bc

Rival kong Sweet Lover

book_age0+
669
FOLLOW
3.9K
READ
love-triangle
possessive
badboy
student
gangster
drama
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

"I hate YOU! "

"I hate all about you! "

because of you!, diko makuha ang babaeng mahal ko!

but

When i met you!

Nagbago ang lahat at naging

"I LOVE YOU! "

"I NEED YOU! "

"I WANT YOU! "

kahit na ikaw ang

"Rival kong Sweet Lover!"

chap-preview
Free preview
Chapter 1
PROLOGUE: Si Kendrick Villanueva, ang lalaking kinatatakutan ng lahat dahil sa pagiging presidente ng isang Fraternity.Habulin ng mga babae dahil sa kanyang kagwapuhan, karisma at sa tangkad na halos anim na talampakan. Mayaman dahil nag-iisang anak siya ng isang Presidente ng kumpanya. Si Akeem Monte Carlo ay isang masiyahing tao, matalino at mabait. Isang taong napakaresponsable at mapagmahal sa kanyang pamilya.May angkin din siyang kagwapuhan ngunit hindi siya biniyayahan ng tangkad. Lagpas 5'5 na talampakan lang ang kanyang taas ngunit kahit ganun marami ding nagkakagusto sa kanya. Ang kanilang kwento ay magsisimula sa isang laban bilang magkaribal sa isang babaeng dyosa kung ituring sa kanilang paaralan. Maganda, may magandang pangangatawan, mabait at mayaman. Siya ang babaeng hiling ng lahat ng kalalakihan ngunit hindi sila makalapit ditto dahil sa nililigawan siya ni Kendrick Villanueva. Paano kung may maglakas loob na kalabanin siya para sa isang babaeng nagngangalang Yesha Martinez? Ano kaya ang mangyayari kapag nagkaharap ang dalawang lalaki? Simula na ba ito ng world war three? O magsisimula ang isang love story na pareho nilang hindi inasahan? Bakit ba ang hirap maghanap ng taong mamahalin? Makakahanap ka nga pero sa hindi inaasahan may kaagaw ka pa!.Ano ang gagawin mo? Ipaglalaban mo ba ang taong minamahal mo kahit na ang karibal mo ay ang taong kinakatakutan ng lahat ng tao? O Magpaparaya ka ba para makaiwas ng gulo? Chapter 1 Akeem’s Pov : "Sa tuwing nakikita kita, ang mundo ko'ytumitigil. Sa tuwing lumalapit ka, parang may humahatak sa akin na malakas na pwersang papunta sa'yo. Sa tuwing ngumingiti ka, ang paligid ko'y biglang nagbabago at nagiging paraiso. Sa tuwing nagsasalita ka, parang bumaba ang mga anghel mula sa langit para kantahan ako. Sana'y mapansin mo itong nararamdaman ko sa'yo" Click SEND Yan ang pinadala kong mensahe ngayon araw sa aking classmate na si Yesha Martinez. Araw-araw ko siyang pinapadalhan ng mga ganyang mensahe sa kanya pero hindi naman siya sumasagot. Pero kahit na ganun ay hindi pa rin ako titigil hanggang sumagot siya sa akin. Nandito kami ngayon sa aming klase. Nakita ko siyang tinignan niya ang kanyang cellphone at gumuhit ang isang napakatamis na ngiti!. YES!achivement mga Pre! kahit walang reply basta nakikita ko ang kanyang mga ngiti ay parang lumilipad na ako sa alapaap! Napapansin kong hindi pa niya inilagay ang phone niya sa bulsa niya at ilang sandali lang ay nag tumunog ang phone ko. Binuksan ko kung sino ang nagpadala ng mensahe at gumuhit ang ngiti sa aking labi ng makita ko kung sino ang nagpadala. Si YESHA lang naman!. " Sino kabatalaga?Kung gusto mo akong makausap, punta ka sa mini park mamayang break! kung hindi ipapahanap kita at ipapatay." Reply niya sa akin. Kahit na ganun ang sagot niya sa aking mensahe, alam ko naming na hindi niya yun magagawa pero napapaisip ako kung pupunta ba ako o hindi. Napahawak ako sa aking ulo at napamura dahil hindi ko alam ang gagawin. Shi*t!! ano ang gagawin ko? Pupunta ba ako? Paano kung ipapahanap niya talaga ako? Pagkakataon ko na to para makausap siya!oo pupunta ako kahit ano pang mangyari!pero ano naman ang sasabihin ko? Ganito ba... "Yesha ako yung nagtetext sayo" Mali…mali! dapat ay kumilos na ako.. ganito kaya... "Yesya mahal kita pwede bang maging tayo?" Masyado naman yata mabilis yun! ahhh ganito na lang.. "Hi Yesha, uhmm pwede bang makipagkaibigan?" Oo yun na lang!pwede yun diba? Oo yun! Kasi kapag magkaibigan na kami, magiging malapit kami sa isa’t isa at mahuhulog siya sa kagwapohan ko tapos magpapakasal kami sa pinakamalaking simbahan sa mundo! "Mr. Monte Carlo?" pagtawag ng pansin sa akin ni Mrs. Vasquez na guro naming ngayon. Siguro napansin niyang hindi ako nakikinig kaya tinawag niya ang pangalan ko. "Yes ma'am?"sagot ko sabay tayo. " Will you please answer the problem on the board?" utos niya sa akin. Napatingin naman ako sa white board at tsk..madali lang to!. Pumunta ako sa harap at sinagot ang problem sa board. Pagkatapos ay bumalik na ako sa upuan ko. Pagkaupong pagkaupo ko ay sinabihan ako ni ma'am. " Hindi porke Advance ka sa mga lessons natin eh hindi ka na makikinig sa akin mr. Monte Carlo."ani niya sa akin. Napayuko naman ako ng ulo sa aking upuan dahil dun. Pagkatapos ng klase at ngayon na nga ang oras para pumunta sa mini park na kung saan magkikita kami ni Yesha. Kinakabahan ako na ewan. Habang naglalakad akong papunta dun eh pinapawisan ako ng malagkit, malamig at parang gripo kung umagos! Hindi ko alam kung anong gagawin ko at ano ba talaga ang sasabihin ko? Arrrrrgggggg bahala na nga si batman sa akin!. Pagdating ko sa mini park ng school namin, nakita ko ang likod ni Yesha na nakaupo sa isang upuan na nag-iisa. Unti unti akong lumapit sa kanya at humarap. Hindi ko alam ang aking sasabihim. Ang mga napractice ko kanina biglang nagtakbuhan. Napaangat siya ng kanyang ulo at nagulat ng ako ang kanyang nakita.. "Oh Akeem? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin. Napatulala ako sa kanyang boses. Parang isang anghel lang kung pakikinggan. Napakaganda niya talaga. Para talaga siyang Diyosa na pinababa sa lupa para mahalin ko!. Hindi ko nagawang magsalita at nakatingin lang ako sa maganda niyang mukha. "Hoy! ano na? natulala ka diyan? Anong ginagawa mo dito?. wag mong sabihing....ikaw ang nagtetext sa akin?" dagdag pa niya. Bigla naman akong kinabahan ng sabihin niya yun. Gusto ko na sanang umalis sa kinatatayuhan ko pero hindi ko magawa. Tumango na lang ako sa kanya. Ewan ko pero parang napipi yata ako at hindi makapagsalita. Ano ba tong nangyayari sa akin? Tsk ganito ba pag inlove ang isang tao? Napipipi? Nanghihina ang mga paa at bumibilis ang t***k ng puso na parang lalabas na sa dibdib mo? "Ah ikaw pala yun nagtetext sa aking ng mga love quotes" sabi niya sabay tayo. Sh*t magkaharap na kami. Ano gagawin ko? Hoy! suggest naman kayo diyan!mamatay na ako dito...please help me!. Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko. Kung sa text ang galing kong gumawa ng mga quotes pero pag kaharap na napipipi at napapanganga na lang ako. "Ahh...ehhh...Yesha....pwede bang mangligaw?" Mabilis kong sambit sa kanya. Wala sa sarili kong nabangit sa kanya. Napangiti lang siya sa akin at doon ko lang napagtanto kung ano ang nasabi ko. "Ano ba yung nasabi ko!liligawan ko siya? Pahamak na bibig to ohh!hindi nakapagpigil." Ang nasa isip ko "Hahahaha...sigurado ka ba diyan ha Akeem? Baka naman binibiro mo lang ako ha!." natatawang tugon niya sa akin. Ano ba ang akala niya sa akin?mangluluko? Sa gwapong mukhang to?. " Hindi ako nagbibiro Yesha. Ano pwede ba?" paghingi ko ulit ng permiso sa isang napakagandang babae na nasa harapan ko. "Uhhmmm sige pag-iisipan ko yun Akeem." ani niya sa akin at tumingala sa langit na parang nag-iisip at ako naman ay naghihintay kung ano ang magiging kasagutan niya. " Alam mo Akeem, matalino ka, mabait, at may ipagmamalaki ka naman pagdating sa kagwapuhan eh. Mahigit isang taon na rin tayong magkaklase pero hindi tayo masyadong close tapos eto? Hihingi ka ng permiso para ligawan ako? Pero siguro naman hindi ka mahirap mahalin at hindi rin masama kung bibigyan kita ng chance diba?" ani niya sa akin. Nagulat ako sa kanyang sinabi at ng mapagtanto ko ang mga katagang sinambit niya ay napangiti ako at hindi ko napigilan na hawakan ang kanyang dalawang kamay. Napakaganda ang pakiramdam na sinabi ni Yesha yun sa akin. Ang lambot ng kamay niya at ang kinis. Parang nakakahiyang hawakan pero eto ngayon! Hawak hawak ko! "Talaga Yesha? Yes!salamat at binigyan mo ako ng chance!hinding hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo!" tugon ko dito. Napangiti naman siya sa nagging reaksyon ko. " hala sige na..malalate na tayo sa susunod nating klase." Sabi niya sa akin. Magkasabay kaming pumasok sa room namin . Lalalalalalalalalala.. Parang naglalakad lang ako sa kalangitan habang sabay kaming naglalakad papunta sa aming susunod na klase. Napapansin kong nakatingin ang mga tao sa amin pero wala akong pakialam sa kanila basta masaya ako! Kasama ko ang babaeng pangarap ko! Hawak ko ang kamay ng babaeng mahal ko!. Pagpasok namin sa classroom, napatingin silang lahat sa aming dalawa? Anong meron? Bakit ganyan sila makatingin sa amin? Parang may nagawa akong napakatinding kasalanan ha? Tskkk... Baka naiingit lang sila kasi kasama ko ang naturingan dyosa sa buong Glennford University. Nagpatuloy na lang kami sa pagpasok at pumunta sa aming kanya kanyang upuan. Pagkaupong pagkaupo ko ay may kumakalabit sa aking balakit. Di ko na lang pinansin kung sino man ang kumakalabit sa akin. Wala dapat makakasira sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Pero nang hindi siya tumigil, humarap ako sa kanya. Ano naman ang problema ng babaeng to? Napalingon ako sa kanya at tinitigan ng masama. "Ohhh? Anong problema mo?.' medyo pagalit na sabi ko sa kanya. "Bakit kayo magkasama ni Yesha?" tanong niya sa akin na halatang gustong makuha ng sagot. "Ano bang pakialam mo?!" tugon ko sa kanya. Toooinkksss!! "Ano!?magsasalita ka o gugulpihin kita?!." Pananakot niya sa akin. Kitang kita ko naman ang kanyang mga mata na parang handa siyang pumatay ngayon. Hayssst... "Oo na eto na!!liligawan ko na kasi si Yesha.!" maikling sagot ko dito... "WHATTTT!!!" sigaw niya sabay tayo at nanglaki ang kanyang mga mata. Napatayo pa siya dahil sa aking sinabi. Iginala ko naman ang aking paningin at nakita kong napatingin ang lahat ng classmates namin kay Lex. " Oyyy ano ka ba naman Lex! Upo ka nga!!" hay naku po!interview na naman to eh..kilala ko tong bestfriend ko na to eh! Hindi siya titigil hanggang sa hindi niya nakukuha ang mga sagot na gusto niyang marinig. "Naiisip mo ba kung ano ang pinasok mo ha Akeem!?." ani niya sa akin na mparang may pag-alala sa kanyang mukha. Oh ano naman ang malaking proble dun kung liligawan ko si Yesha? May magagalit ba? May papatay ba sa akin? May babalat ba sa akin ng buhay o ipapakain sa mga buwaya at leon? May maglilibing ba sa akin ng buhay kung liligawan ko siya? OA talaga nitong bestfriend kong to.. "Oh ano naman ang masama dun?." ani ko sa kanya. Kung makareact naman ito eh parang ewan lang. "Hindi mo ba alam na........"di na niya natuloy ang kanyang sasabihin ng pumasok ang aming guro. Naging maayos naman lahat ng klase namin sa araw na to. Hindi pa rin ako makapaniwala na tinanggap ni Yesha ang panliligaw ko. Ngayon nga ay magkasabay kaming lumabas sa building namin kasama syempre si Lex habang nagkwekwentuhan. Di ko mapigilan ang sarili kong hindi kiligin eh. Para bang may isang bilyong fireworks sa loob ng tiyan ko!yun bang parang nakikipagkarera ang puso ko sa isang cheetah. Alam niyo yung feeling na ganyan? Ganyan ang nararamdaman ko ngayon.! Palabas na kami ng building naming ng makita ko ang isa sa pinakakatakutang nilalang sa university. Si Kendrick Villanueva! anong ginagawa niya dito? May hinihintay siguro siya. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Nang Makita niya kami ni Yesha ay bigla siyang humarap sa aming tatlo. Oh bakit ganyan makatingin yang lalaking yan? Wala naman akong kasalanan sa kanya ah.wag naman sana ako pagtripan nitong gangster na to. "Tara na Yesha?." pagtawag niya kay Yesha. Teka lang...bakit niya sinusundo si Yesha? Wag mong sabihing magkapatid sila? Pero ang alam ko nag-iisang anak lang siya ha. Di kaya body guard niya? Naku naluko na!mahihirapan akong manligaw sa kanya kung ganun. "Ah sige Ken.” Tugon niya sa lalaking nasa harapan namin. “Ay siya nga pala Akeem!." pagtawag niya ng pansin ko. "Si Kendrick pala, manliligaw ko rin" dagdag pa niya. Ano raw? Manliligaw niya? Ang president ng isang fraternity ay manliligaw niya?. Parang binuhusan naman ako ng dalawang baldeng malalamig na tubig sa nalaman ko. Hindi ako makapaniwala na may iba pang manliligaw sa kanya. Hindi na ako nagulat dun, kasi sa ganda ba naman ni Yesha pero..pero si Kendrick Villanueva!? Naloko na!!. Lumapit na sa kanya si Yesha at lumingon siya saglit para magpaalam. Kumaway siya sa akin habang ako ay di makaalis sa kinatatayuhan ko. At si Kendrick naman ay nakatitig lang ng masama sa akin na para bang may nagawa akong napakabigat na kasalanan. Sh*t!!napamura ako sa takot. Mahirap kalabanin ang taong yun. !pero hindi ako papayag !hindi ako susuko!gagawin ko pa rin ang sinabi kung liligawan ko si Yesha!!lalaban ako kahit pa na ipapatay ako ng Kendrick na yun!!kahit na magpatayan pa kami ng gag*ng lalaking yun. Bumalik lang ako sa ulirat ng may nanghampas ng aking balikat. P*tang ina naman oh!!sino ba yang naghahampas na lang ng bigla?!. Napalingon ako at nakita ko si Lex na nakatitig sa akin na para bang naaawa sa akin. "Yan sana ang sasabihin ko sayo kanina eh. Nililigawan ni Kendrick Villanueva na si Yesha. Kaya kung ako sayo, itigil mo na yang panliligaw mo sa kanya para na rin sa iyong kapakanan. " ani niya sa akin. "NO!! nasimulan ko na to!!hindi ako magpapatalo sa lalaking yun!!tignan lang natin kung sino ang mananalo sa amin." Sagot ko sa kanya. Naglakad na ako ng palayo kay Lex at sumusunod naman siya sa akin hanggang sa makalabas kami ng Campus. Pagkauwing pagkauwi ko ay dumeretsyo kaagad ako sa aking kwarto. Ano na gagawin ko? Hindi lang pala ako ang nangliligaw kay Yesha! Pati rin pala ang kilala at kinatatakotang si Kendrick Villanueva!. Humiga na muna ako sa aking kama para mapag isip isip. Kailangan ko na bang itigil ang panliligaw ko sa kanya? Mahirap kasing kalaban ang taong yun eh. Baka kung ano pa ang gawin niya sa akin. Pero kahit na ganun, hindi ako pwedeng sumuko! Meron naman akong pag-asa kay Yesha eh. Palagi ko siyang nakikita at nakakasama oras oras at minu minuto. Kaya hindi ako susuko!. Hindi ako susuko dahil mahal ko si Yesha Martinez!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
133.7K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
445.0K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

NINONG III

read
364.6K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
536.8K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.6K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook