Chapter 26 Akeem’s Pov: Halos isang buwan na nang magkaayos at maging kami ni Kendrick. Sa loob ng mga panahon yun, dun ko naramdaman ang saya at sarap ng pagmamahal. Hindi nagkulang si Kendrick na paligayahin at ipakita kung gaano niya ako kamahal. Madalang na rin na makita namin si Lex. Ewan ko kong bakit. Gusto ko rin sana siyang makausap pero palaging hindi kami pinagtatagpo ng tadhana. Ilang beses ko na rin siyang pinuntahan sa kanilang bahay pero ang palaging sinasabi ng mga katulong nila ay wala si Lex,may pinuntahan o may inaasikaso. At ngayon nga, katatapos lang ng finals namin. Nakakadugo ang laban sa mga subjects namin pero ok lang kasi may kasama akong nag-aral . Alam niyo ba kung sino? Si Kendrick lang naman. Palagi nga siyang nasa bahay eh. Parang bahay na rin niya kung u

