Panay hingi ng paumanhin sa akin ni Finlay. Hanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa hotel room kung saan kami ikinulong ng kamag-anakan niya. Alas diyes na ng gabi, hindi pa rin talaga nila kami pinagbuksan ng pinto. Kahit siya ay hindi niya alam kung totohanan ang sinabi ng mama niya.
"Anong gagawin natin, Finlay?" Tanong ko sa kaniya habang nakaupo siya sa couch, habang ako naman ay nasa gilid ng kama.
Ginulo niya ang kaniyang buhok habang kinukulikot niya ang kaniyang cellphone saka bumaling sa akin. "Sinubukan ko silang kontakin pero wala talaga. Out of coverage area." He answered. Tumayo siya't hinubad niya ang kaniyang coat. Ipinatong niya iyon sa couch. Tumalikod siya sa akin at nakapameywang saka huminga siya ng malalim habang nakatingala siya sa kisame.
Inilapat ko ang mga labi ko. Umalis ako mula sa pagkaupo ko sa gilid ng kama. Nagpasyahan kong pumunta muna sa banyo. I need to compose myself. Wala akong nakuhang tanong mula sa kaniya.
Marahan kong isinara ang pinto at sumandal. Napatingala din ako sa kisame at napapikit ng mariin. Hindi ko talaga inaasahan na ganito ang mangyayari. Ang ipinagtataka ko lang, bakit humingi ng permiso si Madame-I mean tita Fiorella sa tatay ni Finlay? Anong meron sa dalawang buwan na iyon? Gusto ko sanang itnaong tungkol doon pero wala lang akong lakas ng loob. At saka, mukhang frustrated na din si Finlay dahil sa sitwasyon ngayon.
May nakakuha ng aking atensyon. Isang maliit na box at talagang may ribbon pa. Umalis ako mula sa pagkasandal ko sa pinto para daluhan ko iyon. Hinawakan ko iyon at may nabasa akong maliit na card na naglalaman ng mensahe.
Enjoy your wonderful night, cous. We're waiting for our nephew! Good luck!
- Hochengco Fam
Anong ibig nilang sabihin? Dahil na din sa koryusidad ay hinila ko ang laso hanggang sa tagumpay kong nabuksan iyon.
Kumunot ang noo ko nang tumambad sa akin ang maliit na pakete na kulay asul. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat.
TRUST CONDOM.
Agad kong binitawan ang bagay na iyon at napasapo sa aking bibig. Kasabay na kumabog ang aking dibdib at pag-iinit ng magkabila kong pisngi.
What the f**k? Bakit ganyan?!
"Babe?"
Napukaw ang aking atensyon ang pagkatok ni Finlay sa pinto. Agad kong dinampot ang condom dahil sa pagkataranta at sinubukan kong itago kung saan man pwede pero wala. Makikita at makikita pa rin. No choice na ako, sinubukan kong itago sa loob ng aking damit. Inipit ko iyon sa aking bra. Hindi ko lang sigurado kung mahahalata niya iyon o hindi basta huwag lang niya makita ito! Juskme, ano ba itong ginagawa ko?!
"Babe? Are you alright?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Y-yes! O-okay na okay ako! Don't worry!" Sagot ko habang inaayos ko pa rin ang aking dibdib! Nakakahiya na!
Wala na akong paki kung masisira ang pakete. Mabilis kong dinaluhan ang pinto at binuksan iyon. Isang pilit na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Babe, sigurado ka bang okay ka lang?" He asked.
Lumunok ako saka mabilis tumango. "Oo naman, yes, babe!" Sagot ko.
He stunned for a moment. Parang nasopresa siya na ewan.
"F-Finlay?" Ako naman ang nagtataka nang tinawag ko siya.
Unti-unti sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi bago man niya ako sagutin. "You called me babe..." Aniya.
Napaawanga ng bibig ko. "D-dahil boyfriend kita, diba? Wala naman masama dooon, diba?" Ano ba 'yan, saan na ba napupunta ang topic na ito?!
Marahan niya akong niyakap saka hinalikan niya ako sa noo. Imbes na masusweetan ako sa moment na ito, ang tanging concern ko lang ay 'yung condom sa may dibdib ko! Baka maramdaman niya! Agad din akong kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin.
"Babe?"
Ngumiwi ako. "Ano, g-gusto ko na sana magpahinga." Palusot ko.
Tila naitindihan niya ang gusto kong ipahiwatig. Agad kong dinaluhan ang kama nang muli siyang nagsalita. "Mukhang bukas pa nila tayo pagbubuksan." Sabi niya.
"H-ha?"
May ipinakita siya sa aking iilang pares ng damit sa may couch. "Mukhang pinagplanuhan nilang mabuti ito." Ngumiti siya. "Shower lang ako after ko, ikaw naman. Here's your clothes." Saka inabot niya sa akin ang damit pampatulog. Sandali, nighties ito, ah! "I know you're not comfortable with that. I'll let you borrow my polo."
Hindi na ako nagsalita. Sa halip ay tumango lang ako. Hinatid ko lang siya ng tingin habang papasok siya sa banyo. Ilang saglit pa ay rinig ko an ang shower mula sa loob. Kinuha ko ang opurtunidad na iyon para ilabas ang condom mula sa aking dibdib saka itinago ko iyon sa ilalim ng kama.
Okay na siguro yan, hindi na niya makikita iyan. Buti nalang pala ay naunahan ko siya. Buti ako ang unang nakakita n'on dahil kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag na ipinahiram sa akin ni Amanda. Sinubukan ko siyang kontakin. Sana ay gising pa ang isang ito. At hindi nga ako nagkamali. Sinagot niya!
"Yes, Pasha?" Bungad niya sa akin mula sa kabilang linya.
Ngumiwi ako. "Amanda..." I released a small sighs. "Baka bukas pa ako makakuwi..."
"Oh? Why?"
Sasabihin ko ba sa kaniya ang sitwasyon namin ngayon ni Finlay? Na ikinulong kami ng kamag-anakan niya? Ng angkan niya? "Pinilit ako ng mama ni Finlay, eh. I'll give you details kapag nakauwi na ako bukas." Sabi ko.
"Ayie, sabi ko sa iyo, boto parents niya sa iyo! Oh sige, ingat!"
Ako na ang pumutol ng tawag saka ipinatong ko iyon sa side table na katabi ng kamang ito. Muli ako napabuntong-hininga. Nilapitan ko ang bintana at dumungaw doon. Napanguso ako nang tumambad lang sa akin ay ang high way. Wala rin akong makita ni isang pinsan ni Finlay.
Mukhang mapipilitan nga akong matulog dito ngayong gabi.
**
Kakalabas ko lang ng banyo ay nadatnan ko si Finlay na tahimik na nanonood ng tv habang nakasampang siya sa kama. Tulad ng kaniyang sinabi ay sinuot ko ang kaniyang damit kahit na maluwag ito sa akin. Binalewala ko iyon. Hanggang taas ng tuhod ng haba nito kaya okay lang.
"Akala ko matutulog ka na." Sabi ko sabay umupo ako sa gilid ng kama. Nakapagshower na din sa wakas.
"Nope. I was waiting for you." Sagot niya na may halong panlalambing.
"Pwede ka naman mauna sa akin matulog, eh."
"Hindi naman pwedeng ganoon, babe. Kailangan ay sabay tayo matulog." Lumapit siya sa akin at umayos siya sa higa. "I want you to sleep in my arms, babe." Sabay turo niya sa akin ang espasyo ng kama na katabi lang niya.
Kusang sumunod ang aking katawan. Magkaharap kami habang nakahiga. Niyakap niya ako habang nasa ganoong posisyon kami.
"Babe," Masuyo niyang tawag sa akin.
"Hm?"
"Don't mind my family. Sometimes they're crazy as hell." He plant a kiss on my forehead. "Sa oras na ginawa ko ang gusto nila, para kinuha ko na din ang pangarap mo."
Tiningnan ko siya. Nagtama ang mga tingin namin. "Finlay..."
"Babe, you are important to me. Mas inuuna ko ang kagustuhan mo bago ang sa akin." Sabi niya habang hinahawi niya ang mga takas kong buhok. Ngumiti siya. "But I'm planning to marry you once you are graduated."
"Hindi kaya masyadong maaga iyon, Finn?" Tanong ko.
"Wala na akong hinahangad pang iba, Pasha. Lahat ng saya na mararanasan ko, gusto ko kasama ka. I want to share everything with you. Masaya man o malungkot."
I wasn't able to speak. Wala akong makapang salita para sagutin ang mga matatamis na salita na binitawan ni Finlay. "I love you so much, Pasha. One day, I will asking you to marry me."
**
Kinaumagahan din iyon ay sa wakas napagbuksan na kami ng pinto. Ang akala ko pa nga ay susugurin o awayin ni Finlay ang mga pinsan niya dahil sa nangyari kagabi. Ang akala ko din ay umalis na sila pero nalaman nalang namin na dito din sila nag-overnight.
Hawak-hawak ni Finlay ang kamay ko habang papunta na kami kung nasaan ang mga mommy nila dahil sabay-sabay na daw kami magbreakfast.
"Good morning, son, my future daughter-in-law!" Magiliw na bati sa amin ni tita Fiorella. "Here, seat and let's enjoy the breakfast."
Sinunod namin ang sinabi niya. Hinila ni Finlay ang isang upuan para paupuin pagkatapos ay tumabi siya sa akin. Lumapit ang iilang staff ng resto para bigyan kami ng maiinom.
"So, how's is it going? Magkakaroon na ba ako ng apo?" Excited na tanong ni tita Fiorella.
Sumulyap ako kay Finlay na ngayon ay nakasimangot. "Your mission failed, ma. And please don't ever do that again. Tinatakot ninyo si Pasha."
Umukit ang pagkadismaya sa mukha niya. Sa akin naman siya bumaling. "I'm so sorry, iha. I was just desperate. Naiinggit na kasi ako sa mga amiga ko na may mga apo na lalo na't mga baby pa ang mga iyon." She said sincerely. "Ano ba dapat kong gawin? Mamanhikan ba muna kami para mabigyan ninyo na ako ng apo?"
Mas lalo ako nagulat sa sinabi niya!
"Ma..." Suway sa kaniya ni Finlay
"What's wrong with that? Kung conservative ang pamilya ni Pasha, well, sundin natin ang tradisyon nila..."
"Hindi pa namin iniisip iyan sa ngayon. Bago palang kami ni Pasha. Hindi ba masyadong maaga para sa kasal na iyan? Hayaan ninyo muna kaming makilala pa namin ang isa't isa."
"Anak, makikilala ninyo pa rin ang isa't isa kapag mag-asawa na kayo." Pagrarason pa ni tita Fiorella.
"Fiorella, hayaan mo muna ang mga bata. Nag-eenjoy pa sila bilang magboyfriend-girlfriend. Tulad nito nina Keiran at Naya." Biglang sabi ni tita Miranda.
"Hmm, sige na nga. Naku, Finlay. Ngayon palang, sinasabi ko sa iyo, kapag nagbreak kayo nito ni Pasha, magagalit ako sa iyo ng tuluyan. Hinding hindi kita kakausapin."
Natawan naman kami sa inasal niya.
"Mukhang gustong gusto ka talaga niya para sa akin." Bulong ni Finlay sa tainga ko.
Inillapat ko ang mga labi ko. Pinipigilan ko ang sarili kong mapangiti.