bc

Baby, you're my Destiny

book_age16+
1.8K
FOLLOW
6.8K
READ
family
age gap
friends to lovers
goodgirl
confident
sweet
bxg
enimies to lovers
friendship
sassy
like
intro-logo
Blurb

Jhana’s first meeting with the handsome but arrogant basketball star Gabriel Buenafe was a clash. Instead of asking an apology after he accidentally pushed her down the floor, he told her that she was overreacting, overdrammatic, and all the more, making a way to get his attention.

But he suddenly showed up, telling her he had found her wallet. He was asking for something in return—to treat him for a snack. Giving him what he was asking ignited a bigger mess in her life. Her girlfriend saw them together and assumed she was Gabriel’s newest girl. A lot of unpleasant words were thrown at her on social media, accusing her of being a come-hither and stealing boyfriend of others.

She would not leave Gabriel in peace and enjoy his good time after creating a big mess out of her. Not until he does something to clear her name. But as she was frequently tailing him, she also discovered a lot of good qualities about him. The man was sweet, thoughtful, and loving. He made her feel loved. They just realized they needed each other as if they needed air to breathe.

But everything turned into a nightmare when she discovered a big lie he was hiding from her...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
I’m Sorry “WAAHH! Go, Nathan!” malakas na tili ni Sharon, ang kaibigang matalik ni Jhana. “Sha, bakit mo naman ako isinama pa dito? Alam mo namang hindi ako fan ng basketball, `di ba?” Inip na inip si Jhana. Ang buong akala niya ay mamamasyal sila ni Sharon sa isang mall gaya ng sabi nito. Iyon pala, sa Araneta ang punta nila upang panoorin ang crush nito. Panay tili at sigaw lang ang kanyang naririnig, na lalong nakadagdag sa kanyang iritasyon. “Sayang ang ticket, loka. Saka alam mo namang super crush ko si Nathaniel Rubio, `di ba? Sayang, nagpakasal na siya last year. Hayst.” Nag-pout pa si Sharon na ikinakunot ng kanyang noo. “Tse! Tigilan mo nga `yang pagde-daydream mo.” At pakunwari ay binatukan niya ito. Malakas pa rin ang sigawan ng mga tao sa loob ng Araneta. Ayon kay Sharon, ilan sa mga manlalaro ngayong gabi ang napili para sa World Cup. Puspusan daw ang ensayo ng mga ito para sa nalalapit na tournament. Noon pa man ay hindi na siya interesado sa kahit anong sports. Hindi rin siya madalas makisaya kasama ng iba pang kabataan. Kadalasan nga ay tinutukso siya ng mga kaibigan dahil sa pagiging antisocial daw niya. “Ahhh!! Go, Tigers! Go! Go! Go!” Naiiling na lang si Jhana bago iniwan ang kaibigang halos mapatid na ang litid sa leeg para lang i-cheer ang pambatong koponan kung saan naroon ang crush nito. “Sha, CR lang ako.” Tango lang ang isinagot nito. Habang binabagtas niya ang daan papuntang palikuran ay sinulyapan niya ang mga manlalarong ngayon ay halatang pagod na pagod na sa kakatakbo at pakikipag-agawan ng bola. Hindi ko talaga ma-gets kung anong mayroon sa sports na ito at maraming nagkakandarapa makanood lang. Napadaan siya sa hallway kung saan napansin niya ang isang lalaking nakaasul na jersey. Nakaupo ito sa gilid at nakasandal sa pader. Mukhang napakalalim ng iniisip. Nagkibit-balikat lang siya. Dadaan na sana siya nang biglang tumayo ang lalaki, dahilan para ma-out of balance siya. Paano ba naman kasi, nasagi siya nito at mukhang ibinalya pa. “Aray! Anak ng—” Hinimas-himas niya ang nasaktang balakang nang bumagsak siya sa sahig. Hindi nagsalita ang lalaki. Parang walang pakialam na tiningnan lang siya. “Hindi mo ba nakitang dumadaan ako? Hindi ka nag-iingat. `Kainis `to.” Tinarayan na niya ang lalaking ngayon lang niya napagmasdan. Sobra palang tangkad nito. Marahil ay nasa five-eleven o six footer. “Let me help you.” Inilahad nito ang kanang kamay upang tulungan siyang tumayo. Ngunit marahas niyang tinabig ang kamay nito. Nagulat ang lalaki. “Kaya kong tumayo.” Namaywang siya nang makatayo na. “Ikaw, Mister, sa susunod, mag-iingat ka, ha?” “Ang arte nito,” mahinang sabi ng lalaki pero narinig niya. “Ano’ng sabi mo? Ikaw na nga ang nakasakit, ikaw pa ang mayabang. Letse!” At tumalikod na siya upang mag-CR. “Nagpapapansin ka lang yata, eh. Sorry, Miss, hindi kita type.” Napanganga si Jhana sa tinuran nito. Muli niya itong hinarap habang nanlalaki ang mga mata. “Bakit, sino ka ba para magpapansin ako, ha!” Umiling ito bago ngumiti. “You don’t know me? I bet you’re lying.” “Yes, I don’t know you, Mister. Bakit, sikat ka ba? Artista ka ba para makilala ko?” Kung makatayo siya sa harap nito ay ganoon na lang. Hindi siya na-intimidate sa taas nitong malakapre samantalang nasa five-one lang ang height niya. “Okay, hindi mo ako kilala pero nanonood ka ng basketball?” Naipaikot na lang niya ang mga mata. “Mister, wala akong pakialam sa `yo. Bye.” At tuluyan na niya itong iniwan. “I’m sorry. By the way, I’m Gabriel Buenafe,” pahabol nito. Hindi niya ito nilingon. Dire-diretso siya sa rest room. Paglabas ng rest room ay wala na doon ang lalaki. Maayos siyang nakabalik sa puwesto nila ni Sharon. Itinuon na lang niya ang atensiyon sa panonood ng sports na kahit kailan ay hindi niya kagigiliwan. “Sha.” Kinalabit niya ang kaibigan na tutok na tutok sa panonood. “Ano? Malapit nang matapos, bes. Fourth quarter na.” Hindi man lang siya nito nilingon. “Sino `yan? `Yong naka-blue jersey, number nineteen?” “Ah, si Gabriel Buenafe. Star player din last year. Magaling din, pero mas guwapo ang crush ko.” “Hala.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kaibigan. Si Gabriel Buenafe nga ang naglalaro, isang basketbolista. Moreno, kalbo, at may-kalakihan ang katawan. Ang lalaking nakabangga niya kanina. “Bakit?” Hinarap siya ni Sharon. “Ah, wala.” Kinagat na lang ni Jhana ang ibabang labi, nakaramdam ng hiya. Kilala palang tao ang tinarayan niya. Pero siya naman ang nauna, ah. Ang hangin niya masyado. Narinig nila ang malakas na tunog. Humingi ng time-out ang kabilang koponan. Nakita niyang tumingin sa paligid si Gabriel, tila may hinahanap. Hanggang sa napatingin ito sa gawi nila. Sa bandang unahan kasi sila nakaupo. At nagulat siya nang tanguan siya ng lalaki. Naka-focus pa naman ang camera dito. Kaya naman itinutok ng cameraman kung saan nakatingin si Gabriel. Nag-flash sa screen ang mukha niya, na ikinagulat ni Sharon. “Wait. Jha, kilala mo si Gab?” “Ano? Hindi, ah. Tinatanong ko nga sa `yo kanina, `di ba?” Nag-init ang kanyang mukha. Muli siyang nag-angat ng tingin. Kumaway si Gabriel sa gawi nila. Sino’ng kinakawayan ng gunggong na `to? Lumingon siya sa likuran, saka ibinalik ang tingin dito. “Ako ba?” turo niya sa sarili. Tumango ito. Tumutok ang tingin ng mga tao sa kanilang dalawa. Ano’ng problema nito? Biglang tumunog ang bell, hudyat na magpapatuloy ang laro. Kaya naman hindi na sila muli pang nakapag-usap ni Gabriel, kung pag-uusap nga bang matatawag ang ginawa nila. Pagkatapos ng laro ay nagmamadaling lumabas si Jhana sa lugar na iyon. Panay kasi ang tili ni Sharon dahil sa pangungulit tungkol kay Gabriel na hindi naman talaga niya kilala. “Bakla, paano mo na-meet si Papa Gab? Kumakain ba siya sa resto?” tanong ni Sharon nang makauwi na sila sa tinutuluyang dorm. “Hindi ko siya kilala. Nakabunggo ko lang kanina no’ng nag-CR ako,” aniya at itinuloy ang pagbibihis. “Ah. Grabe. Dapat nagpa-autograph ka.” “Hindi nga niya ako fan at hindi ko rin siya kilala, bakit ako magpapa-autograph?” bale-walang sabi niya. Napanganga si Sharon. “Weh? Hindi mo talaga siya kilala? Sunod siya sa kaguwapuhan ng ultimate crush kong si Nathan Rubio, `no?” “Ewan ko sa `yo. Pero nakita mo ba `yong wallet ko? Kanina ko pa hinahanap. `Buti, ikaw ang nagbayad sa jeep.” Umiling ang kaibigan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook