PROLOGUE
-YEAR 2000-
"H'waaaaaaaag maawa ka sa amin ng anak koooooo-------" Takot na takot na pagmamakaawa ni Ysabel sa lalakeng may hawak na baril, habang nakatutok sa kanila ni Seirena. Nagmamadaling iniabot ni Ysabel ang kaniyang bag sa lalake.
"Akin na rin yang selpon mo!" Angil na sigaw ng lalake sa kaniya at hinablot sa kanyang kamay ang bagong cellphone na regalo pa ng kaniyang asawa.
Pagkahablot kay Ysabel ng cellphone, hindi pa ito nakuntento at pinaputukan pa sya ng baril nito sabay takbo palayo.
Tinamaan si Ysabel sa bandang tiyan, pero hindi niya agad ito ininda, dahil paglingon niya, kitang-kita niya ang kanyang anak na limang taong gulang na nanginginig sa takot habang umiiyak.
"Anak ko, tahan na shhhhh. Ligtas ka na, wala na makakapanakit sayo." Pag alo ni Ysabel sa anak nitong takot na takot.
Sa oras na ito, wala na masyadong dumaraan na sasakyan at tao sa mismong kalsada kung saan sila naroon.
Hindi sya makapag lakad ng maayos dahil sa sakit na nararamdaman, likha ng pagkakabaril sa kanyang tiyan.
Habang akay-akay nya si Seirena na umiiyak, nanlalabo ang kaniyang paningin
Ang isang kamay niya ay nakasapo sa kanyang tiyan na duguan. Nakakaramdam na rin si Ysabel ng panghihina, kaya paika-ika na ang kaniyang mga hakbang.
"Anak, kapit ka lang kay mama ha, makakauwi rin tayo, malapit na konting lakad pa. Mahal ka ni mama Seirena ha, mahal ka ni mama. Lagi mo tatandaan." Sabi ni Ysabel sa anak, kahit na ang totoo ay malayo pa ang kailangan nilang lakarin. Habang unti-unti siyang nawawalan ng panimbang, hindi sinayang ni Ysabel ang natitirang lakas, niyakap niya ang kanyang anak, hanggang sa natumba siya at nawalan ng malay.