Chapter 25 Secret “So kumusta naman?” Napapitlag si Gabriel sa tanong na iyon ng kapatid ni Jhana. Nasa loob sila ng tahanan ng mga Cojuangco natuloy na rin ang pagpunta nila dito. “Season break kaya wala kaming practise.” Kaswal na sagot niya at saka inilagay ang dalawang kamay sa bakanteng bulsa ng kaniyang suot na maong shorts. Inilibot niya ang mata sa bakuran ng tahanan, napaka lawak nito at sa hindi kalayuan mattaanaw ang mga bodyguard. “No. What i mean is, hows your relationship with my sister?” Seryoso ang boses ni Janus. “I know that’s private, im just concern, Anjie told me that one of her friend saw you with your Ex.” Napalunok si Gabriel at tinignan si Janus na ngayon ay hinarap siya at tila nag tatanong. “I immediately told Anj that’s not true. I know you love Jhana. Am

