra habang ito ay nakahiga sa kama. Dalawang oras na simula nang ideklara ng doctor ang pagkamatay nito. His face covered with darkness. Blood shot eyes, and heart full of anger and frustration. “Find her, find that girl no matter what it takes!” Mariing sambit nito sa secretary niya na si Vincent. Tumango naman ito saka umalis sa silid. Hinawakan ni Harry ang malamig na kamay ni Cassandra saka nag-umpisang bumuhos ang luha nito. Ang pagkawala ng minamahal mo ang isa sa pinakamasakit na parte ng pagmamahal, ngunit ang mga naiwan ay kailangang magpatuloy at isakatuparan ang mga planong dapat kayong dalawa ang tatapos. “What?” napaangat ng tingin si Beatrix sa sekretarya nito nang marinig ang sinabi nito. Namumutla at halos hindi makapag-salita. “Naaksidente po si Ms. Cassandra, nasa hospital siya ngayon sa Cebu at balak siyang ilipat ni Sir Harry dito sa Manila, hinihintay nalang ang approval ng mga doctor.” Tugon nito. Napaawang ng bahagya ang bibig ni Beatrix sa narinig na balita. Oo, gusto niyang mawala sa buhay niya si Cassandra pero kahit kailan ay hindi nito hiniling na may mangyaring masama rito. “S-si, si Harry?” “Maayos naman po si Director, ang kotse lang po ni Ms. Cassandra ang nahulog sa bangin.” Tugon ni Yura, she felt relieve. Mabuti nalang at walang masamang nangyari kay Harry, but she knew something is off. Bakit naman malalaglag sa bangin ang kotse ni Cassandra? “Ituloy mo ang pagsubaybay sa kanila. Gusto kong malaman lahat ng nangyayari kay Harry at sa babaeng iyon.” Utos nito sa sekretarya, agad namang tumango si Yura saka umalis ng opisina ni Beatrix. Kinabukasan, ay nalipat na sa Manila si Cassandra at kasalukuyang nagpapagaling sa isa sa pinakamalaking hospital sa bansa. Naging malaking balita ang nangyaring aksidente rito. Isang araw ay naisipang dalawin ni Beatrix si Cassandra sa hospital, tinungo nito ang ward ni Cassandra, lumapit ito at nangunot ang noo, hindi niya maintindihan. Pero parang may kakaiba rito. “What are you doing here?” Baritonong sambit ni Harry nang pumasok ito sa ward ni Cassandra at madatnan si Beatrix, halos mapasinghap naman ito nang marinig ang boses ng asawa. Agad itong lumingon. “Um, I just want to check on her. Kumusta na siya?” Tanong nito, binaba ni Harry ang tingin sa natutulog na si Cassandra bago nagsalita at lumapit sa asawa. “She’s recovering, kailangan lang nating hintayin na magising siya. She needs to rest, ihahatid na kita.” Tugon ni Harry, hindi na tumugon pa si Beatrix at lumapit na kay Harry, muli nitong nilingon si Cassandra bago tuluyang umalis. “Ikaw ba talaga ang kailangang mag-asikaso sa kanya? Where’s her family? Hindi ba dapat sila ang nasa hospital at nagbabantay sa kanya?” Tanong ni Beatrix habang nasa byahe sila, he glanced at her. “I have to. Beatrix, hindi ito ang tamang oras para sa mga hinala at pagseselos mo.” Malalim at baritonong sambit ni Harry. Mariing napapikit si Beatrix saka kinuyom ang kamao. “Hinala? Pwede ba Harry, huwag na tayong maglokohan dito! Alam kong magkasama kayo ni Cassandra sa Cebu. Kaya ka ba bumili ng resort doon para sa kanya?” “What are you talking about? Pumunta ako ng Cebu for business, pwede ba Beatrix. Pagod ako, huwag ka ng dumagdag sa mga problema ko!” Tugon ni Harry. Nanginginig ang mga kamay at pinipigilan ni Beatrix ang kanina pang nagbabadyang luha, alam nito na nagsisinungaling si Harry. Durog na durog ang puso nito dahil hanggang sa huli ay mas pinili parin nito na lokohin at saktan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD