chapter 11

1442 Words
Tulad ng bilin ni tita Fiorella, hinatid nga ako ni Finlay sa dorm. Inalok ko siya na pumasok or tumambay muna siya tutal naman ay nasa loob si Amanda pero tumanggi siya. Kailangan ko daw magpahinga ng mabuti. Wala na rin akong magawa. Hindi ko nalang siya pinilit. Para na din makapagpahinga na din siya sa kanila. Nagbilin lang ako sa kaniya na mag-ingat sa pagdadrive pauwi. Sinalubong ako ni Amanda at talagang kwento ang gusto niyang marinig sa akin. Kaya habang nagbibihis ako ay nagkwento sa kaniya. Tawang-tawa siya sa akin lalo na 'yung part na nakita ko ang condom. Dapat nga ay hindi ko na ikukwento 'yon pero nadulas na ako. So I don't have a chance to take it back. "Nga pala, Pasha." Biglang sabi niya habang inaabot niya sa akin ang isang baso ng gatas. Tinanggap ko iyon. "Kagabi, pumunta dito si Ronald Bezerra. Hinahanap ka niya." Natigilan ako at tumingin sa kaniya. Bakas na hindi makapaniwala sa mukha ko nang marinig ko 'yon. Kahit na hindi ko tinanong ko kung bakit siya pumunta dito ay ipinagpatuloy pa rin ni Amanda na ikwento ang nangyari. "May dala siyang bulaklak, actually." Sabay turo niya sa akin ang plorera na nasa tabi lang ng study table ko. "Sabi ko sa kaniya, wala ka. Then he asking me your number pero hindi ko ibinigay dahil una, kailangan may pahintulot mo. Pangalawa, boyfriend mo si Finlay." Hindi ko magawang sumagot. Out of the sudden, bakit parang biglang umiba ang ihip ng hangin? I was a nobody student, pero ni minsan ay hindi ako pinapansin ni Ronald. Ang una't huli niyang pakikipag-usap niya sa akin ay noong napahiya ako bago man dumating si Finlay sa buhay ko. "Mukhang napapansin na niya ang lumilitaw mong ganda, my dear friend." Bumungisngis si Amanda. "Pero huwag mong kausapin iyon, ha? Hayaan mo lang siya." Tahimik akong tumango bilang pagsang-ayon. Mabuti pa nga sigurong huwag ka nalang pansinin si Ronald. Yes, I used to adore him. Hanggang crush lang talaga. Siguro dahil magaling siya sa paglalaro ng basketball. Naastigan lang ako sa kaniya na iyon ang ugat ng paghanga ko sa kaniya. Napukaw ng aking atensyon nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyon sinilip kung sino ang nagtext at hindi nga ako nagkamali ng hinala. Si Finlay nga ang nagtext. FROM FINLAY : Just got home, babe. Whatcha doin'? Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang mabasa ko ang mensahe na iyon. May parte din sa aking nararamdaman na nakahinga ng maluwag dahil safe siyang nakauwi sa kanila. Nagtipa ako ng mensahe para sa kaniya. TO FINLAY : Glad to know. Magpahinga ka na din. Salamat pala sa paghatid. Then I tapped send. Wala pang apat na minuto ay nagreply siya. FROM FINLAY : Don't mention it, babe. It's my duty as your boyfriend. "Naku, mapupunit na iyang labi mo sa kakangiti, ha?" Biglang sabi ni Amanda na may kasamang tawa. I twisted my lips, kasabay na pag-init ng aking pisngi. Agad ko siyang tinalikuran. Nakakahiya! Hindi ko namamalayan na ngumingiti ako na mag-isa. Nagiging ganito na yata ako dahil kay Finlay! * Nagpasya akong buksan ang f*******: account kinaumagahan bago ako pumasok. Tapos na din naman ako kumain. Pampalipas ng oras habang hinihintay ang pagdating niya dahil nasa routine na namin ang ihahatid-sundo na niya ako. Nakatanggap ako ng friend request mula sa kaniya. Hindi ako nag-atubiling i-confirm iyon. Wala pang limang minuto ay nakatanggapa ako ng abiso mula sa appilication na iyon. You and Finlay Manius Ho are now in a relationship. Halos malaglag na ang panga ko sa sahig nang mabasa ko iyon! Bumilis ang t***k ng puso ko dahil na rin sa, gulat. Napasapo ako sa aking bibig habang nanatili akong nakatingin sa screen ng cellphone ko! Asdfghjkl! Sunod-sunod nang notification na natanggap ko! May mga nag-like at mayroon ding mga comments. Lalo na ang mga pinsan niya! Kalous Espen Hochengco : Ayon, oh! Sa wakas, sakal na din ang kumag! Suther Travis Ho : Woooh! Painom na iyan mamaya! Archilles Thymir Hochengco : Saan ang ganap niyan, Finn? Fae Stefanie Ho : Isama ninyo si Pasha kapag may celebration na! Flare Hoffman : Invited ba kami d'yan? Keiran Dimitri Ho : Hindi ka kasama. Outcast ka dito. Btw, congrats, Pasha and Finn. Flare Hoffman : Hanggang ngayon ang sama mo pa rin sa akin. Sumbong kita kay Naya! Nayana Dianthe Alvez : Hahaha. Ewan ko sa inyo. Congrats, Finlay & Pasha! Vladimir Isaac Ho : Congrats! Text o pm ninyo ako sa celebration! Inilapat ko ang mga labi ko. Kahit na hindi ko sila nakikita at nakakasama, nakakaramdam ako ng hiya. Napasapo ako sa aking mukha. Ngayong isinapubliko na ni Finlay ang relasyon naming dalawa, hindi ko na alam ang susunod kong gagawin. Baka mas lalo magalit sa akin ang mga babaeng nagkakandarap sa kaniya. Muli ako nakatanggap ng notification. Agad ko iyon sinilip. May tinag sa aking litrato. Kamay ni Finlay habang hawak niya ang manibela! Nasa harap na siya ng dorm! At ang caption niya, "Here to pick up my girlfriend. Can't wait to see her beautiful face again." Naka-connect iyon sa i********: niya ang litrato na iyon. OMG! Bigla ako nataranta! Binilisan ko ang kilos ko habang palabas na ako ng dorm. Jusme, hindi man lang nagtext sa akin ang isang iyon na nandito na siya. Kaloka! "Good morning!" He greeted me cheerfully. Sinalabong pa niya ako ng yakap sabay halik sa aking noo. "Grabe ka, naka-public na ang mayroon tayo." Sabi ko sa malamyang boses. Taka siyang tumingin sa akin. "Why? I'm just proud to be your boyfriend and you are my girlfriend. I think there's nothing wrong with that." Ngumuso siya. "Alright, if you don't want it, I'll remove it..." "Huwag na. Hehe." Sabi ko. Bumalik ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Thank you, babe." As expected, naging trending ang relasyon namin ni Finlay. May mga natuwa, mas marami ang nainis, especially ang mga fangirls. May mga lumalapit na sa akin para makipagkaibigan. But not all of them are true. Alam kong lumalapit lang sila sa akin dahil boyfriend ko na ang isang Finlay Manius Ho. Kaya civil lang ako sa kanila. Hindi ko akalain na ganito ang status niya sa school na ito. Pilit kong mag-focus habang nasa klase ako. Buti nalang ay nakapag-advance reading ako minsan kaya nagagawa kong sumagot sa mga tanong mga prof. "Pabibo." "Whore." "Hindi, famewhore kamo." Natigilan ako sa aking narinig. Napalunok ako't lihim ko kinagat ang aking labi nang sabihin nila iyon sa harap ko. Nabalutan ng kalungkutan ang puso ko. Pasha, just face the consequences. Huwag ka magpaapekto. Nangako ka kay Finlay, hindi ba? Don't mind them. Hindi sila nakakatulong sa ekonomiya ng bansa! Bumuntong-hininga ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa ko habang nasa bench ako. May quiz kasi ako sa susunod ng subject. Vacant ko lang ngayon, may klase si Finlay kaya hindi ko siya kasama. Pero biglang inagaw sa akin ang hawak kong libro. Napatingala ako kung sino ang may gawa n'on. Medyo nagulat ako nang makita ko si Becca ang nasa harap ko. She's smirking. She's with her friends. "Talagang kinarir mo talaga na landiin si Finlay, ano?" Sabi niya na nakangisi. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko magawang magsalita o sagutin man iyon. "Ang akala mo, totoo ang sinasabi nila na from an ugly duckling, it turns into a beautiful and shimmering swan? Ha! Hanggang panaginip lang iyon. Parang ikaw, huwag kang managinip ng gising!" Sabay tulak niya sa akin. "Heto ang tatandaan mo, babae ka, hinding hindi ka nababagay kay Finlay!" Rinig ko ang tawanan sa paligid namin. Napayuko ako. Pumikit ako ng mariin. How I wish Amanda was here... Hindi ko sila magawang labanan... "Kung wala kang magawa, can you please leave her alone?" Rinig kong boses ng lalaki na hindi kalayuan sa amin. Agad kaming napatingin sa kaniya. Napaawang ang bibig ko nang makita ko dito ang lalaki na hindi ko inaasahan. "R-Ronald..." Mahinang tawag sa kaniya ni Becca. Humakbang siya palapit sa akin. Walang sabi na hinawakan niya ang isang kamay ko at mabilis kaming nakalayo sa mga nang-away sa akin. Sa may garden kami napadpad. Taka ko siyang tiningnan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko na siya. "Are you alright?" He asked. Agad akong napatingin sa daan. "Okay lang ako. Salamat..." Huminga siya ng malalim at ngumiti. "Buti nakita kita agad." Sabi niya. Mas lalo ako nagtaka sa sinabi niya. Bakit? Hinahanap niya ako? "Did you received the flowers?" Tanong pa niya. Kung hindi ako nagkakamali, ipinakita sa akin ni Amanda ang ipinakita niya sa akin iyon kahapon noong nakauwi ako sa dorm galing sa Viewfort. Kusang akong tumango. "Para talaga sa iyo iyon, Pasha." Dagdag pa niya. Muli ko siyang tiningnan. Mas lalo nagtaka. "P-para saan iyon?" Kusang lumabas nalang ang tanong na iyon. Mas lalo siya ngumiti. "I'm asking you to date with me." Diretsahan niyang sagot. Gulat ko siyang tiningnan. "May boyfriend na ako—" "I don't care. Hindi pa naman kayo kasal kaya may pag-asa pa ako sa iyo." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD