Akala ni Xylestine ay magtatagpo na ang landas nila ng Ex nya pero hindi pala iba pala ang nakatadhana sa kanya nung araw na yun
H abang naglalakad sa footbridge nang biglang napatigil ang mundo ko sa aking nakita at di ko na halos maigalaw ang aking mga paa pati yung puso ko parang sumali sa palarong racing. Ewan ko di ko alam nablangko nako.
Hanggang sa napabungtong hininga nako kasi nanginginig buong kawatan ko.Maya't maya pa bigla akong nagkarun ng lakas ng loob tumingin ng diretso sa daanan ko dahil medyo bulag nga ko nung malapit lapit na si kuya bigla na lang akong natawa na sa sarili puchaaa Xylestine ginagago ka na nga mga imahinasyon mo.
Pero atleast nasagot sa yung mga katanungan sa isip ko lagi na what if magkita kami ulit? Anu kaya mararamdaman ko? Magagalit kaya ko o maging masaya na lang para sa kanya? Solid talaga tong mga katanungan na to sa isip ko.
Ilang taon na kasi nakalipas may pandemya pa na di nakikisama sa pagmomove on ko but still andito pa rin sa sya isip at puso ko kahit sobrang sakit isipin kahit paulit ulit lang akong masaktan umasa. Pero walang araw na hindi ko hiniling na sana balang araw malay natin marinig ni Lord na sana tanggap na ng puso ko na sana di ko na maramdam yung galit,lungkot, at pagsisisi. Ito na tayo ih' katangahan natin kailan man di mawawala.
Pagdating ko ng office di pa rin mawala sa isip ko yung nangyari. Natatawa pa din ako at napapailing na lang. "Xy, yung presentation mo oks na ba? 1:00 pm dito na client natin" ani ni kelly sa kanya.
Dahil nga di pa rin sya nakakarecover sa kagagahan nya di na nya napansin si kelly na lumapit sa table habang nagsasalita nakayuko si Xylestine sa kanyang office table na natatawa pa din sa pangyayare kanina na ang buong akala nya ay nagtagpo na ulit ang landas nila ni Adrian.
Kinuha ni kelly ang kanyang phone at tinawagan nya itong si xylestine. Nagulat si xy sabay tanggal ng mga earphones nya pero nakatitig pa rin si kelly sa kanya. "Kels, okay ako pagod lang ako" ani ni xy.
Sabat naman ni kelly " Hoy ! Xylestine Macaraig Merced di kita kinukumusta at isa pa kakapasok mo pa lang pagoda ka na teh ! pinapaalala ko lang naman sayo yung presentation natin with client before 1:00 pm po teh ha get ready then go go go na ! Chaka isa pa anu na naman yang inaarte mo? Tantanan mo ko ah' mamaya pagtapos ng meeting natin saka na kita kilalaning kaibigan gets mo? Now, ayusin mo na yang sarili mo dahil within 15 minutes andun na yung future natin gurl nakikita ko na nararamdaman ko na kaya ayos-ayusin mo na yang buhay mo." Ani ni kelly.
Di na nakapagsalita si Xy at agad na itong nag-ayos ng kanyang sarili at pumunta na ng conference room dala dala mga materials at laptop nya para sa presentation.
Bago pa man magsimula ang kanilang meeting ay napansin agad ni Xy yung pumasok sa pinto isang makisig,matangkad,kaputian,may matang mapang akit, yung mga labing mamula mula na para bang gusto mo ng kagatin,at isa pa malayo pa lang amoy mabango na agaw pansin talaga mapapatingin ka dahil sa lakad at tindig pa lang nito halatang napakalakas ng karisma at suplado.
Hinawakan at sinarado naman agad ni Kelly ang panga ni Xy dahil magsasalita na sana ito ngunit napatigil at natulala sa pagpasok ni Mr. De vera Sabay hampas naman ni Xy si kelly at nagtinginan ang dalawang magkaibigan na animo'y nag uusap sila gamit ang kanilang mga mata lamang.
Pinanglalakihan ng mata ni Xylestine si Kelly at suminyas ito na lumabas muna sila ng conference room. Nagpasintabi naman itong si Xy habang hawak na may paghila sa kamay ni kelly ." Good afternoon, Mr. De vera & Mr. Lui, this way sir make yourself comfortable sir,.Umm.. Please excuse us will just get our proposal documents sir then we can start na po.
Pagkaupo ng dalawang client ay nakakatunaw yelo naman ang mga titig ni Mr. De vera kay Xy na aniya'y parang hinihila si Xy palapit sa kanya pero supladong galawan pa din napapahawak sa baba si Mr. De vera lalong nakakaturn-on bawat mga kilos nya.
Dali dali namang nagmamadali si Xy at Kelly palabas. Paglabas pa lang ng pinto ay di na mapakali si Xy. "Kels, anu to? Kala ko ba matanda na si Mr. De vera? Sabi mo may edad na yun".
Sumagot naman si kelly "Besh, nawindang din ako besh yung anak yung pinadala chaka malay ko bang may tinatago pa lang yaman yang ka keribels mo ! Ang alam ko lang isa syang office staff ng admin sa dating work natin. Tara na ! Mamaya na tayo mag unli chika keneme sa usapan." Napahawak na lang sa noo si Xy at pumasok na pabalik ng conference room.
Mula pagpasok nung dalawang magkaibigang Xylestine at Kelly ay sinundan naman ito ng tingin ni Nick. Hanggang sa makaupo na sila ng biglang inilagay ni Nic ang dalawa nyang kamay na para bang nagdadasal na nanlilisik ang tingin kay Xy. Di naman mapakali si Xy, nanginginig na sa nerbyos kaya habang nagsasalita ito ay masyadong natetense sya dahil kailangang kailangan nya makuha tong project na to dahil kong hindi ay malaking kawalan tong account na to sa kompanya nila.
Nagsisimula na ang presentation ay nagtaas na agad ng kamay si Mr. De vera. " Are you okay Ms. Merced?" Ani ni Nick sabay umiling at ngumiti na para bang nang-aasar.
Nanlilisik naman ang mga mata ni Xy kay Nick sabay sabing "Do you mind if I'm not okay right now sir? " matapang na nilapitan si Nick sabay abot nung proposal documents at dumaan na may pasadyang daan ng kamay sa balikat ni Nick. Sabay bulong pa na "Stop annoying me okay just stop please".Di na nakaimik si Mr. De vera kinuha ang isang bote ng tubig ininom at napapalunok na lang sya ginawa ni Xy. Sa isip isip nya lalo sya hinahamon ng dalaga.
Sa kalagitnaan pa ng presestation ay naging parang naging smooth naman ang meeting na to.Pagkatapos pa ng meeting ay nagkanya-kanya na silang nakipagkamayan habang si Kelly naman ay nag-aabang para sa dalawa kung makikipagkamay ba itong si Xy. Dahil sa tagal na ng panahon na di nagkita itong si Xy at Nick ay mas lalong mag aabang ka rin talaga kung anu na kwento ng dalawa.
"Highly appreciated to our clients na kahit may bagyo ngayon ay andito pa rin Mr. De vera & Mr. Lui thankyou so much po".Ani ni Xy sabay nagpalakpakan ang lahat.
Lumabas na ang lahat at nagmamadali naman ito si Kelly para habulin si Mr. Lui para ma-settle na yung proposal nila. Habang nagliligpit naman si Xy ng kanya mga gamit ay ito namang si Nick ay kunwari may hinahanap sa bag pero ang totoo ay naghahanap lamang to ng tsempo na makalabas na ang lahat para malapitan na nito si Xylestine.
"Ehemmm have some coffee tine (Xy)?" Ani ni Nick. Si Nick lamang ang naiiba ng tawag nito kay Xylestine at kahit pa di nakamove on ay kahit papanu may panahon at pangyayari namang kinikilig ito. Subalit nung inalok ito ni Nick ay biglang nagsungit si Xy para kunwari di mahalata na kinilig sya.
"Mr De vera, Kung may kulang pa po sa presentation ko ? You can asked Kelly instead" sagot naman nito kay nick. Pero hinawakan ni nick sa braso at nilapit ang mukha nito na as in sobrang malapitan sa mukha ni Xy. At di na nakapalag si Xy namula na ang mga pisngi at di na lang ito gumalaw dahil alam nyang gagawin ni Nick paggumalaw pa sya.
Gawain na ni Nick to na pagnanggigil sya at pumalag pa ang dalaga ay hinahalikan nya si Xylestine. Sobrang kaba ang naramdaman ni Xylestine sabay niyakap naman ni Nick to at sinabing "Natuto kana Xy, namiss kita sobra"Ani ni Nick.
"Bitawan mo ko. Please nasa trabaho ako at di ako nakikipaglandian sa oras ng trabaho lalo't na client ka namin." Sabi ni Xy sabay tanggal ng kamay at tulak palayo kay Nick at di na nagpatumpik tumpik na umalis. Wala namang nagawa si Mr. De vera biglang pasok naman ng driver nya at sinabi " Sir, yung phone nyo po naiwan nyo sa kotse kanina pa po may natawag". Agad namang umalis na sila ng driver nya dahil may importante pa itong lakad.
Sa hallway ay bigla ng nagtawag ito si Kelly " Beshhh, Xylestine, Hoooyyyy!!! Xylestine anu madaling madali? Ay teka ! Teka lang kumapal ata blush on mo teh. Nakapagretouch kana agad nyan?" Mapang-asar na tanong ni Kelly. Napatigil si xylestine at nakatingin na lang kay Kelly parang gusto na nitong sabunutan si Kelly sa isip isip nya. " Alam mo ikaw? Ang dami mong alam. Tara na ! Libre mo ko kape ah' "ani ni Xy.
Dumaan naman sa harap nila si Mr. De vera na dire-diretso lang habang may kausap sa phone at para bang wala lang nangyari sa conference room. Nanggagalaitin naman itong si Xy. Bigla namang natatawa si Kelly at ang sabi "Dinaanan ka lang gurl? Hahaha tsura mo tehh affected ka? Jowa mo jowa?."
Napabuntong hininga na lang si Xy at sabay dumiretso na sila ng caffeteria.
Pagdating sa caffeteria ay umorder na si Kelly habang pumasok naman ng Restroom si Xylestine. Di rin namalayan ni Xylestine na nauna na palang pumasok si Mr. De vera sa Restroom. Mga ilang sandali pa sa di inaasahang pagkakataon ay sabay silang lumabas ng Restroom sa kaliwa ay for men while sa kanan naman ay women so magtatagpo talaga sila.
Habang may nilalagay si Xylestine sa bag nya palabas at si Nick naman ay hinahawi nya buhok nya ay biglang napatigil sa harap ni Xylestine." Di mo pa rin ba nakikita ang hinahanap mo." Ani ni nick. Napatigil naman si Xylestine sa ginagawa habang dahan dahan itong napatingin mula baba habang taas sa tangkad ba naman ni Mr. De vera.
. " Tssss.. habang dito ba naman Nick? Sinusundan mo ba talaga ko? Akala ko ba nagmamadali ka?." Sabat ni Xy. "Teka, teka lang muna Restroom to kaya kahit na sinu welcome dito at nauna ako sayo kanina hmm remember? So ikaw tine? Sinusundan mo ba ko? Nagmamadali ako pero I need time to pee naman siguro nuh? " Ani ni Nick.
Gusto pa sanang sumagot ni Xy pero nanggagalaitin na talaga sya sobra kaya nagwalkout na lang sya sabay hinahanap nya na lang si Kelly. Pangiti ngiti namang nang-aasar si Nick at hinayaan na lang si Xylestine.
"Hoy! Xylestine, itsura mo parang pasan pasan mo naman ang problema ng buong mundo. Ani ni Kelly kay Xylestine. "Nakita ko na naman kasi si Nick dun sa Restroom di ko alam kung nanadya ba o ewan nababadtrip ako" Sagot ni Xylestine.
"Ayiiieee, kinikilig na naman yang kepay mo teh.. hahahah oo nga pala may kukwento ka pala sakin di ba? Anu nga ulit yun " Ani ni Kelly.
Biglang sumigla naman si Xylestine nung nabanggit ni Kelly yung tungkol sa nangyari kanina sa footbridge. Naikwento lahat ni Xylestine at nagtawanan na ang dalawang magkaibigan after an hour nagkanya kanya na rin silang umuwi.