Tagumpay kaming nakarating ng Viewfort. Mala-bundok ang venue na ito dahil mataas. Madalas ko itong nadadaanan sa tuwing uuwi ako ng San Pedro. Pero ito ang first time na makakapasok ako dito. Masasabi ko na ang ganda dito. Parang kasal o debut ang pupuntahan namin dahil ganoon ang ambiance pagkapasok namin dito. May hotel din pala dito sa loob.
Maingat na pinark ni Finlay ang kaniyang sasakyan sa Parking Lot. Kinalas niya ang kaniyang seatbelts at naunang lumabas. Kinalas ko na din ang sa akin pagkatapos ay hinintay ko lang siya hanggang sa nagawa nga niya akong pagbuksan ng pinto. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin na hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon.
"And we're here, babe." Bulong niya sa aking tainga.
Hindi ko magawang sumagot sa pamamagitan ng salita. Instead, I smiled. Unti-unti na naman nabubuhay ang kaba at takot sa aking dibdib. Napalunok ako. Heto na, judgement night ko na! Makikilala ko na ang kamag-anakan ni Finlay. Maliban sa mga pinsan niya dahil nakilala ko na sila noong nakaraan lang.
Sabay kaming naglakad patungo sa venue kung saan gaganapin ang birthday party ng kapati ni Keiran. Alam kong narito din si Naya, atleast, may makakasama ako mamaya.
"Finlay! Pasha!"
Tumigil ako sa paglalakad nang bumungad sa amin sina Fae at ang kapatid nitong si Archie. Semi-formal din ang kanilang suot. Sabay nila kaming dinaluhan.
Medyo nagulat ako nang biglang hinawakan ni Fae ang mga kamay ko. "Oh my! Mas lalo ka gumanda! Buti nakarating ka. Yehey!" Bulalas niya.
Lihim ko kinagat ang aking labi. Nahihiya.
"Nag-umpisa na ba?" Tanong ni Finlay sa kanila.
"The party will be start in few minutes." Si Archie ang sumagot. "Let's go inside. Tita Fiorella was looking for you. And tito Kyros wasn't here."
Bumaling ako sa Finlay. Wala akong narinig na kung ano mula sa kaniya sa halip ay tumango lang ito na tila naiitindihan niya ang ibig ipahiwatig ni Archie sa kaniya. Ramdam ko ang pagsuyo niyang hinawakan ang aking bewang.
"Are you going to introduce her, cous?" Nakangiting tanong ni Fae sa kaniya.
"Yeah." Sa akin naman tumingin sa akin si Finlay. "Don't worry, nasa tabi mo lang ako, babe."
Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Let's go." Ayaw ni Archie.
Sumang-ayon kami. Pinauna na namin ang magkapatid habang kami ay nakasunod lang sa kaniya.
Kung anong ineexpect ko kanina ay nalagpasan iyon. Mas maraming tao ang dumadalo sa kaysa sa inaasahan ko. Engrande pa ang pagkaset-up sa venue! May mga nakikita din akong mga celebrities dito! My goodness, ano bang meron sa mga Ho at bakit ganito?!
Mas humigpit ang pagkahawak ko kay Finlay.
"Hi, Finlay! Hi, Pasha!"
Si Naya! She's with Keiran and the others... Teka, parang si Flare Hoffman ang isa pa nilang kasama, ah? Oh my, siya ang sumisikat na singer ngayon!
"Hey!" Bati ni Flare sa amin. "Naks, may kasama si Finlay. Binata na."
Sumimangot ito. "Kung wala kang magawa, just shut up." Mas humigpit ang pagkakapit niya sa akin.
Tinatawan lang siya nito. May isang waiter na papalapit sa aming direksyon. Kumuha ang magpipinsang Ho na isang glasswine na may champagne. Binigyan naman ako ni Fae. Tatanggi sana ako pero sa huli ay tinanggap ko nalang. Nakakahiya naman dahil ininvite na nga nila ako't napaka-hospitable tapos ganito lang ang attitude ko.
"Sorry, Keiran. Wala akong dalang regalo para sa kapatid mo." Bigla kong sabi, nahihiya pa rin.
"It's okay, Pasha. Ang importante lang naman ay ang presence mo. Para makabonding ka namin kaya ininvite kita." Sagot niya habang nakaakbay siya kay Naya.
Isang maliit na ngiti ang ibinigay ko. "Salamat."
"By the way, where's tita Miranda?" Si Finlay naman ang nagtanong.
"Near at the stage. She's with tita Fiorella, and speaking, she's looking for you. Magpakita ka na sa kaniya."
"Alright." Sa akin anman niya nilipat ang kaniyang tingin. "Let's go, babe. I want you to meet my mom."
Kahit hindi ako nagsalita ay kusang sumunod ang aking katawan. Pabilis ng pabilis ang t***k ng aking puso. Anytime na yata pwede nang sumabog ito. Oh my, heto na talaga!
May natatanaw kaming apat na na babae sa iisang mesa. Masaya silang nag-uusap habang may mga hawak silang mga kopita. Pero hindi ko maipagkaila na magaganda sila! Mala-Alice Dixon ang aura nila! Parang walang bakas na katandaan o ano. Siguro dahil maalaga sila sa kani-kanilang katawan. But I feel intimidated!
"Good evening, mom, titas." Finlay greeted them. "Mom..."
Lahat sila ay mapatingin sa amin. Napangiti sila at sa akin sila napatingin. Parang namangha sila na ako ang kasama ni Finaly.
"Oh, Finlay! Anak!" Bati sa kaniya ng isang babae na may nunal sa gilid ng mata. A-ang ganda niya... Parang mag-ate lang sila ni Finlay kung ipagdidikit mo silang dalawa! Bumaling ito sa akin. Mas lumapad ang ngiti niya. "Siya ba ang tinutukoy ng mga pinsan mo?"
"Yes, mom. I wanna introduce to you, Pasha Cardoso, my girlfriend. Babe, this is my mom. Maria Fiorella Hochengco but everybody calls her Mrs. Fiorella Ho."
"I-it's nice to meet you, M-Madame Fiorel—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko!
"Finally! Ikaw pala ang nakakuha ng atensyon ng anak kong ito!" Sabi niya. A-anong... "Ang akala ko, rumors lang nina Kal na may girlfriend na ang anak ko, 'yon pala, totoo nga! And please, call me tita Fiorella nalang!" Bulalas niya. Bumaling siya sa mga kasama niya. "Miranda, Vickie, Susan, look, may girlfriend na sa wakas ang anak ko!"
Ngumiti ang mga ito sa kanila. Bakit ganoon? Bakit parang wala akong nararamdaman na kaplastikan sa mga reaksyon nila?
"Sayang wala si Kyros dito para maipakilala mo din siya, Finlay." Wika ng babaeng mala-porselana ang kutis! "By the way, I'm Miranda and I'm Keiran and Russel's mother. Naya's soon to be mother-in-law." Saka bumungisngis siya. Wait, siya pala ang tinutukoy sa akin dati ni Finlay na second wife ni Damien Ho!
Hindi ko magawang sumagot. Parang umurong ang dila ko. Grabe, ganito pala ang feeling kapag meet the parents! Somehow at first, I was intimidated by the but I didn't expect this kind of situation! They are friendly!
"Finlay, ikaw ang sumundo kay Pasha sa kanila, ikaw din ang maghahatid. And please, take care of your girlfriend." Paalala ni Madame Fiorella sa kaniya.
"Of course, mom. I will" Nakangiting tugon niya sa kaniyang ina.
"Sasama ba siya sa bakasyon ninyo sa Bacolod?" Madame Miranda asked.
"Ipagpapaalam ko pa po siya sa kanila, tita."
"Oh I see. Tama iyan." Sabi ng isa pang babae na katabi lang ni Madame Vickie.
"She's tita Susan. Kal's mom. Tita Caelia which is Fae and Archie's mom and tita Idette, Vladimir's mom wasn't here." Bulong niya sa akin. Ngumiti siya. "I told you, they wouldn't harm you."
Hilaw akong ngumiti at tumango. Sa tagpo na ito ay gumaan ang aking pakiramdam. Mabuti nalang talaga ay mababait ang mga kamag-anakan ni Finlay. I'm still wondering, ano kaya ang ugali na mayroon ang tatay niya? Istrikto ba?
"And they are!" Bulalas ni Madame—I mean tita Fiorella.
Sabay kaming napalingon ni Finlay. Palapit sa amin ang mga pinsan niya. Including Naya and Flare!
"Hi, titas!" Masayang bati ni Flare sa kanila.
"Hello, Flare! Good timing, narito na kayo." Wika naman ni Madame Miranda.
"Well, where's the birthday boy?" Nagtatakang tanong ni Finlay sa kanila.
"Actually, the birthday boy is already sleeping..." Si Fae ang sumagot.
Kumunot ang noo ko. Ano? Tulog na ang birthday boy?! Medyo naguguluhan na ako!
"Well, kanina pa tapos ang birthday celebration ni Russel..." Wika ni tita Fiorella na ngayon ay malapad na ang ngisi. "Isinabay ko lang ang pinakahighlight ng party na ito."
"W-what do you mean, mom?" Kahit si Finlay ay nagtataka na.
Bago man ito sumagot bigla kaming hinawakan ng magpipinsan.
"Anong ibig sabihin nito?" Tanong niya sa kaniyang ina. "Mom?!"
Huminga ito ng malalim saka tumingin sa amin na nanatiling nakangisi. "Well, two of you are the highlight of this party, my dear son, my dear soon to be daughter in law..."
"Ano bang pinagsasabi ninyo?"
"Oh, Finlay... I've already told your father about this and he gave me a permission, two months ago..."
"Direct me to the point, mom." Bakas na sa boses niya ang inis. "Anong sinabi mo kay dad?"
"Na ipapakasal kayong dalawa ni Pasha, soon or after Pasha's graduation... Pero naisip ko, gusto ko na rin magkaapo mula sa inyo—"
"WHAT?!" Sabay naming reaksyon ni Finlay.
"Totoo. Please get them in the reserved hotel room." Utos niya sa magpipinsan.
Kumilos ang mga ito habang hawak-hawak nila kami. Ilang beses na kaming nagpupumiglas pero wala, bigo kami. Ilang beses na din minumura at sinisigaw ang mga pinsan niya pero tila bingi ang mga ito.
Sabay nila kaming hinagis sa malapad at malambot na kama. Pabangon na sana kami nang inunahan kami ng magpipinsan! Agad nilang sinara ang pinto ng hotel room. Sinubukan naming ipihit ang pinto pero naka-lock na ito! Anong...
"If I break this door, I'm gonna kill you, fuckers!" Inis na bulyaw ni Finlay sa kanila which is ikinagulat ko. Ganito pala magalit si Finlay...
He sighs and look at me. Nilapitan niya ako. "I'm sorry for this, babe. I have no idea..."
Inilapat ko ang mga labi ko at tahimik na tumango.
Ang ineexpect ko lang naman ay tanggapin ako ng pamilya ni Finlay pero hindi ko inaasahan ito...