Chapter 19 Akeem’s Pov: Nandito ako ngayon sa Classroom. Kasama ko syempre kundi sina Lex, ang kambal at sa harap naman namin si Yesha. Nagkwekwentuhan kaming apat ng humarap si Yesha para makisali sa aming usapan. Kwentuhan lang kami kung ano ano. Sinabi na rin nila ang mga requirements na dapat ipasa. Hindi nga ako pumasok ng tatlong araw diba.? Ang dami ko pa lang na miss na mga quizzes pero sabi nila, pwede daw akong kumuha ng special quiz kasi naintindihan naman nila kung bakit absent ako eh. Ang problema ko na lang ngayon ay kung saan ako hihiram ng notes. Buti na lang nandyan si Lex at pinahiram niya sa akin ang mga notes niya. Wala naman akong aasahan sa kambal kasi una, di pa kami masyadong close at pangalawa, mga tamad mag notes tong kambal eh kaya wala. Wala naman ako makukuha

