CHAPTER 7: CURSE TO LOVE A VALLEJO

1206 Words
Wala sa sarili’y kinuha ko ang bag ko saka humakbang palabas ng building, nagagalit ako sa sarili dahil umasa nanaman ako. Umasa ako na nagbago na nga si Harry pero, nagkamali nanaman ako, ano bang meron ang Cassandra na iyon na wala sa akin? Hindi ko maintindihan, di hamak na mas maganda naman ako sa Cassandra na iyon, matalino, mayaman nasa akin na ang lahat pero bakit hindi parin ako magawang mahalin ni Harry at bumabalik balik parin siya sa babaeng iyon?! Dumeretso ako sa bar na lagi kong pinupuntahan, sa mga ganitong pagkakataon ay alak lang ang alam kong makakapagpakalma sa akin. Hindi ko na alam kung nakailang bote na ako ng iniinom kong alak, pero bakit parang lalo ko lang nararamdaman ang sakit ng dibdib ko? I was drunk, and felt dumb but the pain is still the same. Ano pa bang dapat kong gawin? Ano pa bang kulang? Nang magsawa ay lumabas na ako ng bar at pumara ng taxi para umuwi, inayos ko ang sarili nang makarating na sa manor. I don’t want to humiliate myself in front of other people anymore. Papunta na ako sa kwarto namin ni Harry nang mapadaan ako sa library ni Chairman Vallejo, bahagyang nakauwang ang pinto nito kaya naririnig ko ang pag-uusap sa loob. Bahagya pa akong lumapit sa gilid ng pinto para mapakinggan ng maigi kung ano ang pinag-uusapan nila. “Hindi tayo pwedeng magkaproblema, ngayon palang nakakabawi ang stock value natin dahil sa kasal ni Harry at Beatrix, kapag lumabas sa media ang tungkol sa pagkikita ni Harry at Cassandra siguradong katapusan na ng Vallejo Enterprises.” Mariing sambit ni Chairman Vallejo. “Kung hindi po tayo kikilos kaagad, siguradong malalaman ito ng mga kakompetensya natin at baka gamitin nila iyon para pabagsakin ang kumpanya.” Tugon naman ng kausap nito na sa hinuha ko ay sekretarya ni Chairman Vallejo, halos mapatakip ako ng bibig nang marinig ang usapang iyon. Alam narin pala ni Chairman Vallejo ang tungkol sa pagtataksil ni Harry pero mas inisip pa nito ang kahahantungan ng kumpanya. It’s a curse to love a Vallejo. “Kailangan kong makausap si Chairman Montemar, para maipagkasundo si Dominic kay Cassandra.” Narinig kong muling sambit ni Chairman Vallejo. Nanlaki ang mga mata ko, gustong ipakasal ni Chairman Vallejo si Cassandra kay Dominic? At some point nagdidiwang ang kalooban ko dahil sa oras na mapakasal si Cassandra kay Dominic, hindi na pwedeng magsamang muli si Harry at ang babaeng iyon. Pero, maaatim ko bang makasama at makita ang babaeng iyon dito sa manor? Mabilis akong umalis sa harap ng library ni Chairman Vallejo nang marinig kong papalabas na ang sekretarya nito. Dumeretso ako sa kwarto at humahangos na sumandal sa pinto, hindi makapaniwala. Hindi ko naimagine na ganito katuso ang mga Vallejo, gagawin ang lahat para lang maprotektahan ang kumpanya at yaman ng pamilya nila. Authors Narrator. De La Merced Penthouse. “Oh, aalis kana agad?” Tanong ni Cassandra habang hawak ang quilt na pinantatakip nito sa hubad niyang katawan. Nilingon ito ni Harry na noon ay inaayos ang suot na polo. “I need to go home, baka makahalata si dad. Alam mo naman iyon, ayoko lang na magkaroon pa kami ng problema lalo na’t malapit nang umuwi si Dominic.” Tugon nito, sabay na bumagsak ang balikat ni Cassandra at binaba ang tingin sa quilt. Lumapit naman si Harry dito saka ngumiti. “Babe, don’t worry, babalik ako bukas ng umaga dito kana matulog okay?” Tugon nito pero hindi kumibo si Cassandra. Hinaplos ni Harry ang mukha ni Cassandra at inangat iyon para iharap sa kanya. “Hanggang kailan ba tayo magtatago? Harry, bumalik ako sa’yo dahil pinangako mo sa akin na hihiwalayan mo na ang asawa mo.” Mahinang sambit ni Cassandra habang malungkot na nakatingin kay Harry. Bahagyang lumapit si Harry dito saka hinawakan ang dalawa nitong kamay. “Trust me, okay? You know how much I love you, right? Kapag nakuha ko na ang buong Vallejo pwede na tayong magsamang dalawa, hindi na natin kailangan pang magtago.” Aniya, matipid na ngumiti si Cassandra saka hinaplos ang mukha ni Harry. “I can wait, I love you so much.” “I need to go; you need to rest.” Tugon ni Harry saka tumayo na at kinuha ang coat, saka humakbang palabas ng kwarto. Pag-uwi nito sa Manor ay nadatnan nito si Beatrix na mahimbing nang natutulog sa kama, sandali nitong tinitigan ang asawa saka naglakad na patungo sa shower room. Lingid sa kanyang kaalaman ay hindi tulog si Beatrix at nakikiramdam lang sa asawa, wala itong ibang magawa kundi ang umiyak ng palihim. Earlier that night. Tumunog ang cellphone ni Beatrix at rumehistro ang numero ni Kendrick. Nirolyo nito ang mata bago sinagot ang phone. “What is it?” Sarkastiko nitong sagot. “Are you mad?” Tanong ng binata sa kabilang linya. “Ano bang kailangan mo Kendrick? Bakit ka ba nanghihimasok sa buhay ko? Ano? May bago ka nanaman bang balita na ipaparating sa akin tungkol sa asawa ko?” Naiinis nitong sambit sa lalaki. Bumuntong- hininga si Kendrick bago muling nagsalita. “I just want to help you, ayokong nakikitang nagbubulag-bulagan ka sa mga pang-gagago ng asawa mo. And yes, gusto kong malaman mo na magkasama sila ngayon sa Penthouse ng De La Merced.” Tugon nito, bahagyang natigalgal si Beatrix, mariin itong napapikit sa muling pagusbong ng sakit na nararamdaman nito sa dibdib. “Anong pinagsasabi mo? I know all of the property na meron si Harry at wala akong alam na may penthouse sya sa De La Merced.” “Of course, you didn’t know, dahil binili niya iyon para sa kanilang dalawa ni Cassandra. To see is to believe Beatrix.” Sambit nito saka binaba ang phone, nanginginig na binaba ni Beatrix ang phone saka kinuyom ang mga kamao. Halos maiyak ito sa galit na nararamdaman dahil sa paulit-ulit na pagtataksil ni Harry. Agad nitong kinuha ang susi ng sasakyan at nagmaneho patungo sa De La Merced Hotel. Pagkapark nito sa parking area ay may lumapit sa kanyang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo. He smirked at her, nangunot ang noo ni Beatrix saka bumaba ng sasakyan. “I know you’d come.” Sambit ni Kendrick rito. “Nasaan si Harry at ang babaeng iyon?” Seryosong tanong nito sa binata, may kinuha si Kendrick sa bulsa at pinakita iyon kay Beatrix, isang black and gold color card key. Agad na pumasok sa isip ni Beatrix kung saang card key iyon kaya kinuha niya ito kaagad saka tinalikuran si Kendrick ngunit hindi pa man nakakahakbang ay muling nagsalita si Kendrick. “Is it okay for you na makita silang dalawa na magkasama? Sa oras na umakyat ka sa penthouse, ito narin ang katapusan ng kasal ninyong dalawa ni Harry.” Sambit nito, natigalgal si Beatrix at napalunok. Nakakuyom ang isang kamay nito sa galit, she can’t do anything, at hindi niya matanggap na tama si Kendrick, kapag umakyat siya sa taas at nakita ang asawa niya kasama si Cassandra, alam niyang wala paring magbabago at lalo lang gugulo ang pagsasama nila ni Harry. Napaupo si Beatrix at humagulgol ng iyak habang yakap ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD