chapter 12

1581 Words
Hindi ko magawang magsalita habang nanatili ang tingin ko sa kaniya. Bakas sa mukha ko ang pagkabigla dahil sa mga sinabi niya. Hindi ba siya aware na may boyfriend na ako at si Finlay iyon? Ngumiti siya at umayos ng tayo ngunit hindi pa rin maalis ang tingin niya sa akin. "Mukhang nabigla nga yata kita. Hindi bale, sa ibang pagkakataon nalang siguro, Pasha." Sabi niya. Tinalikuran na niya ako hanggang sa tuluyan na siyang nakalayo sa akin. Kumunot ang noo ko. Napapaisip ako. Bakit bigla nalang din ito sumulpot sa buhay ko? I mean, oo, kilala ko siya pero kasi diba? Hindi naman niya ako kilala. Ang buong akala ko lang ay kay Finlay ko lang maeencounter ito pero kay Ronald din! Ano bang meron? Napabuntong-hininga na lang ako. Babalik ako sa bench para bawiin ang libro ko nang ramdam ko na nagvibrate ang cellphone ko. Agad ko iyon inilabas mula sa bulsa ng uniform ko. Tawag mula kay Finlay! Hindi ako nag-atubiling sagutin iyon. "Hello?" "Babe, where are you?" Bungad niya sa akin. "Wala ka dito sa mga bench. I'm looking for you." "Pabalik na ako d'yan." Sagot. "Wait lang." Pinutol ko na ang tawag ay naglakad na pabalik. Nadatnan ko si Finlay na nakaupo sa isa sa mga bench doon. He's looking around while waiting. He darted his eyes on me. Tumayo siya. Agad niya akong dinaluhan habang may hawak siyang pamilyar na bagay. Ngiti ang isinalubong niya sa akin. "Where have you been?" He worriedly ask. "Ang sabi sa akin, inaway ka daw. Is that true?" Napalunok ako. Tahimik akong tumango bilang sagot sa kaniyang tanong. "Sino ang nang-away sa iyo?" This time, naging seryoso na ang boses niya. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko saka hinalikan niya ang likod ng aking palad. "Tell me, Pasha...." "Si Becca..." Mahina kong tugon ngunit hindi ko pa rin magawang tumingin sa kaniya pabalik. "Ginawa na naman niya." Mariin niyang sambit. "H-huwag mo nang patulan, Finlay." Sabi ko, natataranta. "Pasha, anong sabi ko sa iyo dati? Kapag may nang-away sa iyo?" Natahimik ako. Natatandaan ko pa kung anong sinabi niya sa akin. Hinding hindi ko iyon makakalimutan. Nakatatak na sa isipan ko ang sinabi niyang iyon. Iyong tipong ipinagkaloob ko sa kaniya ang buong tiwala ko sa isang iglap lang. "Ang pinakaayoko sa lahat ay sinasaktan ang pinakamahalaga sa akin dahil ako mismo ay hinding hindi ko gagawin sa iyo iyon." Kalmado niyang dagdag pero ramdam ko pa rin ang pagsuyo nang sambitin niya ang mga salita na iyon. "Sorry," Mahina kong sabi. Masuyo niyang hinawakan ang magkabila kong balikat hanggang sa nagawa niya akong yakapin. Medyo naalarma ako dahil paniguradong may mga makakita sa akin pero hindi ko siya magawang itulak palayo. Hinayaan ko lang siya. "Wala kang kasalanan para humingi ng tawad." Mas hinigpitan niya ang pagkayakap niya sa akin. "Kahit na naiinis ako." Natigilan ako. Bakit siya naiinis? "May nagsabi sa akin na niligtas ka ni Bazerra mula sa nang-away sa iyo. I admit, I'm possessive, Pasha. Ayokong may humahawak na ibang lalaki sa iyo." Dahan-dahan kong inangat ang mga kamay ko. Dumapo ang mga palad ko sa kaniyang likod. "Pero sinabi ko sa kaniya na may boyfriend ako, Finn. Kaya huwag kang mag-alala." Sabi ko na dahilan para mapangiti siya. Napapansin ko na madalas ko nang nakakasalubong, minsan pa nga ay binabati ako ni Ronald Bazerra nang mga sumunod pa na araw. Hindi ko alam kung nagkataon ba iyon o sinasadya ba. Ilang beses na din niya akong kinukulit kung pwede ko na daw ba siyang pagbigyan na idate ako. But still, hind pa rin ako pumapayag dahil ayokong magalit sa akin si Finn. Sinusunod ko din ang bilin ni Amanda. Kahit na sabihin nating naging crush ko siya, pero may respeto ako sa boyfriend ko. At saka, parang nawawala na din ang paghanga na nararamdaman ko sa kaniya dahil mas binibigyan ko na ang atensyon ay si Finn. Kakatapos ko lang ng major subject ko ay medyo nagulat ako nang makita ko siya na naghihintay sa tapat mismo ng laboratory. Napayakap ako sa aking libro. "Hi, Pasha!" Nakangiting bati niya sa akin. Agad akong napatingin sa paligid. May namataan akong mga pares na mga mata na tila binabantayan ang bawat kilos ko. Agad ko din binawi ang tingin at nilayasan si Ronald. Ang akala ko ay hindi na niya ako susundan pa ngunti nagkamali pa ako. "Hey, Pasha. Bakit iniiwasan mo ako?" Rinig kong tanong niya. s**t lang. "Oy, Pasha." Tagumpay niya akong napigilan sa pamamagitan ng paghuli niya sa isang braso ko. Agad ko din binawi iyon. "Hinding hindi ako makikipagdate sa iyo, Ronald kahit anong kulit mo sa akin. Malaki ang respeto ko kay Finlay. Pasensya na." Malamig kong tugon. Bakas sa mukha niya ang pagkadismayado. "Wala pa akong ginawa, basted na agad ako sa iyo, Pasha?" "Tulad ng sabi ko, nirerespeto ko si Finlay. Nirerespeto ko ang relasyon na meron kami. So please, back off." Hindi ko mapigilang mainis nang sabihin ko iyon. Napabuntong-hininga siya. Isang maliit na ngiti ang iginawad niya sa akn. "Ganito nalang, baka pwedeng hingin ko nalang ang number mo?" Sabi niya. Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo. Bakit ba ang kulit ng lahi nito? Kakasabi ko lang, eh. Ay, teka. Biglang may sumagi sa isip ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa harap niya. Nagtataka siyang tumingin sa akin pero huli din ay napangiti din siya na akala mo ay natatanaw na niya ang pag-asa. Nilahad ko ang aking palad. "Akin na ang cellphone mo." Sabi ko. Agad niyang binigay sa akin ang kaniyang telepono. I tapped the number and take the phone back. "Ayan ang number ko. Alis na ako." Sabi ko. Agad ko siyang tinalikuran at didiretso na ako sa Parking Lot kung saan madalas naghihintay sa akin si Finlay. "Thank you, Pasha! Itetext kita, ha?" Pahabol pa niya. Pinili ko nalang na huwag pansinin iyon. "Babe!" Malakas na tawag ko sa kaniya nang malapit na ako sa kaniya. Napatingin siya sa akin habang nakasandal siya sa bumper ng kaniyang kotse. Umalis siya doon saka sinalubong niya ako ng yakap at halik sa noo. "Wala ka nang gagawin?" Nakangiting tanong niya sa akin. Agad ako umiling. Hindi maalis sa mga labi ko ang ngiti. "Wala na dahil finals na din naman next week. Medyo gutom nga lang ako." He chuckled. "Alright, let's look for a food. My princess is starving." Dumapo ang kaniyang palad sa aking bewang habang iginiya niya ako papasok sa kaniyang sasakyan. Ako na din ang nagsuot ng seatbelt habang hinihintay siya na makapasok na sa sasakyan. "May gusto ka bang kainin? Cravings?" Tanong niya nang buhayin niya ang makina. "Hm, trip ko sa Cup & Saucer Café," Nakangiting sagot ko. Tumango siya na nakangiti. "Alright, as my princess commands..." Then he stepped the pedal until we leave the place. Mocha frappé and pasta with grilled chicken ang sa akin. Samantalang kay Finlay naman ay Choco chip frappé and Gregory's taste carbonara ang inorder niya. Cozy ang lugar. Isabay pa ang mga acoustic na kanta na pinapatugtog dito. Bagay na bagay. Lalo na't alas syete na. Ayos! "Babe, kailan tayo pwedeng pumunta sa Laguna? Sa inyo?" He suddenly asked. Bumaling ako sa kaniya. Tumigil ako sa pagnguya. "Hm, this weekend. Pwede na siguro. Bakit?" "After finals, tutulak na tayo ng Bacolod for two days and we're going straight to Boracay." Sagot niya. Mas lumapad ang kaniyang ngiti. "Ipapaalam na din kita sa parents mo." Oo nga pala. May balak palang umalis ang mga Ho. Personal din nila ako ininvite na sumama doon. Para na din daw may kasama sina Fae at Naya. "Sige..." Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong lang sa mesa ng café. Kinuha niya iyon saka sinilip. Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo na parang nagtataka. Kinuha ko ang frappé ko habang nakatitig lang sa kaniya. "Sino 'yan?" Hindi mo mapigilang magtanong habang sumisipsip ng inumin. "Ronald Bazerra." He answered. "He's just saying hi. But I'm wonder how he get my number. We're not friends or so whatever." Ibinalik ko sa mesa ang inumin. Napalunok ako. Inilapat ko ang mga labi ko. "Binigay ko po." Pag-amin ko. Mas lalo siya nagtataka sa akin kung bakit ko ginawa 'yon. "Bakit?" Tanong niya ulit. Napangiwi ako. "He's persistent, Finlay. He keep asking me to date him but of course I turned it down. Then suddenly, kahit number ko nalang daw makuha niya sa akin. So I've got an idea. Instead number ko mismo ang ibigay ko, number mo nalang para hindi na niya ako makulit pa. Sorry." Ang akala ko magagalit siya ng tuluyan sa akin. Pero nagkamali ako. Napangiti siya at hindi niya mapigilan ang sarili niyang halikan ang labi ko. It's a peck! "I can't imagine you can do that, babe. I don't know that my girlfriend is so loyal." Malambing niyang sabi. "You made me so damn happy with that, Pasha." Hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong mapangiti dahil sa mga sinabi niya. Tulad niya ay saya at gaan sa pakiramdam ang nararamdaman ko. "I'll give a reward because of that." Dagdag pa niya. "Ha? Anong reward naman iyan?" "It's a secret, babe." Ngumuso ako. "Ang daya mo." "Alam kong hindi ka mahilig sa surprises. Pero wala nang thrill kapag sinabi ko agad sa iyo kung ano iyon." Sabi niya. "Hmm, sige na nga. Hindi rin naman kita mapipilit na sabihin kung ano iyon." Mahina akong tumawa. "Ay, balik tayo sa topic na pupunta tayo sa Laguna. Hm, wawarningan lang kita... Istrikto si papa lalo na si kuya." "Okay. Copy. And... What are their favorites?" "Ha? Kahit wala nang ganyan, Finn." "No, babe. Kailangan pati pamilya mo, liligawan ko." Napailing ako habang nangingiti-ngiti. Tila may kumikilit sa akin na ewan. Para akong nababaliw na ewan. Isa lang masasabi ko, hindi mahirap mahalin ang isang Finlay Manius Ho. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD