Chapter 21 Kendrick Pov: Katatapos lang naming kumain ng agahan. Yaman man lang at may dala kaming mga damit hanggang linggo, kaya napag-usapan na dito muna kami ni Shinji. Ang saya no? Wahaha.. Umakyat muna kami ni Jaycee para maligo. Pupunta kasi kami sa paaralan para magpaliwanag sa nangyari kahapon. Pagkatapos maghanda, sabay kaming pumunta ni Jaycee sa school. Medyo may kaba din akong nararamdaman. May pagkamalupit din kasi ang adviser namin eh. Pagdating namin sa office ni sir Mariano, nadatnan namin siyang nakaupo at may tinitignan na mga papel sa mesa. "Goodmorning sir." Sabay naming pagbati sa kanya. Napaangat naman siya ng kanyang ulo. Di namin mawari ang kanyang mukha. Mukhang galit na parang naaawa. Tumayo siya sa pagkakaupo at niyaya niya kaming umupo. Pagkaupo naming ta

